Nawala ang ngiti sa labi ni Gidron. “Inuuto mo yata ako. Minsan lang iyon. Dapat alam mo agad sumunod sa instruction.”
“Oppaaaaa!” Sinubukan niya Yana magpaka-kyeopta o cute pero parang di bagay. “Kailangan ba talaga? Kay Dong Uk nga di ko ginawa ‘yan.”
“Ako na ang boyfriend mo ngayon. Kung gusto mong mabawi si Dong Uk, gawin mo para mainggit siya. Okay?”
“Nee, oppa,” mahina niyang sang-ayon dito.
“Nasaan ang cuteness?”
“Neeee, oppaaaa,” aniyang sinadyang artehan at pinapungay pa ang maa.
“Great job. Gusto ko ‘yung parang ako lang ang lalaki sa mundo at patay na patay ka sa akin.”
Tumirik ang mata. “Huh! Ang guwapo mo lang.”
“Next!” Hinakawan nito ang batok niya at baywang saka hinatak siya palapit dito.
Nanlaki ang mata niya nang bumangga ang katawan niya sa katawan nito. Itinukod agad niya ang mga palad sa dibdib nito. “Hoy! Hoy! Ano iyan?”
“Relax! I won’t rape you. Gusto ko lang masanay ka sa akin.”
“K-Kailangan ba talaga ito?” tanong niya at iniwas ang tingin dito.
Hinaplos ng likod ng palad nito ang pisngi niya. “Yes. Paano naman sila maniniwala na girlfriend kita kung iwas na iwas ka sa akin at parang di mo pahahawakan sa akin kahit dulo ng daliri mo?”
Nabulabog ang respiratory system ni Yana. Parang hihikain siya. “T-This is just too much. S-Saka b-baka naman pwedeng in love ka sa akin t-tapos gusto mong irespeto ang boundaries mo. Na babaguhin mo na ‘yung pagiging fuckboy mo…”
Pumalatak si Gideon. “Yana, when I want a woman, I don’t think I could keep my hands off her. Ipapakita ko sa lahat kung gaano ko siya kagusto.” His lips brushed her cheek. “I will mark her as mine. Para walang ibang lalaki na pwedeng lumapit sa kanya at iisipin niya na hindi ko binibigyan ng tamang atensyon ang girlfriend ko at may puwang siya para agawin sa akin. At wala ring babaeng magtatangka na makipag-flirt sa akin dahil nasa iisang babae lang ang atensyon ko. I am not some meek boy, Yana. Hindi ako ang susunod sa narrative mo. Pumasok ka sa usapang ito, ako ang masusunod.”
She startled with his domineering voice. “H-Hindi lang kasi ako makahinga.”
“That is good,” sabi nito at ikiniskis ang labi sa gilid ng labi niya.
“Maybe this is just too much.”
“We will take it slow.” Hinawakan nito ang kamay niya at inilapat sa pisngi nito. “Touch me, Yana. You must get used to touching me. If I want to possess you, you have you the same privilege. Mark me as yours. Ipakita mo sa lahat na ako ang boyfriend mo. You are not just a one-night stand. Ikaw ang babae na ipapakilala ko sa lola ko. You own me. Lahat ng nakikita mo, sa iyo na. No limit.”
“So I can touch you anywhere I want, kiss you anywhere I want?”
“Nee.” Ibinuka nito ang bisig na parang inaalay sa kanya ang katawan nito. “Here I am. I am all yours. No need to be shy.”
The tables were turned now. Wala na kay Gideon ang kapangyarihan. Hindi na ito ang aggressor. Pwede siyang tumakbo kung gusto niya. Lumunok siya at binalewala ang nerbiyos. Nasa Jeju Island na siya. Pinili niyang manatili doon para bawiin si Dong Uk. Kailangan niyang maging matapang.
“Walang malisya ito. This is for educational purpose only,” paglilinaw niya dito.
“Sure,” sabi ng lalaki at inilagay ang kamay sa likuran nito na parang sinasabi na di ito papalag kahit anong gawin niya.
Inangat niya ang kamay at hinaplos ng dulo ng daliri ang mukha nito. Just light feathery touch. His skin was soft. Parang walang pores ang balat nito. Matangos din ang ilong nito at mamula-mula ang labi. Nakagat tuloy niya ang sariling labi nang I-swipe ang daliri sa ibabaw ng labi nito. His breath hitched.
“Masakit?” nag-aalala niyang tanong.
Umiling ito. “No. Just go on.”
Hinaplos niya ang leeg nito pababa sa balikat nito. Saka siya umikot na parang isang specimen sa auction na ina-appraise ito. She never thought she could be this bold. Kung dati ay patago siya kapag ina-appreciate ang katawan ng mga lalaki. Nahihiya siya na lantaran na tumititig sa mga ito. Parang nakakasira sa mahinhin niyang imahe.
Pero wala siyang nararamdamang kaba. Mukhang di rin naman naiilang si Gideon na pinagmamasdan ito. He was enjoying it. Palibhasa ay kompiyansa na ito sa sarili. Hinawakan ng daliri niya ang gilid ng armhole ng sando nito. Paano ba niya sasabihin dito na sagabal ang damit nito sa view?
Lumingon ang binata sa kanya. “Do you want me to take my shirt off, Miss?”
“Yes,” mahinang sagot niya.
Nanuyo ang lalamunan niya nang iangat nito ang sando at ihinagis sa mat. Tapos ay ibinaba nito sa mat ang sando. Ibinaba nito ang magkabilang gilid ang mga kamay. She let her fingers glide on his skin. Parang gatas at kape ang kulay ng balat nito. Moreno pa ito noong nasa Pilipinas. She studied the ridges of his muscles.
Naaaaliw siya tuwing nasusumpungan ng daliri ang gilit ng kalamnan nito. Hindi nakakatakot ang muscles nito katulad ng ibang lalaki na tumatao sa gym at namamapak ng steroids.
“Dahil ba sa yoga kaya na-achieve mo ito?” tanong niya habang dumadausdos ang daliri niya sa lower back nito.
“In a way. Pero di iyon ang pinaka-favorite na form ng exercise ko.”
“Ano?” tanong niya at tumayo sa harapan nito. “Taekwondo? Gym? Swimming siguro kasi pang-swimmer ang katawa mo.” Puro iling lang ito. Humawak siya sa balikat nito. “Ano nga?”
He unleashed a devilish smile. “Sex.”
NATIGILAN si Yana habang nakahawak sa balikat ni Gideon. Di niya alam kung tutuloy siya sa pagdo-Dora the Explorer sa katawan nito. Na akala nito matatakot siya sa simpleng salita na sex. Noon iyon. Siguro nga ilang oras ang nakakaraan. She had no time to be prude right now. She was a girl on a mission.
“Okay. Nice workout,” sabi niya at dumapo ang labi niya sa gilid ng leeg nito.
Narinig niya ang paghigit ng hininga nito. Di siguro nito inaasahan na ipagpapatuloy pa niya ang freestyle lesson niya dito. Good. She was getting a reaction from him. It was one of the most erogenous part of a man’s body. And she heard him moan.
“Masakit?” nag-aalalang tanong niya sa lalaki.
“No. It is good. Are you sure you need lessons?”
Tumigil siya sa paghalik sa baba ng tainga nito. “I do. Ngayon pa lang ako nagsisimula, di ba? Just testing the theory.”
“What do you mean theory?”
“N-Nabasa ko lang sa isang libro ng pinsan ko kung saan ang pinaka-sensual na parte ng lalaki.”
“Di mo pa ito nasusubukan kay Dong Uk?”
Malungkot siyang umiling. “H-Hindi pa. Dini-discourage ko si Dong Uk. I don’t want it to go too far. At alam ko na di siya titigil kapag sinimulan ko. And we will fight… again.”
“Pero sinusubukan mo ang theory mo sa akin dahil….”
“Hindi ka naman madadala basta-basta. Di mo rin ako pipilitin kung ayaw ko na o hindi ko na kaya. No hurt feelings.”
Bumaba ang labi niya papunta sa dibdib nito. He tasted salty and musky but addictive. Very manly and earthy. She never thought it could be addictive. Naramdaman niya ang malakas na tibok ng puso nito. She smiled when she her tongue played with his male nipples and scraped it with her teeth. She heard him moan again, louder this time. She took it as an encouragement and her lips travel southward, aiming for his delectable abs. She would love to explore that one.
Nagulat siya ang sapuhin nito ang likod niya at iangat siya. “Enough lesson for now,” sabi ng lalaki. His face looked stern. Di na ito ngumingiti.
“Hala! Bakit? May ginawa ba akong mali? I am willing to learn…” Masyado yata siyang naging confident kaya di niya napansin na ayaw na nito ang ginagawa niya.
“Sabi mo sa akin, alam ko kung hanggang saan ang limitasyon. At sa palagay ko, nasa limitasyon ka na.”
“Paanong nasa limitasyon?” Di pa nga siya umaabot sa abs nito. “Ano ngang mali sa ginawa ko?”
“Nothing,” kaswal na sagot nito at kinuha ang sando sa mat saka isinuot. “I will take a cold shower. Get ready. In thirty minutes aalis na tayo para bumili ng iluluto sa dinner.”
“Pero… bakit parang galit ka?”
Ibinaba nito ang sando at matiim siyang tiningnan. “Yana, hindi ako gawa sa bato. You arouse me.”
“I arouse you?” Parang di naman siya naniniwala doon. Ganoon lang na-arouse na agad? Baguhan pa nga lang siya. “Bakit tayo tumigil?”
“Are you really that naive? O nananadya ka lang talaga na mang-asar at I-torture ako?” Lalong naging maigting ang mukha nito. “Kung hindi ka tumigil kanina, do you really want me to take your virginity here at the rooftop? Sheesh!”
Tinalikuran siya nito at naglakad palayo. Pabalabag din nitong isinara ang pinto ng rooftop. Nanginginig siya nang maiwang mag-isa sa rooftop. She aroused him. At kung di siya tumigil, baka may mangyari sa kanila. Ganoon na ba talaga ang epekto niya sa katulad ni Gideon?
Nakangiti siyang hinarap ang magandang view ng dagat. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang halikan si Gideon sa open space, halos sa publiko. Mas mataas ang rooftop nito kaysa sa ibang bahay pero paano kung may makakita sa kanila? To think na hinalikan pa niya ito hanggang sa ibabaw ng abs. She could still taste him on her lips. Nakaka-addict.