Something Hot, Something Messy, Something Scandalous Triliogy Chapter 13

UMUWI si Vanessa sa Laguna para sa dalawang bagay isang araw matapos ang komprontasyon nila ni Stacy. Mas mabuti nang lumayo siya sa condo kung saan tumutuloy ang babaeng iyon dahil baka bigla siyang topakin at magtanim ng bomba sa building nila. Pero siyempre, hindi niya iyon magagawa. May mga sensible na dahilan naman siya sa pag-alis.

Una, birthday ng daddy niya at hindi niya iyon puwedeng ma-miss. Isa pa, gusto na rin naman niyang makasama uli ang mga magulang. Lalo siyang nangulila sa pag-aalaga at pagmamahal ng mga ito dahil sa kalungkutan niya.

At doon naman pumapasok ang pangalawang dahilan ng pansamantalang pagbabakasyon niya: gusto niyang lumayas pansamantala sa condo niya dahil bawat parte ng kanyang tirahan, pinapaala si Fern at ang maiinit nilang pinagsamahan.

Tuwing nasa kusina si Vanessa, napapatitig siya sa kitchen counter at naaalala niyang doon sila unang nagtalik ng binata kung saan ni hindi na nila nagawang maghubad ng mga damit sa sobrang pagnanasa sa isa’t isa.

Kapag nakahiga naman siya sa kama niya, hindi rin niya maiwasang hindi maisip si Fern dahil kumapit na ang amoy ng binata sa mga unan at bedsheet niya. Kahit pinalitan na niya ang balot ng mga iyon, hindi pa rin nawala ang amoy. Siguro nakatatak na sa sistema niya ang amoy ng lalaki, lalo na sa isip niya, kaya pakiramdam niya ay naaamoy pa rin niya ito.

Ang pinakamahirap tingnan sa lahat ay ang kanyang sofa kung saan siya nakipagtalik kay Fern na may kasama nang damdamin. Isa pa, doon naganap ang best sex nila dahil bukod sa may feelings nang involved, iyon din ang unang beses na hinayaan niyang makapasok sa loob niya ang isang lalaki nang walang anumang proteksiyon.

But the worse thing? Vanessa couldn’t concentrate on anything unless she touched herself just to get off. At night, she would find her fingers inside her, making herself believe that they were Fern’s instead. There was even a time when she rubbed herself against the sofa’s armrest while thinking about the last time she made love with him. She would come, yes, but she would always feel empty after.

Iba pa rin kapag si Fern ang nasa loob niya, kapag ang dila at mga kamay nito ang gumagawa ng milagro sa kanyang katawan. Mas lalong iba kapag ito ang nagdadala sa kanya sa rurok.

Pathetic, I know.

“Tingnan mo nga `yang anak mo, parang hindi masayang makita tayo,” madramang sabi ng daddy niya. “Napilitan lang yata `yang umuwi para sa kaarawan ko.”

“Ikaw naman, Santi,” saway naman dito ng mommy niya. “Baka pagod lang sa biyahe si Vanessa. `Di ba, anak?”

Ngumiti si Vanessa para hindi mag-alala at magtampo ang mga magulang niya. “I’m happy to be home, parents.” Umabrisete siya sa braso ng ama para maglambing. “And, Dad, hindi ako napilitang umuwi para sa birthday mo. I can’t miss it for the world, you know that.”

Sinabi nga iyon ni Vanessa, pero wala siyang maramdaman kahit nakauwi na siya sa ancestral house nila sa Laguna. Noong nasa biyahe siya, hindi siya makapaghintay na makauwi para sa comfort na maibibigay ng bahay na kinalakihan niya. Pero ngayon, lutang ang kanyang pakiramdam.

Siyempre, masaya siyang makita ang mommy at daddy niya. Hindi pa lang siguro nagre-register ang saya na iyon dahil nasa ibang bagay ang isip niya.

Okay, fine. Nasa ibang tao.

“You say that, pero naunahan ka pa ng boyfriend mong umuwi rito para sa kaarawan ko,” nagtatampo pa ring sabi ng ama niya. “Siya pa ang umaastang mas anak ko kaysa sa `yo.”

Kumunot ang noo ni Vanessa. “Boyfriend ko, Dad? Sino naman?”

Namula ang mukha ng kanyang ama na parang napahiya, at hindi na sumagot.

Bumuga naman ng hangin ang mommy ni Vanessa at pabirong sinuntok sa braso ang ama niya. “Ano ka ba naman, dear? You spoiled the surprise for our daughter! Dapat ipapatikim muna natin sa anak natin ang version ng kaldereta ng boyfriend niya. Pagkatapos, kapag na-realize niyang pamilyar sa kanya ang lasa niyon, maaalala niya ang binata at maiiyak siya sa sobrang pagka-miss dito. Nakaka-touch sana kung gano’n ang nangyari, `di ba?”

Nanlaki ang mga mata ni Vanessa. Kumabog nang malakas ang dibdib niya. Posible kayang… “Nandito si Fern?”

“I don’t know,” paiwas na sagot naman ng daddy niya. “Is that young man your boyfriend?”

Napahawak si Vanessa sa dibdib. Ngayon lang siya kinabahan nang ganoon sa buhay niya. Imbes na sagutin ang tanong ng kanyang daddy, nagpaalam siya sa mga magulang na pupuntahan muna si Fern para makapag-usap sila.

Nakakatawa, pero siguradong-sigurado siya na sa kusina niya matatagpuan ang binata. Kung nagpunta ito sa bahay nila para sa birthday ng kanyang daddy, siguradong dahil iyon sa pakiusap dati ng mommy niya na tulungan ito sa pagluluto.

Pagdating niya sa kusina, napahinto siya sa pintuan dahil nakita agad niya si Fern. Kahit nakatalikod ito, hindi niya ito maipagkakamali sa ibang lalaki.

Kabisado na niya ang likod nito na ilang beses na niyang dinilaan na parang ice cream, ganoon din ang matigas nitong puwitan na paulit-ulit niyang pinipisil tuwing nakabaon sa loob niya ang mas matigas nitong pagkalalaki.

Ah, shit. Hindi talaga siya makapag-isip nang walang halong kalaswaan tungkol kay Fern.

Blame it on him for being sizzling hot.

“Ano’ng ginagawa mo rito, Fern?” halos pabulong na tanong ni Vanessa.

Mabigat na ang paghinga niya, hindi dahil sa kaba. Kinakapos na siya ng hininga sa matinding pagkasabik kay Fern. Dalawang linggo silang hindi nagkita kaya miss na miss na niya ito. Hindi nga siya gumagalaw sa kinatatayuan dahil natatakot siyang baka dambahin niya ang binata.

Pero hindi niya masisiguro na kaya niyang pigilan ang pagsabog niya dahil ngayon pa lang, nag-iinit na ang pagitan ng kanyang mga hita sa sobrang antisipasyon.

Pumihit si Fern paharap. Hindi tulad ng inaasahan niya, maaliwalas ang mukha ng lalaki na para bang hindi naging pangit ang paghihiwalay nila ng landas. He cut his hair short again, he was clean-shaven, and he was so lickably hot in his white V-neck shirt and skinny jeans.

But the sexiest thing he wore right now was his bright smile.

“Hi, Nessa. Hinihintay kong umalsa ang ginagawa kong mga puto.” Kumunot ang noo nito. “Are you okay? You look like a statue.”

Ninamnam ni Vanessa ang bedroom voice ni Fern na na-miss niya, lalo na ang pagbanggit nito sa kanyang pangalan na may kasamang lambing. Naalala niya tuloy ang mga gabing iniuungol ng binata ang pangalan niya.

“Oh, I’m fine. I’m just trying hard not to come by just hearing you call my name again. Did anybody tell you that you have a bedroom voice that can make women orgasm by just listening to you talk?”

Nanlaki ang mga mata ni Fern sa gulat. “Nessa, not here. Baka hindi ako palabasin nang buhay ng daddy mo kapag narinig nila ang mga sinasabi mo.”

Kampante naman si Vanessa na lalayo sa kusina ang mga magulang niya dahil alam ng mga ito na may mahalagang bagay silang pag-uusapan ni Fern ngayon. “Kailan ka pa nandito sa `min, Fern? Pa’no mo nalaman ang bahay namin? At bakit ka nagpunta rito?”

Ngumiti si Fern. Pagkatapos, sumandal ito sa kitchen counter at humalukipkip. “Tinawagan ako ng mommy mo no’ng isang linggo at tinanong niya kung mapagbibigyan ko ang request niya na tulungan siyang magluto para sa birthday ng daddy mo. Pumayag ako. Si Tita Vina ang nagbigay sa `kin ng address n’yo. I arrived three days ago. Pero nang mag-isa lang akong dumating, nagtaka ang mga magulang mo. Inaasahan nila na kasama kita. Kaya sinabi ko na sa kanila na hindi mo `ko totoong boyfriend.”

Si Vanessa naman ang nanlaki ang mga mata sa gulat. “Please tell me you didn’t tell my parents that you used to be my fuck buddy.”

Natawa nang mahina si Fern habang iiling-iling. “I didn’t. Nakakatakot ang daddy mo. Anyway, sinabi ko sa mga magulang mo na nagpanggap lang akong boyfriend mo para may maiharap ka kay Tita Vina na lalaking marunong magluto.”

Nakahinga naman nang maluwag si Vanessa. Sigurado kasing hindi maiintindihan ng mga magulang niya ang paraan ng pakikipagrelasyon niya sa mga lalaki. “Thank you.”

“Bukod do’n, may isa pa `kong dahilan kung bakit nagpunta ako sa mga magulang mo nang hindi sinasabi sa `yo,” pagpapatuloy ni Fern sa seryosong boses. Wala pa ring mababasa sa mga mata nito, pero wala nang hinanakit sa mga tinging ibinibigay sa kanya, hindi `gaya noong huling beses silang nagkausap. “Tawagin mo na `kong old-school o baduy, pero nagpunta ako rito sa bahay ng mga magulang mo para ipaalam sa kanila na gusto kong ligawan ang nag-iisa nilang anak.”

Napasinghap si Vanessa. Masaya siya sa narinig, pero marami pa rin siyang tanong. “Pero akala ko… no’ng huling beses tayong nagkita, ang sabi mo, tapusin na natin ang relasyon natin?”

Tumango si Fern. “Gusto ko na talagang tapusin ang casual relationship natin dahil gusto ko na ng seryosong relasyon sa `yo. Pero no’ng nag-usap tayo, nakita kong hindi ka pa handang tanggapin ako sa buhay mo sa ganoong paraan. Naisip ko na baka lalo kang lumayo sa `kin kung ipipilit ko agad sa `yo ang sarili ko, kaya binigyan kita ng space. Umasa ako na kapag nawala ang presensiya ko sa buhay mo, hahanap-hanapin mo `ko. And hopefully, you’ll realize that you feel something special for me. Na mas malalim at mas espesyal ang namamagitan sa `tin.

“Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung tama ang ginagawa ko, hanggang sa tinawagan ako ni Flynn at sinabi niyang hinahanap mo raw ako. Ayon sa kanya, mukha raw desperada ka. Sinabi mo rin daw na itatama mo ang lahat ng pagkakamali mo.”

Tumango si Vanessa. Thank you, Flynn!

“Dahil do’n, naisip ko na tama ang ginagawa ko,” pagpapatuloy ni Fern. “`Sakto namang tumawag ang mommy mo sa `kin. No’n nabuo ang plano ko na habang inaalam mo pa sa sarili mo kung ano ako sa buhay mo, liligawan ko naman ang mga magulang mo.”

“Bakit nauna mo pa silang ligawan kaysa sa `kin?”

Ngumisi si Fern. “Para kung sakaling tanggihan mo `ko, isusumbong kita kina Tita Vina at Tito Santi para pagalitan ka nila. Just so you know, nakuha ko na ang loob ng mga magulang mo sa tatlong araw pa lang na nandito ako. Botong-boto sila sa `kin para sa `yo.”

Humalukipkip si Vanessa at binigyan ng masamang tingin si Fern nang may maalala. “Yeah, right. Sa tingin mo, magugustuhan ka pa ng mga magulang ko kapag nalaman nilang may Stacy ka sa condo mo? Ano’ng ginagawa n’yo? Nagmu-movie marathon?”

Nawala ang ngiti ni Fern. “Nasa condo ko nga si Stacy dahil kailangan niya ng mapagtataguan. Pero ni minsan, hindi ako umuwi ng bahay habang nando’n siya. Actually, nandito na `ko sa Laguna no’ng ipinahiram ko sa kanya ang lugar ko.”

Umirap si Vanessa. Alam niyang nagsasabi ng totoo si Fern dahil gaya nga ng sinabi nito, kung tatlong araw na itong nasa bahay nila, imposibleng nasa condo ito no’ng isang gabi. Pero naiinis pa rin siya dahil napagtripan siya ng Stacy na `yon.

“May sinabi ba sa `yo si Stacy no’ng nagkausap kayo?” kunot-noong tanong ni Fern.

Tumango si Vanessa. “Sabi niya, nasa condo ka raw nang gabing `yon at ginawa ka niyang human chocolate at dahil naglaro kayo ng apoy, pagod na pagod ka.” Okay, hindi iyon ang sinabi ni Stacy pero iyon ang na-imagine niyang ginawa ng dalawa dahil sa pagsisinungaling ng babaeng iyon.

Umungol si Fern sa reklamo. “Hindi totoo `yon, Vanessa. Sinaktan ka lang ni Stacy para siguro iganti ako.”

“Bakit ba alam ng lahat ng kaibigan mo ang nagawa ko sa `yo?”

Ngumiti si Fern na parang nahihiya. “Naglasing ako no’ng gabing nakipaghiwalay ka sa `kin, eh.”

“Paano nalaman ni Stacy ang tungkol sa Nutella fantasy natin?” mataray na tanong ni Vanessa. “Did you share it with her?”

Mabilis na umiling ang binata. “I don’t share our sex life with anyone. Not even a single soul. I bet Stacy is just being imaginative again. She likes fabricating stories to annoy people. Sorry about that.”

Ipinaikot niya ang mga mata. “Writer ba siya? `Galing niyang gumawa ng kuwento, ha.”

“Actually, she is a writer,” sagot naman ni Fern. “Erotic writer.”

Napasinghap si Vanessa. “You’re letting an erotic writer stay at your condo? Paano kung may gawin `yong kababalaghan sa `yo?”

“Magkaibigan kami ni Stacy at may respeto sa isa’t isa,” mariing sabi naman nito. “Plus, pinatira ko lang siya sa condo ko pansamantala dahil nga wala naman ako ro’n. Saka ideya niya na gawin `yon para raw magselos ka at ma-realize mong mahal mo rin ako.” Napangiwi ito. “Pero mukhang sumobra siya sa pagpapaselos sa `yo. Sasakalin ko talaga ang babaeng `yon pag-uwi ko.”

“Pag-uwi mo, gusto kong paalisin mo na siya sa condo mo.”

“That’s the plan, hon. Mahigpit ko rin namang ibinilin sa kanya na kailangan na niyang umalis kapag bumalik ako dahil ayokong nagseselos ka.”

Nakahinga na nang maluwag si Vanessa. Nakakatuwang isipin na ngayon, wala na ang mga takot niya hindi `tulad noong huling beses silang nagkaharap ni Fern. Pagkatapos niyang maranasang mawala sa kanya ang binata na inisip niya pang naagaw na ng ibang babae, pakiramdam niya ay nagbago ang kanyang buhay.

Mas kaya niyang harapin ang mga takot niya kaysa ang makitang may iba na ito. Alam din niya sa sarili na handa na siyang magmahal nang totoo ngayon. At sigurado na rin siyang kaya na niyang manatili sa isang seryosong relasyon.

Sisimulan niya sa pagiging matapat.

“Walang nangyari sa `min ni Snap, just so you know,” nahihiyang sabi ni Vanessa. “Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa `yo nina Emily at Emerald. Aaminin kong nakipag-flirt ako kay Snap at isa `yong malaking pagkakamali na pinagsisisihan ko hanggang ngayon. I’m so sorry about that. Pero maniwala ka. Hindi ako sumama sa kanya. Paglabas namin ng bar, sumakay ako ng taxi. Kina Isabella ako nagpalipas ng gabi. Puwede mong i-confirm sa kanya `yon.”

“Naniniwala ako sa `yo, Nessa,” nakangiting sagot ni Fern. “Isa pa, no’ng natataranta ako kakahanap sa `yo pagkatapos sabihin sa `kin ng kambal na nakita ka nilang kasama si Snap Tolentino, `sakto namang tumawag sa `kin si Flynn. Nang mabanggit ko sa kanya ang problema ko, in-assure ako ng kapatid ko na nasa bahay ka ng kaibigan mo. Galing kasi siya sa bahay ni Isabella kaya nakita ka niyang dumating do’n no’ng paalis na siya.”

“Eh, bakit hahanapin mo pa rin ako sa bahay ni Snap kinabukasan?”

“Hindi kita ma-contact, eh. Nag-panic ako nang nalaman kong hindi ka pa rin umuuwi. Kaya nabaliw ako at inisip na baka sinundo ka ni Snap. I was so jealous then I probably forgot how to use my brain. Sorry.”

Natawa si Vanessa. Heto na naman si Fern, pinapatawa siya habang pinapainit ang kanyang katawan. Hinding-hindi na talaga niya pakakawalan ang lalaking ito.

“Puwede mo ba `kong maging girlfriend, Fern Fletcher? I want to have a serious relationship with you, if you’re okay with someone like me.”

Halatang nagulat si Fern sa mga sinabi niya. Pero nang makabawi, ngumiti ito at tinawid ang distansiya sa pagitan nila. Walang sabi-sabing ipinulupot nito ang isang braso sa kanyang baywang, ang isa namang kamay ay para kabigin ang batok niya. He kissed her so hard and so deep until they were both out of breath.

“You’re more than ‘okay’ to me, Nessa. You’re the one I’ve always dreamed of having in my arms,” bulong nito nang matapos ang mainit nilang halikan. “You’re the only girl I want to get serious with, remember that.”

Tumango si Vanessa. “And I’ll only risk my heart for you, Fern.”

Ngumiti si Fern. “I have some rules for our newfound relationship, Nessa.”

“Anything, Fern.”

Hinaplos ni Fern ang kanyang pisngi. “I want you to meet my family, my friends, and every important soul in my life. Gusto ko rin ng constant communication sa pagitan natin, lalo na kapag hindi tayo magkasama. Gusto kong pag-usapan natin ang lahat ng bagay na puwede nating maisip. Gusto kong maging bahagi ng mundo mo, at gusto kong maging parte ka rin ng akin. Because I love you, hon.”

Nangilid ang mga luha ni Vanessa. Mabilis siyang tumango. “Walang problema sa `kin `yan, Fern Fletcher. And I love you, too, honey.”

DAHAN-DAHANG isinara ni Vanessa ang pinto ng guest room na ginagamit ni Fern para hindi magising ang mga kasamahan nila sa bahay. Siguradong malalagot siya sa mga magulang kapag nalaman ng mga ito na nasa kuwarto siya ng binata.

“Nessa?”

Ngumiti si Vanessa nang makitang gising pa si Fern. Madilim sa kuwarto nito dahil nakapatay ang mga ilaw. Tanging ang sinag ng buwan lang na tumatagos sa bintana ang nagbibigay liwanag sa buong silid. Salamat doon, nakita niya ang binata na nakaupo sa kama at walang suot na pang-itaas. Pinaraan niya ang dila sa kanyang ibabang labi. Ngayon pa lang, hindi na siya makapaghintay na matikman ang katawan ng boyfriend niya.

“Bigla akong nagutom. Gusto ko ng snack.” Iniangat niya ang dalang Nutella jar at kutsara. “Game ka?”

“Uhm, you know your parents will kill me if they find you here, right?”

“I’ll be really, really quiet,” pangako ni Vanessa sa inosenteng boses. “Saka ayaw mo bang malaman kung ano ang lasa ng chocolate sa balat ng tao?”

Ngumisi si Fern, napuno ng pagnanasa ang mga mata. “Well, that’s interesting. Why don’t we do some experiment for us to find out?”

Lumuwang ang pagkakangiti ni Vanessa. Umupo siya sa gilid ng kama ni Fern at inalis ang nakatakip na comforter sa ibabang bahagi ng katawan nito. Her eyes widened when she saw his erection. So he was naked all the way down, and he was so ready for her. Gumana ang pagiging “creative” niya. Kumutsara siya ng tsokolate at ipinahid iyon sa pagkalalaki ni Fern. He groaned softly as his cock visibly twitched. Ah, nagustuhan iyon ng binata.

“That’s very messy, Nessa,” pabirong angil ni Fern. Ngumisi ito at kumislap ang kapilyuhan sa mga mata. “You have to lick it off thoroughly, okay?”

“I’m a very obedient girlfriend, so I will make sure there’s no spot that will be left un-licked,” nakangiting sagot ni Vanessa, saka pinaraan ang dila sa kanyang ibabang labi. “Happy licking to me.”

TheEnd

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.