~~~~
“Cinda---“
“Don’t worry, it’s just iced tea now,” pabulong na sagot ni Cinda sa nag-aalalang tono ni Joe nang makita nilang inisang lagok lang ni Santi ang laman ng baso nito.
Pero hindi siya nag-aalala dahil kanina pa niya pinapalitan sa bartender nila ang laman ng bote ng alak na tila ginagawang juice na lang ni Santi. Gusto niyang mahiya sa sarili. Sa loob kasi ng mga taong lumipas mula nang mawala si Nikki sa buhay ni Santi, ni minsan hindi niya naisip na nananatiling laman pa rin pala ng puso ng pinsan niya ang dalaga. Akala niya dahil sa pagiging palikero ng pinsan, matagal nang nabura sa puso at isipan nito si Nikki. Pero malinaw na mali siya.
Kaya pala hindi nagseseryoso ang pinsan niya sa pakikipagrelasyon nito sa ibang babae. Kaya pala sinasabi ng mga babaeng napapaugnay rito na parang may malaking kandado ang puso nito na napakahirap buksan. Hanggang ngayon pala kasi ay nananatiling si Nikki ang may hawak ng susi niyon.
Pero sa nasaksihan naman niya noong ilang beses na nakita niya si Santi na kasama si Nikki nitong nagdaang mga linggo, mahal rin ni Nikki si Santi. Kaya hindi siya naniniwala na niloloko ni Nikki ang pinsan niya. O binabalak ng babae na makipagbalikan sa ex-fiance niyon.
“Santi, just go home, will you? Talk to Nikki. Stop being a coward and just ask her how she really feels for you. Hindi ka na seventeen. Hindi na uubra pa ulit ang ginawa mo noon na pag-atras at paglayo sa kanya dahil lang takot kang masaktan at mapahiya. Kung mahal mo siya, ipaglaban mo ang nararamdaman mo sa kanya at ipakita mo sa kanya na mas mapapaligaya mo siya kaysa sa gagong Keith na iyon,” seryosong payo niya sa pinsan.
“I know, Cin. But what if I go home and I don’t find her there? I don’t think I can wait for another twelve years before she comes back into my life, Cin,” lugong-lugong tugon ni Santi. Sa tono nito ay unti-unti nang nababawasan ang tama ng alak dito. Pero sa pagkawala ng tama ng alak dito, siya namang paglalim ng sugat na iniinda ng puso nito. Inakbayan niya ang pinsan.
----------------------------------
“Santi? Ikaw ba iyan?” magkahalo ang pagtataka at antok sa boses ni Nikki nang buksan ni Santi ang pinto ng bahay niya. nagmumula sa direksyon ng sala niya ang boses ni Nikki.
Saglit na natigilan siya may pinto ng bahay niya. May spare key si Nikki sa bahay niya kaya hindi nakakapagtaka kung paano ito nakapasok dito. Ang nakakagulat ay ang presensya ng dalaga rito.
Lampas alas-siyete pa lang ng umaga. Pero hindi na siya lasing. Bago sila maghiwa-hiwalay ng mga kaibigan ay pinalaklak siya ng mga ito ng isang drum yata ng kape para mahulasan siya. hindi siya pinayagan ng mga kaibigan na umuwi hanggat hindi nawawala ang pagkalasing niya. Siguro nag-aalala ang mga ito sa maaaring gawin niya.
Pagpasok niya sa sala ay nakita niyang patayo pa lang mula sa sofa si NIkki. Hula niya magdamag siyang hinintay ng dalaga. At doon na ito nakatulog. Gusto niyang ma-guilty. Lalo na at nang buksan niya ang cellphone niya at makita ang mga prantikong text messages nito na nagtatanong kung nasaan na ba siya at bakit hindi siya ma-contact nito.
“Santi! Bakit ngayon ka lang umuwi? At bakit hindi ma-contact ang cellphone mo? Hindi kita matawagan, hindi ka rin nagre-reply sa texts ko! Nawala ba ang cellphone mo?” sunod-sunod na tanong ni Nikki nang humakbang palapit sa kanya.
Pero itinaas niya ang isang kamay upang pigilan ito sa akmang pagyakap sa kanya. Bumakas ang labis na pagkagulat at pagtataka na may bahid ng guilt sa mukha nito. Halos hindi kumukurap na huminto ito sa paglapit sa kanya at tinitigan siya. She probably thinks that she’s a good actress but that wasn’t true. Dahil basang-basa niya sa anyo nito ang guilt nito.
“I turned off my phone and I didn’t come home last night because I didn’t want to see you and I didn’t want to talk to you,” malumanay ang boses niya.
“P-pero bakit? Anong naggawa ko sa iyo?”
Hindi siya agad sumagot. Sa halip matamang pinagmasdan niya ito.
“Hindi mo alam? Hindi mo talaga alam?”
“Hindi! Kaya nga nagtatanong---oh, shit! Nakita mo kami ni Keith kahapon sa coffee shop!” bulalas nito.
“Oo. At ang sarap ninyong tignan habang nagyayakapan kayo.”
“Hindi kami nagyayakapan. Well, okay oo nagyakapan nga kami pero walang ibig sabihin iyon.”
“It doesn’t look like nothing from where I’m standing!”
“Pwes, bakit hindi mo ako nilapitan at tinanong kung bakit kayakap ko si Keith? Imbes na nag-walk out ka agad at nag-disappearing act? Alam mo ba kung gaano ako nag-aalala buong magdamag?! Akala ko naaksidente ka. Kung hindi ko pa tinawagan si Cinda, hindi ko malalaman na nag-iinuman lang pala kayo sa bar ninyo!”
“Kaya nga tinatanong kita ngayon. Bakit kayo magkayakap ni Keith? Bakit nagkita kayo? Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko noong bago ka sumakay sa kotse niya?”
Noong una, malinaw na nais pa ni Nikki na depensahan ang sarili. Gumawa ng dahilan at mga palusot. Pero nang marinig nito ang huling sinabi niya, lumaylay ang mga balikat nito at napatungo ito.
“I’m sorry, Santi. I’m really sorry. Dapat sinagot ko ang tawag mo. Pero ayoko kasing marinig o makita ni Keith na kausap kita. I should’ve told you about what I was planning to do. I’m really sorry. Pero maniwala ka, hindi kita niloloko. Kung may niloko man ako kahapon, si Keith lang iyon. At dapat lang talaga sa walanghiyang iyon na maloko!” tila gigil na gigil sa ex-fiance nito na pahayag nito.
Nangunot ang noo niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Ayaw niya pa rin kasing ibalik sa akin ang parte ko sa pinagbentahan ng bahay namin. Kaya para mapilit siyang ibalik sa akin ang pera ko, naisip kong pwersahin na siyang isauli sa akin iyon. Kinasabwat ko si Micha para kuhanan kami ng litrato noong yakapin ko si Keith sa coffee shop. Then I told him that I’ll send those photos to Madame Auring, I mean kay Xena, kapag hindi niya pa ibinalik sa akin ang pera ko.”
Gilalas na napatitig si Santi sa nobya. Hindi niya malaman kung ano ang uunahing isipin. Ni hindi niya maggawang matuwa sa kaalamang hindi naman pala siya nito iiwan at ipagpapalit sa dating fiance nito. All that pain and doubt was just beacause she was trying to blackmail her ex-fiance into giving her her money back?! Hell, he could buy her ten more houses that are much bigger than that house. Hindi na nito kailangan pang habul-habulin ang gagong Keith na iyon para sa mapagbebentahan ng bahay na iyon.
“Nikki---“
“Makinig ka muna sa akin, please?”
“Fine!”
“Nalaman ko rin na si Madame Auring, I mean si Xena na ang bumili ng bahay namin ni Keith. Para lang daw tuluyan nang maputol ang ugnayan namin ni Keith. Tinawagan ako kahapon ni Xena at sinabihang huwag ko nang guluhin pa sila ni Keith. Nagtaka ako kasi hindi ko naman sila ginugulo. Ni hindi ko na nga nakausap ulit si Keith mula noong huling makita mo kaming nagtatalo sa parking lot. Doon ko nalaman na matagal na palang nasa bangko ni Keith ang ibinayad ni Xena para sa bahay namin. Pero ayaw pa ring isauli ni Keith sa akin ang pera ko sa napagbentahan niyon. Samantalang iyon ang malinaw na kasunduan namin.”
“So that hug and that kiss---“
“Palabas ko lang para makunan kami ng litrato ni Micha. Nang sumakay ako sa kotse ni Keith, akala ng walang kwentang lalaking iyon, sasama ako sa kanya sa bahay niya. Ang kapal talaga ng mukha! Kinaliwa na nga niya ako at niloko tapos umaasa pa siyang papatulan ko pa rin siya?! Anyway, doon ko na sinabi sa kanya ang ginawa ko, namin ni Micha. Ayun, natakot na mabuko ni Xena ang kawalanghiyaan niya kaya ora mismo, ibinigay niya sa akin ang tseke ko.”
Marahas na naihagod ni Santi ang mga kamay sa ulo.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang gagawin mo? alam mo ba kung ano’ng inisip ko nang makita ko kayo?!”
“I’m sorry. Pero sigurado kasi ako na hindi ka naman papayag sakaling ipaalam ko nga sa iyo iyon. I had to kiss him and hug him para maging kapani-paniwala sa pictures. At ayoko namang isipin mo na may kahulugan pa iyon kaya mas ginusto kong hindi mo na lang makita iyon. Kung alam ko lang na nakita mo pala kami, ipapaalam ko na agad ang totoo sa iyo ora mismo. Santi, please, believe me. Hindi kita niloloko. Ikaw ang mahal ko. Ni hindi ko nga alam kung paano ko naisip na pagmamahal ang naramdaman ko kay Keith noon. When compared to what I feel for you, it seemed so bladn and lifeless,” matapat na saad ni Nikki.
Maluha-luha ang mga mata nito at tigib ng pakiusap ang anyo. Maya-maya ay kinuha nito ang cellphone nito at tinawagan si Micha.
“Micha! Kausapin mo si Santi, nakita pala niya kami ni Keith. Send the pictures and---“
Kinuha ni Santi ang cellphone mula sa kamay ni Nikki at kinausap ang kaibigan nito.
“No need, Micha. I trust my girl. I don’t need proof,” tipid na aniya saka pinutol na ang linya.
Hindi makapaniwalang tinitigan lang siya ni Nikki. Tuluyan nang pumatak ang mga luha sa mga mata nito.
“Naniniwala ka sa akin?” anas nito.
Tumango naman siya. Masuyong pinunasan niya ang nabasang pisngi nito.
“Naniniwala ako sa iyo. Mahal kita. At kung sakali man na saglit kang nagduda at nalito, na naisip mong baka si Keith pa rin pala ang mahal mo, ayos lang sa akin. Mauunawaan ko. basta sa huli ako pa rin ang pinili mo. Dito ka pa rin sa akin umuwi. Ako pa rin ang hinintay mo magdamag na umuwi.”
Isinubsob ni Nikki ang mukha sa dibdib niya at mahigpit na niyakap siya.
“I love you, Santi,” pahayag nito saka sinimulang kantahin ang kantang katatapos lang niyang gawin noong isang linggo.
“I’ve spent twelve lonely Christmas Eves without you. Hoping, wishing next year I’d finally be with you. The wine wasn’t sweet enough, the gifts weren’t good enough, the lights weren’t bright enough, the trees weren’t tall enough. All those twelve Christmas Eves without you...”
Napangisi si Santi sa wala sa tonong boses ni Nikki. Pero para sa kanya, wala nang mas magandang boses pa kaysa sa boses ng babaeng mahal niya. Sinabayan niya ito sa huling stanza ng kanta.
“But this year I won’t be lonely. ‘coz I’m spending Christmas Eve with you.”