Skylander Series Chapter 29

CHAPTER NINETEEN

Mabilis na nagkulong sa kuwarto si Kimberly kasama ang mga pinamili. Nasa loob na naman siya ng parang kampo-militar niyang tahanan. Mababaliw talaga siya kapag naroon. Pumunta siya sa banyo at binuksan ang pakete ng pregnancy test kit nagawa niyang bilhin kaninang naggo-grocery siya.

It has been two weeks since she had been to Sagada. Pero parang bumalik na naman siya sa dati niyang buhay. It was her father who pushed the engagement. She was sure that Kurt was not stupid not to know the extent of her relationship with Rohann. But he doesn’t seem to care. Walang mahalaga dito kundi makasal sila. At siya ay bumalik na naman sa pagiging robot. Sunud-sunuran at de numero ang kilos.

Sumandal siya sa pinto habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test. What if she was pregnant? She closed her eyes and suddenly dreamt of the mountains again. She missed Sagada. Cold clean air, mountains and Rohann. Wala na siyang nabalitaan dito mula nang maging preso siya sa bahay na iyon.

Dumilat siya at tiningnan ang resulta. Muntik na siyang himatayin nang makitang dalawang pink na guhit ang resulta ng test. Nanlulumo siyang napaupo sa malamig na marmol na tiles ng banyo. Magkakaanak na sila ni Rohann.

Tulala siyang lumabas ng banyo, tears streaming down her face. Hindi niya alam ang gagawin. How could she possibly tell Rohann? Or should she tell him?

“Hi, cousin!” nakangiting bati sa kanya ni Atasha. Sa loob ng nakakaraang araw, ito lang ang kinakausap niya. “Buti pumayag si Uncle Horacio na mag-shopping ka.” Natigilan ito nang makita siyang umiiyak. “Hey, anong problema? May nakita ka bang hindi maganda sa mall? What?”

Kinagat niya ang labi. “W-Wala.”

Magaan nitong pinisil ang pisngi niya. “Namumutla ka. Siguro dahil hindi ka na nasisikatan ng araw. Dapat payagan ka ni Tito Horacio na bumalik sa pagiging volunteer doctor. Hindi bagay sa iyo ang hindi nasisikatan ng araw.”

Pati ang trabaho niya ay ipinagkait sa kanya ng ama. Babalik lang daw siya sa mga medical mission kapag kasal na daw sila ni Kurt.

Umiling siya. “Okay lang ako.” Subalit lalo lang siyang napaiyak. She had seen other women became pregnant without a father. Most of them are teens. They survived. Pero mas komplikado ang sitwasyon niya.

“Tatawagin ko si Tita Betty para kausapin ka.”

Pinigilan niya ito. “No! I-I can’t tell them that I am pregnant,” aniya sa nanginginig na boses. “Not yet. Natatakot ako.”

“Oh, my God!” bulalas nito at pinagmasdan siyang mabuti. Mukhang ito pa ang hihimatayin kahit na siya ang buntis. “Are you sure?”

Tumango siya at sinamahan ito sa banyo. Ipinakita niya doon ang resulta ng pregnancy test. She was happy. She and Rohann created another life. Pero nalilito pa rin siya sa dapat gawin.

“Go back to your bed,” natutulirong sabi ni Atasha at ikinuha siya ng tubig saka siya pinainom. “Anong gagawin mo ngayon?”

“I can’t marry Kurt,” aniya at mahigpit na hinawakan ang braso. Iyon lang ang isang bagay na natitiyak niya.

“You shouldn’t marry him in the first place. Si Tito Horacio lang naman ang may gusto na magpakasal kayo. The next thing you should do is tell this to Rohann.”

“P-Paano kung hindi niya ako kausapin?” tanong niya at niyakap ang sarili. Naalala kasi niya ang huli nilang pagkikita. She knew that Rohann’s doesn’t want to see her again. He already kicked her out of his life. “Saka hindi ako basta-basta palalabasin ni Papa nang walang mga bodyguard.”

“Ano ang ginagawa ko? Ako na ang bahala kay Uncle.”

“MANONOOD kayo ng sine ni Kim?” diskumpiyadong tanong ng Papa niya kay Atasha. Inangat ng Papa niya ang binabasang diyaryo at tiningnan siya na tahimik lang sa likuran ng kanyang pinsan. “Bring the bodyguards with you.”

“Tito, killjoy ka talaga” nakasimangot na sabi ni Atasha. “Huwag na lang po. Nakakainis yatang manood ng sine nang may alipores.”

“I insist!” giit ng Papa niya. “Dahil baka makipagkita na naman ang pinsan mo sa Madrigal na iyon. O kaya tumakas siya…”

“Rohann won’t see me anymore, Papa,” putol niya sa iba pang sasabihin nito. “The bastard already dumped me in front of you, remember? Kaya malabo ang iniisip ninyo na babalikan pa niya ako.”

“You won’t run to him?”

Walang emosyon niya itong tinitigan. “Why should I want someone who doesn’t love me. I have my pride, Pa,” she said in a flat tone. Pakiramdam niya ay para lang siyang artista na binabasa ang script.

Kumalma ang Papa niya at ngumiti. “Sige, mag-enjoy kayo sa panonood ninyo ng sine. Kailangan talaga ninyong mag-relax.”

“Grabe! Pang-best actress ka, cousin!” excited na sabi ni Atasha nang makalabas na sila ng village. Ito ang nasa manibela. “Napaniwala mo si Tito!”

“Totoo iyon, Ash. It wasn’t an act,” nakatiim-bagang niyang sabi habang tuwid ang tingin sa harap ng sasakyan. That was how she really felt about Rohann. Kung hindi dahil sa anak niya, di niya kakapalan ang mukha na makipagkita dito.

“Make yourself beautiful,” utos ni Atasha sa kanya. “Whatever the result is, you will still be beautiful. Hindi iyong nagmumukha kang walang pride, cousin. At taas-noo mong masasabi kay Rohann na ‘your loss, not mine’.

She pulled out her make up and skillfully applied it. Yes. Make up could help mask how she really felt. Lalakasan din niya ang loob para sa anak niya.

Pagdating niya ay naroon na si Rohann. Nagulat ito nang makita siya. Si Atasha ang unang kumausap dito. “I’m sorry, Mr. Madrigal. Hindi ako totoong reporter nang kausapin ko ang manager mo. Actually, I am his close friend. Sinabi ko sa kanya na importante lang na makausap kita.”

“Ikaw ba ang kakausap sa akin o si Kimberly?” tanong ni Rohann na hindi inaalis ang tingin sa kanya. As if he was afraid that she might disappear in a blink of an eye. Did he miss her too? Kakausapin kaya siya nito?

“Sure.” Iniwan na sila ni Atasha at inokupa niya ang mesa sa tapat ni Rohann. “Hindi mo na kailangang gawin iyon,” sabi nito. “May pinagsamahan naman tayo. Hindi naman kita pagtataguan o iiwasan.”

She was expecting rejection. Na magagalit ito sa kanya. She wanted to utter something. But she choked and just couldn’t find the right words.

Ngumiti si Rohann. “Congrats! I saw your picture on the paper with Kurt.” Announcement iyon ng nalalapit nilang engagement party. “You look beautiful. But I hate that stiff look. Na parang bibitayin ka. Di ka ba masaya?”

Yes, I am not. Gusto niyang sabihin dito. But instead, she managed to smile stiffly. “Kumusta na kayo ni Patricia?” aniyang di nagkomento sa sinabi nito.

“We are dating more often than before,” anito matapos ibigay ang order nila sa waiter. Tsaa lang ang in-order niya. But the truth, she doesn’t want to take anything. Di dahil buntis siya kundi dahil natetensiyon siya sa harap nito. “May importante ka bang sasabihin kaya ka nakipagkita sa akin?”

Bahagya siyang yumuko dahil ayaw niyang ipakita dito nasasaktan siya. She kept on remembering her pride. Di nito dapat makita na nasasaktan siya. She must tell him about their baby. “Kukumustahin ko lang ang mga tao sa Sagada,” sa halip ay nasabi niya. “I really wish I could go back there.”

“Ayeka keeps on asking about you. Magpapaturo daw siyang maging doctor. The rest of them are okay. Balita ko kay Aki, babalik doon sila Randy next month. Hindi ka ba sasama pabalik?”

“You know that I can’t,” malungkot niyang usal.

“With the wedding preparation and everything, mahihirapan ka talagang bumalik. And I doubt it kung payagan ka pa ng Papa mo at ni Kurt. Hindi mo ba ako iimbitahan sa engagement mo?”

“I’m sorry,” aniya at iniwas ang tingin dito. How could he talk casually to her as if they were old friends and not lovers? Sinasaktan siya nito.

“I understand,” mahina nitong usal. He suddenly became uneasy too. Bumalik lang ang ngiti nito nang sulyapan ang sports watch. “I have to go, Kim. May training pa ako ngayon. I will be competing for Taiwan next month. Good luck sa engagement at kasal ninyo ni Kurt.” Bahagyang lumamlam ang mata nito ngunit naroon pa rin sa labi ang ngiti. It felt so fake even if his smile was true. Kahit kailan, hindi mapagkunwaring ngumiti si Rohann. “I really wish you happiness. I am sorry if I can’t let you stay with me forever. But it is for the best. It was…”

“Don’t bother explaining. I know how you feel. Naiintindihan kita.” Tumayo siya at inabot ang kamay dito. “Goodbye, Rohann.”

Ginagap nito ang palad niya at ngumiti. No kisses. Not even a simple complimentary kiss at the back of her hand. No more I love you.

Then it was suddenly too much for her. She walked stiffly away from him; her head up while tears were streaming down her face. Pero hindi nito makikita na umiiyak siya. Hindi siya niya ito bibigyan ng satisfaction.

“What happened?” tanong ni Atasha nang sumakay siya sa kotse.

Natutop niya ang palad upang hindi umiyak nang malakas. Lahat kasi ng iniipon niyang hinanakit ay doon niya naibuhos. “Hindi ko masabi sa kanya na buntis ako. He looks so happy. Natatakot ako na masira ang kaligayahan na nakikita ko sa kanya kapag sinabi ko ang tungkol sa bata.”

“Pero anak niya iyan.”

She dabbed her eyes with Kleenex. “It is no use. Masaya na siya sa buhay niya. And besides, I can take care of my own child.” Kahit na mas gusto niyang kasama si Rohann sa pagpapalaki nito.

“Your façade was a failure, cousin. Halatang nasasaktan ka. Let’s go home.”

“Not yet,” aniya at umiling. “May isa pa akong taong gustong kausapin. Tell Kurt I will meet him in his office.”

“I’M SORRY, Kurt. I can’t get through the engagement. I can’t marry you,” she said in a flat tone. Hindi madaling tanggapin ang sinabi niya. Walang lakas-loob ang Papa niya na sabihin iyon. Pero kailangan niyang gawin.

“Why? Will that guy marry you?” kaswal na tanong ni Kurt na parang hindi nito kasal ang nakabalag sa alanganin.

“No.”

“Kung ganoon, ano ang problema?”

Direkta niya itong tiningnan sa mga mata. “I am pregnant.”

“And he doesn’t want the kid?”

“He doesn’t know,” aniya at nakagat ang labi. “He doesn’t want me.”

Tumayo si Kurt at nagsalin ng whiskey. Matagal na sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Hinihintay niya ang bayolente nitong reaksiyon kaya kinabahan siya nang tumayo ito sa glass window na kitang kita ang natatataasang gusali ng lungsod. Baka mamaya ay tumalon ito.

“I still want to marry you,” sabi nito pagkuwan.

Gulat siyang tumayo sa kinauupuan. “What?” bulalas niya. “Nasisiraan ka na ba ng bait? I am pregnant with another guy. And I love him even if he dumped me. And besides, I don’t love you.”

Humarap ito sa kanya at muli niyang nakita ang ngiti nitong madalang pa sa patak ng ulan sa disyerto. “It is perfect!” Tumayo ito sa harap niya. “Look! We won’t consummate our marriage. And people will ask why you don’t get pregnant. Baka isipin nila na isa sa atin ang may problema at makakasira iyon sa political career ko.”

She felt nauseated for a moment. Wala na itong inisip kundi ang political career. Pati anak niya ay gusto nitong gamitin sa ambisyon nito.

“Kurt, I don’t really want to marry you.”

“It is not easy to be a single mom,” paalala nito. “The people will ridicule you. You are not an ordinary woman. You came from a political clan. May pinanganga-lagaang reputasyon ang angkan ninyo. You need a father for your child. It is tough to raise a kid on your own. Your child needs me.”

“Hindi ikaw ang ama ng anak ko,” matigas niyang sabi.

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “I will treat the child as my own. He will be well provided as my son. He will be a Rieza. He will be my heir,” anitong lalong lumapad ang ngiti. He gave her bear hug. “You made me so happy, Kimberly.”

Umalingawngaw sa isip niya ang pangalan nito. Rieza. She will possess that name. So does her child. It doesn’t fit right. Her child is a Madrigal in flesh and blood. And she wanted her child to be a Madrigal in name, too. Dahil iyon ang tama.

Pero imposible nang mangyari ang hinihingi niya. Maybe it was her fate. Maybe this was better. Kaysa umasa sa lalaking hindi niya mahal. Mabuti pang siya na lang ang I-reject nito huwag lang ang anak niya.

“SEñORITA KIM, tawag po kayo ni Señora sa music room,” anang kawaksi nang katukin si Kimberly sa kuwarto. She felt like a zombie as she walked towards the music room. Tumutugtog ito ng piano nang pumasok siya.

Tumigil ito sa pagtipa ng piano nang makita siya. Nakangiti siya nitong sinalubong. “Hello, hija! Take a seat,” anito at iginiya siya sa divan. Ginagap nito ang kamay niya. “I already know that you are pregnant, Kim.”

Namumutla siyang tumingin dito. “P-Paano po ninyo nalaman?”

Ngumiti ito. “It is a motherly thing. It was only confirmed by Atasha last night. Tinanong ko kasi siya.”

Hindi siya makatingin nang diretso dito. Alam kasi niya na disappointed ito sa kanya. “I am not a perfect daughter, Ma. I always bring trouble.”

“Oh, Kim!” usal nito at niyakap siya. “I am not perfect daughter either. Lagi kong ginagamit ang puso ko. Have you told Rohann about it?”

Naiyak siya nang banggitin nito ang pangalan ni Rohann. “I can’t tell him, Ma. He doesn’t want me. But I told Kurt. He still wants to marry me.”

Nahigit nito ang hininga. “Kimberly, no! You don’t love Kurt.”

“And Rohann doesn’t love me,” dugtong niya. “He is happy with his life now, Ma. He finally got over me. That is all I want. To see him happy. I don’t want to make him miserable again. Ayoko nang bawiin pa ang kaligayahan niya.”

Hinaplos nito ang mukha niya. “Kim, hindi kamiserablehan ang dala sa inyo ng batang iyan. Anak ninyo iyan. You can’t keep it from him.”

“I must. Because I love him.”

At nangako siya sa sarili na lalayo siya kay Rohann basta makita lang niya itong masaya. And now that he is, she must keep her promise.

Natutop nito ang bibig at nangilid ang luha sa mata. “You can’t commit the same mistake I did. I married the wrong man.”

“At least Kurt wants me, Ma. He wants my baby. He is not as bad as your first husband. Hindi matutulad ang baby ko kay Kuya Luigi.”

“You will still marry Kurt even if you love Rohann? I only married Andy because our parents forced us. Pero ikaw, ipaglalaban kita sa Papa mo. Dahil alam ko na magiging masaya ka sa lalaking mahal mo.”

“We don’t have the same story, Ma. Rohann is happy now that I am out of his life. I have to forget him.”

Hinaplos nito ang buhok niya. “You can’t forget him. Paano kung pakasalan mo nga si Kurt at magkita kayo ulit ni Rohann? Matutulad ka sa amin ng Papa mo. Hindi mo rin mapipigilan ang puso mo.”

Malungkot siyang ngumiti sa kabila ng patuloy na pagluha. “Believe me, Ma. Rohann isn’t like Papa. He won’t take me back.”

Huminga ito nang malalim upang ibsan ang nararamdamang sakit. Her mother was hurting. Dahil nakikita nito ang sarili nito sa kanya. “If only I could do something to make you happy. Ayokong maging miserable ang buhay mo sa lalaking hindi mo naman mahal.”

“I can’t fight my destiny, Ma.”

Ipinahiram lang sa kanya si Rohann. She should be satisfied that he loved her, even for just a moment.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.