She's A Nerd And A Secret Gangster Chapter 32

Natapos na ang klase at lunch time na. Inayos ko na ang gamit ko. Aalis na sana ako ng room ng-

Aaron: akin na yang bag mo

Crystal: hindi na!

Bigla nalang nya kinuha ang bag ko at iniwan ako.

Thea: hoy!!

Crystal: ha-hahh?

Thea: sasama ka pa rin ba? o dyan ka lang?

Crystal: sasama!

Thea: halika na!

Naglakad na kami papuntang PR. Dumating na kami at pumasok.

Thea: gusto mo bang tulungan kitang mag luto o ikaw nalang?

Crystal: ako nalang!

Thea: ok!

Pumunta na ako sa kusina at naghanap ng pwedeng lutuin. Naka hanap na ako at ang lulutuin ko ay Curry, jokbal, Soondubujigae (soft spicy tufo stew) and kimbap. Natapos na ako sa pag luto at tinawag na sila.

Crystal: guyss! tapos na ako!

Rachel: ikaw pala ang nagluluto!

Bianca: anong nilutu mo?

Crystal: ahmm korean dish ang naisipan kong lutuin ehh ok lang ba?

Julia: YEY! miss ko ng kumain nyan!

Bigla naman syang pumasok dito sa kusina at halatang gutom na sya.

Jasper: mahilig ba sya sa korean dish?

Bianca: Oo!

Tracy: halika kain na tayo!

Pumunta na sila sa dining room at nagsi upuan. Naghanap ako ng uupuan at sa tingin ko si Aaron ang katabi ko ulit. Umupo na ako at kumain na.

Pagkatapos namin ay naghugas na ako ng mga pinggan ako kasi ang naka schedule. Naghuhugas ako ng biglang may pumasok, si Aaron pala.

Aaron: kailangan mo ng tulong?

Crystal: hindi, kaya ko na tohh

Aaron: hindi tutulungan na kita!

Crystal: hindi na! kaya ko na!

Aaron: wala kang magagawa tutulungan kita!

Kinuha nya ang hinuhugasan ko at sya ang nag patuloy, tulong ba yan o sya na ang gagawa. Naghugas nalang ako ng kamay, umupo ako at hinintay syang matapos.

Natapos na sya at pumunta na kami sa iba. Tapos na ang lunch time at oras na ng klase. Pumunta na kami sa room.

Kanina pa tumitingin sa akin si Aaron at walang balak alisin ang paningin nya sa akin.

Crystal: huwag mo nga akong tingnan!

Aaron: ayaw ko nga!

Crystal: jebal! doon ka nalang tumingin!

Aaron:*smirk* bakit naman ako titingin doon,kung mas maganda at hindi nakaka sawang tingnan ka?

Napahampas nalang ako sa noo, ano bang pinag sasabi nya?. Hindi ko nalang sya pinansin at pinakinggan ang tinuturo ni mam.

Natapos na ang klase at pumunta na kami sa parking lot. Pinakbuksan nya ako ng pintuan at pumasok na ako. Pumunta na sya sa driver's seat at pinaandar na ang sasakyan.

Aaron: kanina ka pa tahimik, may problema ba?

Crystal: hahh? wala!

Aaron: ehh bakit nga?

Crystal: wala

Aaron: ok!...May gagawin ka ba ngayon?

Crystal: wala

Aaron: talaga?

Crystal: Oo, bakit?

Aaron: pwede ba tayong lumabas, like a date?

Crystal: date?

Aaron: Oo

Crystal: oh sige!

Aaron: ok!

Iniba ni Aaron ang direksyon. Dinala nya ko sa park, pinagbuksan nya ulit ako at lumabas na ako. Habang naglalakad naramdaman ko ang paghawak ni Aaron ng kamay ko, tingnan ko sya at naka ngiti sya, ewan ko pero parang ang sarap sa pakiramdam.

May nakita naman kaming nagtitinda ng ice cream.

Aaron: gusto mo?

Crystal: Oo

Hinila nya ang kamay ko papunta sa nagtitinda.

Aaron: anong flavor?

Crystal: kahit ano!

Aaron: dalawang chocolate ice cream po!

Kinuha ni Aaron at binigay sa akin yung isa, sya na ang nagbayad. Umupo kami sa isang bench.

Aaron: teka lang!

Caitlin: bakit?

Aaron: may ice cream sa gilid ng labi mo!

Kinuha nya ang panyo nya at pinunasan ang gilid ng labi ko.

Aaron: para kang bata! kung wala akong panyo baka nilasan ko nalang yang labi mo para matanggal

Pinalo ko naman sya sa braso.

Aaron: joke lang!...Pero bakit ka ba tahimik?

Crystal: kasi hindi ako maingay!

Bigla naman syang tumawa. Anong nakaka tawa sa sinabi ko?.

Crystal: anong nakakatawa?

Aaron: pilosopo ka kasi!

Bigla naman nyang piningot ang ilong ko.

Crystal: aray!

Aaron: sa susunod kapag kinaka usap ka! ayusin mo ang sagot!

Crystal: ayus naman yun!

Aaron: tsk! ang sinasabi ko sagutin mo ako ng maayus, tinatanong ka ng maayus ehhh!

Crystal: mianhae!

Aaron: ano ba talagang dahilan kung bakit ka tahimik?

Crystal: wala!

Aaron: hindi ako naniniwala!

Crystal: oh sige na! ikaw ang dahilan!

Aaron: aahh *smirk* iniisip mo ako! kaya ka tahimik!

Crystal: hahh? hindi!

Aaron: kasasabi mo lang ako!

Crystal: ikaw naman kasi! hindi ka tumitigil kanina sa pagtitig sa akin

Bigla naman tumawa si Aaron.

Aaron: Yun lang!

Crystal: Oo!

Aaron: alam mo! hindi ko kasi maiwasan na tignan ka, atsaka sabi ko nga hindi ka nakaka sawang tignan kaya kahit araw araw pa akong tumitig sa kagandahan mo hindi ako magsasawa!

Crystal: ayaw ko kasing tinititigan mo ako!

Aaron: bakit naman?

Crystal: wala lang! hindi lang ako komportable!

Aaron: aahh! ok! halika!

Crystal: saan?

Aaron: basta!

Hinila ni Aaron ang kamay ko at pumunta kami sa nagpaparenta ng bike.

Aaron: marunong kang magbike!

Crystal: Oo

Pumunta naman sya sa lalaki at nag renta ng dalawang bike, parehong violet. Binigay nya sa akin isa.

Nagbike kami sa boung park. Pagkatapos namin ay pumunta naman kami sa sinehan at ang pinili nya ay horror,pinipilit ko sya na action movie nalang pero ayaw nya. Nanood kami at nakakatakot, pero hindi ako katulad ng iba na sumisigaw. Bigla naman may lumabas na nakakatakot at napakapit ako sa braso ni Aaron.

Aaron: * smirk* wala na!

Nilingon ko naman yun screen at may lumabas. Pinikit ko ang mata ko at hinigpitan ang kapit sa braso nya. Natapos na ang movie at hindu ako maka recover.

Aaron: ano ka ba! palabad lang naman yun!

Crystal: kahit na! nakakatakot kaya! dapat kasi yung isa nalang ang pinanood natin!

Aaron: napanood ko na yun!

Crystal: kahit na! mas gusto ko yun! hindu ako nito makakatulog!

Aaron: bakit naman?

Crystal: basta!

Naglakad na ako paalis, bigla naman nyang hinila ang kamay ko.

Aaron: ok! sorry na! kumain nalang tayo!

Crystal: ayaw ko!

Aaron: ayaw mo? bakit? kakain lang naman tayo!

Crystal: ayaw ko! kumain ka mag isa at...Walang tayo!

Naglakad na ako papalayo at bigla naman syang sumigaw.

Aaron: ALAM KO PERO...ANG ALAM KO MALAPIT KA NG MAGING AKIN AT MAGING TAYO!!

Napaharap naman ako sa sinabi nya, lumapit sya sa akin.

Aaron: tama ako di ba?...Oo ngayon hindi pa tayo...Pero mag pag asa namang maging tayo, hindi nga lang ngayon...Pero balang araw

Tama ba yung narinig ko? paano nya nasasabi amh mga ganito?.

*DUB DUB DUB*

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko, may sakit na ba ako sa puso, kailangan ko na bang mapa check up?Ano ba kasing ginawa sa akin ni Aaron?.

Aaron: silence means yes!

Crystal: hahh?

Aaron:*smirk* tama ako! may pag asa nga ako sayo!

Crystal: wala naman ako-

Aaron: alam ko! pero silence means yes!...Halika na!

Hinila naman sya ako. Sumakay na kami ng sasakyan. Hindu ako makapaniwala! sinabi nya yun. Kailangan ko na talaga mag pa check up, hindu na normal ang heartbeat ko. May sakit na ata ako sa puso!.

Dumating na kami at bumababa na ako sa sasakyan. Pumasok na kami at sya ang nag order. Dumating na ang order namin at kumain na kami.

Aaron: tahimik ka nanaman! nalunod ka na ata sa sinabi ko kanina!

Crystal: hindi kaya!

Aaron: ba't hindi ka maka sagot kanina? baka kapag nag propose ako hindi ka sumagot!

Crystal: propose?

Aaron: Oo...Pero matagal pa yun, wag kang excited!

Crystal: hindi naman ako excited!

Aaron: ahhmm...Ngkagusti ka na ba sa isang tao?

Crystal: hindu pa! ikaw?

Aaron: ikaw palang, may nanligaw na sayo?

Crystal: meron

Aaron: marami?

Crystal: Oo, ikaw may niligawan na?

Aaron: ikaw palang! anong type mo sa lalaki?

Crystal: ahmm sa tingin ko yung mabait, gentleman, matalino, maabilidad, magaling makipaglaban, masarap kasama, yung lalaking pwedeng mong sabihin lahat ng gusto mo, yung andyan kapag kailangan ko, maalahanin, mapagmahal at higit sa lahat yung malambing

Aaron: parang ako yata ang tinutukoy mo

Crystal: ikaw?

Aaron: hindi yung waiter!

Crystal: hahaha akala ko ba dapat sumagot ng ayus?

Aaron: narinig mo na kasi ehh itatanong mo pa kaya syempre yung sarili ko ang tinutukoy ko hindi kung sino man

Crystal: mianhae!

Aaron: so? ako talaga ang tinutukoy mo?

Crystal: hindi nohh! napaka kayo! bakit mabait ka ba?

Aaron: niligtas kita!

Crystal: oh sige na mabait ka na, gentleman ka ba?

Aaron: inalalayan kita noong na kidnapped ka, kinarga ka, pinagbuksan ng pinto, dinala ko ang bag mo, tinulungan kita kanina sa pag hugas at nang maka tulog ka ay ako ang nag lagay sayo sa kama mo

Crystal: Oo na ikaw na! matalino ka ba?

Aaron: alam mo na sagot ko dyan!

Crystal: Oo nga nohh! maabilidad ka ba?

Aaron: Oo

Crystal: weehh

Aaron: pinatay ko ang libo libong bantay ng walang kahirap hirap

Crystal: ok! magaling ka ng makipaglaban, so? masarap ka bang kasama?

Aaron: sa tingin mo?

Crystal: Ahhmm, sa tingin ko okay na rin!,ahhmm pwede ko bang sabihin lahat sayo?

Aaron: Oo naman! kahit ano yan!

Crystal: weehh talaga?

Aaron: Oo naman

Crystal: ok!kapag kailangan ba kita andyan ka? kapag kailangan ko ng tulong andyan ka ba? kahit na busy ka?

Aaron: Oo naman! isang tawag mo lang andyan na ako! busy man ako o hindi!

Crystal: maalahanin ka ba?

Aaron: Oo naman!

Crystal: weehh

Aaron: yung reaksyon ko ng makidnapped ka!

Crystal: sabi ko nga! ehh mapagmahal?

Aaron: Oo din!

Crystal: weehh

Aaron: gusto mo iparamdam ko pa sayo, ngayon na mismo!

Crystal: sa-sabi k-ko nga!

Aaron: akala ko gusto mo ehh!

Crystal: ahhmm last! malambing ka ba?

Aaron: Oo, gusto mo makita? o maramdaman?

Crystal: hindi! naniniwala na ako!

Aaron: so? ako nga tunutukoy mo?

Crystal: Oo na ikaw na!

Aaron: *smirk* hindi ka kasi naniniwala

Crystal: malay ko ba na ganoon ka! ang sungit mo kaya!

Aaron: ikaw rin naman!

Crystal: pareho lang tayo!

Aaron: kaya bagay tayo sa isa't isa!

Crystal: hindi kaya!

Aaron: gusto mo magtanong pa tayo?

Crystal: hin-

Aaron: waiter!

"ano po yun?"

Aaron: di ba? bagay kami?

"Opo bagay po kayo, sobra!"

Sobra?

Aaron: sige, salamat!

Umalis na yung waiter.

Aaron: sabi ko sayo ehh!

Crystal: waiter naman kasi yun! talagang yun ang sasabihin nya!

Aaron: ok!

Lumingon lingon naman si Aaron, anong hinahanap nya? may nakita naman syang babae at tinawag.

"bakit po?"

Aaron: sabihin mo nga yung totoo, bagay ba kami?

Tiningnan naman ako ng babae at ngumiti sya, sinenyasan ko sya ng hindi.

"Opo bagay po kayo!"

Kains hindi sumunod.

Aaron: salamat! pwede ka ng bumalik!...Sabi ko sayo ehh

Crystal: natakot lang yun sayo!

Aaron: hay naku!

Bigla naman nyang nilabas ang phone nya at parang may dinial sya.

Aaron: hello! Blake!...teka! iloloudspeaker ko lang!...May itatanong ako!

[Ano yun?]

Aaron: bagay ba kami ni Caitlin?

[Oo naman! sobra!, bakit mo natanong?]

Aaron: may hindi kasi naniniwala dito, kaya sabihin mo kung bakit?

[Yun lang ba! Teka lang! iloloudspeaker ko lang din tohh...Jessica!]

(Bakit?)

[sabihin mo nga! bakit bagay si Aaron at Caitlin]

(Yun lang ba! kasi pareho silang maganda at gwapo, kapag magkasama sila hindi maipapakaila na para silang mag syota! tapos pareho pa silang nakakatakot, pareho silang magaling makipaglaban at higit sa lahat para silang kulay red at blue na bagay silang ipagsama o kaya suka at tuyo na masarap kapag magkasama...Bakit mo pala tinatanong?)

[may isa daw kasing hindi naniniwala na bagay yung dalawa]

(talaga? sino?)

[ewan ko!...Aaron! sino bang hindi naniniwala?]

Aaron: hindi kayo maniniwala, walang iba kundi ang kasama ko ngayon

(sino?)

Aaron: si...Caitlin!

(hahh? binabawi ko na ang sinabi ko! hindi pala kayo bagay! tao kayo! sige! Im out!)

[bakit mo binawi?…sige! bye Aaron]

Aaron: sabi ko sayo ehh, bagay tayo!

Caitlin: narinig mo yung sinabi nya! hindu daw tayo bagay!

Aaron: kasi sinabi ko ang pangalan mo kaya binawi nya agad pero narinig mo naman yung sinabi nya di ba?…kaya ko yung ulitin ehh… kasi pareho silang maganda at gwapo, kapag magkasama sila hindi maipapakaila na para silang mag syota! tapos pareho pa silang nakakatakot, pareho silang magaling makipaglaban at higit sa lahat para silang kulay red at blue na bagay silang ipagsama o kaya suka at tuyo na masarap kapag magkasama…oh diba? hindi nga maalis sa isip ko yung sinabi nya!

Caitlin: Oo na! bagay na tayo! pero hindi magbabago na para sa akin hindi tayo bagay!

Aaron: bahala ka!…Halika na!

Caitlin: saan?

Aaron: uuwi na tayo!

Caitlin: ok!

Pumunta na kami sa kotse nya at nagdrive na sya. Dumating na kami sa bahay at bumababa na ako.

Caitlin: gamsahamnida! (thanks a lot!)

Aaron: geokjeingmarayo! (no worries!)

Lumapit sa akin si Aaron at hinalikan ako sa noo.

Aaron: geon-ganghashibshiyo (take care)

Sumakay na sya sa kotse at umalis na. Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko at ang bilis na naman ng tibok ng puso, kailangan ko na talaga mag pa check up.

Pumasok na ako sa loob, pataas na sana ako ng-

Chris: NOOONAAAA!!!!

Caitlin: ba-bakit?

Chris: okay ka lang ba?

Caitlin: Oo

Chris: weehh! bakit kanina pa kita tinatawag at hindi ka humaharap?, naka ilan na ako! kung hindi pa ako sumigaw hindi ka pa babalik sa dati!

Caitlin: ahh ganun ba? Mianhae! bakit ba?

Chris: wala naman! itatanong ko lang kung may problema ka?

Caitlin: wala!

Chris: bakit kanina ka pa tulala?

Caitlin: talaga? masyado lang ata akong maraming iniisip! mag pa check up na kaya ako!

Chris: ano?

Caitlin: wala! akyat na ako!

Chris: sige lang!

Umakyat na ako. Pumunta na ako sa kwarto ko at nag bihis. Pagkatapos ko ay agad kong binuksan ang laptop ko. Nagsearch ako tungkol sa nararamdaman ko at walang lumabas. Bigla namang pumasok si Chris sa kwarto ko.

Chris: problem?

Caitlin: meron!

Chris: sabi ko na!…ano yun?

Caitlin: ehh kasi…hindi ko alam kung…

Chris: kung?

Caitlin: kung ano ang nararamdaman ko!

Chris: ano bang nararamdaman mo?

Caitlin: kanina lang naman ehh…ngayon wala na!

Chris: ano nga~ yun?

Caitlin: ahhmm…ayaw kong sabihin!

Chris: bakit naman?

Caitlin: basta!…atsaka hindi ka naman doctor ehh!

Chris: may sakit ka?

Caitlin: ewan ko!

Chris: hahh?

Caitlin: hindi rin naman kasi ako doctor kaya hindi ko alam…atsaka sa tingin ko kailangan ko magpa check up

Chris: hay naku! kung yan ang tingin mo…sige lang! good night!

Lumabas na si Chris ng kwarto ko. Hay naku! ano ba talaga ang nararamdaman ko at bakit walang lumalabas?.

Pagkalipad ng ilang minuto ang bumaba na ako para mag dinner. Nakita ko naman si eomma na dumating. Agad akong bumaba at niyakap sya, ang tagal ng hindi kami kumakain ng kumpleto at palaging kaming dalawa lang ni Chris, ngayon madadagdagan na.

Eomma: you really miss me?

Caitlin: ofcourse! how can I not!

Eomma: did you eat dinner already?

Caitlin: Ahhmm

Chris: EOMMMMMMAAAAAA!!!!!

Napatingin kami sa itaas. Bigla naman tumakbo ng mabilis si Chris at niyakap si Eomma.

Chris: miss na miss na kita! eomeoni!

Eomma: I miss you too! did you eat dinner?

Chris: nope! kakain papang!

Eomma: good! lets eat together!

Pumunta na kami sa dining room at kumain. Pagkatapos namin ay pumunta na ako sa kwarto ko at natulog.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.