“Oh, shoot! Babe, you haven’t told her yet?” gulat ang boses ni Santi pero nang lingunin niya ito, pinandidilatan siya nito at sinesenyasang tumahimik. “Romia, si Nikki ang fiancee ko.”
“What?!”
“Ano?!”
Nag-duweto pa sila ni Romia sa gulat na pagbulalas.
“Yeah, so no need to reserve a room for Nikki, Romia. See you on the fifteenth! Bye!”
Inabot ni Santi mula sa kamay ni Nikki ang phone at pinutol ang tawag.
“Bakit mo sinabi iyon?!”
Nagkibit-balikat lang si Santi. “Sabi mo noong isang araw, pwede kong sabihin sa kanila na ikaw ang fiancee ko, hndi ba?”
“Nagbibiro lang ako nun, Santiago!”
“Well, I’m serious. I need your help. Panay kasi ang pangungulit ni Romia sa akin mula nang ma-contact niya ako tungkol sa reunion na iyan. Gustong makipagkita lagi. Kaya para tigilan na niya ako, sinabi ko na lang na may fiancee na ako. At naisip ko na ikaw na lang ang ipakilala bilang fiancee ko nang mabanggit mo iyon noong isang araw.”
Natameme siya. “Ibig sabihin bago pa tayo magkita ulit, ang alam ni Romia may fiancee ka na?”
“Yeah. But honestly, the only reason why I agreed to sponsor and attend that damned reunion was because I wanted to see you again. Naisip ko na malamang a-attend ka sa reunion dahil naalala ko noong highschool tayo, sabi mo curious kang malaman kung ano-ano ang posibleng mangyari sa buhay ng mga kaklase natin after ten years.”
Bahagyang napangiti siya sa kaalamang kahit pala hindi sila aksidenteng nagkita ni Santi ay ginusto talaga nitong makita siya.
Biglang ginagap ni Santi ang kamay niya at marahang pinisil. Pero nang magsalita itong muli ay nanatiling nakatuon sa kalsada ang mga mata nito.
“Sa tingin ko alam ko na kung bakit ayaw mong maniwalang posibleng mahalin ulit kita ngayon, Nikki. That asshole ex of yours really messed up your head. But believe me, the reasons why I fell in love with you when you were fifteen and I was seventeen are still there. Huwga mong hayaang burahin ni Keith ang lahat ng katangiang minahal ko sa iyo noon. Nakikita ko pa rin ang mga iyon sa iyo hanggang ngayon.”
Hindi siya makasagot dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot rito. Maya-maya pa ay pumapasok na sila sa loob ng bahay ni Cinda at ng asawa nitong si Marymae. Nadatnan din nila doon ang iba pang miyembro ng orihinal na Silver Belles. Ayon kay Santi, maliban dito at kay Cinda, pawang mga babae ang ibang miyembro ng banda ng mga ito dati.
Pero sa kabila ng paghihiwalay ng orihinal na banda ng Silver Belles, nananatiling malapit si Santi sa mga ito. In fact, ninong pa si Santi ng mga anak nina Jing-jing, Chrisma at Lucibelle.
“So you’re the infamous ‘Baby’, huh?” biglang komento ni Lucibelle nang sila-sila na lang na mga babae ang maiwan sa loob ng dining room.
Lumabas kasi sa bakuran sina Santi, Cinda at ang mga asawa at mga anak nina Jing-jing, Chrisma at Lucibelle para asikasuhin ang barbecue nila.
“Ha? Nikki ang pangalan ko,” aniya na nabitin sa ere ang hawak na baso ng red tea. Nagtatakang ipinagpalipat-lipat niya ang tingin sa mga mukha ng tatlong babaeng naging kabanda ni Santi.
Kaninang kaharap si Santi ay malugod at mainit siyang binati at kinausap ng mga babae. Pero ngayong wala na ang binata, tila bigla siyang naipasok sa freezer sa lamig ng titig sa kanya ng tatlo. Ano kayang ikinwento ni Santi sa tatlo tungkol sa kanya?
“Jing, patugtugin mo nga ‘yung first Christmas album nina Santi,” utos ni Chrisma kay Jing-jing.
Inilabas ni Jing-jing ang cellphone nito. At gamit ang music player ng cellphone ay pinatugtog nga ni Jing-jing ang kantang tinutukoy ni Chrisma.
“Baby, do you remember me every Christmas? Do you remember that cold Christmas night at the gazebo? When I first told you I love you and you laughed?”
Hindi napigilan ni Nikki ang mapangiwi nang marinig ang mga linyang iyon ng kantang boses mismo ni Santi ang kumakanta. Punong-puno ng hinanakit ang tono nito na parang kinukurot ang puso niya.
“Baby, I remember every Christmas Eve, those macaroons and chocolates you used to give me. I still have that comic book, I still wear that Santa sweater, I even kept that old journal. Gifts you gave on that last Christmas Eve...”
Napaawang ang mga labi ni Nikki. Tinignan niya si Lucibelle at marahang tumango ang babae. Sinagot nito ng oo ang katanungan sa mga mata niya kung hanggang ngayon nga ay itinatabi pa rin ni Santi ang mga bagay na iyon na iniregalo niya noong huling Paskong nagkasama sila.
“Baby, do you remember me every Christmas the way I remember you? Would you still know me if you meet me one Christmas morning?”
Hindi namalayan ni Nikki na lumuluha na pala siya. Natuklasan lang niya iyon nang abutan siya ng panyo ni Chrisma. Tapos na ang album. At tila kasabay niyon ay ang pagtatapos ng hostility nina Lucibelle, Chrisma at Jing-jing sa kanya.
“Akala namin noon, likas na playboy lang talaga si Santi kaya wala siyang sineseryosong babae. Pero mula nang makita ka niya ulit, wala na siyang bukambibig sa tuwing kausap namin siya kung hindi pangalan mo. Hindi namin alam kung anong nangyari sa inyo noon kasi kahit anong pilit namin sa kanya, ayaw niyang magkwento. Pero isa lang ang gusto naming sabihin sa iyo, huwag na huwag kang magkakamaling saktan ulit siya,” mariin ang tono ni Lucibelle. May himig ng pagbabanta.
“Kung hindi tatlo kami na kakalbo sa iyo,” dugtong ni Jing-jing.
“He’s not in love with me,” protesta niya.
“The man who wrote those songs is not in love with you?” puno ng pagdududang untag ni Chrisma.
“At ano pa ang tawag mo sa lalaking dati gabi-gabi kung makipag-date sa iba’t ibang babae pero mula nang maging PA ka niya ay ni hindi na makuhang makipag-flirt man lang sa ibang babae?” segunda ni Jing-jing.
“Pero magkaibigan lang kami, mag-amo. Hindi kami---Wala talaga kaming---hindi niya ako...”
Subalit kahit sa sariling tainga niya ay naririnig ni Nikki ang kawalan ng kumbiksyon sa mga salita niya. Oo nga, may nirerentahan siyang apartment at gabi-gabi ay doon siya umuuwi. Pero sa nakalipas na mga linggo, halos buong araw ay kasa-kasama niya si Santi. At walang sandali na hindi niya nararamdaman ang pagmamalasakit at pagpapahalaga ng binata sa kanya.
She was supposed to be his personal asisstant but in reality her duties were more like those of a girlfriend’s or a wife’s duties. Hindi siya inuutusan ni Snati. Minsan pa nga ay ang binata ang nagsisilbi sa kanya sa halip na baligtad. Kung ipakilala siya nito sa ibang tao ay bilang ‘My girl’ at hindi ‘My personal asisstant’. Kung hindi siya nito maihahatid o masusundo mula sa apartment niya, ang driver nito ang inuutusan nitong gumawa niyon. Hindi rin ito pumapayag na hindi sila sabay lagi kumain.