Present
ERICA missed Josh. Iyon lang naman ang nakikita niyang dahilan kung bakit siya ang unang pumutol sa Fall-Out Stage nila. Isa pa, alam niyang hindi niya basta-basta maiiwan ang binata.
Hindi siya makakaalis ng bansa nang hindi nasisigurong maayos ang buhay ni Josh. Bago pa man din may mangyari sa kanila, concerned na siya rito dahil magkaibigan sila. Hindi lang naman hanggang sex ang “benefits” ng pagkakaibigan nila. Siguro bago siya umalis, dapat niyang masigurong may babaeng mag-aalaga na rito. Oras na para magkaroon ng matino at disenteng girlfriend ang binata.
Should I set him up with someone?
Iniisip ni Erica kung anong klase ng babae ang babagay kay Josh habang nakahiga siya sa malaking bicep nito at marahang hinihimas-himas ang matitigas nitong abs. Simula nang “magkabati” sila ng binata, araw-araw at gabi-gabi na silang magkasama sa ganoong paraan. Madalas pa nga, siya ang nagsisimula ng mga “laro” nila.
I think I’m getting addicted to him.
Nagsisimula na siyang mag-alala sa sarili dahil sa mga kakaibang nararamdaman nang mapansing umangat ang sulok ng mga labi ni Josh nang mula sa flat nitong tiyan ay bumaba ang kanyang kamay paloob sa suot nitong boxers. Sapat na iyon para muling matuon ang atensiyon ni Erica sa binata. Her fingers played with the small hair around his navel. Doon nagmulat ng mga mata ang binata.
“Ibaba mo pa nang kaunti, Eri,” nakangising panunukso ni Josh. He even shifted his body to give him more access. And look, biglang nanikip ang boxers ng mokong. “Kaunti na lang, jackpot ka na.”
Ipinaikot ni Erica ang mga mata. “Puro kalibugan na lang ba ang nasa isip mo, Josh?”
Nanlaki ang mga mata ni Josh dahil ngayon niya lang ginamit ang mga salitang natutunan niya rito. Natawa ang binata na nauwi rin sa ungol nang marahan niyang paraanin ang mga daliri sa pagkalalaki nito. Bumigat agad ang paghinga nito. “Hindi naman puro kalibugan lang ang nasa isip ko. Huwag kang judgemental, Eri. Naiisip ko rin naman na bagay sa `yo `yang bago mong bra kasi lalong lumaking tingnan ang boobs mo.”
Natawa si Erica. Hayan na naman si Josh at ang mga salita nitong nakakapagpainit sa kanyang katawan. Tinanggal niya ang kamay mula sa boxers ng binata na ikinareklamo nito. Pero mabilis din itong ngumisi sa sunod niyang ginawa. She straddled his hips while he sat leaning against the headboard. “Wow. You noticed my new bra.”
Lumuwang ang pagkakangisi ni Josh, pagkatapos ay mabilis na ipinaloob ang mga kamay sa ilalim ng kanyang bra. His big hands were warm as he squeezed her breasts while occasionally tweaking her hardened nipples. “Oo, pero mas gusto ko kapag wala kang suot na kahit ano.” Sa mabilis na pagkilos, “iniwan” muna ng mga kamay nito ang mga dibdib niya para tanggalin ang hook ng kanyang bra. Nangislap lalo ang kapilyuhan sa mga mata ni Josh habang nakatingin sa paboritong parte ng katawan niya. “Mag-aalmusal na `ko.”
Napaungol si Erica at napakapit sa mga balikat ng binata sa sumunod nitong ginawa. He took one nipple in his mouth and traced wet circles around it while his other hand fondled her other breast quite hard. She started to rock herself back and forth against his erection, the friction she was feeling against her made it even more pleasurable. Not wanting to come so soon, she distracted herself by starting a small talk. “Josh, meron nga palang tawag nang tawag sa phone mo kagabi,” pagsisimula niya sa mabigat na paghinga. “Sinubukan kitang gisingin, pero hindi ka na natinag.”
Hindi sumagot si Josh. Instead, he lightly grazed his teeth against her nipple, sending shivers all over her body. The good kind of shiver.
Napilitan si Erica na huminto sa paggalaw sa ibabaw ni Josh para pakalmahin ang sarili. Nagsisimula pa lang sila kaya ayaw niya munang sumabog. Pero alam niyang mahirap gawin iyon dahil basang-basa na siya nang mga sandaling iyon. Pabirong hinila niya ang buhok ng binata para mapilitan itong pansinin siya. “Hey, kinakausap kita.”
Josh gave her nipple one long lick before he let go. Pagkatapos, saka ito nag-angat ng tingin. “Sorry,” nakangising sabi nito. Sinapo ng binata pailalim ang boobs niya at “pinatalbog” ang mga iyon sa mga palad nito. Kahit malalaki ang “melon” niya, tamang-tama lang iyon sa malalaki ring mga kamay ni Josh. “Ano uli `yong sinasabi mo?”
“Carrie,” paungol sa sagot ni Erica. She started to move against his erection again like she wanted to get herself off with his swollen cock, instead of bouncing up and down the way Josh would have surely preferred. “`Yon `yong pangalan ng babaeng tumatawag sa `yo. Is she another hook-up?”
Josh squeezed her breasts together. “Ikaw lang ang babae sa buhay ko ngayon, Eri.”
“Sino si Carrie?”
“Kara’s little sister,” sagot ni Josh. Hindi maalis ang malagkit na tingin sa kanyang dibdib. “Pangalanan ko kaya `tong boobs mo para maging akin na sila?”
Natawa si Erica. And damn, the vibration caused her to rub herself against his erection uncontrollably, making her and Josh to moan deliciously. She took a deep breath and forced herself to pause. “Bakit ka tinatawagan ng kapatid ni Kara?”
“Hindi ko alam,” sagot ni Josh, halatang distracted na. Mula sa dibdib ay dahan-dahan nang bumaba ang kamay ng binata sa baywang niya. “Baka magso-sorry uli. Tuwing may ginagawang masama sa `kin si Kara, parating si Carrie ang nagso-sorry para sa ate niya. Nakita mo na pala siya. Siya `yong babaeng nakita mong nakayakap sa `kin no’ng isang gabi sa bar.”
Kumunot ang noo ni Erica hanggang sa maalala ang magandang babae na mukhang bata at inosente. “Ah. So that’s Carrie. Akala ko no’n, pumapatol ka na sa mga bata.”
Mabilis na umiling si Josh. “Beinte pa lang si Carrie, parang si Juliana. Hindi ako pumapatol sa mga `sing-edad lang ng kapatid ko.”
“But she seems like a nice girl,” panunukso niya. “And she probably likes you, Josh. I think she feels guilty that her sister treats you like a shit, so she’s being kind to you. Kung mabait pa rin siya sa `yo kahit na alam na niya ang nakaraan mo, baka nga may gusto siya sa `yo.”
Hindi sumagot si Josh. Instead, he took her other nipple in his mouth and sucked on it like a baby. Damn, she cried like a porn actress as waves of pleasure shook her senses.
Napaungol si Erica. Fine, mukhang tapos na ang oras nila ng pagkukuwentuhan dahil pareho na silang hindi makapagpigil. Nang pagsawaan na ni Josh ang kanyang dibdib, siya naman ang kumilos para sa susunod na “pag-atake.”
Hinalikan niya si Josh habang nakalapat ang kanyang mga kamay sa matigas nitong dibdib. Pinaraan niya pababa ang mga palad sa abs ng lalaki, hanggang sa maikawit na niya ang mga daliri sa waistband ng nag-iisang piraso ng tela na suot nito.
Pinutol ni Josh ang mainit nilang halikan para marahang kagatin ang baba niya, saka nito iniangat ang balakang para mahila niya pababa ang boxers ng lalaki.
Pero hindi tuluyang hinubad ni Erica ang boxers ni Josh. Hinila niya lang iyon hanggang sa sumilip ang naninigas nitong pagkalalaki. Habang siya naman, mabilis ding iniangat ang balakang para hubarin ang panties niya, na hindi na niya nahuhubad nang tuyo kapag magkasama sila.
And then Erica sat on Josh. Her slick slit slid against the underside of his cock, then she started to rub herself in a way that let him know she wanted to jack him off with herself.
Umungol nang malakas si Josh, mahihimigan sa boses ang ligaya at matinding pangangailangan. Itinukod nito ang mga siko sa kama para iangat ang katawan. Nakatingin ito sa bahagi kung saan magkaugnay sila nang mga sandaling iyon. Nagdilim ang mga mata nitong puno ng pagnanasa. “`Tangina, Eri. Ang sarap niyang ginagawa mo!”
Napangiti si Erica, saka niya ipinulupot ang mga braso sa leeg ni Josh. Katulad ng binata, mabigat na rin ang kanyang paghinga. Feeling sexier and more desirable than ever, she moved faster, pressing down herself against his hard cock even more.
Josh moaned, still watching her move against him and she knew exactly why. He had a clear view of her pressed against his cock, her dripping cunt, and probably her clitoris, too. Hindi na yata nakatiis ang binata na manood na lang kaya humigpit ang pagkakahawak nito sa balakang niya, pagkatapos ay umangat naman ang balakang nito para salubungin ang kanyang mga ulos. “Lalabasan na `ko, Eri.”
“Then come,” sabi ni Erica, mas dinidiinan pa ang sarili sa pagkalalaki nito. She physically felt his release building up. He was so close and she could almost feel his taste in her lips from too much anticipation. “I want to watch you come, Josh.”
Josh closed his eyes and tilted his head back as he moaned her name with so much need. Then his cum spurt into his hard-rock stomach. God, he was so loaded and it felt like eternity watching him release all the desire he had for her.
Nang paraanin ni Erica ang daliri sa matigas na tiyan ni Josh para pahirin ang malagkit na likido, nagmulat ng mga mata ang binata. Mabigat ang paghinga nito, at mainit pa rin ang tinging ibinibigay sa kanya. She brought her finger coated with his orgasm to her mouth, and then she sucked it off for him to watch, for him to see how much she loved his taste. She felt his cock twitch in response. Oh, he loves that.
“Ako naman, Eri,” pabirong angil ni Josh, kitang-kita pa rin ang matinding pagnanasa sa mga mata na parang ipinapangako na hindi sila aalis sa kama nang araw na iyon. She knew that look, it was the one that told her he would not stop until she had multiple orgasms. Ohh. “Lagot ka sa `kin.”
THREE years ago, si Erica ang nag-organize ng bridal shower ng kaibigan niyang si Penelope. Pero sa kasamaang-palad, hindi natuloy ang kasal. Bakit? Kasi si Gabe, ang groom sana ng bride-to-be, ay sinipingan ang babaeng stripper sa stag party nito.
Kaya noong panahong miserable siya nang malamang pinagtaksilan siya ni Jeff, si Penelope agad ang nilapitan niya para humingi ng payo. Isa lang ang sinabi ng kaibigan sa kanya.
“Sleep with someone who can make you feel beautiful and sexy again.”
“So sinunod mo nga ang advice ko?” nakangiting tanong ni Penelope sa kanya.
Marahang tumango si Erica. “Yep. I’m sleeping with Josh.”
“Your best friend?” nanlalaki ang mga matang tanong nito.
Tumango si Erica kahit hindi niya gustong tinatawag na “best friend” si Josh. Hindi rin niya alam kung bakit hindi siya komportable sa titulong iyon ng lalaki sa buhay niya. Pero hindi na niya itinama si Penelope dahil iyon naman ang alam ng lahat tungkol sa relasyon nila ng binata—matalik na magkaibigan. In a way, that was true. “You told me to sleep with someone who makes me feel beautiful and sexy again,” defensive na sagot niya. “Josh did. He does.”
Pumalataktak si Penelope. “I knew it. I’ve always known you two are more than just friends.”
“We’re not in love,” defensive uli na sabi niya.
Binigyan siya ni Penelope ng kakaibang tingin, nagtataka na marahil sa pagiging sensitive niya ngayon. “Wala naman akong sinabing in love kayo. Ang sasabihin ko sana, matagal ko nang napapansing may pagnanasa kayo sa isa’t isa. Obvious, eh.”
Nakahinga nang maluwag si Erica. Hindi rin niya alam kung bakit. “Oh.”
Magkaklase sila noong college ni Penelope sa kursong Communication Arts. Nang maka-graduate, sabay silang pumasok sa BPO industry bilang mga call service representative. Pero hindi siya tumagal dahil iba talaga ang gusto niyang gawin. Hindi siguro para sa kanya ang mundong iyon. Naiwan ang kaibigan sa dating kompanyang pinapasukan ni Erica samantalang nag-apply at natanggap naman siya sa magazine publisher na pinagtatrabahuhan ngayon.
Dahil magkaiba na ang takbo ng career nila ni Penelope, bihira na lang silang magkita at magkasama dahil pareho silang busy. Isa pa, madalas panggabi ang shift ng kaibigan. Pero nagkukumustahan pa rin sila sa pamamagitan ng e-mail at text.
Mabuti nga ngayon, pareho silang libre ni Penelope. Nasa Hot&Cold sila, isang coffee shop na hinintuan muna nila nang mapagod sa pagsa-shopping. Habang nagkakape, doon na ikinuwento ni Erica sa kaibigan ang mga naganap sa lumipas na tatlong buwan mula nang nagbago ang relasyon nila ni Josh hanggang sa pagbabalik ni Jeff sa buhay niya.
“So you’re leaving?” malungkot na tanong ni Penelope. “With Jeff. The cheater.”
Marahan siyang tumango. “I have to, Pen. Sayang naman kasi kung hindi ko bibigyan ng chance si Jeff. Eight years din `yong naging relasyon namin. Hindi madaling kalimutan.”
Bahagyang sumimangot si Penelope. “Pero, Erica, sa eight years na `yon, hindi naman naging steady ang relationship n’yo. Para ngang mas maraming beses kayong naghiwalay kaysa nag-celebrate ng monthsaries n’yo, `di ba? Since college, you two have been infamous for being the ‘on-and-off’ couple.”
Hindi na lang iyon pinansin ni Erica. “Penelope, Jeff is perfect for me. We think alike, we almost have the same personality. He’s... safe.”
“Safe? I don’t get it.”
Hindi siya nakasagot. Hindi rin niya alam kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam kay Jeff. Safe dahil alam niyang hindi na uli siya masasaktan ng lalaki kasi guwardiyado na ang puso niya mula rito? Mukhang hindi iyon maiintindihan ni Penelope, kaya iniba na lang niya ang usapan. “Anyway, may isa pang dahilan kung bakit nakipagkita ako sa `yo.”
“Oh, really. What is it then?” curious na tanong naman ng kaibigan.
“Pen, I know you have friends from the advertising world,” pagsisimula ni Erica sa nag-aalangan na boses. “I’ve met them a few times and I think your girl friends are nice. Baka naman may single sa kanila na puwede nating i-set up kay Josh.”
Nanlaki ang mga mata ni Penelope. “Wait, what? Bakit ise-set up mo si Josh sa iba?”
“Because I’m leaving soon and I want to make sure he’ll be taken cared of,” katwiran ni Erica. “Just recently, a bitch broke his heart. I think it’s time for him to stop hooking up with that kind of woman and find himself a decent girlfriend. Kapag umalis ako, wala nang mag-aalaga sa kanya. Kaya ang gusto ko sana, makahanap siya ng matinong babae na puwedeng i-date bago ako lumipad papunta ng ibang planeta.”
“Are you sure?”
Tumango si Erica. “So how about Isabella? I like that girl. Naughty, but nice.”
Sumipsip muna si Penelope sa kape bago ito sumagot. “Isabella is somewhat dating Flynn Fletcher. So I don’t think so.”
Tumaas ang isang kilay niya. “Flynn Fletcher, the model?”
“Oo. Kilala mo siya?”
“Co-model and business partner siya ni Josh.”
“Oh, then mataas ang chance na nakilala na ni Josh si Isabella as Flynn’s girl.” Pinisil ni Penelope ang baba na parang nag-iisip. “Let’s see. Champagne is married, Vanessa has a boyfriend, Isabella is out of the question... so there’s only Eleanor left. She’s a hopeless romantic, so I guess she’ll be a good match for Josh, if you want him to get into a serious relationship.”
Tumango-tango si Erica. Kilala niya si Eleanor, saka sa mga kuwento pa lang ni Penelope, alam na niya kung gaano ka-romantic ang babae. May isa lang problema. “She just got out of a long-term relationship. Do you think she’s ready to date again?”
“It’s been almost a year since she and Pierre broke up. She has to be ready to meet other people again,” sabi naman ni Penelope. “I’ll talk to her. Tatawagan agad kita kapag napapayag ko siya.”
“Yes, please. Thank you.”
Nangalumbaba ang kaibigan habang binibigyan siya ng nanunuring tingin. “Alam na ba ni Josh ang pag-alis mo? At kung bakit ka aalis?”
Marahang umiling si Erica. “Pero may plano naman akong sabihin sa kanya.”
“Kailan?”
“The day before I leave.”
“That’s cold, Erica.”
Nagkibit-balikat si Erica, umaarteng walang pakialam kahit sa totoo lang, hindi rin niya gusto ang mga ginagawa nang mga sandaling `yon. “Pen, you know what kind of relationship Josh and I have. Wala kaming commitment, at mas lalong wala kaming obligasyon sa isa’t isa sa labas ng kuwarto. Puwede naming tapusin kung ano ang meron kami nang hindi nag-uusap.”
“But he’s still your best friend.”
“Kaya nga gusto kong ihanap siya ng disenteng girlfriend,” sagot niya, at hindi niya nagustuhan ang nahimigang lungkot sa boses. “That would be my farewell gift to him.”