Silver Belles-Santi, Baby Chapter 33

“Mismo. Wala akong maipipintas kay Rafael kasi mabait naman. Pero kapag tinitignan kita sa tuwing kasama mo siya, wala akong nakikitang spark sa mga mata mo. Halatang hindi ka kinikilig. Parang kabarkada at hindi boyfriend ang turing mo sa kanya and vice versa.”

“I know, believe me, I know. And Rafael knows that too. Kaya nga mutual decision ang pagbi-break namin.”

“Well, does this mean kukulitin mo na ulit si Kuya Wayne?”

Natawa lang si Chrisma. Isa rin kasi sa mga supporters niya sa pagsinta niya noon kay Wayne si Michelle. At ngayong divorced na raw ang brother-in-law nito, baka raw may tsansa na siya kung mas itotodo pa niya ang pang-aakit sa lalaki. Kung kailangan daw niya ang tulong nito at ni Xander ay sabihin lang niya. Mas gusto rin naman daw ni Xander na siya ang makatuluyan ng kuya nito.

Habang nakatingin si Chrisma ngayon kay Wayne ay iniisip niya kung ano nga ba ang maaari niyang gawin para mapaamo ito sa kanya. Limang taon man ang lumipas, nananatiling matimbang pa rin sa puso niya ang lalaki. He had always been her ‘The One Who Got Away’. Sinubukan man niyang ibaling ang pagtingin niya sa iba nang ikasal si Wayne, nabigo pa rin siya. Sa dalawang naging relasyon niya nitong nakalipas na limang taon, hindi niya naranasang kiligin tulad ng parehong kilig niya noon sa tuwing masisilayan at makakaharap niya si Wayne. Hindi niya naranasan iyong parehong kaba at nerbiyos na nararanasan niya noon marinig niya pa lang ang pangalan ni Wayne. At hindi niya ninais na makita ang sarili niyang ikinakasal at kasamang tumatanda ng sinuman sa dalawang naging boyfriends niya pero kay Wayne ay madalas niyang gawin iyon noon.

Kaya naman nang malaman niya ang tungkol sa divorce ni Wayne at ang pagbabalik nito sa bansa dalawang taon na ang nakalilipas, nabuhayan siya ng pag-asa. Piping umasam na baka sa pagkakataong iyon ay hindi na maging ‘The One Who Got Away’ niya si Wayne. Baka si Wayne na ang kanyang maging ‘The One Who Stayed, Married Her and Gave Her a Happily Ever After.’

But for the past two years, nananatili pa ring mailap sa kanya si Wayne. Tulad nga ng sinabi niya kanina, tingin niya sadyang iniiwasan siya ng lalaki. Kaya kahit na binibigyan na siya ni Michelle ng tips kung kailan nasa bahay nito at ni Xander si Wayne ay hindi niya pa rin maabutan doon si Wayne.

“I think your friends are waiting for you, Chrisma,” disimuladong pagtataboy ni Wayne sa kanya sa patag pero magalang pa rin namang tono. Nilingon pa nito sina Jing-jing at Yang na nagbabayad na ng bill nila. Nakabalik na rin sa

mesa nila si Chris. At tulad kanina hindi maipinta ang mukha ni Chris habang nakatanaw sa direksyon nila nina Wayne.

“Oh! Pero hindi pa tayo nagkakausap ng heart to heart. Para ka pa namang true love, ang hirap hagilapin kahit nandito ka rin lang naman sa Earth. Minsan tuloy feeling ko ang pangit-pangit ko kaya mega effort ka sa pag-iwas sa akin,” nakangusong aniya nang ibalik ang tingin kay Wayne. Hindi niya itinago ang pagtatampo sa tono.

Biglang natawa si Gus. Bahagya pang tumukod sa mesa ang lalaki upang masilip siya dahil nakaharang nga ang matipunong katawan ni Wayne sa pagitan nila.

“Sinasadya bang huwag magpakita sa iyo? Hindi sinasagot ang mga tawag mo? Ni isang letra ng ‘K’ ayaw mag-reply sa text mo? Aba, aba! Isa lang daw ang ibig sabihin nun,” nakangisi pang ani Gus.

“Ano?” bahagyang napakunot-noong untag ni Chrisma sa lalaki.

Huwag na huwag lang itong magkakamaling sumagot ng ‘Ayaw sa iyo’. Dahil kapag iyon ang sinagot nito, kahit pa sintangkad at halos singkatawan din ito ni Wayne, isa-smackdown niya ito. Tila ganoon din naman ang tumatakbo sa isip ni Wayne dahil tinapunan nito ng nagbabantang tingin ang kaibigan. Hindi nga lang niya alam kung pareho sila ng dahilan ni Wayne kaya nito tinignan ng masama si Gus.

“Nagpapakipot. May gusto rin pero hindi maamin. Gusto nang umoo pero natatakot. Iyo na ang puso pero ayaw pang sabihin,” ang tila patula namang sagot ni Gus.

Natawa tuloy si Chrisma sabay sulyap kay Wayne na kumunot ang noo at umiling-iling.

“Ano’ng dapat kong gawin para mapaamin?” nakangising untag niya kay Gus. Mukhang magkakasundo sila ng kaibigang ito ni Wayne.

“Ligawan mo old-style,” tugon ni Gus na mas lalong lumawak ang ngisi sa halip na mangiming sumagot.

“Old style ligaw? Harana, flowers, sibak ng kahoy at igib sa poso negro, ganun? Pero girl ako,” napalabing aniya.

Malakas na napahalakhak ang dalawang lalaki. Gilalas na napatitig tuloy siya kay Wayne. Iyon ang unang beses na nakita niyang humalakhak si Wayne. Parang sasabog sa tuwa ang puso niya. Wala na sigurong mas gagandang musika pa kumpara sa tawa ng lalaki. Buong-buo at lalaking-lalaki ang tawa ni Wayne. Mas lalo pala itong gumagwapo kapag tumatawa.

Kaya kahit hindi niya alam kung bakit tumatawa ito at si Gus, nakitawa na rin siya.

“Chrisma, hindi ka pwedeng mag-igib sa poso negro,” nakangiti pa rin at iiling-iling na ani Wayne.

“Excuse me, pero kahit ganito lang ang height ko, kaya ko ring mag-pump ng poso negro at---“

“Poso lang, hindi poso negro. Poso negro is the sewer.”

“Oh! Eww!” bulalas niya na kagyat nag-init ang mukha. Kaya naman pala napahalakhak ang dalawang lalaki. Napangiwi siya nang ma-imagine ang sarili na nag-iigib sa poso negro. Kahit naman siguro love of her life niya si Wayne, hindi niya makakayang mag-igib sa poso negro para dito.

“Chrisma, let’s go!” ang may bahid ng pagka-inis at pagka-inip na tawag sa kanya ni Chris.

Sumesenyas pa ang isang kamay ng lalaki na bilisan niya. Naiinis na inirapan niya ito. Kung hindi lang niya alam na itatakwil siya ni Jing-jing kapag iniwan niya mag-isa ang babae sa piling nina Chris at Yang ay makikisiksik na lang siya dito kina Wayne at Gus. Labag sa loob na tumayo siya. At dahil mga gentleman, nagsitayo rin sina Wayne at Gus.

“Kailangan ko nang umalis kahit ayaw ko pa sana,” nakasimangot na aniya. Tumingin siya kay Wayne. Kailan naman kaya sila ulit magkikita nito? Malamang pagtaguan na naman siya nito at dedmahin ang mga tawag niya.

“See you, Chrisma,” anito.

“Call me, okay?”

“I’ll call you.”

Biglang nagningning sa tuwa ang mga mata ni Chrisma sa sinabi ni Wayne. Malakas ang kutob niyang sinabi lang iyon ng lalaki para hindi na siya mangulit pa. Pero kilala niya ito. Isa si Wayne sa mga endangered species ng lalaki sa mundo na kung ano ang sinabi ay pinangangatawanan iyon kahit na gaano pa kalaki ang pag-ayaw ng lalaki sa bagay na ipinangako nitong gagawin. Kaya nga ingat na ingat ito sa pagbibitiw ng mga salita nito.

“Really?! Yes! Okay, here, save my new number on your phone. Nagpalit kasi ulit ako ng number.”

“I already have it. Ibinigay na ni Michelle sa akin noong isang linggo pa.”

“Talaga? You mean you asked her for my number?! Why? Balak mo ba akong tawagan? Bakit? Ano’ng gusto mong sabihin sa akin? Sabihin mo na ngayon. Magtatapat ka na ba ng pag-ibig?” nakangising tudyo niya na ikinaangat ng mga kilay ni Wayne at ikinabungisngis naman ni Gus.

“Mukhang naiinip na ang mga kasama mo,” wika ni Wayne sa halip na sagutin siya.

“Okay lang iyan, sanay na silang mainip sa buhay. Part iyon ng growing up years nila. Anyway, sakaling hindi mo ako ma-contact sa cellphone ko, ibibigay ko na rin ang landline ko. Pati email adds ko sa lahat ng social media apps.”

“Wifi password mo at susi sa bahay, hindi mo ibibigay?” may himig ng sarkasmo ang tinig na untag naman ni Wayne sa kanya. Bahagyang napapailing pa ito sa kanya. Habang si Gus naman ay malawak ang ngisi.

“Gusto mo ba? Basta ang kapalit ay pangalan mo, puso mo at eighty percent ng worldly goods mo,” nakangisi at nakataas

ang mga kilay na aniya naman dito.

Siya pa ang hinamon nito? Aba, kalahati nga ng puso niya ay handa niyang ialay rito, passwords at susi lang ba?

“No, thank you.”

“Fine. Ay, sabi nga pala ni Michelle wala ka raw social media apps. Is that true?”

Balewalang tumango lang si Wayne.

“Totoo?! Pero bakit? Si Lola Lala nga tatlo-tatlo ang accounts sa bawat social media app niya. Bakit ikaw ni isa walang social media account? Paano ka nakikipag-usap sa mga friends mo?”

“Kung gusto kong makipag-usap sa mga kaibigan at kakilala ko, tatawagan ko sila o pupuntahan. Hindi ko na kailangan pang gumawa ng kung ano-anong accounts. Isa pa, delikado ang mga site na iyan. Post ka ng post ng litrato mo at mga nangyayari sa buhay mo, ni hindi mo naiisip na posibleng gamitin ng mga kriminal iyan para gamitin sa kalokohan ang mga personal na impormasyong ipinagmamalaki mo sa lahat,” saad pa ni Wayne sa tonong tila isa siyang batang walang kamuwang-muwang sa mundo.

“Opo, opo, alam ko po, Lolo. Maingat naman po ako sa mga ipino-post ko. Besides, malaking tulong kaya sa banda namin ang mga social media sites. Madaling nalalaman ng mga followers namin kung saan at kailan kami may gigs. In fact, malaki rin ang maitutulong nun sa negosyo mo. Gusto mo gawan kita? Para pwede rin tayong mag-chat doon. Tama! Gagawan kita ng account. At ang ilalagay ko na profile picture mo ay picture ko, tapos in a relationship ka na with yours truly siyempre,” nanunudyo ang ngising alok niya.

Natawa si Gus.

“At kapag may seksing babaeng naka-two piece lang sa profile picture na nagri-request sa kanya, delete agad?” ani pa nito.

“Siyempre!”

“I like your plan!” pag-apruba pa ni Gus.

Pero si Wayne, imbes na mag-alala ay nagkibit-balikat lang. Tila walang pakialam gawan man niya ito ng social media account na siya lang rin ang magma-manage.

“Ano, gagawan kita ha?” siko niya sa lalaki.

Naka-arko ang mga kilay na nilingon siya nito.

“Kapag ba sinabi kong huwag, hindi mo na itutuloy?”untag nito.

“Hmm...depende sa suhol mo. Tumatanggap ako ng kisses and dates bilang suhol,” kindat niya sa lalaki.

“Then by all means, create a fake account for me,” walang gatol namang tugon ni Wayne.

Napasimangot tuloy siya. Ang ibang lalaki nagkakandarapa mai-date siya, pero ang isang ito, hirap akitin!

“Ang korni mo naman. Wala ka talagang care magkaroon ka man ng fake account na lahat pictures ko ang ilalagay ko para malaman ng buong world wide web na patay na patay ka sa akin?!” nagbabantang aniya kay Wayne.

“I already told you, I’m not interested in creating a social media account. My business is my business. I don’t need the world to know what I do with my life. And anyone who believes everything they see on the Internet is a damned fool. Iyong mga nakakakilala sa akin, hindi rin naman maniniwala na akin nga ang mga fake accounts na gagawin mo.”

“Fine, fine! Stay stuck in the Stone Age, caveman. Basta, I’ll text you and email you, okay?”

Tumango ito.

“Sagutin mo ha? Baka hayaan mo na naman na sa voice mail lang maimbak lahat ng tawag ko. Mag-reply ka rin sa text at email ko. Kung hindi, nakuuu, Wayne Domingo ka! Magsisisi ka talaga!” kunway pagbabanta pa niya rito.

“Sasagutin ko ang tawag mo.”

Kung napipilitan lang magbitiw ng pangako para lang umalis na siya ay hindi iyon halata sa ekspresyon ni Wayne. May anino pa rin kasi ng pagka-aliw sa anyo nito habang nakatingin sa kanya.

“Okay, bye! Take care ‘coz I care!” paalam niya rito. Tatayo na sana siya nang may maisip na kapilyahan. “Pwedeng humirit ng goodbye kiss?”

“Chrisma,” eksasperado ang tonong sambit ni Wayne sa pangalan niya.

“Sige na nga, soon to follow na lang ang hello kiss, goodbye kiss at iba pang klase ng kisses,” nakalabing aniya bago niya nilingon si Gus. “Take care rin sa iyo. Saka na kita hihingan ng payo tungkol sa old style ligaw.”

Humakbang na siya palabas ng restaurant, nasa tapat na kasi ng pinto sina Jing-jing, Yang at Chris.

“Bakit parang malakas ang kutob ko na hindi nagkataon lang na dito ka nagyayang kumain, Merry Chrisma? Alam mong nandito si Wayne, ano?! Grabe ka, stalker ang peg mo, ganun?!” nagdududang usig ni Jing-jing sa kanya.

“Ano’ng stalker?! Hindi ah! Hindi naman ako ang nagyayang dito tayo kumain. Si Chris Yabang---“ kagyat napangiwi si Chrisma sa pagkakadulas niya nang masambit ang palayaw nila ni Jing-jing para kay Chris sa mismong harap ng lalaki. Pinandilatan tuloy siya nina Yang at Jing-jing. Habang si Chris naman ay tila hindi malaman kung namali lang ba ito ng dinig o ano kaya hindi malaman kung paano magri-react. Dali-dali siyang bumawi bago pa ma-realize ni Chris na tinawag nga niya itong Chris Yabang.

“I mean sina Chris at Yang ang nagyaya na dito tayo kumain. Hindi ako. ‘Di ba, Chris, Yang?” aniya sa magnobyo pero hindi na niya hinintay na kumpirmahin ng dalawa ang sinabi niya. Nagpatuloy na siya sa pagsasalita. “At saka hindi ko alam na makikita natin dito si Wayne. Aba, kung alam ko lang eh ‘di sana nagpaganda ako ng husto! This must be Fate’s way of telling me that we are really meant for each other!”

“Hanga talaga ako sa lakas ng loob mo, Chrisma. Kahit iniisnab ka ni Wayne, naniniwala ka pa rin na may forever kayo. Hindi ka ba nahihiya? Konti na lang desperada na ang dating mo. Maawa ka naman sa sarili mo. Maganda ka naman, marami pang ibang lalaki diyan,” iiling-iling at napapalatak na ani naman ni Yang sa kanya. Kung si Jing-jing ang nagsabi niyon sa kanya, balewala lang sa kanya. Best friends forever sila ni Jing-jing. Pero dahil nanggaling iyon kay Yang, hindi niya iyon nagustuhan. Nakangiti nga si Yang nang sabihin iyon, tipong nagbibiro lang. Pero ramdam niya ang pagmamaldita nito. Gumaganti siguro sa pang-aapi niya sa boyfriend nito.

“Of course not! Walang desperada-desperada pagdating sa true love. Kung ang buwaya at palaka nga posibleng magkaroon ng forever, kami pa kaya ni Wayne?” mariing tanggi naman niya na may kasama ring patama tungkol sa boyfriend nito.

Aba, mag-think twice ito kung balak nitong malditahan siya. Kasi tataob lang ito sa kanya. Teacher kaya siya nina Lucibelle at Jing-jing sa kamalditahan. Tila nahalata naman ni Jing-jing na nababanas na siya sa pinsan nito kaya ikinawit nito ang braso sa kanya at niyaya na siyang lumakad na sila para maipagpatuloy ang naudlot nilang pagsa-shopping.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.