Skylander Series Chapter 28

“It was so peaceful here,” usal ni Kimberly habang nakasandal sa pine tree at pinagmamasdan ang paggalaw ng ulap sa bughaw na langit. Nasa Echo Valley sila ni Rohann. May kalayuan ang nilakad nila pero worth it naman dahil napakaganda ng lugar. Luntian ang paligid at sa di kalayuan ay naroon ang hanging coffins na nakasabit sa limestone cliff.

“Masyado kasing tahimik dito,” sabi ni Rohann at tumayo. His face looked so serene. Like her, he found peace in that place.

Humikab siya. “Inaantok na nga ako.”

“Hey, bawal matulog dito. Dahil kung tutulugan mo lang pala ako, iniwan na lang sana kita. Idinala kita dito para mag-relax.”

Ilang araw na siyang tumutulong sa mga clinic at nanggamot sa mas malalayong bahagi ng Sagada. Bukod pa sa tensiyonado siya dahil baka biglang dumating ang Papa niya kasama si Kurt. Ang tanging konsolasyon na lang niya ay sinabi ni Atasha na nasa Singapore pa rin si Kurt. Kilala niya ang Papa niya. Hindi ito basta-basta magbabalita nang hindi maganda nang hindi personal na sinasabi. Oras na bumalik si Kurt mula Singapore, sasabihin din niya dito na di na sila magpapakasal pa.

“Kaya nga magre-relax. Matutulog. Nakakaantok kasi dito.” Parang idinuduyan siya ng hangin.

“Get up!” anito at hinila ang kamay niya para tumayo siya. “Mabuti pa sumigaw ka na lang para mawala ang antok mo.”

“Sigaw?” bulalas niya. “Bakit ako magsisisigaw dito? Tahimik nga dito tapos pag-iingayin mo ako. E paano kung bumangon ang mga mummies? Baka mamaya multuhin pa ako ng mga iyan.”

“Sanay na silang may sumisigaw dito. Kaya nga Echo Valley ang tawag dito. Hindi ka naman makakalikha ng echo nang hindi ka sisigaw. Saka wala namang tao dito. At kung mayroon man, ano ba ang pakialam nila? Sumigaw din sila.”

“Ano naman ang isisigaw ko?” tanong niya.

“Superman!”

Pinisil niya ang pisngi nito. “Hindi isinisigaw ang ‘Superman’. Basta lang siyang nagtatanggal ng polo niya. Saka babae ako, no?”

“Bahala ka na.” Tumayo ito sa likod niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Mag-Darna ka na lang.”

“Wala akong bato,” pabiro niyang sabi. Hindi niya maiwasang mangiti sa pinaggagagawa nila ni Rohann. Sanay kasi siyang seryoso ito.

Tiningnan siya nito ng matalim. “Tulugan na lang kaya kita?”

“Sisigaw na po.” Huminga siya nang malalim. “I love you!”

Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang sumagot ang alingawngaw. Nawala ang ngiti sa labi niya nang mahuli ang matalim na tingin ni Rohann. “Sinong love mo?”

Gusto sana niyang sabihing ito. Pero naalala niya ang sinabi nito dati. Ayaw niyang banggitin pa niya ang tungkol sa pagmamahal niya dito.

“I love you, Sagada!” sigaw niya.

Saka lang niya napansin ang pagkalma ni Rohann at umupo sa damuhan. “Akala ko kung sino.”

“Kahit naman sino mai-in love dito sa lugar na ito,” aniya at umunan sa hita ni Rohann. “Sagada.” Pinagmasdan niya ang mukha nito. “Hindi ko talaga maisip na dito kita matatagpuan.”

Yumuko ito sa kanya. “Hindi ba sinabi ko sa iyo na dito ako ipinanganak? This is my home.”

“Nawala lang siguro sa isip ko.” Masyado siyang nalunod sa pagdadalamhati noon kaya hindi na sumagi ang Sagada sa isip niya.

“This is the best place on earth. I love it here. Kaya kapag walang competition, dito lang ako nag-I-stay.”

He was a son of Sagada. Parang kabilang ito sa nagtatayugang bundok, hilera ng mga puno, sa bughaw na langit at sa malayang ilog. Rohann was like a storm. He was someone who shouldn’t be ignored. He shouldn’t be underestimated. His true strength lies in his eyes. And his rain quenched her thirst for life.

Tama. Isang bahagi ng lugar na iyon si Rohann.

“I think this place is miraculous.”

Nagtatanong itong tumingin sa kanya. “Wala yata akong nababalitaan na may aparisyon na nangyari dito.”

Bumangon siya at puno ng pagmamahal itong pinagmasdan. “You are the apparition, Rohann. I noticed that you smile here more often. And I really love it when you smile.”

Tumayo ito at sumimangot. “Pinaglalaruan mo na naman ako.”

“O, sumusungit ka na naman.” Kumapit siya sa braso nito at nagseryoso. “Do you still have nightmares, Rohann?”

Bahagya itong ngumiti. “Not anymore.”

“I’m glad,” usal niya at humilig dito. It was a big step. Maybe he could learn to forget. Maybe he could fall in love again. “Rohann, can I stay here forever?”

She had big dreams. Dahil para sa kanya, mukhang imposibleng matupad. She wanted to build a family with him and raise their kids there. Katulad nang kung paanong lumaki doon si Rohann. But of course, it was impossible. But she still has the right to dream.

“That’s a long time, Kim. Too long.”

Pero maaring ganoon din kahabang panahon bago tuluyan niyang makitang maging masaya si Rohann. Kung permanente lang sana niyang nakikita ang ngiti sa labi nito. At sa habambuhay na iyon, may katiting pa ring pag-asa sa puso niya na muli siya nitong mamahalin.

“I know. But Rohann…”

He cut her words as his lips moved across her mouth. After they made love, he kept his distance. He only gave her a few safe kisses. But now, he was kissing her with a fierce, savage hunger. Unti-unti nitong binubuhay ang pandama niya.

“Let’s go home,” anito at iginiya siya pabalik ng bahay.

Parang nahipnotismo siyang sumunod dito. She didn’t know what the kiss meant. Maybe he wanted her to stay forever.

HINDI mawala ang ngiti sa labi ni Kimberly habang nagluluto ng agahan nila ni Rohann. The first passionate kiss he gave after the last time they made love changed everything. She was dreaming again. That she was Rohann’s wife. Na sana ay araw-araw na niyang gawin iyon. She would give everything to make it come true.

“Hmmm…mukhang masarap,” sabi ni Rohann. Pero mas mukhang masarap ito kaysa sa niluluto niya dahil kasa-shower pa lang nito.

“Nag-brew na ako ng tea. Malapit nang maluto ito. Baka kanina ka pa hinihintay ng kuya mo.” May sparring session ito kay Jet. Hanggang ngayon daw kasi ay nagluluksa pa rin ang pinsan nitong si James kaya ang kapatid muna nito ang makakasama nito sa training.

Naulinigan niya ang pagparada ng sasakyan sa tapat ng bahay. Maya maya pa ay may kumatok na sa pinto. “May tao yata, Rohann,” sabi niya. “Tingnan mo. Baka kuya mo na iyan. Sinusundo ka.”

Di nagtagal ay bumalik si Rohann. “Si Jet na ba iyan?” tanong niya.

Umiling si Rohann. “Bisita mo ang dumating.”

Pinatay niya ang kalan at tinungo ang pinto. Nagulat siya nang pagbukas niya ay bumungad sa kanya si Kurt at ang Papa niya. “Anong ginagawa ninyo dito?”

“Can we come in?” kalmadong tanong ni Kurt.

Lalong binuksan ni Rohann ang pinto. “Feel at home,” sabi pa nito.

Ninenerbiyos siya. Naalala niya ang pangako sa kanya ng Papa niya. Na babawiin siya nito kay Rohann. Paralisado pa rin siya sa tabi ng pinto kahit na nakaupo na ang Papa niya at si Kurt. Her father was trying to look civilized. Kaiba sa pagpapakita nito nang pwersa noong nakaraan. Dahil siguro sa presensiya ni Kurt.

“Hindi ako sasama sa inyo,” matigas na sabi niya habang nakatutok ang paningin niya sa Papa niya.

“Nandito na si Kurt, Kimberly,” anang nagbababalang tinig ng Papa niya. “Sumama ka na sa amin nang maayos.”

Humigpit ang kapit niya sa doorknob ng pinto. “I told you I am staying here. Hindi ba sinabi sa iyo ni Papa ang totoo, Kurt?”

“Shut up, Kimberly!” matalim na utos ng Papa niya. Ayaw nitong ipaalam kay Kurt ang nabuo na niyang plano. Na hindi na siya magpapakasal dito. “Sasama ka sa amin ngayundin o kailangan ka pa naming daanin sa pwersa.”

“No!” tutol niya at tumakbo sa tabi ni Rohann. Alam niyang ipagtatanggol siya nito sakaling pwersahin siya ng papa niya na sumama.

Itinaas ni Kurt ang kamay at biglang natahimik ang Papa niya. “Hindi mo kailangang matakot, Kimberly. We didn’t come here to force you. Kami lang ng Papa mo ang magkasama. Wala ang mga bodyguards ko.”

Bahagya siyang kumalma. But she didn’t totally put her guards down. “Bakit pa kayo nandito? I told you, I am not coming with you!”

Natuon ang mga mata ni Kurt kay Rohann. Mukhang parehong kalmado ang mga ito. But their eyes were so intense. Parang nagsusukatan ng tingin at lakas. “Nagpunta kami dito dahil sinabi mo. Gusto ko lang malaman kung maisasama namin siya. I don’t have any intentions to force Kimberly. If she wants to stay here, we are leaving then.”

“No,” matigas na sabi ni Rohann. “She’s coming with you.”

“Rohann!” hindi makapaniwala niyang bulalas. “Hindi mo ba ako narinig? Hindi ko sasama sa kanila.”

“Pack your things now, Kim,” kaswal nitong utos. But his eyes held hers in a powerful gaze. Parang sinasabi nito na wala siyang karapatan na kumontra.

Napaawang ang labi niya. “How could you…”

Tumayo si Kurt. “Maghihintay na lang ako sa kotse,” anito at iniwan sila.

Puno pa rin ng katanungan ang isip niya nang sila na lang tatlo sa sala. She felt a combination of anger, disappointment and fear.

“Ano pang tinatayo mo diyan, Kimberly?” anang Papa niya na halatang naiinip na. “Gusto mo pa rin dito samantalang ipinagtatabuyan ka na ng lalaking iyan?”

She looked at Rohann with pleading eyes. “You told me that you would let me stay as long as I want to. And I want to stay here, Rohann.” Subalit nanatiling nakatitig sa kanya si Rohann. As if he was abandoning her to her worst nightmare.

Hinarangan ng Papa niya ang paningin niya. “Don’t you have any pride, Kim? That guy set you up. Siya mismo ang tumawag kay Kurt para sunduin ka.”

“What?” bulalas niya at tiningnan si Rohann. Hinintay niya na tumutol ito sa sinabi ng Papa niya ngunit nananatili itong tahimik. Ni wala siyang mabasang negatibong reaksiyon mula dito. His eyes were void of any emotions. “Sabihin mo na hindi totoo ang sinabi ni Papa, Rohann. It was a lie.”

Hinaklit ng Papa niya ang kamay niya. “That’s the truth! Buksan mo ang mga mata mo. Stop being stupid! Paghihiganti lang ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. His revenge wouldn’t be complete until he completely rubbed our noses in it. Pinaglaruan ka lang niya. At ngayong sawa na siya sa iyo, pinagtatawanan lang niya tayo. At lalo ka niyang pagtatawanan dahil nagmumukhang tanga ka habang umaasa sa kanya. Enough, Kimberly!”

Ipiniksi niya ang brasong hawak ng Papa niya at maluha-luha habang nakatitig kay Rohann. “Tell me that my father is lying and I will believe you.” Iyon lang naman ang gusto niyang marring. Na ikaila nito ang sinabi ng papa niya.

Humalukipkip ito. “I don’t have to deny anything. Dahil totoo ang sinabi ng Papa mo. Tinawagan ko si Kurt.”

“Why?” tanong niya na nanginginig na boses.

“Tapos na ang paghihiganti ko sa iyo. Pinatawad na kita. Now we can go on with our lives.”

Nakuyom niya ang palad. Hindi mapigil ang pagpatak ng luha niya sa sobrang sakit. Pakiramdam niya, sinasaksak siya ni Rohann nang libong beses sa puso. Mas masakit pa iyon kaysa nang malaman niyang namatay si Rohann. Dahil sa pagkakataong ito, pakiramdam niya ay siya mismo ang namatay.

Tuwid niyang sinalubong ang Papa niya sa kabila ng pag-iyak. “Hintayin ninyo ako sa labas, Papa. Mag-eempake lang ako.”

Nagulat ang Papa niya sa sinabi niya. Ngunit walang salita itong lumabas ng bahay. Siya naman ay tuloy-tuloy sa guestroom na mahigit dalawang linggo din niyang tinuluyan. Ganoon na ba katagal ang pinagsamahan nila ni Rohann. Pero bakit parang napakaikli? At bakit hindi pa siya lubusang nagiging masaya sa kabila ng pagpapatawad nito sa kanya?

Binuksan niya ang travelling bag at ipinaghahagis doon ang mga gamit. Halos wala na siyang makita dahil nanlalabo na ang mata niya sa luha. Pero kailangan na niyang umalis. Dahil iyon ang gusto ni Rohann.

“Do you need help?” tanong ni Rohann na namataan niyang nakasandal sa may hamba ng pinto.

“No thanks. Kaya ko na itong mag-isa.” Go to hell, gusto sana niyang isigaw dito. Hindi na siya magpapakababa pa sa harap nito. She thought she could endure anything for love. Pero hindi pala siya martir.

“Galit ka sa akin?” tanong nito at ito pa mismo ang nagtupi ng mga damit niya na basta-basta na lang niyang ihinahagis sa maleta.

“No. You are the most perfect host,” aniya sa sarkastikong tono. Inagaw niya ang mga damit dito. Ibinagsak niya sa maleta saka isinara. “Thanks for the hospitality. For letting me stay here.I hope you are satisfied with your revenge now.”

Pinigilan siya nito sa balikat. Nakadama siya ng galit nang makita ang ngiti sa labi nito. “Hindi ba iyon naman ang dahilan kung bakit ka nag-insist na mag-stay dito? You want me to forgive you. You want to take away my pain. I am grateful for your effort, believe me.”

Natigilan siya. Iyon nga ang sinabi niya noon. Ngunit nagbabaka-sakali siyang mahalin siya nito. Pero ngayon ay isinasampal nito sa kanya na gusto lang nitong maka-recover kaya siya ginantihan. Lahat ng kabaitan nito ay para sa paghihiganti.

“No hard feelings, Kim,” pagpapatuloy nito. “We had some great time. We didn’t make any promises. No strings attached. And Kurt told me that he is willing to marry you no matter what. He is perfect for you.”

“Sure. He will accept me even if I told him that I seduced you. That I did it to put the guilt off my chest. And now that everything is okay. I am forgiven. And I could go on with my life as if nothing happened,” anito sa magaang tono. “Sure. Ganoon din naman ang sinabi ni Patricia sa akin. That she will accept you no matter what.” Mapait siyang ngumiti. “You also think she is perfect for you? A girl who doesn’t care about your past.”

“I guess so. After all, Patricia likes me since we were teens. She will make a perfect wife for me.”

“Then good luck, Rohann.”

She pulled his head roughly and kissed him in wild abandon. She was mad. He wanted to punish him for making her feel useless. But it was also her way of telling him how much she loved him.

“Please tell me you are happy now,” pakiusap niya at direkta itong tiningnan sa mga mata. If he’d only ask her to stay…

Matagal na sandali siya nitong tinitigan. “Now that you are leaving, yes. I am finally over my past. So do you. We could start anew. You have Kurt.”

“And you have Patricia.” Tuluyan na siyang inalis nito sa buhay niya. There was no use of dreaming. Dahil tuluyan nang tinapos ni Rohann ang mga pangarap niya. “Then I hope you are really happy and all your dreams will come true.”

She didn’t dare look back when she left. Wala na siyang Rohann na babalikan. Wala na siyang puwang sa puso nito.

She wanted to tell him that she loved him. But it is not worth it anymore.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.