Silver Belles-Santi, Baby Chapter 32

“I know, Chrisma,” malumanay ang tonong aniya na itinago ang guilt na biglang kumudlit sa dibdib. Dahil sa totoo lang, siya ang may balak na ignorahin ang presensya ng dalaga.

“Kumusta ka na? It’s been a while since the last time I saw you. Parang nung March pa yata iyon. If I didn’t know any better, iisipin kong iniiwasan mo ako. Kapag nagkakasabay tayo ng araw ng pagbisita kina Xander ay madalas naka-alis ka na pagdating ko. Kapag ako naman ang nauna roon, super late ka naman kung dumating at ako ang naka-alis na. Hindi na tuloy tayo nagkikita,” nakasimangot na ani Chrisma kay Wayne.

Pero bago pa siya makasagot ay bumaling na si Chrisma kay Gus. Mistulang switch ng ilaw na binuksan ang pagliliwanag ng mukha ng dalaga nang ngitian ng pagkatamis-tamis si Gus.

“Oh, hello there!” bati ni Chrisma na ikinaway pa ang mga

daliri sa kaibigan niyang akala mo ay nakakita ng artista kung makatitig sa dalaga.

Bagay na hindi rin naman niya maisisisi sa kaibigan dahil talaga namang takaw-atensyon ang hitsura ni Chrisma. Kahit pa siguro hindi kulay blond na may pink streaks ang pixie-cut na buhok ng dalaga ay agaw-atensyon pa rin ito. Sa suot ng dalaga na baby pink shorts at white tank top na nagpapakita sa magandang hubog ng katawan nito, kahit sinong lalaki ay mapapansin ito. And though her face wouldn’t launch a thousand ships like Helen of Troy, it would at least launch a few hundreds. Lalo na ang kulay honey na mga mata nitong tila laging nakangiti at nag-aanyaya sa iyong gantihan mo rin ito ng ngiti.

Even if the leather wedge sandals she was wearing didn’t add a few inches to her five-feet and two inches height to make her look like she was five-seven, he was damned sure that she’d still manage to make her presence known. Sa lakas ng personalidad nito, bibihira ang hindi makakapansin sa

tuwing dumarating ito.

“Sorry sa pang-iistorbo ko sa inyo ni Wayne. And since mukhang walang balak si Wayne na ipakilala ako sa iyo, ako na ang magpapakilala sa sarili ko. I’m Merry Chrisma Pascual, nice to meet you...”

“Gus. Gus Abrenica. Nice to finally meet you, Merry Chrisma,” ani Gus na na tumindig at agad nakipagkamay kay Chrisma.

“Just Chrisma, please.”

“Then nice to meet you, Just Chrisma,” nakangiting ani Gus na wala pa yatang balak bitawan ang kamay ng dalaga kung hindi pa malakas na tumikhim si Wayne.

“Chrisma,” tawag ni Wayne sa dalaga. Agad naman itong bumaling sa kanya.

“So, how are you? Why are you here? Hindi mo naman siguro ako sinusundan, ano?” pabirong sunod-sunod na usisa ni Chrisma sa kanya.

Sa hitsura ng dalaga ay mukhang wala itong balak na batiin lang siya saglit at bumalik na agad sa mga kasama. Kaya naman ipinaghila na niya ito ng silya sa mesa nila ni Gus dahil ayaw niyang makipag-usap sa dalaga habang nakatayo sila. Iyong silya sa kabilang gilid niya at malayo kay Gus ang hinila niya para upuan ni Chrisma. Bagay na napuna ni Gus base sa pigil na pagtawa ng kaibigan niya.

*******

Gusto sanang isipin ni Chrisma na selos ang dahilan ni Wayne kaya mas pinili ng lalaki na paupuin siya sa kabilang gilid nito imbes na sa bakanteng silyang nasa mismong harapan niya at katabi ng silya ni Gus. Pero mahirap nang bigyang kahulugan na naman niya ang iniaktong iyon ni Wayne tapos sa huli ay siya rin lang ang mabobokya ang pag-asa.

Sa loob kasi ng nakalipas na dalawang taon mula nang magbalik sa Pilipinas si Wayne matapos ang pakikipag-divorce nito sa ex-wife nito ay wala namang ginagawang hakbang ang lalaki para mabigyan ng Chapter Two ang inaakala niyang simula na ng love story nila five years ago.

Pero hindi rin naman niya maggawang tuluyang palubugin ang pag-asa niya. Wala rin naman siyang nababalitaan na bagong babaeng napapaugnay sa lalaki lately. Ayon pa nga sa mga tsismis ni Michelle sa kanya, puros trabaho lang ang inaasikaso ni Wayne.

Naisip ni Chrisma na baka dahil iyon sa hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Wayne si Jemma. Marahil bitter pa si Wayne sa ex-wife nito at hindi pa handang mag-move on upang humanap ng bagong pag-ibig. Hindi naman talaga biro ang makipaghiwalay sa ina ng anak mo kahit pa posibleng ang dahilan kaya hindi nagtagal ang kasal ng dalawa ay dahil nagpakasal lang ang mga ito para sa anak ng mga ito.

Well, actually that last sentence was just pure speculation on her part. Hindi naman talaga siya nakasisiguro na dahil lang sa anak ni Wayne kay Jemma kaya pinakasalan ni Wayne ang babae. Posibleng minahal talaga ni Wayne si Jemma. Posibleng dala lang ng inggit at selos niya noon kaya niya naisip na parang hindi naman gaanong in love si Wayne kay Jemma noong una at huling beses na nakita niya ang dalawa na magkasama. Long distance relationship kasi ang nangyari sa dalawa noong bago maghiwalay ang mga ito at magkabalikan muli nang malaman nga ni Wayne ang tungkol sa anak ng mga ito.

Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kay Chrisma kung ano ba talaga ang dahilan ng paghihiwalay ni Wayne at ng dati nitong asawa. Malinaw naman na hindi iyon dahil sa nagkaroon ng ibang babae si Wayne since single and not ready to mingle ang drama ng lalaki hanggang ngayon. Ayaw rin naman niyang isiping si Jemma ang nangaliwa dahil ang tanga-tanga na lang ng babae kung iyon ang ginawa nito. Isipin mo iyon, asawa na ni Jemma si Wayne pero mangangaliwa pa ito? Aba’y nuknukan ng katangahan na iyon kung ganoon nga ang ginawa ng babae!

Kung bakit ba naman kasi ayaw pang sabihin sa kanya ni Xander ang rason sa likod ng paghihiwalay nina Wayne at Jemma. Kung gusto raw niyang malaman, si Wayne ang tanungin niya. Bagay na hindi naman niya maggawa. Una, dahil bibihira niyang makita si Wayne. At pangalawa, nag-aalinlangan din siya.

Oo nga at prangka siyang tao pero hindi naman siya insensitive. Tiyak niya na mabigat ang rason para makipaghiwalay si Wayne sa dati nitong asawa lalo pa at may anak ito sa babae.

Hindi nga ba at iniwan pa ni Wayne ang dati nitong trabaho para lang makasama ang mag-ina nito? Responsable at may prinsipyong tao si Wayne. Kaya natitiyak niya na anuman ang dahilan kaya nagkahiwalay ito at ang asawa nito, malaking bahagi ng kakulangan ay nasa panig ng dating asawa nito.

“Hindi naman halatang biased ka, ano?” komento ni Michelle nang banggitin niya iyon sa pinsan noong inuusisa niya ito tungkol sa divorce ni Wayne. Pero tulad ni Xander, ang sagot lang ni Michelle sa kanya ay mas mabuting si Wayne ang tanungin niya.

“Hindi naman masyado. Pero kilala mo rin naman ang brother-in-law mo, Michelle. Siya ‘yung tipo ng lalaking masarap maging asawa. Kasi sigurado hindi magdurusa ang asawa niya. Maprinsipyo, responsable, tapat at matapang pa. Kaya ipupusta ko ang isang ovary ko na ang bruhang ex-wife niya ang may kasalanan kaya sila nagkahiwalay. Tama?” aniya.

Sumenyas naman si Michelle na tila isini-zipper ang bibig nito. Ayaw talagang magsalita ng loka. Pinahihirapan pa siya sa panghuhula.

“Ewan ko nga sa iyo. Sige na, lalayas na ako. I-kiss mo na lang ako sa mga junakis mo pag naggising,” ani Chrisma. Nagsi-siyesta na kasi ang mga anak ni Michelle. Napagod dahil sa pagsi-swimming nila kanina sa pool sa clubhouse ng subdivision nina Michelle.

“Sure.”

“Sabihin mo sa kanila next Sunday na lang ulit nila makikita ang one and only pretty Tita nila.”

“Loka-loka! Sa kasasabi mo niyan, inuulit tuloy nina Matt at Rachel kina Ate Nerissa at Ate Talia iyan. Hayun, hina-highblood ‘yung dalawa,” bungisngis ni Michelle tukoy ang dalawang nakatatandang kapatid niya sa ama.

Magkaiba rin ng ina ang dalawang ate niya. Pero hindi tulad niya na laki sa lola dahil namatay sa panganganak sa kanya ang nanay niya, ang Ate Nerissa at Ate Talia niya ay lumaki sa piling ng kanya-kanyang ina ng mga ito. Nagkikita-kita lang silang magkakapatid noon sa tuwing may okasyon at bumibisita ang mga ito sa bahay ni Lola Lala. Simulat sapul ay hindi niya kasundo ang mga ate niya. Siguro dala ng selos at inggit ng mga nanay ng mga ito dahil ang nanay lang niya ang tanging pinakasalan ng babaerong ama nila, naging mainit ang dugo sa kanya ng mga nanay ng mga ate niya. Kaya pati mga ate niya nahawa sa galit ng mga nanay nito sa nanay niya. Galit na nasalin sa kanya dahil wala na nga naman ang nanay niya.

Kung tutuusin, mas kapatid pa ang turing niya kay Michelle kaysa sa sariling mga kapatid sa ama. Solong anak lang si Michelle ng kapatid ng ama niya na si Tito Gerald. At dahil halos isang bahay lang ang pagitan ng bahay nito sa bahay ni Lola Lala noon, halos araw-araw silang magkasama.

Nang mamatay ang Daddy niya noong sampung taong gulang siya at iburol sa bahay ng Lola Lala niya ay mahigit isang buwan siyang nakitulog sa kwarto ni Michelle. Natatakot kasi siya noon na matulog sa bahay nila dahil naroon nga ang kabaong ng Daddy niya. Lalo pa at sadya siyang tinakot ng mga malditang ate niya na babangon raw ang Daddy nila sa kabaong nito upang isama siya sa hukay nito. Dahilan para hindi na siya isama pa ng Lola Lala niya sa sementeryo nung araw ng libing ng Daddy niya. Nagwawala na kasi siya noon sa takot na isama nga rin siya sa hukay ng Daddy niya.

Nawala lang ang takot niya nang kumbinsihin siya ni Michelle na niloloko lang siya ng mga ate niya. Hiniling pa ni Michelle kay Tito Gerald na samahan sila nito sa puntod ng Daddy niya para maniwala siya na hindi siya maisasama sa hukay ng Daddy niya.

Kaya naman malaki ang pasasalamat niya na kahit hindi niya kasundo ang mga tunay na kapatid niya, may kapatid pa rin siyang maituturing sa katauhan ni Michelle.

“Lagi namang highblood ang dalawang ‘yun. Hayaan mo sila, insecure to the bone marrows lang ang mga iyon kaya hindi matanggap na ako talaga ang one and only pretty tita ng mga junakis mo,” bungisngis ni Chrisma sa sinabi ni Michelle tungkol sa mga ate niya.

Tumayo na siya at isinukbit sa balikat ang bag niya bago humakbang patungo sa front door ng bahay nina Michelle at Xander. Ang lupang kinatitirikan ng two-storey house na iyon ay pamana kay Michelle ng mga magulang nito. Ayaw naman ni Michelle na ibenta iyon dahil iyon na lang ang natitirang alaala rito ng yumaong mga magulang. Kaya kahit na kayang-kaya ni Xander na bilhan ng sampung lote si Michelle, doon sa lupang iyon pinili ng dalawa na ipatayo ang dream house ng mga ito.

“Maaga pa naman ah. Saan ka ba pupunta? May date kayo ni Rafael?” kunot-noong tanong ni Michelle na sumunod sa kanya.

“Hindi. Magkikita kami nina Jing-jing sa mall. Break na kami ni Rafael. Or should I say, break na kami ulit ni Rafael,” kaswal na kaswal na sagot niya.

“Really?! Mabuti naman!” tulad ng inaasahan niya, imbes na malungkot para sa kanya ay tila tuwang-tuwa pa si Michelle.

Natatawang napailing-iling tuloy si Chrisma sa hitsura ni Michelle. Sa lahat ng mga taong malalapit sa kanya, ito ang pinaka-nadismaya nang malamang nagkabalikan sila ng kaibigan ni Xander na si Rafael. Para kasi kay Michelle, hindi sila bagay ni Rafael kahit na halos magkapareho naman ang ugali at mga hilig nila ng lalaki.

“At talagang tuwang-tuwa ka pa ha?” komento niya.

“Hindi kasi kayo bagay. Hindi kayo opposite poles---“

“So we don’t really attract each other?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.