“UNNIE, gati sajin jjikeo-do dwaeyo?” tanong ng batang lalaki kay Yana na may hawak na Polaroid na camera. Sa palagay niya ay nasa pitong taon pa lang ito at lumapit sa kanya matapos nilang magsayaw ni Gideon.
Gulat niyang inangat ang tingin habang dinadampot ang mga gamit nila ni Gideon. “Wae?” tanong niya kung ano habang nakatitig sa bata.
“Picture jusseyo,” pakiusap ng babae na kasama nito na nanay marahil ng bata at sumenyas na kunan sila ng picture ng bata. “He likes your dance.”
“Oh! Kamsahamnida,” pasasalamat niya at bahagyang yumukod. Sumenyas siya na lumapit ang bata para makapagpa-picture sila.
Isa pang piyesa ng Korean drama ang tinugtog ng violinist matapos ang Love Story na una nilang sinayaw. One Love naman ng Spring Waltz ang sinayaw nila bago nagsisali ang ibang manonood. She loved the atmosphere. Ayaw pa sana niyang umalis pero gusto ni Gideon na pumunta naman sila sa ibang lugar. Marami pa daw silang ibang pwedeng makita sa Jeju Island.
Kausap pa ni Gideon ang violinist dahil gustong imbitahan na mag-perform para sa lola nito. Hindi niya inaasahan na may magkaka-interes sa pagsayaw nila ni Gideon. Di naman sila nag-acrobatics kanina. Wala namang kakaiba. Nag-aalala pa nga siya dahil conservative ang mga Koreano lalo na ang nakatatanda. Maituturing na public display of affection ang pagsasayaw nila kanina ni Gideon pero nawala na rin sa isip niya dahil nag-e-enjoy siya.
Korea made her feel more welcome then ever. Parang ibang tao na nga ang pakiramdam niya sa sarili. Animo’y nakuha na niya ang purpose kung bakit siya pumunta sa Korea - ang maging masaya. Sa wakas ay na-appreciate na niya ang ganda ng paligid, ang festive mood ng mga nagdiriwang na tao, ang bango at kulay ng tagsibol at ang masasayang mga tao kahit di niya kilala ang mga ito.
“You are beautiful, unnie,” anang bata matapos silang magpa-picture at hinalikan pa siya sa pisngi.
Tumawa siya. “Kamsahamnida.” At bumalik na ang bata sa nanay nito. Pinanood na ulit ng mga ito ang violinist na tumutugtog.
“Bakit ka nagpapahalik kung kani-kaninong lalaki?” pagalit na tanong ni Gideon nang lapitan at kinuha ang ecobag mula sa kamay niya.
“Sinong lalaki?” naguguluhan niyang tanong at luminga.
“Doon sa bubwit kanina,” anito at ngumuso sa bata.
“Ah! ‘Yung nagpa-picture na bata kanina. Ano naman kung hinalikan ako sa pisngi? Bata lang naman iyon.”
“Kahit na. Mukhang may gusto sa iyo. Kita mo nga nagpapa-cute pa,” nanghahaba ang nguso na sabi ni Gideon.
Tinampal niya ang braso ng binata. “Ano ka ba? Bata lang iyan. Gagawan mo pa ng isyu.”
“Bata lang ‘yan pero alam niya na malakas ang karisma niya. Nakaka-diskarte na sa babae.” Inakbayan siya ni Gideon. “Dapat ngayon pa lang maging klaro sa kanya na akin ka lang. At walang bata-bata sa akin.”
Hinalikan siya ni Gideon sa pisngi at saka nang-iingit na tiningnan ang bata. Nanlaki ang mata ng bata at parang maiiyak na sumiksik sa nanay nito. Di niya alam kung dahil nasisindak ito kay Gideon o dahil nasaktan ang puso nito. Na parang nabigo sa pag-ibig ang batang puso nito.
Hinatak ni Yana palayo ang lalaki. “Sira ka ba? Pati bata pinagti-trip-an mo. Mamaya awayin pa tayo ng nanay no’n kapag napaiyak mo.”
“Ipinaglalaban ko lang ‘yung akin.” At lalo siya nitong hinapit sa katawan nito kahit nang naglalakad na sila palayo.
“Ha? Ano bang sinasabi mo?”
“Di ba ganoon naman dapat ang boyfriend? Possessive at seloso. Siyempre di ako papayag na may ibang makakuha ng puso mo kahit bata pa iyan.”
Pumiksi siya. “Pero para pati bata patulan mo, baliw ka ba?”
“Di ba ganoon naman ang mga in love? Parang baliw. Wala sa sarili. O kaya inaatake ng katangahan. Di ka ba natutuwa?” tanong ng lalaki. “Possessive at seloso pero at least sa iyo lang ako. Di ako titingin sa iba.”
At tinitigan siya nito nang direkta sa mga mata na parang siya lang ang tao sa mundo. Siya lang ang maganda. Siya lang mahal nito.
And she realized that she was longing for that feeling. She hungered for it. Gusto niya ng pakiramdam na mahalin. Gusto niya na siya ang pinahahalagahan. Siya lang.
“Practice ito kapag hinarapan na natin si Dong Uk at naipakilala mo nabilang boyfriend mo,” sabi ni Gideon at hinawakan ang kamay niyia saka nagpatuloy sa paglalakad.
Natigagal si Yana. “P-Practice lang?”
“Oo. Di ko pa naranasang magka-girlfriend. Di ko pa naranasang makipag-date katulad nito, ang makipag-holding hands sa park o kaya maging sweet. Di ko pa naranasan na magselos o maging possessive.”
Tiningala niya ito. That was weird. Para sa isang expert sa babae, hindi pa nito naranasan ng normal na ginagawa ng mga babae sa lalaki? “A-Ano iyon? Di mo na kailangan na makipag-date? Kapag may gusto kang babae… paano iyon?”
Nagkibit-balikat ang lalaki. “Kapag attracted ako sa babae o attracted siya sa akin, mag-uusap lang kami. After a few lines, kapag malinaw na ang attraction namin sa isa’t isa, the fun starts.”
Bumagsak ang panga ni Yana. “Ganoon lang kasimple? Parang mas mabilis pa na makakuha ka ng babae kaysa matapos ang isang episode ng teleserye.” Walang date. Ni walang ligawan. Usap at sex lang. Ipinilig niya ang ulo. “I can’t imagine.”
“Yana, it is no big deal. Sex is just sex. Marlowe’s heirarchy of needs, remember? Walang kaibahan sa pagkain. Sex for you means forever.”
“Syempre naman. Halikan nga lang ako big deal na. Paano ‘yung mga nakasama mong babae dati, wala ka talagang nararamdaman na espesyal sa kanila? Di ka nasasaktan o nagagalit kapag may iba na silang gusto?”
Umupo ito sa isang bench sa ilalim ng puno ng cherry at hinatak siya para umupo sa tabi nito. “No. I am happy for them. Wala akong rason para magselos o magalit. That is one night stand is for. No strings attached. Maayos ang pag-uusap na kanya-kanyang buhay kami matapos ang isang gabi. It was just for a night of fun. Iyon na rin ang katapusan ng ugnayan namin.”
Inilabas niya ang bottled orange juice sa ecobag at tinungga. Bigla siyang nauhaw sa sinasabi nito. Alam niya na may taong liberated. Pero ngayon lang siya nagkaroon ng ganitong diskusyon sa isang katulad ni Gideon. “Paano mo nagagawa iyon na wala kang nararamdaman pagkatapos? It was supposed to be an intimate act. Hindi ba mas maganda kung gawin mo iyon sa taong mahal mo o may espesyal kang nararamdaman at di sa isang estranghero?”