Marahas na naisuklay niya sa buhok ang mga daliri. Pumayag siya na magtrabaho kay Santi dala ng pangangailangan. Pero kaninong pangangailangan nga ba ang tinugunan niya? Sa kanya o kay Santi? And can she honestly say that she was now falling for Santi? Gayong ang nararamdaman niya para sa binata ay tulad pa rin ng nararamdaman niya para dito noong mga teenager sila. Inuulit lang ba niya ang ginawa niya noon kay Santi? Pinapapaasa ang binata sa posibilidad na mamahalin din niya ito?
Pero ganoon lang ba kadaling kalimutan ang damdamin niya para kay Keith? In just a few short months, burado na sa puso niya ang ex-fiance dahil pumalit na roon si Santi.
-----------------
“Nikki? May problema ba? Bakit kanina ka pa tahimik?” puna ni Santi sa dalaga habang ihinahatid na niya ito pauwi.
Natutuwa siyang makita na nakasundo ng dalaga ang mga kaibigan niya. But then he never doubted that she’d get along with his friends. Mula noon hanggang ngayon, nananatiling palakaibigan ang dalaga. Walang estranghero para dito. Isa iyon sa mga katangian nito na sinikap niyang gayahin.
“Wala. May iniisip lang ako.”
“Ingat ka.”
“Bakit?”
“Delikado iyan. Nag-iisip ka sabi mo. baka hindi kayanin ng utak mo, mag-short circuit bigla,” biro niya rito habang pinagbubuksan ito ng pinto ng sasakyan niya.
Kinuha niya mula sa kamay nito ang susi ng apartment unit nito. Binuksan niya ang pinto at ilaw ng unit.
“Siraulo! Para mo na ring sinabing mahina utak ko.”
Natatawang umilag siya sa panghahampas nito sa braso niya. Inilapag niya sa coffee table ang mga pagkaing ipinauwi rito ni Marymae. Bagamat kung siya ang tatanungin, mas masarap magluto si Nikki kaysa kay Marymae.
“Hindi ba totoo? Lagi mo nga akong inuuto noon na ako na ang gumaw ang mahihirap na assignments mo.”
“Pero hindi ka naman nagpapauto.”
“Siyempre. Mahal nga kita pero hindi naman ako uto-uto.”
Biglang natigilan si Nikki. Matamang tinitigan siya nito na tila pilit inaarok ang nilalaman ng isip at puso niya. Kung hindi lang niya natitiyak na muli na naman itong lalayo, iiwas at tatanggi, gusto na sana niyang bulatlatin ang dibdib niya at isiwalat rito lahat ng nilalaman niyon. Mga damdaming akala niya ay nabura na nitong nakalipas na mga taon. Pero nagtago lang pala ang damdaming iyon. At nang muli niyang masilayan, makausap at makasama ang dalaga ay muling nagpakita at nagparamdam ang damdaming iyon. He was still in love with Nikki. Perhaps he never even stopped. And all those other women that came after her were just his way of convincing himself he was not hurting anymore. His useless way of convincing himself he didn’t regret losing her.
Kung naging matapang lang siya noon na panatilihin ang pagkakaibigan nila, malay niya, dumating ang araw na matutunan din pala siyang mahalin ni Nikki. Pero siya ang naunang lumayo. Sa halip na makuntento na maging kaibigan nito kaysa tuluyang mawala ito sa buhay niya, mas pinairal niya ang nasaktang pride at ego. Kaya ang desisyon niya noon na itanggi ang damdaming inamin niya sa dalaga para lang hindi mawala ang dalaga sa buhay niya ay nawalang saysay. He was the one who pushed Nikki away. He was the one who left her. At labis niyang pinagsisihan at pinanghinayangan ang mga taong nagdaan na wala ito sa buhay niya.
“Santi?” malamyos ang tinig ni Nikki nang sambitin ang pangalan niya.
Napalunok si Santi. “Yeah?”
“Kiss me!”
Napaigtad siya sa labis na panggigilalas. Nanlalaki ang mga matang tinunghayan niya ang mukha ng dalaga. Inaalam kung seryoso ba ito o nagbibiro. Pero bago pa niya mahanap ang sagot sa tanong niya, tumingkayad na si Nikki. Ikinawit nito ang dalawang braso sa mga balikat niya at pilit iniaaabot ng mga labi ang mga labi niya.
Dahil sa diprensya ng tangkad nila, hindi nito maggagawa ang malinaw na binabalak kung hindi siya tutungo upang salubungin ang mga labi nito.
“Hahalikan mo ba ako o hahalikan mo ako?!” pinandilatan na siya ng dalaga.
Bahagyang natawa na yumuko siya. At sinakop ng mga labi ang nakahaing labi ng dalaga. He kissed her with all the passion he secretly kept inside his heart. Ngayon niya masasabing one-woman man pala talaga siya. Kasi lahat ng mga labing hinalikan niya noon ay nabura na lahat ang alaala sa isip niya. Ang natitira na lamang ay ang lasa at tamis ng halik ni Nikki. At alam niya, kahit magkahiwalay sila, wala nang iba pang papalit sa pwestong sadyang nakalaan lang at naghihintay para sa dalaga sa loob ng puso niya.
“Sa palagay mo, ilan sa mga kaeskwela natin dati ang nandito ngayon dahil gusto nilang ipagmayabang sa lahat ang status nila ngayon? Bibigyan kita ng clue, out of the three or four hundred people here tonight, it’s probably, hmm...three or four hundred!” mahinang sabi ni Nikki kay Santi habang naglalakad sila papasok sa function hall ng hotel and beach resort kung saan gaganapin ang highschool reunion nila.
The reunion would be a two nights and one day affair. Ngayong Saturday night ang simula at bukas ng Sunday night ang pagtatapos. Ayon sa imbitasyong natanggap nila, magkakaroon ng formal dinner party ngayong gabi dito sa function hall ng hotel and beach resort. Kaya naman nakasuot siya ng shining, shimmering blue gown ala Pia Wurtzbach na binili ni Santi sa kabila ng slight na pagpoprotesta niya. Slight lang siyang nagprotesta dahil wala naman talaga siyang ipambibili niyon at ayaw rin naman niyang magmukhang basahan ang suot gayong ang date slash boyfriend niya ay mukhang male model ng Armani.
Kung siya naka-gown ala beauty queen, si Santi naman ay nakasuot ng itim na tuxedo na nagpamukha ritong prinsipe ng isang pagkayaman-yamang bansa. From rockstar to His Royal Highness, tila kay dali lang gawin para kay Santi. Tuloy, lalo siyang nahihirapang pagbawalan ang puso na huwag kiligin.
Mukha silang mga dadalo sa awards night. At ipinagpapasalamat niya talaga na kasama niya si Santi dahil so far, lahat ng mga kaeskwela nila na nakasabay nilang pumasok ng function hall
Bukas ng umaga naman ay may pool and beach party na aabot hanggang sa gabi.
“You promised you won’t be a bitch tonight, Nikki,” paalala ni Santi bagamat may ngiting sumilay sa mga labi nito dahil sa sinabi niya.
“Oo nga. Nagtatanong lang naman.”
“Yeah, pero isa rin naman tayo sa mga nandito lang ngayon dahil gusto nating may mapatunayan sa lahat ng mga dati nating kaeskwela, hindi ba? You wanted to show them you got the sexy guy and the fabulous life you’ve been dreaming of when you were fifteen.”
“At ikaw naman ay gusto mong ipakita sa kanilang hindi na ikaw iyong nerd na binu-bully nila noon.”
“Mismo.”
Nagkatinginan sila saka sabay napabungisngis. Pero sa totoo lang, wala na silang pakialam sa reunion. Ang mas gusto na lang nilang gawin ay gugulin ang mga oras nang magkasama bago ang napipintong concert tour ng banda ni Santi. Sa walong iba’t ibang probinsya magpi-perform ang banda ng binata. Bagamat makakasama niya ito, iba naman iyong silang dalawa lang ang magkasama.
So they spent the whole night dancing together, eating together and chatting with highschool friends together. Komento tuloy ng mga dating kaeskwela nila, halatang-halata na in love na in love sila sa isa’t isa.
Pagkarinig sa sinabing iyon ng isang kaeskwela ay hindi maiwasan ni Nikki na mapatingin kay Santi nang may bahagyang agam-agam sa dibib. Noon lang niya naisip na hindi pa sinasabi muli ni Santi sa kanya na mahal siya nito. At gayundin siya sa binata. Pero ipinapakita naman nila iyon sa lahat ng ginagawa nila. Kaya siguro sapat na iyon, hindi ba?