Something Hot, Something Messy, Something Scandalous Triliogy Chapter 19

Final Flashback: The Fall-Out Stage, over a month ago

WHAT went wrong between them?

Nang umuwi si Erica sa kanyang condo, inaasahan niya na malaki at malambot na kama ang naghihintay sa kanya.

Hindi si Jeff na nasa lounging area ng condominium building nila, prenteng nakaupo sa malaking couch habang nakahalukipkip at nakade kuwatro na akala mo kung sinong hari, at nasa tabi ang itim at plain na maleta na parating ginagamit kapag bumibiyahe sila.

Noong una ay nanatili lang siyang nakatayo, nakatulala kay Jeff, sinisiguro kung ang lalaki nga ang nasa kanyang harap o baka guniguni lang iyon. Aaminin niya, noong mga unang linggo pagkatapos nilang magdesisyon na permanenteng maghiwalay, nakikita ni Erica si Jeff sa mga lalaking nakakasalubong at nakakasalamuha. Akala niya, aparisyon lang uli ang nasa kanyang harap.

Hanggang sa ngumiti si Jeff at kumaway sa kanya. Noon lang niya nakompirma na totoo ang nakikita. Nandoon nga ang lalaki, buhay na buhay. He still had the shock of dark short hair she liked pulling during their intimate moments when they were still together, wore the type of tailored polo he always preferred because it was so good on his lean body, and gave her a somewhat arrogant smirk he knew she secretly loved. Used to love, just for correction.

Nagbalik nga ang ex-boyfriend niya pagkatapos ng anim na buwan. Wala na silang naging komunikasyon pagkatapos ng masalimuot nilang hiwalayan, kaya nagulat si Erica nang makita ang lalaki ngayon. Base sa bagaheng dala nito, sa condo niya ito dumeretso imbes na sa pamilya nito.

“Araw ba ng mga patay?” poker-faced na tanong ni Erica kay Jeff pagkalapit nito, hila-hila ang maleta. “Nakalimutan ba kitang ipagtirik ng kandila kaya nagpapakita at nagpaparamdam ka sa `kin ngayon?”

“I missed you, too, Erica,” nakangiting sagot ni Jeff, halatang hindi pinapansin ang asido sa binitawan niyang mga salita. “Ilang milya ang nilipad ko para mapuntahan ka. Base pa lang sa hitsura mo ngayon, alam kong palalayasin mo na `ko. Pero bago `yon, puwede bang magpakape ka muna?”

Dahil hindi naman eskandalosang babae si Erica, kalmado niyang pinatuloy si Jeff sa condo niya. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na niya ito kayang sakalin sa oras na may gawin o sabihin ang lalaki na hindi niya magugustuhan. She still hated him to the point she would probably not feel an ounce of guilt if she suddenly strangled him to death.

Mabuti na lang at wala siyang balak maging kriminal o sayangin ang buhay niya sa kulungan, kaya napigilan niya ang sarili na lagyan ng lason ang kape na itinimpla niya para kay Jeff.

Nanatili siyang nakatayo at nakasandal sa kitchen island habang si Jeff naman ay prenteng nakaupo sa mataas na stool. Nakapatong ang isa niyang braso sa kitchen island para iparamdam sa lalaki na hindi ito welcome mag-stay nang matagal sa lugar niya.

“You still hate me, Erica?” kalmadong tanong ni Jeff nang ilapag ang mug sa pahabang mesa.

Tumawa si Erica, tawang eksaherado at puno ng pait. “I caught you in bed with your whore, Jeff. Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko sa `yo ngayon?”

“Alam mong hindi ako seryoso sa mga babaeng nakasama ko sa New York, Erica,” seryosong sabi ng lalaki habang mataman siyang pinagmamasdan. Alam niyang matagal nang napaghandaan nito ang mga sinasabi ngayon. “I... I didn’t sleep with them because I didn’t love you anymore. Nagawa ko lang naman `yon kasi may mga pangangailangan ako bilang lalaki. Pero sa mga pagkakataong `yon, iniisip ko na ikaw ang kasama ko.”

“Maraming pagkakataon din na nalibugan ako, Jeff. Halos gabi-gabi pa nga, eh,” nanggigigil na sabi ni Erica. Ah, sa halos araw-araw at gabi-gabing magkasama sila ni Josh sa lumipas na dalawang buwan, mukhang nahawa na siya sa paraan ng pananalita ng binata. Kung normal na pagkakataon lang iyon, baka natawa na siya sa sarili. “Pero hindi ako lumapit sa ibang tao para lang maalis ang libog ko. Oo, natukso ako. Ang dali-dali lang sanang makisiping sa mga lalaking lumalapit sa `kin para mawala ang kati ko, eh. But I didn’t give in because I respected you. Nirespeto ko `yong walong taong relasyon natin. Hindi tulad ng ginawa mong gago ka!” Nangilid ang mga luha ni Erica sa sobrang galit. Itinuro niya ang sarili para mas idiin ang mga sunod niyang sasabihin. “Pero hindi mo binalik sa `kin ang respetong `yon. Binastos mo `ko, Jeff. Ang bastos mo!”

“I’m so sorry, Erica,” mukhang sinserong sabi naman ni Jeff. Pero may kasunod pala iyon. “But you have to understand how hard it had been for me to need you when you were a thousand miles away. I never wanted to cheat on you. I was just left with no choice.”

Kinagat ni Erica ang ibabang labi. Nag-iwas siya ng tingin dahil ayaw niyang makita ng lalaki sa kanyang mga mata ang pagiging mahina. “That’s not an apology, Jeff. You only justified why you did what you have done, instead of simply admitting you’ve been an asshole and screwed up. Lagi ka na lang may ‘pero,’ Jeff,” sumbat niya. “‘Mahal kita pero.’ “I’m sorry, pero.’ ‘Gusto kitang makasama pero.’” Hinarap niya si Jeff para makita nito ang kanyang paghihinanakit. “Mahal mo `ko pero may kulang? Nagsisisi ka sa ginawa mo pero ayaw mong tanggapin na ikaw ang may kasalanan? Gusto mo `kong makasama pero may kondisyon?”

“Ano pa bang kailangan kong gawin para mapatawad mo `ko, Erica?” frustrated na tanong ng dating boyfriend. “Hindi kita sinundan agad at hindi ako nakipag-usap sa `yo sa lumipas na mga buwan dahil alam kong kailangan mo ng panahon para humupa ang galit mo. But why are you so mad over one mistake? Isang pagkakamali lang ba ang sisira sa walong taon na relasyon natin, ha?”

“Cheating is not a mistake. It’s a choice,” mapait na sabi ni Erica. “And you chose to break me and to throw away the eight years we’ve been together to scratch an itch. `Tangina naman kasi, Jeff. Hindi ka ba nakontento sa pagja-jakol para tumira ka pa ng kung sino-sinong hitad?”

Halatang nagulat si Jeff dahil sa mga sinabi niya. Ngayon niya lang ginamit ang mga salitang iyon.

Kung hindi lang siguro puno ng sama ng loob ang dibdib ni Erica, baka napangiti na siya. Kung nandito lang siguro si Josh at narinig nito ang lahat ng mga sinabi niya, matutuwa sa kanya ang lalaki at baka ipagmalaki pa siya. Magagamit din pala niya sa mga ganoong pagkakataon ang mga salitang napupulot niya sa binata. Akala niya, hanggang pagpapainit lang sa kanya ang silbi ng mga iyon.

Tumayo si Jeff nang makabawi mula sa pagkabigla. Bakas sa mukha nito ang simpatya. “Ngayon lang kita narinig na magsalita nang ganyan. I really did fuck you up, didn’t I?”

“Don’t give yourself too much credit,” nanghihinang tanggi naman ni Erica. Nakakaubos pala ng lakas ang paglalabas ng sama ng loob sa taong hindi naiintindihan ang pinagmumulan ng galit niya dahil wala itong ibang inintindi kundi ang sarili. “Why are you here, Jeff? Tahimik na ang buhay ko sa anim na buwan na lumipas.”

“Gusto kong sumama ka na sa `kin sa New York, Erica.”

Kumunot ang kanyang noo. “What are you talking about, Jeff? I never considered that when we were still together. So what made you think na gugustuhin ko pang manirahan sa New York ngayong hiwalay na tayo?”

“`Yon nga, eh. Naghiwalay tayo kasi magkalayo tayo,” katwiran naman ni Jeff. “Erica, hindi mo ba naisip na baka `tong nangyari sa `tin ay pagsubok lang para ma-realize natin kung ano ang dapat nating gawin? Siguro, dapat na tayong magsama uli sa iisang lugar para makabalik tayo sa kung ano tayo dati. Subukan uli natin, Erica.”

Nang mga sandaling iyon, gusto ni Erica na sampalin ang sarili. Alam niyang ginago siya ni Jeff. Sinaktan. Niloko. Pero ngayon, nakikinig siya sa lahat ng mga sinasabi ng kanyang ex-boyfriend. Kinokonsidera ang mga iyon. Iniisip na paano kung tama nga ito? Na nasira sila dahil magkalayo sila, at puwede pang maayos ang naging problema kung magkakasama sila uli?

Kaya lang, tuwing mapapatitig si Erica sa mukha ni Jeff, nandidiri siya dahil naaalala niyang sumiping ito sa ibang babae habang sila pa.

“May bakanteng posisyon sa magazine publisher kung saan nagtatrabaho ang tita ko,” pagpapatuloy ng lalaki, may pag-asang mahihimigan sa boses. Kilala siya ni Jeff kaya alam nitong pinag-iisipan na niya ngayon ang mga sinasabi nito. “Tuwing may opening naman sa kanila, sinasabihan ka ni Aunt Celia, `di ba? Ikaw lang `tong tumatanggi. But please consider taking the job this time, Erica. Baka ito na ang solusyon para maibalik natin `yong tayo.”

Ayaw mang aminin ni Erica, pero unti-unti nang natitibag ni Jeff ang itinayo niyang pader sa pagitan nila. Walong taon silang magkasama kaya hindi naman nakakapagtakang alam na ng binata kung paano siya pakakalmahin. O kung paano siya paamuhin uli.

Isa pa, kahit gaano man kasakit aminin, o kahit gaano pa siya magmukhang tanga sa harap ng ibang tao, walong taon pa rin ang pinagsamahan nila. Anim na buwan pa lang ang lumilipas, kaya imposibleng makalimutan agad niya ang lahat ng pinagsamahan nila ng lalaki.

Galit siya ngayon, oo. Pero ayaw man niya, alam ni Erica na sa kaibuturan ng kanyang puso na hindi niya maitataboy nang matagal si Jeff. Tuwing nakikita kasi niya ang lalaki, parang movie rin na naglalaro sa isip niya ang walong taong pinagsamahan nila. Even if her friends and family cursed her for being stupid right now, it wouldn’t change the fact that what she and her ex-boyfriend had was an eight-year-old history she couldn’t and wouldn’t simply forget in a span of six months, no matter how hard she tried. Because during those eight years of togetherness, she had invested so much in the relationship.

“Alam kong mahihirapan kang lumayo sa pamilya mo, pero alam din natin na matagal na nilang gustong mangyari sa `tin `to—`yong magkasama tayo,” dagdag pa ni Jeff, lalong naging convincing ang boses sa bawat minuto. Mukhang alam na agad ng lalaki na nagigiba na ang depensa niya. “Your family and your friends will be happy to know we’re taking our relationship to the next level when you leave the country with me, Erica. Sasamahan pa kitang magpaalam sa kanila kung gusto mo.”

Nanlaki ang mga mata ni Erica. “Jeff, are you—”

“Asking you to move in with me, yes,” sansala ng lalaki sa mga sinasabi niya. “Let’s live together when you move to New York, Erica. Kung magsasama tayo gaya no’ng nandito pa `ko, siguradong babalik tayo sa kung ano tayo dati bago ang lahat ng `to. Give me one last chance. Please.”

Okay, aamin ni Erica na medyo nadismaya siya. Akala niya, kasal ang iaalok ni Jeff. Inasahan ba niya iyon? Siguro, oo. Sa dami nang na-invest na sa walong taong relasyon nila, hindi naman siguro masama kung umasa siya na sa kasalan sila mauuwi. Lahat naman siguro ng babae, pinangarap mapangasawa ang lalaking nakasama nila nang matagal.

Jeff was her first everything. First love, first kiss, first sex, and first heartbreak. Wouldn’t it make sense if he also became her last everything? Kasi kung hindi ito, sino? Makikipagrelasyon ba uli siya sa isang lalaki at mag-i-invest na naman ng emosyon, oras, at mga materyal na bagay sa pag-asang magtatagal iyon? Paano kung hindi? Eh, di masasayang na naman ang lahat ng ibibigay niya?

Sa pagitan ng pakikipagbalikan sa lalaking walong taon na niyang nakasama at pagsisimula ng panibagong relasyon na walang kasiguruhan, doon na siya sa sigurado—kay Jeff.

Humugot ng malalim na hininga si Erica, pagkatapos ay dahan-dahang tumango na nagpangiti naman kay Jeff. “All right. Subukan uli natin `to, Jeff.” Itinaas niya ang isang kamay nang subukan ng lalaki na lumapit sa kanya. Huminto naman ito. “Magtatrabaho ako sa New York kung matatanggap ako sa magazine publisher kung saan ako ni-recommend ng tita mo, para masubukan natin kung maibabalik nga natin kung ano ang nawala sa `tin kung magkasama na tayo sa parehong lugar. But I will not move in with you. And this doesn’t mean we’re officially back together again.”

“But why?” kunot-noong tanong ni Jeff.

“Kasi hindi pa rin kita tuluyang napapatawad, Jeff,” mapait na sagot ni Erica. “Nandidiri pa rin ako tuwing naaalala kong nakisiping ka sa kung sino-sinong babae habang tayo pa.” Kumurap-kurap siya habang pinipigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. “But for the sake of our eight-year-old history, I will you give one last chance. Hindi naman gano’n kadaling itapon ang nakaraan natin, lalo na’t pareho tayong marami nang na-invest sa relasyon na `to.”

Marahang tumango si Jeff. Sa wakas, mukhang nakikinig na ito nang may kasamang pang-unawa. “I understand, Erica. Gagawin ko ang lahat para makuha ko uli ang loob at tiwala mo. I promise you, we will get back to what we used to be before I screwed up. I will sweep you off your feet again, and I will not hurt you this time.”

“Gawin mo na lang kasi hindi na `ko umaasa sa mga pangako mo, Jeff,” malungkot na sabi niya. “And do that when I move to New York. Habang nandito pa `ko sa Pilipinas, kalimutan muna natin ang tungkol sa `tin. Let’s be free and meet other people bago tayo magdesisyon kung ano ba ang mangyayari sa `tin.”

Kumunot ang noo ng lalaki sa pagtataka. “What do you mean by that?”

“I’m seeing someone else right now, Jeff,” malamig na sabi ni Erica. “Speaking of which, I’m sorry but you have to leave. He’ll be coming over tomorrow.”

Bakit sinabi ni Erica iyon kay Jeff kahit hindi naman talaga sila nagde-date ni Josh? Simple lang: gusto niyang saktan ang ex-boyfriend.

Gusto niyang ipakita at iparamdam sa lalaki na hindi lang ito ang may kakayahang humanap ng kapalit o reserba. Sa ganoong paraan, makakaganti siya sa sakit at pagkapahiya na pinaramdam nito sa kanya. Isa pa, pagpapaalam din niya iyon kay Jeff na hindi lang ito ang nag-iisang lalaki sa buhay niya, nang sa ganoon ay maisip nito na kailangang mas seryosohin pa ang huling pagkakataong ibinigay niya kung gusto talaga nitong magkabalikan na sila.

Mukhang nagtagumpay si Erica nang makita ang pagkislap sa mga mata ni Jeff. A glint that told her he accepted her “challenge.”

“BAKIT rocky road ang flavor nitong ice cream na binili mo?” kunot-noong reklamo ni Erica habang nakatingin sa ini-scoop na ice cream ni Josh sa baso. Dala nito iyon sa pagbisita sa condo niya ngayong araw. Binilinan kasi niya ang lalaki na dalhan siya ng matamis nang sabihin nito na dadalaw ito. “Alam mo namang sans rival lang ang gusto ko.”

“Nakakasawa na kasi na puro sans rival na lang ang kinakain natin,” katwiran naman ni Josh. “Tumikim ka naman ng iba, hindi puro `yong nakasanayan mo na.”

“Hindi ko lang basta nakasanayan ang sans rival,” kontra ni Erica, mainit pa rin ang ulo. “Paborito ko `yon. `Yon lang ang gusto kong flavor ng ice cream. Ayoko ng iba.”

Alam niya na para na siyang bata dahil sa mga ipinaglalaban niya.

Gusto niyang isisi iyon sa PMS dahil meron siyang “red tide” ngayon. Iyon din ang eksaktong dahilan kung bakit wala sila sa kama ni Josh. May mga babae na nag-e-enjoy makipag-sex kahit may period, pero hindi siya ganoon. Pakiramdam kasi ni Erica, parang isasawsaw sa ketchup niya ang jumbo hotdog ng binata kapag nagsiping sila ngayon. Medyo nandidiri siyang isipin iyon.

Anyway, hindi niya maloloko ang sarili. Alam niyang walang kinalaman ang hormones sa matinding iritasyon na nararamdaman ngayon. Sarili niya ang problema. Siya at ang kanyang desisyon.

Huminto si Josh sa pag-scoop ng ice cream na nasa malaking galon para bigyan siya ng nagtatakang tingin. “Big deal ba talaga sa `yo kung ano ang flavor ng ice cream na kakainin mo kapag may regla ka? Pareho namang matamis ang chocolate at sans rival, ha?”

Nanatiling nakasimangot si Erica habang nakaupo sa stool habang binibigyan ng masamang tingin si Josh na nakatayo sa kanyang harap. Ang kitchen island ang nakapagitan sa kanila. Mabuti na rin iyon dahil kung hindi, baka nakurot na niya ang lalaking ito. Hindi kasi maganda ang pakiramdam niya. “Magkaiba pa rin ang chocolate at sans rival. Alam mo namang hindi ako mahilig sa chocolate, kaya bakit pinipilit mo pa rin akong tikman `yan?”

“Ang weird ng mga taong ayaw sa chocolate,” sabi ni Josh, saka dinilaan ang likod ng kutsarang ginamit nito sa pag-scoop ng ice cream. “Bakit ba ang weird mo?”

Aaminin ni Erica na na-distract siya. Pantalon lang ang suot ni Josh nang mga sandaling iyon kaya lantad sa paningin niya ang magandang hubog ng itaas na bahagi ng katawan ng lalaki. Nag-push up kasi ito kanina para daw matanggal ang pag-iinit nito nang sabihin niyang hindi sila puwedeng magsiping ngayon kasi may “dalaw” siya, kaya nagtanggal ito ng T-shirt.

Damn, this man was so, so fine. The sight of his well-toned torso down to his sexy pelvis was making her consider having sex with him even when she was on her period right now.

Napako ang tingin ni Erica sa dila ni Josh na balak yatang simutin ang smudge ng ice cream sa kutsara. Pinagdikit niya ang mga hita nang biglang namasa ang pagitan niyon dahil sa kung ano-anong makamundong bagay na pumasok sa isipan niya. Nahiling niya na sana katawan na lang niya ang dinidilaan ng binata, imbes na sinasayang nito ang laway sa metal na bagay na iyon.

Baka masarap din namang isawsaw ang jumbo hot dog niya sa ketchup ko.

“Weird na ba kung ayokong tumikim ng ibang flavor?” tanong ni Erica, pilit itinutuon ang atensiyon sa “diskusyon” nila ni Josh.

Tumango ito. “Hindi naman por que paborito mo ang isang flavor, `yon na lang ang parati mong kakainin. Masusuya ka n’on, kaya dapat tumitikim ka rin ng iba. Malay mo, baka magustuhan mo rin `yon.”

Sumimangot si Erica. Hindi niya alam kung bakit tinatamaan sa mga sinasabi ni Josh kahit alam naman niyang ang ice cream ang tinutukoy nito at hindi siya. “Ano nama’ng mangyayari kung titikim ako ng ibang flavor at magustuhan ko `yon?”

Nagkibit-balikat si Josh, halatang wala pa ring kaalam-alam na iba na ang iniisip niya sa takbo ng usapan nila. “Magkakaro’n ka ng ibang pagpipilian?”

Napaderetso ng upo si Erica. Bigla ring nanayo ang mga balahibo niya, tanda na hindi niya nagugustuhan ang mga naririnig. “Bakit kailangan ko pa ng ibang pagpipilian kung no’ng una pa lang, meron na `kong napili?”

“Para lang may reserba ka kapag wala `yong paborito mo?”

Napatanga si Erica sa sagot ng binata. Bigla siyang napaisip kung ganoon ba eksakto ang ginagawa niya kina Jeff at Josh ngayon.

Alam niyang si Jeff ang final choice niya sa huli, pero bakit hindi pa siya tuluyang nakikipagbalikan sa ex-boyfriend? Bakit pinagpapatuloy pa rin niya ang nonrelationship arrangement nila ni Josh kung ilang linggo mula ngayon, matatapos na rin naman iyon sa pag-alis niya ng bansa?

Ano pa ba ang ginagawa niya kasama si Josh? Ginagantihan ba niya si Jeff dahil nakipagtalik ito sa ibang babae? Samantalang siya, nagtiis ng limang taon na walang ibang lalaking humahawak sa kanya. Gusto lang ba niyang lubusin ang mga natitirang linggo na puwede pa siyang makipag-sex sa ibang lalaki?

Technically, single pa rin si Erica ngayon dahil hindi pa naman sila nagkakabalikan ni Jeff na sa palagay niya ay tama lang dahil sa malaking kasalanan nito. Hindi rin naman niya pinapaasa si Josh dahil nonrelationship naman ang arrangement nila.

Walang masama sa sitwasyon niya ngayon, kaya hindi maintindihan ni Erica kung bakit pakiramdam niya, sunod-sunod na maling desisyon pa rin ang kanyang ginawa.

“Josh—”

“Alam kong may iba kang tinutukoy, Eri,” sansala ni Josh. Ibinaba nito ang hawak na baso sa kitchen island at ipinatong ang mga kamay sa pahabang mesa. Pagkatapos ay pinagmasdan siyang mabuti. “Pero alam mo ring medyo mabagal akong mag-isip kaya kung hindi mo `ko dederetsuhin, hindi ko maiintindihan kung ano ang sinusubukan mong sabihin sa `kin.”

“Paano kung makipagbalikan ako kay Jeff?”

Tumawa si Josh. Akala siguro ay nagbibiro siya. Pero nang nanatili siyang seryoso, unti-unti itong natigilan. Pagkatapos ay nagtagis ang mga bagang. “Tanga ka ba, Eri?”

Okay, dapat siguro inasahan na ni Erica iyon mula sa prangkang si Josh. “Josh, walong taon kami ni Jeff. Hindi naman gano’n kadaling itapon ang naging relasyon namin. Sayang naman ang na-invest na namin sa isa’t isa kung tatapusin namin `yon dahil sa isang pagkakamali lang.”

“‘Lang?’” ulit ni Josh sa huling salitang ginamit niya na parang hindi ito makapaniwala. “Eri, ang pagtataksil ang pinakamalalang kasalanan na puwedeng gawin sa `yo ng karelasyon mo. Hindi ka ba naiinsulto na tumira siya ng ibang babae habang kayo pa?”

“Naiintindihan ko si Jeff,” pagtatanggol ni Erica sa ex-boyfriend, dahil kailangan niya ring ipaglaban ang desisyong bigyan ng huling pagkakataon ang lalaki. “Wala naman siyang sineryoso sa mga babaeng ikinama niya. Ako pa rin ang mahal niya.”

“Ano `yon? Mahal ka niya pero kailangan niyang tumira ng ibang babae kapag nalilibugan siya kasi magkalayo kayo?” nanghahamak na tanong ni Josh. Iniangat pa nito ang kanang kamay, sinara ang mga daliri, at pinadulas iyon pababa-pataas sa ere. “Hindi ba niya alam kung paano gawin `to?”

Nag-init ang mga pisngi ni Erica. Gah, Josh could really be this crude sometimes. “Hindi mo naiintindihan kasi hindi ka naman nakaranas ng long-term relationship.”

“Hindi ko kailangang magkaro’n ng ganyang kahabang relasyon para malaman ko na kung talagang mahal ka ng syota mo, hindi siya maghahanap ng iba kahit mamamatay na siya sa pagkalibog,” mariin na sabi ni Josh. “Eri, mahal mo pa ba si Jeff?”

“Nakasanayan ko nang mahalin siya, kaya hindi agad mawawala `yon,” matapat pero malabong sagot ni Erica. Iyon kasi ang unang pumasok sa isip niya. “Sa kanya ko na na-invest lahat ng emosyon ko sa eight years na lumipas, eh. Sayang naman kung tatapusin na namin `yon nang hindi binibigyan ng isa pang chance. Ayoko na ring mag-invest sa panibagong relasyon, kaya naisip ko na mas mabuti kung itutuloy ko na lang `yon sa `min ni Jeff.”

“Hindi mo kailangang mag-invest ng kahit ano sa `kin, Eri,” biglang alok ni Josh sa desperadong boses. “Ibibigay ko sa `yo ang lahat ng nakukuha mo sa relasyon n’yo ni Jeff nang walang hihinging kapalit. Papasayahin kita, hindi lang sa kama. Basta huwag mo na siyang babalikan. Ginago ka na ng tarantadong `yon. Huwag ka nang magpakatanga sa kanya.”

Nabigla si Erica. That sounded like a proposal to her. “Josh... did you just break the rule?”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Josh na parang biglang natauhan. Na parang hindi nito sinasadya ang mga nasabi. “Eri...”

“Nagseselos ka ba kay Jeff?” hindi makapaniwalang tanong ni Erica. “Josh, nakakalimutan mo bang sex lang ang nag-uugnay sa `tin? Why are you acting like a jealous boyfriend now?”

Hindi nakasagot si Josh. Nang araw na iyon, umalis ito ng condo at hindi na uli bumalik. Ni text o tawag, wala na siyang natanggap mula sa binata.

Hindi rin alam ni Erica kung ano ang nangyari sa kanila nang araw na iyon. Lalong hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang inarte niya noon. O baka naman alam niya, pero ayaw lang niyang intindihin. Kaya tinakbuhan niya kung anuman iyon nang magkaroon siya ng pagkakataon.

And that was how their Fall-Out Stage started.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.