CHRISMA AND WAYNE'S STORY
Feel na feel ni Chrisma ang pagbirit sa isa sa mga paborito niyang Christmas songs.
Ginawa pa niyang mike ang hawak na bote ng body spray habang nakatitig siya sa sariling repleksyon sa salamin sa itaas ng vanity sink sa loob ng powder room ng condu unit na tinitirahan niya. Kahit nakapinid ang pinto ng powder room na mas malapit sa kitchen ay dinig na dinig pa rin niya ang Christmas song na pumapailanlang mula sa stereo na nasa living room.
Kasama niyang nakatira sa naturang condo unit ang dalawa pang kaibigan at mga kasama sa banda na sina Jing-jing at Lucibelle. Sila nina Jing-jing at Lucibelle ang vocalists ng banda nila. Pero sa kanilang tatlo ay si Lucibelle lang ang hindi humahawak ng instrumento. Keyboardist din kasi nila si Jing-jing habang siya naman ay bassist nila.
Hati-hati silang tatlo nina Lucibelle at Jing-jing sa rent, groceries, electric bill, water bill, internet bill at iba pang mga bayarin sa unit nila. Nagkasundo silang rentahan ang unit na iyon dahil mas malapit iyon sa mga bars na regular na pinagtutugtugan ng banda nila. Mas malapit rin iyon sa mga bahay ng dalawa pa nilang kabanda na sina Santi at Cinda. Thirty minutes away lang kasi sa kanila ang bahay ni Santi, ang lead guitarist nila. Habang forty-five minutes away naman sa kanila ang bahay ni Cinda, ang drummer nila.
Mayroon namang sariling bahay si Chrisma. Iyong dating bahay nila ng Lola Lala niya sa Baguio na ipinangalan na nito sa kanya bago pa nito pinakasalan ang pangatlong asawa nito na si Lolo Rogelio at sumama sa lalaki na mag-migrate sa Australlia. Pero bukod sa nalalayuan siya sa lokasyon ng dating bahay nilang maglola, masyado ring malaki iyon para sa kanya gayong solo lang naman siya. Kaya para may extra income na rin siya, pinaupahan na lang niya iyon.
Buti na lang at tulad ni Chrisma, adik rin sa Pasko sina Lucibelle at Jing-jing kaya hindi umaangal ang mga ito sa pagpapatugtog niya. Isang pihit na lang kasi sa volume ng stereo ay nasa maximum level na iyon. Bukod pa sa masyado pang maaga para magpatugtog ng mga Christmas songs.
September twenty-eight pa lang kasi ngayong araw. Pero ilang araw na lang ay October na, tapos November at sa wakas ay December! Ang pinakapaborito niyang buwan sa buong taon. Kung siya lang nga ang masusunod, buwan-buwan ay December para laging Pasko. Nang sa gayon ay may legal na rason na siya kung bakit maya’t maya siyang nasa mall at nagsa-shopping. But then again, she doesn’t really need any other reason to go shopping.
Tukso nga sa kanya ni Cinda, kahit daw siguro mag-i-end of the world na, matutuwa pa rin siya. Dahil tiyak na makakahanap na naman siya ng rason para makapag-shopping ng mga supplies na gagamitin niya para maka-survive. Hindi maunawaan ni Cinda kung paanong sa kahit na anong araw o okasyon ay nakahahanap siya ng dahilan para makapag-shopping. Kunsabagay, lalaki kasi ito kaya wala itong kahilig-hilig sa pagsa-shopping.
Ang akala ng marami ay isang babae si Cinda dahil sa palayaw nito. Pero si Sirioco Silverino Jacinda ito sa totoong buhay. At walang makaka-isip na babae o may pusong-babae ang naturang drummer nila sandaling makita na nila ito sa personal. Because Cinda looked like a tattooed badass who had perfected the silent, brooding look that makes people take a step back when they first see him. Eksaktong kabaligtaran ito ng pinsan nitong si Santi, ang isa pang lalaking miyembro ng banda nila.
Javier Silverino Santiago sa birth certificate nito si Santi. At si Santi ang classic example ng isang zero to hero na lalaki. Wala kasing maniniwala na dati ay mukha itong kalansay na bubuyog dahil sa sobrang kapayatan nito at laki ng suot na salamin sa mata. Dahil sa hitsura at pagiging nerd nito noon, biktima ito madalas ng pambu-bully. Pero ngayon, ang lead guitarist nilang ito ang perpektong deskripsyon ng isang playboy rockstar. At isang suicidal na tao lang ang makakaisip na i-bully pa ito ngayon.
Kung silang tatlo nina Jing-jing at Lucibelle ang Belles sa Silver Belles, ang magpinsang sina Cinda at Santi naman ang kanilang Silver. Nagkakilala silang lima sa kolehiyo nang maging magkakaklase sila sa isang subject. Noon nila natuklasan ang pagkahilig nila sa musika. Kaya napagkasunduan nilang bumuo ng banda. And now four years after they first started their band, they’re all still together.
Muli niyang hinagod ng suklay ang kanyang pixie cut na buhok. She loves her new blond hair and pink highlights. Tingin niya ay patatagalin niya hanggang sa Halloween iyon. She can go as the singer Pink in their Halloween gigs and parties. Pagkuwan ay hinagod niya ng tingin ang suot na baby pink shorts, white tank top, monogram necklace at Guess snake embossed leather wedge sandals. Isang sulyap pa muli sa salamin para tiyaking pantay ang kanyang pulang-pulang lipstick at handa na siya.
Pupunta siya sa mall ngayon kasama sina Jing-jing at Yang. Oras na kasi para simulan niya ang kanyang Christmas shopping. At kanina pa naghihintay sa kanya ang magpinsan.
Bubuka pa lang ang bibig ni Chrisma para muling sabayan ang awiting pumapailanlang mula sa living room nang gambalain ng sunod-sunod na katok sa pinto ng bathroom ang pagsipat niya sa sariling repleksyon. Actually, mas tamang sabihing pagkalabog sa pinto kaysa simpleng pagkatok lang iyon.
“Mahal na Emperatriz! Baka naman gusto na ninyong lumabas within this century?! Christmas this year ang habol natin, hindi Christmas next year!” malakas na tawag sa kanya ni Jing-jing.
“Lalabas na! Wait lang!” ani Chrisma na hinagod muna ng tinging ang sarili from head to toe bago matamis na nginitian ang repleksyon niya sa salamin. “Ang ganda mo talaga, Chrisma!” aniya.
Siyempre, kailangan niya iyon. Ayon nga sa isang magazine article na nabasa niya, dapat ay may daily affirmations kang ginagawa para maging positibo lagi ang mangyayari sa buhay mo.
Pinihit niya ang seradura ng pinto at lumabas ng powder room. Hinagod muna siya ng mapanuring tingin ni Jing-jing bago ito umismid.
“Wala namang nabago!” pang-aasar nito sa kanya.
Isinukbit nito sa balikat ang gray tote bag nitong mas gusto niyang tawaging travel bag dahil sa laki. At ipupusta niya ang huling hininga niya na ang mga laman ng tote bag ni Jing-jing ay hindi katulad ng mga laman ng shoulder bags nila ng pinsan nitong si Yang. Sa totoo lang ay gusto na niyang isumpa, ipakulam at iapadala sa Mars ang writer, producer at casts ng TV series na The Walking Dead.
Magmula kasi nang ma-adik si Jing-jing sa panonood sa naturang TV series ay naging praning na ito. Naniniwala ang babae na any moment ay magaganap ang zombie apocalypse. Kaya naman hindi ito umaalis ng bahay nang hindi kumpleto sa bag ang lahat ng mga kakailanganin nito para daw maka-survive sakaling sakupin na nga ng zombies ang buong mundo. Minsan kailangan pa nilang i-double check ang bag ni Jing-jing para tiyaking wala itong dala-dalang matutulis o matatalim na bagay na posibleng maging dahilan para maaresto sila.
“Of course! Maganda pa rin kasi ako!” maagap na tugon naman ni Chrisma sa pang-aasar na pasaring ni Jing-jing. Humakbang siya patungo sa sala at dinampot mula sa armchair
ang shoulder bag niya.
“Finally! Kanina pa nagti-text sa akin si Chris kung nasaan na ba tayo. Naiinip na siya sa tagal nating dumating,” wika ni Yang.
Bakas ang pagka-inip sa mukha ng babae habang nakatayo malapit sa pinto ng unit. Kailan lang nakilala ni Chrisma ang pinsan na ito ni Jing-jing. At masasabi niya ngayon pa lang na sigurado siyang never niya itong magiging best friend. Kung hindi nga lang ito pinsan ni Jing-jing, matagal na niya itong iniitsa palabas ng Earth. Masyadong demanding at prima donna kung umasta.
Kanina pa ito atat na atat na umalis sila. Kung hindi nga lang siya ang driver nila sa lakad na iyon dahil coding ang kotse ni Jing-jing at wala namang kotse si Yang ay malamang kanina pa sila nilayasan ni Yang.
Pero alam ni Chrisma na hindi iyon dahil gustong-gusto na ni Yang na mag-shopping. Si Yang lang yata kasi ang kaisa-isang babaeng nakilala niya na hindi tinubuan ng shopaholic gene sa katawan tulad ng ibang normal na mga babae. Hindi mahilig mag-shopping si Yang. Hindi ito katulad nila ni Jing-jing at ng missing in action ngayon na regular member ng shopping expeditions nila na si Lucibelle. In fact, sasama lang si Yang sa kanila ni Jing-jing ngayon dahil gusto ni Yang na
makilala niya ang bagong boyfriend nitong si Chris.
Ewan ba naman niya kung bakit atat na atat si Yang na ipagmalaki sa kanya ang nobyo nito. Noong isang linggo pa nga siya kinukulit ni Yang na mag-double date daw sila ng bagong nobyo nito. Kung wala naman daw siyang mayaya sa mga manliligaw niya since alam nitong wala siyang boyfriend ngayon, yayain na lang daw niya si Cinda o kaya ay si Santi.
Pero may kutob siya na ang talagang gusto ni Yang na isama niya ay si Cinda. Malakas kasi talaga ang kutob niya na crush ni Yang si Cinda. Iyon nga lang, dedma si Cinda rito. At dahil sa kanya mas malapit si Cinda, obvious na iniisip ni Yang na sa kanya naman may crush si Cinda. Bagay na walang katotohanan dahil parang kapatid lang ang turingan nila ni Cinda.
Tinignan niya si Jing-jing at tinanong tungkol sa bagong boyfriend ni Yang.
“Ano bang hitsura ni Chris? Gwapo, ubod ng macho at pinagsama-samang Chris Hemsworth, Chris Pine at Chris Evans ba ang sex appeal?” usisa niya kay Jing-jing dahil ito pa lang ang nakakakilala sa nobyo ni Yang. Isang negosyante raw ang lalaki at anak ng kaibigan ng ina ni Yang.
Bahagyang nalukot ang ilong ni Jing-jing sabay kibit ng balikat at sulyap kay Yang. Nang makitang nakayuko sa hawak na cellphone si Yang ay ibinalik ni Jing-jing ang tingin sa kanya at pinanlakihan siya ng mga mata. May kasama pang pagngiwi iyon.
“Matangkad! Ubod ng tangkad!” tugon ni Jing-jing sa kanya. Nakuha naman niya agad ang ibig sabihin ni Jing-jing. Pero gusto niyang asarin si Yang kaya kunwari ay hindi niya agad nakuha ang ibig tukuyin ni Jing-jing.
“Ang tinatanong ko kung gwapo ba?” naka-arko ang mga kilay na ulit niya sa kaswal na tono pero nagmi-make-face rin siya kay Jing-jing.