“Nag-enjoy ka ba sa exhibit?” tanong ni Sapphire kay Rayanne at kumuha ng malamig na orange juice sa ref. Magkatabi lang ang flat nila sa New York at nakagawian na nila bago matulog na magkwentuhan muna.
Nakasandal ito sa glass window habang nakaharap sa kanya. “David danced with me. I can’t explain the feeling.”
“He didn’t take advantage of you?” paniniyak niya.
“He was a perfect gentleman.” Nawala ang kislap sa mata nito at napalitan ng inis. “Hindi ko pa siya niyayayang mag-date pero may sumingit nang ibang babae sa amin. I really that hate that bitch!”
“Don’t get mad, friend. Papangit ka niyan. Here, have some juice.”
“Ano ba ang nakita niya sa mga blondes na iyon? Is it their boobs?” Napailing ito. “You can get that from a trip to a plastic surgeon.”
“Bakit hindi si David ang tanungin mo tungkol diyan?”
“Bigla ka na lang nawala. Parang wala tuloy akong kakampi kanina. Buti na lang kinausap ako ni Maggie,” nagtatampong sabi nito.
“You know how much I hate parties even if it’s for me. Nagpahangin lang ako sa labas. The sky looked lovely tonight.”
“O baka naman may iniiwasan ka. Nang makita mo si Arthur, parang nakakita ka ng multo. Ano ba talaga ang relasyon mo sa kanya?” nang-iintrigang tanong nito.
“Wala,” kaswal niyang sagot at nagsalang ng classical music sa CD player. “He is just an old acquaintance. I met him during my first exhibit in Los Angeles. He is great in pottery and clay sculptures. And now, he is based in the Philippines.”
“Old acquaintance nga lang kaya?” Tinitigan siya nito nang direkta sa mga mata. “Something tells me that he is more than that.”
“Okay, he is my ex!” napipilitan niyang amin. Napaka-transparent niyang tao. Hindi siya sanay na magtago ng lihim. Nagre-reflect sa mukha niya. “He is my first love and the only man I love.”
Nanlaki ang mata ni Rayanne at muntik nang dumulas ang baso ng juice na hawak sa sobrang pagkabigla. “That hunk?” Pagkatapos ay bigla itong tumawa nang malakas. “No wonder you don’t pay attention to David at all. Ang ganoong klaseng lalaki, hindi dapat pinakakawalan. What happened?”
“He wanted to settle in Sagada. I wanted to go to New York. Hindi kami nagkasundo kaya naghiwalay na lang kami.”
Nasapo nito ang dibdib. “How tragic! Kaya pala ginawa mo ang Waiting at ayaw mong ipagbili sa akin. You are the girl on the painting.”
“Not really. I gave up the idea of happily ever after with him. We are better off apart. Nakuha na namin ang gusto namin. Kung sumama ako sa kanya, nasaan na ako ngayon? We are happy with our own lives,” aniya at bahagyang ngumiti.
“Are you really happy?”
Saglit siyang natigilan. Dahil kahit matagumpay na siya, hindi siya makadama ng kaligayahan. She felt alone and empty. “Okay, I’m broken,” pag-amin niya. “Bakit hindi ako makadama ng fulfillment sa isang bagay kung saan ipinagpalit ko siya? I felt miserable. Yet, he looked content when I saw him.”
“He and Maggie looked good together.”
Naniningkit ang mga mata niya itong tiningnan. “Hey, are you my friend? Gusto mo yata akong patayin sa mga sinasabi mo.”
“Sorry. Mukha kasing may relasyon silang dalawa.”
“Nag-usap kami kanina. Akala niya may relasyon kaming dalawa ni David.”
Pabagsak nitong ibinaba ang baso sa center table. “How dare him! Hindi ba niya alam na siya lang ang lalaking minahal mo? Saka ano ba ang pakialam niya kung sino man ang karelasyon mo ngayon? He left you! Sana sinabi mo iyon sa kanya. Wala siyang karapatan na pagbintangan ka nang hindi maganda.”
“What’s the use of explaining? He won’t believe me after all.”
“It is his loss. Nawalan siya ng maganda at talented na girlfriend. Same goes with David. Kung ayaw niya sa akin, eh di huwag!”
“Giving up on him?”
“Not yet. Well, men are such pain. Wala silang ginawa kundi saktan tayo.”
“And I wonder why we still love them.”
Pumalatak ito. “They don’t know what they are missing. Men are stupid!”
“I agree!” aniya at itinaas ang baso ng juice.
Rayanne clinked her glass with hers. “Nice theme for your next exhibit.”
Natawa siya. “Gusto mong ihagis ako ni David sa kalsada? Hindi niya matatanggap kahit kailan na stupid siya. He is conceited, you know. The epitome of masculinity. And we poor mortals should follow him.”
“Any idea for your next exhibit then?”
“Wala.” She just wanted to have some solitude and contentment. Nawala iyon sa kanya mula nang mawala sa buhay niya si Arthur. And now that she was totally out of his life, she didn’t know where to find it.
HINDI magkandatuto si Sapphire sa pag-eempake ng gamit. Dadalawin niya ang inang si Augusta na nasa Los Angeles. Hindi ito nakapunta sa exhibit niya dahil may importante itong business meeting. Pinamamahalaan ng Mama niya ang shipping business. Itinayo iyon ng lolo niya na tatay ng namayapa niyang ama. Pinagyaman iyon ng Mama niya para maitaguyod silang dalawa ng kapatid na si James.
Lalo siyang natuliro nang mag-ring ang cellphone niya. “Hello,” aniya at itinambak ang mga gamit sa kama.
“Sapphire, kailan mo ako dadalawin dito? Nagtatampo na ako sa iyo. Dalawang beses na akong nadalaw ni Arthur. Pero ikaw, tapos na ang exhibit mo at lahat pero hindi mo ako naalala,” nagtatampo nitong sabi.
“Ma, nag-eempake na po ako. Baka bukas nandiyan na ako.”
Pahamak na Arthur. She was grateful that he visited her mother. Pero parang napakarami niyang pagkukulang sa ina dahil sa pagdalaw-dalaw nito.
“Sinabi sa akin ni Arthur na nagkita kayo sa New York.”
“Yes, he went to my exhibit.”
“Matagal pa ang susunod mong exhibit. Siguro naman may time ka na para dalawin ang kapatid mo.”
“Si James? What’s wrong with him? Is he still depressed?”
Nasa Sagada ang bunso niyang kapatid. He was a taekwondo world champion and a celebrity in the Philippines. Isang taon na ang nakakaraan nang mamatay ang nobya nito sa isang aksidente.
“He quitted his shows and stopped his taekwondo training,” her mother said in distress. “Tumawag nga sa akin ang pinsan mong si KC dahil nag-aalala na siya.”
“Natural lang iyon sa nawalan ng girlfriend, Ma. He will come back eventually. Ganoon naman si James, hindi ba?”
“Lagi na lang siyang nakakulong sa bahay. He refused to talk to people. Natatakot ako dahil baka kung ano na lang ang gawin ng kapatid mo,” mangiyak-ngiyak nitong sabi. “What if he do something stupid? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay James.”
“Calm down, Ma. James is stronger than you thought. He is not a baby anymore,” aniya sa magaang boses. “Let him rest. He worked so hard.”
Pero nauunawaan niya ang dilemma nito. Limang taon siya nang ma-kidnap ang Kuya Raphael niya. Hindi nila alam kung buhay pa ito o patay na. At dahil na rin sa pagtatangka ng Papa niya na iligtas ito ay napatay ito ng mga kidnappers. Parehong hindi nabigyang karatungan ang nangyari sa mga ito.
Kinuha ang mama niya ng mga kapatid ng papa niya sa Amerika. Hindi boto ang mga lolo niya sa mama niya. Nagmula kasi sa mahirap na pamilya ng mga Madrigal ang mama niya. Habang ang Papa niya ay nagmula sa tinitingalang angkan ng mga Lizardo sa Mt. Province. Ipinamahala ng lolo niya ang noo’y maliit na shipping company sa Mama niya para ipamukha dito na wala itong alam. Mabuti na lang at mabait ang kapatid ng Papa niya at tinulungan ito. Kaya nagsumikap silang magkapatid na umangat. To be worthy of being Lizardos.
“He is too young to let his self go to waste.”
“James can handle it. Trust me, Ma. You have no reason to panic.”
“Anong klaseng ate ka? Ni hindi ka man lang nag-aalala sa kapatid mo. My baby!” humihikbi nitong sabi.
Kung kaharap lang sana niya ang ina ay niyakap na niya ito. She wanted to console her. Kung bakit magkakahiwalay pa silang tatlo. Nagi-guilty siya dahil wala siya sa tabi ng Mama niya at kapatid kung kailangan siya ng mga ito.
“Concern din ako kay James. Pero…”
“Pumunta ka sa Sagada. Samahan mo ang kapatid mo. Make sure that he is fully recovered before you leave.”
“Sagada?” bulalas niya. “No way, Ma!”
Hindi pa nga siya nakakabawi sa pagkikita nila ni Arthur, mananatili pa siya sa isang lugar kung saan anumang oras ay maari silang magkita.
“Mag-iisip ka pa lang naman ng bagong concept para sa next exhibit mo, hindi ba? Sagada is a nice place. Tahimik at sariwa ang hangin. Di tulad diyan sa New York na puro polusyon. Mababantayan mo pa ang kapatid mo.”
“Ibig sabihin magtatagal ako doon?” angal niya. “I’ll discuss this with David.”
“Tinawagan ko na si David kanina. He even promised me to help pack your things. Sinabi niya na siya na ang bahalang mag-ship ng mga iyon. May branch naman tayo sa New York kaya walang magiging problema.”
“Okay, Ma.” Mukhang pinag-isipan na nito ang lahat. Wala siyang magagawa.
“And one more thing. Sinabihan ko si Arthur na magpa-book ng flight para sa inyong dalawa. From New York, tutuloy na siya sa Pilipinas.Isasabay ka niya pauwi.”
“What?” bulalas niya at napatayo. “Kasabay ko si Arthur? Ayoko, Ma!”
“I want to be assured of your safety. Mas mapapanatag ako kapag may kasama ka. Mapagkakatiwalaan naman si Arthur.”
“Ma!” she cried in pure torment. She was safe but her heart wasn’t. Was she really her mother? Makakasama siya si Arthur mula sa New York hanggang Pilipinas at ilang buwan sa Sagada. Parang masisiraan siya ng bait. That was nightmare.
“Everything’s settled now, Sapphire. Kapag hindi na ako busy dito, susunod ako sa Pilipinas.” Matunog itong humalik sa phone. “Muah! Bye, darling.”
Naihagis sa kama ang cellphone sa sobrang gigil. “How could you do this to me, Mama? How could you? You are matchmaking again!” Ito ang madalas na maglapit sa kanila ni Arthur noon. She was brokenhearted too when they broke up.
Dumungaw siya sa bintana. Nasa fortieth floor ang flat niya. Parang gusto na niyang tumalon. Ayaw na niyang makasama ang lalaking nanakit sa kanya. Lalo na ngayong iba na ang tingin nito sa kanya. Hindi na siya ang babaeng mahal nito.
“I HOPE that your brother will be okay,” sabi ni Rayanne kay Sapphire habang yakap-yakap siya. “I will miss you, friend.”
Ihinatid siya nito at ni David sa airport. Wala na siyang nagawa dahil tatlong araw lang ang ibinigay sa kanya ng Mama niya para mag-empake. Damit at mga gamit lang sa pagpipinta ang ipina-ship niya. Sa kanya na ang flat niya kaya wala siyang magiging problema. Sinabihan na lang niya si Rayanne na doon lumipat para makatipid ito sa upa. Matatapos na kasi ang kontrata nito sa flat nito.
“Sorry kung hindi ko mapapanood ang ballet concert mo.”
“Hindi bale, hindi naman ako pababayaan ni David. Nag-promise siya sa akin na manonood siya,” anito at kumindat. Buhay na naman ang lovelife nito. “Good luck din sa iyo. Nandito na ang prince charming mo.”
Paglingon niya ay nakita niyang palapit sa kanila si Arthur. She checked her heart if it was in its usual place inside her chest. Pakiramdam niya ay laging malalaglag ang puso niya kapag nakikita ito. She missed him for two years. Pagkatapos ay magkakasama silang bigla sa matagal na panahon. Sino ba naman ang hindi aatakihin sa puso?
Sinalubong ito ni David at kinamayan. “Talaga bang sa Sagada ka na maglalagi, Arthur? Why don’t you consider my working for me again?”
“No, thanks,” mariing tanggi nito. Ito lang yata ang taong nakilala niya na tumanggi kay David Pausinni. “Kailangan na naming mag-check in ni Sapphire.”
“Okay. Magpapaalam lang ako sa kanya,” sabi ni David. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin nito. “Take care, baby. Promise me that you will come back.”
“Ang drama mo!” natatawa niyang sabi at hinampas ito sa likod. Nabura ang tawa niya nang makita ang pagtalim ng mata ni Arthur. Saka niya naalala ang hinala nito na siya ang bagong laruan ni David.
“I’ll visit you in the Philippines, okay?” anito at pinisil ang ilong niya. “At gusto ko, marami ka nang painting na natapos.”
“Yes, boss!” Nakahinga siya nang maluwag dahil bumalik ang pagiging manager nito. Pero mararamdaman pa rin niya ang akusasyon sa mata ni Arthur.
“Take care, Sapphire,” bulong sa kanya ni Rayanne. “I smell blood!”
“I know,” usal niya at hinalikan ito sa pisngi.
“Take care of Sapphire for me,” pahabol ni David nang kunin ni Arthur ang bag na bitbit niya.
“You don’t have to tell me,” Arthur said with a scowl on his face.
“Bye!” aniya sa mga ito at kumaway.
“I really want to believe that Pausinni cares for you,” komento nito.
“I am his favorite after all,” nakangiti niyang sabi. Lalong dumilim ang mukha nito. She wanted to see him in distress just once. Pero hindi niya alam kung may buting idudulot ang pakikisakay niya sa larong iyon. And she didn’t know how they could survive a long flight in that atmosphere.
After this, I’m dead meat.