She's A Nerd And A Secret Gangster Chapter 31

Caitlin's POV

Bumangon ako sa kama...Teka kama? tumingin ako sa paligid at nasa kwarto pala ako. Ang alam ko nasa van ako. Pumunta na ako sa banyo at ginawa ang daily routine ko. Bumaba na ako at pumunta sa kusina, nagutom kasi ako.

Manang: Gising ka na po pala mam! may kailangan po ba kayo?

Caitlin: wala po! nagutom lang po ako!

Manang: Aahh sige po, ano pong gusto nyo?

Caitlin: ayy! wag na po, ako nalang po ang mag luluto

Manang: ako nalang!

Caitlin: hindi na nga po, ako na!

Manang: oh sige!

Caitlin: magpahinga nalamg po kayo!

Manang: oh sige!

Umalis na si Manang at naghanap ako ng pwedeng lutuin. Naka hanap ako at nag simula na akong mag luto. Pagkatapos ko ay biglang pumasok si Chris.

Chris: Noona anong niluto mo?

Caitlin: Adobo!

Chris: wow! mukang masarap, teka maayos na ba ang pakiramdam mo?

Caitlin: Oo naman! Oo nga pala sino ang nag lagay sa akin sa kama ko?

Chris: aahh yun ba? si Aaron hyung, bakit?

Caitlin: aahh wala naman

Chris: Noona may itatanong lang

Caitlin: Ano yun?

Chris: kung papipiliin ka, sinong gusto mong maka tuloyan, si Aaron hyung o si Flin hyung?

Caitlin: ewan

Chris: EWAN!?

Caitlin: Oo, ehh sa hindi ko alam, masisi mo ba ako

Chris: kahit isa sa kanila wala kang gusto?

Caitlin: ewan ko nga!

Chris: ba't hindi mo alam?

Chris: kasi wala akong alam!

Chris: noona namin ehh~

Caitlin: bakit mo ba ako pinapapili?

Chris: para malaman ko kung sino ang sasagutin mo!

Caitlin: sagutin ka dyan, hindi pa nga nanliligaw sagut agad

Chris: Oo nga pala! edi mag imagine nalang tayo, na kunwari nanliligaw sila then they both ask you on a date, who would you choose?

Caitlin: I...Ahhmmm I think it's...basta kung sino yung mauna!

Chris: Noona naman ehh! sino nalang ang gusto mo maka sama?

Caitlin: ewan

Chris: noona naman ehh!...Alam ko na! anong nararamdaman mo kapag kasama mo si Aaron? at ano naman kay Flin?

Caitlin: nararamdaman?

Chris: Oo! what do you feel when their are here or with you?

Caitlin: talagang trinanslate mo?

Chris: para kasing hindi mo naiintindihan ehh...Sagutin mo na, pa suspence ka pa ehh!

Caitlin: ahmm kay Flin ay normal lang kapag andyan masaya ako

Chris: anong tingin mo sa kanya?

Caitlin: isa syang tao!

Chris: Noona naman ehh!

Caitlin: Ok! ang tingin ko sa kanya ay kaibigan ko

Chris: kaibigan lang? walang espesyal?

Caitlin: wala

Chris: kay Aaron hyung?

Caitlin: aahhmm noon nagagalit ako sa kanya pero ngayon kapag andyan sya parang kasama kita, yung bang masaya ako kapag andyan sya lalo kapag nakikita sya

Chris: ayiiiieee....Wag mo kong pilosopohin ulit, anong tingin mo sa kanya?

Caitlin: normal lang din as in kaibigan

Chris: wala ring espesyal?

Caitlin: wala

Chris: hay naku!

Caitlin: kain na tayo

Chris: ok

Kumain na kami ni Chris. Pagkatapos namin ay nagpasama ako sa salon para ibalik ang kulay ng buhok ko. Dumating na kami at pinark nya na ang sasakyan.

"how may I help you mam?"

Caitlin: ahhmm gusto kong mag pakulay ng buhok

"ok mam! what color?"

Caitlin: black

"ok mam! this way"

Sinundan ko sya at pina upo nya ako sa upuan alangan sa sahig. Pagkatapos nya ay nagbayad ako at nagpasalamat. Umuwi na kami ni Chris. Pagdating namin ay naisipan namin na manood ng "So I Married An Anti-Fan". Pagkatapos namin ay natulog na kami.

~next day~

Nagkagising ako sa tunog ng alarm ko. Bumangon ako at ginawa ang daily routine ko. Pagkatapos ko au bumababa na ako.

Chris: Good Morning Noona!

Caitlin: Good Morning din!

Kumain na kami, pagkatapos ko ay papunta sana ako sa parking lot ng bigla akong pigilan ni Chris.

Chris: Noona!

Caitlin: bakit?

Chris: maghintay ka nalang sa labas

Caitlin: hahh? bakit?

Chris: basta Noona!

Caitlin: gusto mo ba akong mag commute?

Chris: hindi!

Caitlin: ahh hahatid mo ko?

Chris: hindi!

Caitlin: so? bakit nga?

Chris: kasi ano...Ahhhm ano kasi

Caitlin: ano?

Chris: may k-

*beep beep*

Chris: andyan na sya!

Bigla naman akong hinila ni Chris papunta sa labas. Pagkarating namin sa may gate ay nakita ko ang sasakyan ko, yung favorite kong sasakyan. Lumabas naman sa sasakyan ko si...Aaron? ba't nasa kanya ang kotse ko?.

Caitlin: Chris! ba't nasa kanya ang kotse ko?

Chris: yan na nga yung sasabihin ko! kasi kahapon nung hinatid ka nya sa kwarto mo, wala syang kotse at ayaw nyang mag pahatid kaya pinahiram ko kotse mo

Caitlin: ba't yan pa?

Chris: kasi nga yan yung napili nya na hiramin

Caitlin: ba't mo hinayaan?

Chris: kasi... Gusto king gamitin nya yan!

Caitlin: Chris naman ehh!

Chris: mianhae! atsaka ihahatid ka naman nya sa ayy hindi pala sasabay ka sa kanya

Caitlin: ikaw talaga!

Piningot ko ang tenga ng batang toh.

Chris: sorry na Noona!

Aaron: hahaha halika na! baka malate pa tayo

Chris: Oo nga Noona baka malate kayo

Caitlin: gusto mo ipatapon sa ibamg planeta?

Chris: kapag pinatapon mo ko, mawawalan ka ng gwapong kapatid

Caitlin: ikaw gwapo? saan banda?

Chris: grabe ka naman!

Caitlin: sige na! pumasok ka na!

Chris: hahh?

Caitlin: bakit hindi ka ba papasok sa school mo? mag aabsent ka?

Chris: sabi ko nga!

Pumasok na si Chris sa loob.

Aaron: so? lets go?

Nakita ko naman na pinag buksan na nya ako pinto kaya pumasok na ako. Tahimik lang kami hanggang sa binasag ko ito.

Caitlin: ahhmm Aaron!

Aaron: hmm?

Caitlin: thank you pala kahapon

Aaron: geokjeongmarayo! (No worries!)

Caitlin: ahmm seryoso ka ba dun sa...

Aaron: sa?

Caitlin: dun sa sinabi mo kahapon?

Aaron: alin doon?

Caitlin: yung...Sa...Nararamdaman mo?

Aaron: ahh yun ba? Oo, seryoso ako doon, bakit akala mo ba joke lang yun?

Caitlin: hindi! hindi lang talaga ako maka paniwala

Aaron: pwes! maniwala ka! atsaka..

Bigla naman nyang hininto ang sasakyan at humarap sa akin. Tinanggal nya ang salamin ko at nilugay nya ang buhok ko.

Caitlin: ba't mo tinanggal?

Aaron: mas bagay kasi yan sayo atsaka mas maganda ka kapag wala kang salamin at kapag naka lugay ka

Caitlin: pero-

Aaron: walang pero pero, mas gusti kong ganyan kaya wag ka nang tumanggi, Oo nga pala ihahatid kita sa bahay mo

Caitlin: talaga! dahil ibabalik mo kotse ko!

Aaron: alam ko! pero hindi lang ngayon, araw araw na kitang susunduin at ihahatid

Caitlin: hahh? bakit?

Aaron: kasi gusto kong...

Caitlin: gusto mong?

Aaron: gusto kong man ligaw

Caitlin: hahh?

Aaron: gusto kong man ligaw Caitlin! pwede ba?

Caitlin: ahhmm e-ewan

Aaron: ewan? o Oo?

Caitlin: ahhhmm bahala ka

Aaron: Yes! sabi mo yan!

Caitlin: Oo na!

Aaron: yes!

Bigla nya akong hinalikan sa pisngi at nag drive na sya. Hinawakan ko ang pisngi ko at tumingin sa bintana.

Dumating na kami at pinag bukasan nya ako ng pintuan. Lumabas ako at naglakad kasama sya. Pagdating namin naka tingin sa amin ang lahat ng tao, bakit kaya?. Dumating kami sa room at lahat nanaman naka tingin sa amin, umupo nalang ako sa tabi ni Thea.

Thea: ba't kayo sabay ni Aaron?

Caitlin: ahhmm sinundo nya ako!

Thea: talaga?

Caitlin: Oo, atsaka nanliligaw na sya

Thea: talaga?

Caitlin: Oo

Thea: ayieee pano pala si Flin?

Caitlin: hahh?

Thea: si Flin, di ba may gusto sya sayo?

Caitlin: Ahhmm ewan ko

Thea: hay naku! manhid ka talaga!

Caitlin: alam ko!

Bigla naman lumapit sa amin si CJ.

CJ: ahhmm excuse me

Thea: bakit?

CJ: pwede bang mag palitan tayo Caitlin I mean Crystal ng upuan?

Caitlin: bakit?

CJ: gusto ko kasing katabi ang girlfriend ko kaya palitan tayo, dun ka nalang sa tabi ni Aaron

Caitlin: Aaron?

CJ: Oo

Thea: sige na Crystal! palitan na kayo!

Caitlin: pero-

Thea: jebal!

Caitlin: ok

Thea: yes! kamsahmnida!

Kinuha ko ang bag ko at umupo sa tabi ni Aaron. Dumating naman si Flin at naka tingin sa amin, tumingin sya kay Aaron na parang gusto nya tong patayin. Umupo nalang sya sa upuan nya, katabi si CJ.

Flin:*kainis bakit nya katabi si Aaron, at bakit dito naka upo si CJ dapat dito si Caitlin arrghh nakakainis na! inuunahan nya ako*

Dumating na ang teacher namin at nag simula na ang klase. Recess na at pumunta kami sa cafeteria, hindi na si Jessica ang katabi ko, kundi si Aaron at lalaki na rin ang nag oorder, ang wierd.

Nathan: so? di ba may laban kayo?

Bianca: so?

Nathan: sino ang makakalaban nyo?

Bianca: none of your business

Nathan: nag tatanong lang!

Thea: ang makakalaban namin ay ang Black Fox

CJ: talaga? wow! talagang sila ang pinalaban sa inyo!

Tracy: actually hindi ang mga main gaurdian ang pumili kundi sila

Jasper: sinong sila?

Maye ann: kami ang pumili

Kyle: kayo? hindi kasali si Tracy?

Caitlin: at ako!

Kyle: pati ikaw?

Caitlin: Oo, busy kasi kami sa kasal ng araw na yun at sa tingin ko si Thea at si Jessica ang nag lead sa kanila o pumalit sa amin ni Tracy

Blake: wow! galing naman ng girlfriend ko!

Jessica: wala naman akong sakit ehh!

Piningot naman ni Blake ang ilong ni Jessica.

Blake: pilosopo ka na rin!

Jessica: aray ko naman

Kyle: so? pumili kayo? ibig sabihin alam nyo kung sino ang mga makakalaban nyo?

Daisy: malamang, alangan kami yung nag sabi tapos pag lipas ng ilang araw, nag ka amnesia kami

Kyle: kinaka usap ka ng maayos!

Daisy: at sumasagot ako ng maayos!

Kyle: hay naku!

Andrew: so? pagkatapos ng Black Fox, sino ang sunod?

Beatriz: ang Death Striker rank 27

Andrew: grabe! di ba? ang Black Fox ay rank 87, ba't naman ang sunod ay 27 hindi man lang naging 70 or above?

Julia: ewan ko dyan kay Beatriz! kahit nga si Sofie nag taka kung bakit yun pinili nya, tapos ito naman si Daisy balak pang isali kayo sa listahan namin ng makaka laban

Andrea: ikaw ang pumili nun?

Beatriz: Oo, ehh matagal ko na silang gustong maka laban

Kyle: at ikaw gusto mo kami maka laban?

Daisy: bakit? anong problema don?

Kyle: nag iisip ka ba! rank 1 kaya kami!

Daisy: ba't sinabi ko bang rank 10,994 kayo?

Kyle: hindi!

Daisy: yun naman pala ehh!

Jasper: ang sinasabi lang ni Kyle ay rank 1 kami at sa tingin mo matatalo mo kami!

Daisy: hindi! naisip ko lang naman atsaka bakit ba? hindi ko naman tinuloy!

Julia: Oo nga naman!

Rachel: ba't nyo ba seneseryoso? as if naman ayaw nyo kami maka laban!

James: ayaw lang namin na masaktan kayo!

Rachel: wow! concerned! alam nyo kung hindi na kidnapped si Caitlin, ano kaya ang pinag uusapan natin?

Julia: Oo nga nohh!

CJ: atsaka mas maganda na rin na nalaman namin dahil masaya ako na ang girlfriend ko ay si Green

Thea: wow! naman! kung hindi ako si Green at iba ang gang namin, ano naman mararamdaman mo? disappointment?

CJ: hindi! masayang masay ako!

Thea: wehh di nga!

Josh: ahhmm anong grupo ang sunod sa Death Striker?

Tracy: Death Empire

Josh: makakalaban nyo sila ulit?

Thea: Oo dahil dapat daw may ideclare na panalo at talo, hindi daw kasi pwede ang ganun

Caitlin: kung hindi nyo lang sana yun itinigil!

Aaron: dapat nga nag papasalamat kayo, dahil buhay pa kayo!

Caitlin: bakit kapag nag patuloy ba kami mamamatay ba kami?

Aaron: Oo

Tracy: bakit naman?

Josh: dahil baka magaya kayo sa Black Swan

Caitlin: alam namin yun! atsaka nandaya sila sa laban kaya sila naging rank 2 at kung hindi nila sinaksak ang mga Black Swan dapt rank 3 pa rin sila

Boys: nandaya?

Caitlin: Oo, nandaya sila at alam ko na kapag dumating ang oras na kakalabanin nya kami dun namin ilalabas ang pandadayang ginagawa nila at alam namin na mag dadala sila ng pocket knife

Blake: paano mo yun nalaman?

Caitlin: ahh yun ba? kay Flin lang naman

Aaron: kay Flin?

Caitlin: Oo

Aaron: gaanu na katagal kayo mag kakilala ng gang nila?

Tracy: I think 10 years na!

Josh: 10 years?

Tracy: Oo simula ng maging gangster kami, sila ang pinaka unang naka alam na naging gangster kami

Rachel: sila rin ang dahilan kung bakit kami pagaling ng pagaling!

Jasper: so? sila ang tumulong sa inyo?

Rachel: Oo

James: kaya pa pala may mga gusto kayo dun

Bianca: naman!

Nathan: ano naman nagustuhan nyo sa kanila!

Bianca: crush lang namin sila, wala naman kaming sinabi na papakasalan namin sila!

Rachel: Oo nga!

Bianca: hunahanga lang kami sa kanila wala kaming gusto na as in gusto namin silang maging forever namin na-

Rachel: ayaw namin magkaroon

James: bakit naman?

Rachel: dahil wala pang dumadating hindi katulad ng lima dyan merin na!

Jessica/Maye ann: LIMA??

Rachel: Oo

Thea: nabaliktad ba ang utak ko, ang alam ko ay tatlo, paano naging lima ang tatlo?

Jessica: hindi ko alam na ang five ay three at ang three ay five, ang bilang na pala ngayon ay 1,2,5,4 and 3

Rachel: baliw! pati ikaw naging Tracy at Caitlin na!

Jessica: tatlo lang naman kasi kami!

Rachel: kasi yung dalawa hindi pa nagiging sila!

Thea: sino naman ang dalawa pang tinutukoy mo?

Rachel: initial lang sasabihin ko! si CL at si BC!

Beatriz: anong pinag sasabi mo? ba't ako nasali dyan?

Rachel: nalaman mo pala!

Beatriz: hindu ako tanga dahil kami lang ni Bianca ang B at sya at BL

Rachel: so? alam yung isa?

Caitlin: lahat kami may utak! alam ko ako yung isa ako ang naman ang letter C dito, bakit may isa pa, may C pa bang andito?

Rachel: Oo nga nohh!

Beatriz: atsaka anong pinag sasabi mo dyan? wala akong forever dahil lahat ng tao namamatay, walang forever pero sa langit at empyerno meron, saan mo gustong ipadala?

Rachel: grabe ka naman! niloloko ko lang naman kayong dalawa! napaka init naman ng ulo mo! gusto mo mag ice cream tayo mamaya pang relax ng ulo mo!

Beatriz: tsk!

James: takot ka pala kay Beatriz hahaha

Rachel: malamang dahil sya kaya ang pang apat na kapag sinabi nya ang isang bagay gagawin nya tohh kapag sinabi nya papatayin ka nya walang isang minuto nagawa na nya!

Andrew: talaga?

Rachel: Oo naman!

Tracy: kasi hindi porket babae kami mahina na kami!

Andrew: wala akong sinasabi!

Tracy: hindi lang naman si Beatriz ang ganyan sa amin, ang hindu namin ginagalit ay syempre ang lider namin, kapag nagalit yan walang makakakontrol sa kanya

Josh: talaga?

Tracy: Oo-

Caitlin: ano ngayon kung ganun ako! atleast hindi ako low tempered katulad ng isa dyan

Tracy: ako tinutukoy mo?

Caitlin: may sinabi ba ako!

Tracy: so? ako nga?

Jessica: sabagay si Tracy lang naman ang maiinitin ang ulo!

Tracy: anong sabi mo?

Jessica: sinabi ko ay napaka haba! ayaw kong ulitin

Tracy: hay naku!

Thea: para kayong mga ano!

Julia: Oo nga!

Maye ann: aaminin ko na ang lima sa atin ay sadyang nakakatakot at hindi ako kasali dun

Vince: sino naman ang limang yun?

Maye ann: ang una si Caitlin, lalo na kapag sumisigaw sya, sunud si Tracy, sunod si Thea, hindi lang halata sa muka nya,sunud si Beatriz at ang last ay si Rachel at sila rin ang limang magaling makipag laban sa amin

James: wow! alam mo Rachel mas magaling ka pa sa mga naka laban ko, ikaw lang ang nakaka ilag ng suntok ko wala ng iba

Rachel: talaga?

James: Oo, kaya nahalata ko na nung una, baka minsan mag one on one tayo

Rachel: sige ba!

Jasper: *cough* *cough* baka hindi mo matalo si Rachel

James: ok lang! atleast naka one on one ko ang crush ko sa Red Killer

Rachel: anong sabi mo?

James: wala

Andrew: parang himala ata ang araw na tohh

Tracy: Oo nga ehh naninibago ako, hindi na kayo nag aaway, Anyare?

James: nag sawa na kasi ako!...Basta wag mo na akong pikonin!

Rachel: sige ba! basta tigilan mo si Ca-Crystal

James: Oo naman!

Jasper: talaga?

James: Oo

Jasper: suko ka na!

James: Oo! naisip ko lang na ayaw kong makipag laban sa lider natin! atsaka wala akong panalo sa lider natin!...atsaka tanggap ko na hindi kami bagay

Rachel: talaga? wow! anong nakain mo?

James: ano bang kinakain ko ngayon?

Rachel: junk food

James: alam mo na pala!

Julia: ehh kayong dalawa dyan! magbabati na rin ba kayo!

Daisy: sino?

Julia: kayong dalawa!

Kyle: hindi pa!

Daisy: hindi ako makikipag bati sa asungot na tohh

Kyle: kahit ako! sa pangit na katulad mo!

Daisy: ako!

Kyle: ayy! hindi si Julia!

Daisy: edi wow!

Tracy: ok!

*kringg kringg*

Tapos na ang recess at bumalik na sa room. Umupo na ako sa upuan ko. Nagsimula na ang klase. Habang nag lelecture si Mam nararamdaman kong naka tingin sa akin si Aaron, lumingon ako at naka titig nga sya kaya binalik ko ang tingin ko sa blackboard. Nararamdaman ko pa rin na naka tingin sya at naiinis na ako, ba't ba sya naka tingin?.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.