~~~~
May studio recording si Santi ng araw na iyon. Kaya alam niyang hindi siya inaasahang makita ni Nikki sa coffee shop na paborito nilang puntahan. Malapit lang kasi iyon sa apartment ng dalaga. Pero dahil maagang natapos ang recording nila ng banda niya, ipinasya niyang puntahan na lang sa apartment nito ang nobya. Bago pumunta roon ay dumaan muna siya sa coffee shop upang ibili ito ng paborito nitong green tea frappe at blueberry cheesecake.
Nakapag-order na siya at papalabas na ng coffee shop nang mapagawi ang tingin niya sa mga mesa sa kabilang side ng coffee shop. Iyong mga mas gustong malanghap ang usok ng mga nagdaraang sasakyan sa halip na maging komportable at malamigan dito sa loob ng shop ay doon pumupwesto. Gayunpaman, marami pa ring customer ng shop ang naroon. Subalit sa aisang pares lang na pamilyar na pamilyar sa kanya nakatuon ang mga mata niya. At mamaya pagtatakhan niya kung paanong hindi niya nabitawan ang hawak-hawak na baso ng green tea frappe at paper bag sa kabila ng labis na kabiglaan niya sa nasaksihang eksena sa labas ng coffee shop.
It was as if someones was tightly squeezing his heart inside his chest as he watched Nikki hugging and kissing her ex-fiance Keith. Hindi siya agad kumilos. Ayaw niyang gumawa ng konklusyon. Kasi imposible ang namumuong konklusyon sa isip niya. Hindi siya lolokohin ni Nikki. Alam niya, hindi iyon maggagawa ng nobya sa kanya. Pero gumuho ang pag-asam at tiwala niya nang masaksihan niya ang magkahawak-kamay na paglalakad nina Keith at Nikki patungo sa isang naghihintay na kotse.
Dali-daling inilabas niya ang cellphone niya at tinawagan ang nobya. Nakita niyang saglit na natigilan si Nikki sa akmang pagsakay sa kotse ni Keith. Ilang segundong tinitigan ni Nikki ang pangalan niyang alam niyang nakarehistro sa cellphone nito. Pero sa halip na sagutin ang tawag niya, hindi nito sinagot iyon. Muli nitong isinuksok ang cellphone sa bag nito saka tuluyang sumakay sa kotse ni Keith.
~~~~
Batid ni Santi na nakakarami na siya ng naiinom na alak. Pero malinaw pa ang isip niya. Dahil hindi pa rin mabura ang eksenang nadatnan niya kanina sa coffee shop na paborito pa man din nilang puntahan ni Nikki. If only what he saw was just Keith hugging Nikki, he would’ve understood it. Malamang pa nga hindi lang suntok ang posibleng abutin mula sa kanya ng gagong Keith na iyon kung ang nakita niya ay ang pagpupumilit ni Keith na yakapin ang nobya niya. Pero kitang-kita niya na gumanti rin ng yakap si Nikki sa lalaki. Matamis na nginitian at hinaplos pa ni Nikki ang pisngi ng gagong Keith na iyon.
At dahil natatakot siya sa sariling reaksyon at sa posibleng maggawa niya sa nobya, nagmamadaling umalis na siya ng coffee shop. He drove aimlessly for hours before he finally decided to drown his pain here inside the bar he owns with his cousin Cinda. Tila may radar naman ang pinsan niya pagdating sa pighati niya. Dahil wala pa siyang isang oras nagbababad sa harap ng bar counter ay dumating na si Cinda. At hindi ito nag-iisa. Kasama rin ni Cinda sina Wayne, Joe at Bell. Kaya ngayon, may kainuman na siya.
“This is bullshit! Kung ayaw niya na pala sa akin, dapat sinabi niya! Hindi iyong ganitong pinagmumukha niya akong gago! Ano ako, reserba niya? Kapag wala ‘yung gagong Keith na ‘yun saka lang ako may halaga sa kanya?! That’s bullshit, you know? It’s just plain bullshit, right?” aniya sa mga kaibigang kasalo sa mesa.
Sarado na ang Bonzour Bar. Hindi na niya alam kung ano’ng oras na pero hula niya malapit nang mag-umaga. And he was really grateful to his cousin and friends that they stayed with him and commiserated with his heartbreak. At iyon ay sa kabila ng pagiging abala ng mga ito sa kanya-kanyang pamilya at trabaho. Lalo na si Wayne na may three-month old baby pang madalas ay gising sa madaling-araw.
Mula nang pakasalan nina Joe, Wayne at Bell sina Lucibelle, Chrisma at Jing-jing ay naging kaibigan na rin niya ang tatlong lalaki. At ang mga ito pati si Cinda ang kasalukuyang karamay niya ngayon habang nagpapakalango siya upang lunurin ang sakit na hatid sa kanya ng ginawa ni Nikki.
“Santi, are you really sure she was cheating on you? Posibleng nagkamali ka lang ng akala,” ulit na naman ni Joe sa temang kanina pa iniluluhog nito at ni Cinda sa kanya.
Two against two ang labanan ng opinyon ng mga kaibigan niya. Sina Joe at Cinda, hindi naniniwalang niloloko siya ni Nikki. Samantalang sina Wayne at Bell naman, sang-ayon sa kanya.
“Ang mas mabuti ay kausapin mo muna siya. Para sigurado ka. Hindi iyong nagpapakalasing ka na agad dito. Kanina pa siya text ng text at tawag ng tawag sa akin. Tinatanong kung nasaan ka. Nag-aalala na baka napahamak ka,” pumapalatak pang ani Cinda.
“Well, she’s probably feeling guilty. And she might not be cheating on you but she’s probably thinking about breaking it off with you. Instead of running away like a scraed rat, why don’t you just go talk to her? Para alam mo na kung ano ang totoo,” brutal namang saad ni Bell.
“Pero mas mabuti kung kausapin mo siya nang hindi ka lasing. Kaya huling baso mo na iyan. Kung ayaw na niya sa iyo at iyong ex pa rin niya ang mahal niya, sorry, pare. Ganun talaga. Mas mabuti nang nalaman mo na agad ngayon pa lang habang bago pa lang kayo,” wika naman ni Wayne habang abala sa kapipindot sa cellphone nito. Malamang tini-text na naman ng lalaki si Chrisma na kanina pa ito pinapauwi.
“No! That’s not right! Hindi kami bago pa lang, pare! Twelve years! Twelve years ko nang minamahal ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung anong ginawa niya noon sa puso ko at ganito pa rin ang nararamdaman nito!” malakas na protesta niya habang dinudutdot ang dibdib niya.
“Akala ko this time, may pag-asa na ako. Hindi na ako mukhang lampa, hindi na ako mukhang nerd, hindi na ako mukhang kawawang hipan lang ng hangin tutumba na. Kaya ko nang tumayo sa tabi niya nang hindi nanliliit sa pagkakaiba naming dalawa. I’m a freakin’ rockstar now, baby! Bakit hindi niya pa rin ako matutunang mahalin?! Iba na ako ngayon!” halo-halo ang galit, hinanakit at pagkalito sa boses ni Santi bago niya inisang lagok ang lamang alak ng basong hawak.
Ni hindi na niya alam kung whiskey, brandy o tequila ang iniinom niya. Ang alam lang niya manamis-namis iyon at malamig. Wala ring guhit sa lalamunan niya nang lunukin niya.