“I told you, my need for sex is at the bottom of the pyramid of need. Love has nothing to do with it.”
“E bakit nga? Ano bang problema mo sa love?”
Pinagsalikop nito ang palad at nag-dekuwatro. He looked dead serious. “You see, love is destructive. Nawawalan ka ng kontrol sa sarili mo. Di ka nag-iisip nang tama. Alipin ka ng sarili mong emosyon. Kaya kapag nasaktan ka, masakit, hindi ba? Control is power, Yana. At sa pag-ibig, wala sa iyo ang kontrol. Wala kang kapangyarihan. Ikaw ang masasaktan. Ikaw ang talunan.”
Aray! Muntik nang masapo ng dalaga ang sariling pisngi. Parang sinampal siya ng lalaki ng realidad. Control. Wala siyang kontrol sa puso niya nang mahalin niya si Dong Uk. Buo niyang ibinigay ang tiwala dito. She preserved herself for him. Pero ano nga ba ang napala niya kundi sakit? Pero bakit nga ba nagmamahal pa rin siya?
“Alam mo, masakit nga siguro ang magmahal. Pero di ko ipagpapalit ‘yung saya na naramdaman ko nang kasama ko si Dong Uk,” sabi niya at tumingala sa pink na cherry blossoms sa ulunan. “Iba ‘yung saya. Kahit na mukhang tanga. Kahit na magsakripisyo ako para sa taong mahal ko, okay lang sa akin. Kasi di ko mararamdaman ‘yung gaanong klaseng saya kung di ako magmamahal. At sa palagay ko kailangang ma-experience iyon ng lahat ng tao. Parang ikaw. Kailangan mo pang magpanggap para lang mapasaya ang lola mo. That’s love. That’s sacrifice.”
“Iba ang pagmamahal ko sa kapamilya ko sa romantic love,” pakli nito.
“Pareho lang iyon na pagmamahal sa akin. Kasi ibinibigay ko ang two hundred percent ko.” Sinulyapan niya ang lalaki. “Ikaw ba, masaya ka talaga diyan sa paiba-iba ka ng babae tapos di mo naman sila mahal?”
“I get my orgasm. I give them pleasure. That is a great deal and that is more than enough for me. Di ako nasasaktan at di rin ako nakakapanakit.”
“Pero totoong masaya ka ba? ‘Yung ngingiti ka na lang na walang rason pag naiisip mo ‘yung experience mo o sinasabi mo sa sarili mo na worth it ‘yung lahat ng pinagdaanan mo para lang maranasan ‘yon? ‘Yung ganoong klaseng saya. Kasi ganoon ako kapag nagmamahal ako. Natanong ko lang kasi baka ganoon din naman ang nararamdaman mo sa mga experience mo kahit di mo siya mahal.”
Mahabang sandali siyang tinitigan ni Gideon. Akala niya ay magpapaliwanag ito sa kanya pero bigla itong tumayo at dinampot ang ecobag ng pinamili niya. “Alam mo, kumain na lang tayo. Sigurado ako na gutom ka na rin,” sabi ng lalaki at inalok ang kamay sa kanya.
Tahimik lang ang lalaki nang dalhin siya sa parte ng Jeju Sports Complex kung saan pwede silang maglatag ng picnic blanket at kumain sa ilalim ng puno ng cherry.
Di niya inaalis ni Yana ang tingin kay Gideon habang ihinahanda nito ang kakaiin nila. Akala niya dati, ito ang klase ng lalaki na mas gustong pagsilbihan ng babae.
“O! Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ng lalaki sa kanya.
“Wala. Sana lang magawa mo iyan sa totoong girlfriend mo.”
“Ano? ‘Yung mukhang tangang possessive ako at papatol sa bata?”
“Hindi. ‘Yung maipakita mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Di ka nahihiya na ipakilala siya sa public, asikasuhin siya, ipagbitbit siya ng mabibigat na dala nang walang angal saka di mo siya lolokohin.”
Inabot nito ang plato sa kanya para makakain sila. “I-enjoy mo na lang ang experience kasi ikaw lang ang magiging girlfriend ko kahit fake.”
“Huwag kang magsalita ng tapos,” sabi niya at kumuha ng gimbap o rice roll sa lalagyan gamit ang chopstick. “Kasi di mo alam kung kailan ka mai-in love o kung kanino. Basta mo na lang mararamdaman iyan. Ang saya siguro kapag nakita kitang in love at masaya.”
“Kumain ka na lang, Yana. Di ko pinoproblema ang kawalan ko ng love life. Kaya huwag mo nang problemahin, girlfriend. Gusto mo ng maangchi chicken?” tukoy nito sa manok na prito na may matamis, maasim at maanghang na sauce na binudburan ng linga sa ibabaw.
Umaga pa lang ay niluto na iyon ni Gideon. Nakita niya kung gaano ito ka-passionate sa pagluluto. He did it with so much love. Na parang nagluluto ito para sa taong importante dito.
Napapikit si Yana nang sumabog ang lasa ng maangchi chicken sa bibig niya. “Ang sarap. The best ka talaga! Thank you talaga sa pag-aalaga sa akin.”
“You’re welcome.” Natahimik na lang siya at nanatiling nakatitig dito. “O! Di ka na kumain. Parang nahipan ka na ng hangin diyan. Naanghangan ka ba?”
Umiling siya. Nanghihinayang lang siya dahil maraming magagandang katangian si Gideon. Alam niya na hindi pagpapanggap iyon. He took care of her when she was buzzed. Hindi siya nito sinamantala kahit may pagkakataon. Pwede siya nitong akitin kung gusto nito pero alam nito ang boundaries nito. Higit sa lahat, tinanggihan nito ang ibang babae dahil sa pangako nito sa kanya kahit di naman kailangan. Kung tsina-channel sana nito ang pagiging loyal sa babaeng mahal nito, sigurado siya na magiging masaya ito. Bakit naman hindi? Kaya nga nitong umarte, bakit di nito kaya na maging totoo lalo na kung mahal naman nito?
Kung magmamahal siya. Di ko naman siya mapipilit kung di siya mai-in love o kaya in love siya pero di niya ie-entertain. Parang ang lungkot naman kung di niya maranasang ma-in love. Gusto ko siyang makitang masaya.
Hinaplos nito noo niya pababa sa mata niya kaya napapikit siya. “Yana, huwag mo akong masyadong titigan. Baka ma-in love ka sa akin.”
Pinalis niya ang kamay nito. “Ikaw yata itong nalipasan na ng gutom. Hindi ako mai-in love sa iyo.”
“Bakit ganyan ka makatitig sa akin?”
“Nagpa-practice din na titigan kita as if mai-in love ako sa iyo. So don’t let it get into your head. Huwag feeling. Arasso?” tanong niya kung naiintindihan nito.
“Arasso yo,” sagot nitong nauunawaan siya nito.
Nagulat na lang niya nang kintalan nito ng halik ang gilid ng labi niya. Nahigit niya ang hininga kasabay ng pagdaloy ng mumunting sensasyon sa buong katawan niya. He kissed her! Why? How could a simple kiss affect her so much?