~~~~
Nang marinig ni Marymae ang pagparada ng motorsiklo ni Cinda sa harap ng bahay niya ay ibinaba niya ang hawak na rattle na pinang-aaliw niya kay Baby Rocco.
“Nandiyan na si Daddy, baby!” excited na aniya sa sanggol. Tila naunawaan naman siya ni Baby Rocco dahil humagikhik at nakakawag ang mga kamay at paa nito.
Hindi pa opisyal na Jacinda ang apelyido ni Baby Rocco pero pinoproseso na ng korte ang lahat. Tuluyan nang ipinaubaya ni Jody kay Cinda ang lahat ng karapatan nito sa bata. Tila wala na talaga itong intensyon pang maging malaking bahagi ng buhay ng anak nito. Dahil nang tanungin ni Cinda ang babae kung papayag itong ampunin niya rin si Baby Rocco sa sandaling naikasal na sila ni Cinda ay walang pag-aatubiling pumayag ang babae.
Bagay na ikinatuwa nila ni Cinda. Magiging legal na anak na nila si Baby Rocco kapag nangyari iyon. But at the same time, hindi rin nila maiwasang malungkot para sa bata. Mistula kasing tuta na basta na lang itong ipinamigay ng sariling ina. Mas pinili ni Jody na makasama ang nobyo nito na ayaw pumayag na pumisan muli sa mga ito si Baby Rocco.
Pero anumang pagkukulang ni Jody kay Baby Rocco ay sisiguraduhin niyang pupunan niya. Baby Rocco is her son now. Her firstborn though he may not have come from her womb. At hindi magbabago ang pagmamahal niya sa sanggol sa sandaling mabiyayayaan na rin sila ni Cinda ng sarili nilang anak.
“Hello, Daddy! Bakit ang tagal mo?” bati ni Marymae sa fiance pagpasok ni Cinda sa pinto.
“Dinaanan ko pa ito sa bahay ninyo. Nag-text ako kay Mama. Nagpaluto ako ng sinigang na salmon,” tugon ni Cinda na itinaas ang paper bag na hawak nito. Inilapag nito sa ibabaw ng coffee table ang bag at lumapit sa kanila ni Baby Rocco. Ikinawit nito ang dalawang braso sa baywang niya saka ito tumungo upang hulihin ang mga labi niya.
“Oh, yeah! Nung isang araw pa nga ako nagki-crave diyan.”
Napangisi naman si Cinda.
“i know. Nagsasalita ka pa nga kagabi habang natutulog ka. Inuungutan mo si Mama na lutuan ka niyan.”
Tumaas ang isang kamay ni Cinda at pumalibot sa leeg niya. Sa kabila ng mga buwang nagdaan mula nang maaksidente siya ay panay pa ring dinadama ni Cinda ang pulso sa leeg niya. Tila hindi ito mapakali hanggat hindi natitiyak sa sarili na humihinga pa nga siya. Kung maaari nga lang siguro, ipagbabawal na nito sa kanya ang tumawid siya ng kalsada. Parang mas ito ang na-trauma sa pagkakabundol ng sasakyan sa kanya kaysa siya mismo.
He asked her to marry him on Christmas Eve. Sa harap ng buong pamilya niya at pamilya nito ay inalok siya nito ng kasal. At bawat araw pagkalipas ng Paskong iyon ay paulit-ulit nitong ipinapakita at pinatutunayan sa kanya ang pagmamahal at katapatan nito.
“I love you,” anas nito sa mga labi niya.
“Love you too.”
*******END*******