Skylander Series Chapter 33

It was such a fine day. Nagising si Jenna sa huni ng ibon at sa malamig na klima. Nang dumungaw siya sa bintana ay bumuglaw sa kanya ang magandang tanawin. Ang araw na unti-unting sumisilay sa makakapal na pine trees at ang unti-unting pagkahawi ng fog. Suddenly, she thought it was the best scene on Earth.

Nakarinig siya ng malalakas na bagsak ng kahoy sa lupa. Nang tumingin siya sa kabilang bakuran ay nakita niya si James na nakatalikod sa kanya. Babatiin sana niya ito nang mabitin sa lalamunan niya ang ‘Good morning’ niya.

Her mouth was gape open while watching him cut the wood with an ax. Tumigil ito sa pagsisibak ng kahoy at tinanggalang ang T-shirt nito saka isinabit sa kahoy na upuan sa di kalayuan.

“My, my, my,” she commented and absently fanned her face with her hand.

His broad shoulders glistened in the morning sun, tapered to a slim waist. With a powerful swipe of an ax, his muscles flexed. Kahit na hindi na ito naglalaro ng taekwondo, alaga pa rin nito ang katawan.

Napansin marahil nito na may nagmamasid dito. Ibinaba nito ang palakol at lumingon sa direksiyon niya. Naputol ang pangangarap niya ng gising. Ngumiti siya at kinawayan ito. “Good morning, James.”

Tinanguan siya nito. “Good morning,” bati nito at ipinagpatuloy ang pagsisibak ng kahoy. Parang dini-discourage siya nitong makipag-usap pa dito.

Napabuntong-hininga siya sa panghihinayang. Wala na siyang chance na pagmasdan pa ito nang hindi nahahalatang pinagnanasaan niya ito kung hindi niya ito kakausapin. Sumuko na lang siya at nag-shower. Saka niya ilibas ang jogging pants at jacket. Magdya-jogging na lang siya para mawala ito sa isip niya.

Paglabas niya ay nakasalubong pa niya si Sapphire na may dalang canvass at iba pang gamit sa pagpipinta. “Good morning, Sapphire.”

“Good morning, Jenna,” nakangiting bati nito. “Nag-breakfast ka na ba?”

“Hindi pa. Magdya-jogging lang ako. Para makita ko na rin paligid. Ikaw? Saan ka magpipinta?”

“Sa falls. Gusto mo bang sumama sa akin?”

Nilingon niya ang trail na papunta sa falls. May katarikan iyon. Kailangan pa yatang dumaan sa mga pilapil ng rice terraces. Hindi pa siya ready sa ganoong klase ng adventure. “Next time na lang siguro. Saka ayokong maabala ka sa pagpe-paint mo. I am also an artist that’s why I know that distraction is the last thing you need.”

“Kung magdya-jogging ka, magpasama ka na lang kay James.”

Nilingon niya si James na abala pa rin sa pagsisibak ng kahoy. Huminga siya nang malalim at nakangiting bumaling kay Sapphire. “Huwag ka na lang. Busy pa siya. Ayoko namang abalahin siya sa trabaho niya.”

“Pero Jenna…”

“See you around,” aniya at tumakbo sa direksiyon patungo sa main road.

Hindi pwedeng maghapon niyang pantasyahin si James. Damn. He got the best body she had ever seen. At kung magdya-jogging siya kasama ito, mas gusto niya itong makitang half-naked. Pero ayaw naman niyang makita itong ganoon ng iba. Tiyak na magseselos siya. At wala siyang karapatang magselos.

Kailan pa ba siya naging possessive? Kung ang ex-boyfriend nga niyang si Iñigo na may sensitibong eksena sa ka-loveteam nito noon ay hindi niya pinagselosan, bakit naman siya magseselos kay James na hindi naman niya boyfriend. Umaakto ulit siyang parang isang die hard fan. She must be insane.

Binigyan niya ng huling sulyap si James na hindi nag-abalang tingnan siya habang tumatakbo siya palayo. You are just a dream, James. But who knows. Maybe you are just what I needed to get over my past.

“MMM…ang sarap talaga nito!” usal ni Jenna habang kumakain ng cream tart. Sabado noon kaya market day. Maraming paninda at mga kubol-kubol sa palengke sa tabing daan. Namili na siya ng gulay na iluluto niya para sa tanghalian nang mapansin niya ang tindahan ng mga kakanin. Nang malaman niyang may cream tart ay tumikim siya. Mukha kasing maraming bumibili. And it was good.

Nagdya-jogging lang siya kanina. Hindi niya napuntahan ang daan papunta sa mismong poblacion ng Sagada dahil bumaba na agad siya sa Bokong bago pa man makarating doon. Na-fascinate siya sa mga pine trees na nadadaanan niya habang naglalakad hanggang makita niya ang mga tent at kubol. Akala pa nga niya noong una ay may tiangge pero iyon na pala ang palengke.

“Miss, lagi bang may ganito dito?” tanong niya at sumubo ulit ng panibagong piraso ng cream tart.

“Tuwing Sabado lang may market day. Pero araw-araw naman akong nagtitinda dito. Gusto mo pa?” alok nito nang masama pa rin ang tingin niya sa paninda nitong cream tart.

Tumango siya dahil marami pang laman ang bibig niya. “Ibalot mo na lahat, Miss. Gusto kong kainin lahat iyan. At gusto ko pa ulit bukas. Pwede na iyang miryenda sa akin o kaya breakfas?” tanong niya nang magawang makapagsalita.

“Kung gusto mo, ide-deliver ko na lang sa iyo bukas. Saan ka ba tumutuloy?”

“Sa Bokong. Kapatid ako ni Jemarra, iyong girlfriend ni Rui.”

“Ah, iyong apo ni Lola Inez. Hindi ba papunta silang Amerika?”

“Oo. At dahil magbabakasyon ako, doon muna ako tumuloy,” paliwanag niya.

“Nakita mo na si James Lizardo? Iyong taekwondo champion. Siya ang sikat sa amin dito.”

“Oo naman,” aniya at natigil sa pagsubo ng tart. “Matagal na ba siyang nandito? Alam mo ba kung bakit siya nag-quit samantalang maganda naman ang career niya sa Manila at sa abroad?”

Tumango ito at bahagyang inilapit ang mukha sa kanya. “Hindi mo kasi naitatanong, hindi naman siya ganyan dati. Pero nang dahil kay Joann…”

Kumunot ang noo niya. “Joann?” pabulong niyang usal. Sino kayang Joann iyon? Hindi naman iyon nababanggit sa mga balita tungkol kay James. Although may mga balita na may non-showbiz girlfriend ito. Si Joann kaya iyon?

“Ate Wilma, may lemon tart ka ba ngayon?”

Naparalisa ang buong katawan ni Jenna nang marring ang boses ni James. Speaking of the devil, the devil is here. Kanina lang ay pinag-uusapan pa nila ni Wilma ang interesante nitong buhay pero heto at nasa likuran na agad niya.

Dahan-dahan siyang lumingon habang kinakabahan kung narinig nito ang pagtatanong niya kay Wilma tungkol dito. She smiled guiltily at bahagyang kumaway. “Hello, James.”

Bahagyang dumilim ang mukha nito. “Jenna, nandito ka lang pala. Bakit umalis ka nang hindi man lang nagsasabi sa akin? Ni hindi kita napansing umalis.”

“B-Busy ka kasi,” usal niya nang mapansing masyado silang malapit sa isa’t isa dahil sa dami ng tao sa paligid. Then she remembered his half-naked gorgeous body she saw a while ago. At kahit na nakasuot na ito ng plane white T-shirt at bagong paligo, hindi pa rin nawawala ang imahe nito sa isip niya.

“Wala akong lemon tart ngayon, James,” untag ni Wilma sa kanila at naputol ang pag-uugnayan ng mga mata nila.

“Ano ang tinda mo?” tanong nito at nagbuklat pa ang tupperware.

“Cream tart.”

“Bigyan mo ako ng lima,” sabi ni James at bahagyang ngumiti.

“Ubos na. Nabili na niya,” anang si Wilma at itinuro siya.

“Ipinabalot ko na lahat. Gusto mo share pa tayo,” alok niya.

Umiling ito. Kumuha ng panyo at pinunasan ang gilid ng labi niya. “Huwag na. Mukhang sa iyo lang, kulang pa iyan.”

Napasinghap siya dahil sa gesture nito. He was so sweet. “Sinasabi mo bang matakaw ako?” Pero nahiya rin siya at the same time. Ni hindi man lang niya napansin na may cream pa sa gilid ng labi niya. Kaya akala nito matakaw siya.

Umiling ito. “May sinabi ba akong matakaw ka?”

“Teka, Ate Wilma. Bakit hindi mo sinabi sa akin na gumagawa ka rin pala ng lemon tart. Gusto ko rin noon. Dalhan mo ako ng isa pang kahon bukas.”

“At kapag sinabi ko bang gumagawa rin sila ng lemon pie, oorder ka pa rin?”

“Wow! Lemon pie! Dalhan mo rin ako bukas. Isang buo!” parang batang sabi niya sa sobrang excitement. “Dalhin mo lahat bukas ng umaga, ha?”

“Kung wala ka nang bibilhin, umalis na tayo,” sabi ni James at inakay siya palayo. “Baka masira ang diet mo kapag nagtagal pa tayo dito.”

“Anong diet?” tanong niya at kumuha ng panibagong cream tart.

“I thought you are health conscious. Na bawat intake mo sa katawan mo, binibilang mo ang calories at cholesterol content. Alam mo ba kung gaano karaming carbohydrates at calories ang nasa tart na kinakain mo ngayon?”

Mahina siyang tumawa. “So? Dahil sa diet na iyan, I missed eating a lot of good stuff. I think a little of this won’t hurt me.”

“A little, huh!” anito at tiningnan ang kahon na hawak niya.

“Actually, I want to share it with you and Sapphire.”

Kinuha nito ang plastic bag na hawak niya. “Pwede bang malaman kung anu-ano ang pinagbibili mo?”

“Mostly vegetables,” sagot niya.

Binuklat nito ang bag at may inilabas na papel. “And a map.”

“Para hindi ako maligaw sakaling gusto ko mang mag-stroll.” Nakisilip siya sa mapa. “We are at the market in front of the Municipal Hall.” Itinuro niya ang marka ng palengke sa mapa. “And that is the Church.”

“Gusto mo bang pumunta doon?”

“Nakita ko na iyon. But I want to go to the open field beside it.”

“The softball ground,” pagtatama ni James. “Anong gagawin mo doon?”

“I just want to look at the pine trees and the view. Mukhang maganda kasi ang view mula doon. Okay lang?”

“Sure,” anito at sinamahan siya sa paglalakad.

“Gusto mo?” alok niya sa cream tart.

“Sa iyo na lang. Oorder na lang ako kay Wilma bukas.”

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila habang tahimik niyang pinagmamasdan ang magandang view. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa malayo. Same old questions about him bothered her again and new questions arise.

“James, pwedeng bang magtanong?”

Nagkibit-balikat ito. “Basta kaya kong sagutin.”

“Bakit basta ka na lang nawala noon? Hindi ba maganda pa ang career mo? You have a sports program. And you represent the country to international competitions. Masyado ka pang bata para mag-quit, hindi ba?”

Pinagsalikop nito ang mga palad at nanatiling tuwid ang tingin. “I suddenly felt tired. Since I was ten, sa taekwondo na umikot ang buhay ko. Been competing since then. Trying to prove to the world that I am the best. One day I woke up and it lost its meaning. Tinapos ko lang ang kontrata ko sa sports program at inayos ang iba ko pang kompromiso. Saka ako nagpahinga.”

“But the press are still all over you.”

“Nananahimik na nga ako, pilit pa rin nila akong ginugulo.”

“Sino nga pala si Joan?”

“Shit!” galit nitong bulalas.

Nagulat siya nang iangat nito ang kamay. Napapikit siya. Will he hit her? Nagkamali yata siya ng tanong. Kung bakit kasi nagtatanong siya nang hindi man lang nag-iisip. Ano ba ang problema nito kay Joann? Niloko ba ito? Ipinagpalit sa ibang lalaki? Sumama sa iba?

Hinintay niyang dumapo ang kamay nito sa anumang bahagi ng katawan niya. Pero hindi iyon dumating. Nang dumilat siya ay nakaangat pa rin ang kamay ni Japoy, ilang pulgada sa mukha niya. Nagulat siya nang makita itong may sapo-sapong bola ng softball.

“Kuya, pasensiya na po,” hinging-paumanhin ng isang dalagita na tumatakbo palapit sa kanya. “Hindi po ba kayo tinamaan?”

“Muntik lang tamaan itong kasama ko,” sabi ni James at ibinato pabalik sa dalagita ang bola.

“Sorry po, Miss!” anang dalagita at bahagya pang yumuko.

Tulala pa rin siya nang umalis ang dalagita. Napapitlag siya nang haplusin ni James ang pisngi niya. “Are you okay?”

Tumango siya. “O-Oo. Hindi naman ako tinamaan.”

“Ganoon talaga kapag softball. Napalakas kasi ang bato nila.”

“Ang palad mo!” bulalas niya at dali-daling hinawakan ang kamay nito. “Hindi ka ba nasaktan? Sinalo mo ang bola. Hindi ba matigas iyon?”

“Kaya ko naman.” Ipinakita nito ang palad. “See? I am okay.”

Umabrisyete siya dito at bahagyang humilig. “You are my hero! Kung hindi dahil sa iyo, baka distorted na ang mukha ko ngayon. Siguro nakukuha mo iyan dahil sa galing mo sa martial arts. Lagi ka kasing nagpa-practice.”

Nawala ang ngiti nito sa labi at lumayo sa kanya. “Matagal na akong hindi nagpa-practice ng taekwondo. One year na.”

“Ha? Bakit?” bulalas niya.

Malungkot itong tumingala sa langit. “Mabuti pa bumalik na tayo. Baka abutan pa tayo ng ulan.”

“Ulan? Hindi ba kaaaraw lang kanina?” aniya at tumingala rin sa langit. Subalit nagulat siya nang makitang pababa na ang ulap sa bundok at dahan-dahan na ring humamog.

Pilit siyang humabol sa paglalakad ni James. Malungkot ang mga mata nito at mukhang wala siyang balak na kausapin. Nagbago ang pakikitungo nito sa kanya sa isang iglap lang. Parang naging mailap ito. Animo’y langit ito na pinagdamutan ng sikat ng araw at nalambungan ng makapal na ulap.

Lalong dumami ang tanong niya tungkol dito. Bakit ito nag-quit ng sa pagta-taekwondo? Sa palagay niya ay mas malalim pang dahilan. At hindi pa rin nasasagot ang tanong niya. Sino si Joann?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.