FOR VANESSA, Fern Fletcher was an old college batchmate, the guy who lived next door, and James Grande’s friend.
Magkaibigan ba sila? Hindi niya masabi. Ang totoo niyan, bago pa sila magkita ni Fern sa party na in-organize nina Champagne at James para ianunsiyo ang tungkol sa engagement ng mga ito ay magkakilala na sila ng binata.
Noong isang taon lang, lumipat si Fern sa condominium kung saan siya nakatira. Naaalala niya na una niya itong nakita noong nagkasabay sila sa elevator. Kakahiwalay lang nila ni Jack noon.
Nang mga sandaling iyon, natagpuan ni Vanessa ang sarili na pasimpleng chine-check out ang binata. Magkasunod silang dumating sa gusali kaya narinig niya nang batiin ito ng guard at ng nakasalubong nilang janitor bilang “Sir Fern.” Medyo kakaiba ang pangalan nito, kaya para bang pamilyar iyon sa kanya. Hindi niya lang maalala kung saan niya iyon narinig noon.
Fern was a very good-looking mestizo: short (yet always disheveled, she would find out later) brown hair, hazel (bored) eyes, pointed nose, kissable-looking lips, square jaw. He was six feet tall and he was lean. Yet, his biceps and the shape of his strong-looking legs accentuated by his tight jeans said that his body was hard.
Hard. That word always made her think of lewd things, especially if it was used to describe a very hot male who seemed to be oblivious that he was making the space around him sizzle in heat.
Kusang bumaba ang mga mata ni Vanessa sa ibabang bahagi ng katawan ni Fern. Dahil sa masikip nitong pantalon, nagkaroon na siya ng idea kung gaano ito ka-“gifted.” Napangiti na lang siya bilang approval. Nice package, Fern.
“Can I help you with anything?”
Mabilis na umangat ang tingin ni Vanessa sa mukha ni Fern. Bahagya itong nakalingon sa kanya. Blangko ang guwapong mukha, pero bahagyang nakakunot ang noo. Ah, nahuli siya ng binatang nakatingin dito. Itinago na lang niya sa pagngiti ang pagkapahiya. “I’m sorry. I didn’t mean to stare. You look familiar, so iniisip ko kung saan tayo nagkita. If ever ngang nagkita na tayo before.”
Dumeretso na uli ang tingin ni Fern na para bang nababagot na. “We went to the same university,” nayayamot na sabi nito, saka mabilis na lumabas ng elevator nang bumukas ang pinto.
Paglabas ni Vanessa, naabutan niya si Fern na paliko na kaya nawala agad ito sa kanyang paningin. Ang bilis nitong maglakad, na hindi naman siguro nakakapagtaka dahil mahaba ang mga biyas nito. Marahang kinatok niya ang sariling ulo. “Vanessa Algeria, ano bang pinagkakaabalahan mo no’ng college at hindi mo napansin na may gano’n ka-hot kang schoolmate dati?”
Sa mga sumunod na araw, madalas nang nakakasalubong o `di kaya ay nakakasabay ni Vanessa sa elevator si Fern na panay tango lang ang bati sa kanya. May vibes ito na nagsasabi na wala itong interes makipag-usap lalo na ang makipagkuwentuhan sa kanya, kaya hindi na rin siya nagtangka pang magsimula ng small talk.
Noong una ay nagtataka pa siya kung bakit parang iwas ang binata sa kanya kahit hindi naman siya nakikipag-flirt dito, hanggang sa isang gabi ay nakasabay niya ito sa elevator kasama ang babae na halos ipulupot na ang sarili rito. Ah, may girlfriend pala (na mukhang possessive at selosa dahil sa sama ng tinging ibinibigay sa kanya. ‘Hobby’ na yata nitong gawin iyon sa mga babaeng napapalapit sa boyfriend). Simula nang araw na iyon, madalas nang makita ni Vanessa na bumibisita ang babaeng iyon sa unit ng lalaki.
Dahil marunong naman siyang sumunod sa “girl code” ng mga kapwa niya babae, hindi na siya uli nagtangkang makipaglapit kay Fern. Hindi naman siya desperado sa lalaki dahil marami siya niyon.
Lumipas ang mga buwan na hindi nag-uusap sina Vanessa at Fern, hanggang sa isang gabi, nagkagulatan sila nang magkita sa party nina Champagne at James para sa announcement ng engagement ng mga ito. Kaibigan niya si Champagne at kaibigan naman ng binata si James.
Napatingin si Vanessa sa paligid nang bigla na lang nagtayuan ang mga kaibigan nila para sa slow dance, hanggang ang naiwan na lang sa mesa ay siya, ang kambal na sina Emily at Emerald, at si Fern. Napabuntong-hininga siya. Gusto rin sana niyang magsayaw pero alangan namang ayain niya ang isa sa kambal na nagkuwentuhan na, halatang walang interes sa mga ganoong bagay.
Si Fern na lang ang nag-iisang lalaki sa mesa nila. Pero matagal na niyang natutunan na hindi ito ang klase ng lalaki na madaling i-flirt. Isa pa, may girlfriend ito na mukhang possessive. Iyon siguro ang dahilan kung bakit iwas ito sa mga babae.
Pasimpleng sinulyapan ni Vanessa si Fern na kasalukuyang tinutungga ang beer sa hawak nitong bote.
Vanessa’s mouth instantly went dry as she watched Fern’s Adam’s apple move while he gulped his drink down. She didn’t know that watching a guy finish his beer could be this interesting, especially if the forearm attached to the hand that held the bottle looked really sexy.
Bumaba ang tingin niya sa suot ni Fern. For once, hindi ito nakasuot ng simpleng T-shirt at jeans lang. Sobrang hot nito kapag ganoon ang porma dahil nagmumukha itong rockstar. Pero ngayong medyo pormal ang porma nito, na-realize niya na babagay dito ang anumang damit. Mukhang kahit ano ang ipasuot ay mapu-pull off ng binata na para bang isang professional model.
Fern’s slim-fitted tailored-polo shirt with a collar accentuated his well-toned torso and arms. She realized that if there was a guy hotter than Fern in his rockstar-I-don’t-give-a-shit getup, it was Fern in his I’m-a-good-boy-but-I-can-still-make-you-scream-my-name-in-bed semi-formal outfit.
Nang ibaba ni Fern ang bote ng beer nito sa mesa, tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Vanessa nang umangat ang tingin niya sa binata na deretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Kung gaano kaderetso ang suot nitong polo, ganoon naman kagulo ang buhok nito. His proper attire and his messy hair were contradictions which looked good on him. So good that she actually grabbed his hand without thinking twice.
Tahimik lang siya nang marahan siyang iginiya ni Fern sa dancefloor kung saan nagsasayaw na ang mga kaibigan nila. Wala namang pumansin sa kanila dahil mukhang busy ang lahat sa kanya-kanyang “instant date” ng gabing iyon.
Napaderetso ng tayo si Vanessa nang ipatong ni Fern ang mga kamay nito sa kanyang baywang. Habang siya naman ay ipinatong ang mga kamay sa mga balikat ng binata.
Vanessa breathed in sharply as soon as she touched Fern. His body was indeed hard, and she could tell by simply holding on to his shoulders, feeling the solid muscles under the palms of her hands. She was so tempted to wrap her arms around his neck, but that would probably scare him off.
Isa pa, nagko-concentrate din siya sa pakiramdam ng maiinit na kamay ng binata sa baywang niya. Ah, ngayon pa lang ay nai-imagine na ni Vanessa ang magiging pakiramdam kung sakali mang sa ibang parte ng katawan niya “maglakbay” ang mga kamay na iyon. Kung puwede lang, siya na mismo ang magbibigay ng “visa” sa mga kamay ng binata para i-“explore” ang bawat parte ng kanyang katawan.
Yes, she wanted to feel his warm, big hands all over her body. It was so unfair how much he had power over her when she didn’t appear to have the same effect on him.
Ang nayayamot na tingin ni Fern kahit na ganoon na sila kalapit sa isa’t isa ang gumising kay Vanessa. Siyempre, nakakainsulto makita na para bang gustung-gusto na nitong umalis doon kahit ito naman ang nag-aya sa kanyang sumayaw.
Aaminin niya, madalas niyang pagnasahan si Fern. Pero hanggang tingin at pantasya lang naman siya. Ni minsan, hindi siya gumawa ng move para makipag-flirt dito dahil halata namang wala itong interes sa kanya. Isa pa, alam niyang may girlfriend ito.
Gusto sana niyang magalit sa binata at sungitan ito, pero hindi niya magawa dahil na-realize niyang mas guwapo pala ito sa malapitan. Isa pa, ang bango-bango nito. Mula sa minty nitong hininga hanggang sa natural scent nito bilang lalaki. Hindi tuloy siya makapag-isip nang deretso dahil sa bawat paghinga ni Fern, para bang gusto na lang niyang pumikit at namnamin ang amoy nito. His masculine scent mixed with alcohol was kind of making her want to jump his bones.
Pero hindi pumayag si Vanessa na magpaapekto kay Fern na ganoon ang trato sa kanya, gayong ito naman ang unang lumapit sa kanya sa kabila ng pagrespeto niya sa private space nito.
“I didn’t force you to dance with me,” masungit na sabi ni Vanessa sa mahinang boses na sapat lang para marinig siya ng binata sa kabila ng mellow music sa background. “Kaya huwag kang sumimangot na para bang bored na bored ka nang kasama ako rito.”
Tiningnan siya ni Fern sa mga mata. Walang emosyong mababasa sa mga iyon, pero sapat para mag-init ang katawan niya sa paraang hindi naman dapat. “I’m Fern Fletcher.”
Kumunot ang noo ni Vanessa. Tapos na ang introductions dahil ipinakilala na sila nina Champagne at James kanina sa isa’t isa, kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Kaya nagtataka siya kung bakit nagpapakilala uli si Fern sa kanya.
Mukha namang nahulaan ng binata ang pagtataka niya sa pagpapakilala nito. “Just in case you’ve already forgotten.”
Ipinaikot ni Vanessa ang mga mata. Hinihintay niyang may sabihin pa si Fern, pero nanatili na uling blangko ang mukha nito. Hinulaan na lang niya kung ano ba ang ibig nitong sabihin sa mga sinabi. “All right, Fern Fletcher. Hindi ko na kakalimutan ang pangalan mo this time. Hindi ko maalala na naging schoolmate tayo noong college. Magka-major ba tayo dati?”
Umiling si Fern.
“Magkaklase sa isang subject?”
Tumango ang binata. “P.E. Tennis. Sophomore year.”
“Aside from that, may iba pa ba tayong connection no’ng college? Like, nagkasama ba tayo sa isang organization?”
Umiling lang ito.
Binigyan ni Vanessa ng kakaibang tingin si Fern. “Are you serious? Isang sem lang tayong naging magkaklase—at P.E. pa—so how do you expect me to remember you after all these years?”
Nagkibit-balikat lang ang lalaki. Nang huminto ang music, mabilis itong bumitiw sa kanya. Humakbang pa nga ito paatras. “Nice to see you again, Vanessa,” sabi nito, saka umalis.
Dapat siguro siyang mainsulto nang iwan siya ni Fern sa dancefloor. Pero imbes na mainis, napangiti lang siya. Sigurado siya sa nakita bago tinalikuran ng lalaki—namumula ang mukha nito kasabay ng pagkislap ng kakaibang emosyon sa mga mata.
Ah, so she had the same effect on him.
Salamat kina Champagne at James na nag-“merge” sa ngayon ay mas malaki nang barkada nila, madalas nang nakikita ni Vanessa si Fern. Pero gaya noong unang beses silang magkasabay sa elevator, iwas pa rin ang binata sa kanya at panay tango lang ang pagbati. Ang kaibahan lang siguro, naiintindihan na niya kung bakit umiiwas sa kanya si Fern: iniiwasan siguro nito ang atraksiyon sa kanya dahil may girlfriend ito.
So for Vanessa, Fern Fletcher was also her own brand of forbidden fruit.
NAKIALAM na naman ang tadhana sa diskarte ni Vanessa.
Kahit alam na niya ang nararamdaman ni Fern para sa kanya, hindi niya iyon sinamantala dahil unang-una, wala siyang balak makasira ng relasyon ng iba. Saka hindi niya gusto kapag siya ang unang gumagawa ng move para mapalapit sa isang lalaki. Kung wala itong balak gawin para sa nararamdaman nito sa kanya, wala rin siyang balak pilitin ang lalaki na gumawa ng hakbang.
Pero kailangan niya si Fern ngayon—hindi bilang isang lalaki kundi bilang isang chef.
Mahal ni Vanessa ang trabaho niya bilang advertising account executive. Kahit na masakit sa ulo, nakaka-challenge iyon sa talino niya at nahahasa pa ang communication skills niya sa pamamagitan ng madalas na pakikipag-deal sa mga art director na madalas niyang ka-debate.
Nang umagang iyon, planado na sa kanyang isip ang magiging araw niya. Pupunta siya sa studio kung saan gaganapin ang shoot ng advertisement para sa food account na hawak niya. Kailangan niyang i-impress ang brand manager at ang boss nito. At kapag naging successful ang kanyang trabaho ngayon, mas magiging malaki ang chance na ma-promote uli siya sa mas mataas na posisyon.
Nakikita na ni Vanessa ang panibago niyang success, hanggang sa makatanggap siya ng text kaninang madaling-araw sa food stylist niya na hindi ito makakapunta sa shoot mamaya dahil inatake sa puso ang mommy nito at wala itong ibang makakatulong dahil ito lang daw ang kasama ng ina sa bahay. Sinubukan niya itong tawagan, pero hindi na ito sumasagot.
Labag man sa kalooban, tumawag pa rin si Vanessa sa mga nakatrabaho na niyang food stylist sa mga nakaraan niyang projects kahit mag-aalas-singko pa lang ng umaga. Ungodly hour, oo. Pero kinalimutan niya na lang muna ang hiya. Sa kasamaang-palad, walang umoo sa kanya dahil masyado raw short notice iyon. Kung hindi may ibang project na hawak na mag-o-overlap sa oras na ibinigay niya, ay nasa malalayong lugar naman ang mga food stylist na nakausap niya.
She couldn’t blame them all for turning her down. After all, she needed a food stylist at nine in the morning, sharp.
Hindi na talaga alam ni Vanessa ang gagawin nang mapadaan siya sa unit ni Fern. Huminto siya sa tapat ng pinto nito nang mapaisip siya.
Bigla niya kasing naalala na chef ang binata. Tuwing nangti-treat sina Champagne at James ng dinner, madalas silang dalhin ng dalawa sa restaurant na pag-aari ni Fern. Siguro naman ay maalam ito sa food styling.
Sa project na ito nakasalalay ang advancement ng career niya kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Pinindot na niya ang doorbell. Mayamaya lang, narinig niya ang pagbukas ng pinto.
I hope you’re a morning person, Fern.
Inihanda na ni Vanessa ang sarili sa mahinahon, mabilis, at malinaw na paliwanag kay Fern kung bakit iniistorbo niya ito nang ganoon kaaga. Pero nang bumukas ang pinto, naiwang nakabuka ang kanyang bibig sa sumalubong sa kanya. Kung anuman ang mga sasabihin dapat, nakalimutan na niya.
Fern was shirtless, clad only in low-slung unbuttoned jeans that barely clung to his hips, exposing that sexy pelvis of his. She tried not to look at everything from the neck down, but it was hard because the little beads of water glistening over the parts of his lean and well-toned torso were calling her attention.
At dahil mapagbigay na babae siya, hinayaan niyang maglandas ang mga mata sa pinagpalang katawan ni Fern, lalo na sa pipit nitong tiyan na sabihin na lang nating may impressive six-pack. Inasahan na niyang may abs ito, pero iba pa rin ang makita iyon nang harapan.
Tumikhim si Fern na parang kinukuha ang kanyang atensiyon. “Good morning to you, too, Vanessa.”
Mabilis na umangat ang tingin ni Vanessa sa binata. Ngayon lang yata siya nito binati nang may kasamang salita. Puro tango lang kasi ang natatanggap niya rito noon.
Fern seemed to be in a good mood, and she had an idea why. He gave her a once-over from the top of her head to the tip of her pointed pumps—lingering over her chest area. Kung anuman ang nakikita ng lalaki sa kanya, mukhang nagustuhan nito iyon dahil bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi nito bago dumako ang tingin sa kanyang mukha. “Do you need anything from me?”
Tumaas ang kilay ni Vanessa. Talaga bang madaldal si Fern tuwing ganoon kaaga? Kung anuman ang nangyayari sa binata ngayon, masaya siyang suot niya nang umagang iyon ang sexy crimson halter dress na alam niyang nagpapakita sa magandang kurba ng kanyang katawan. “Yes, Fern. I badly need your help right now. Sa `yo nakasalalay ang career ko.” Nasa acting mode na siya kaya nagpaawa na siya ng mukha at pinagsiklop pa ang mga kamay sa tapat ng dibdib. “Please, please, please. Help me, chef.”
Kumunot ang noo ni Fern sa pagtataka. “I’m assuming you need my help as a chef, after you called me that. So, ano’ng maitutulong ko sa `yo?”
Ipinaliwanag ni Vanessa ang tungkol sa biglaang pag-backout ng food stylist niya at ang kawalan niya ng replacement para dito dahil ngayong umaga na kailangang i-shoot ang food scene na kailangan nila kung saan manonood pa mismo ang mga kliyente. “Don’t worry, Fern. Kaunting layouts lang naman ang kailangan namin. Saka nandoon din naman ang art director namin na puwedeng mag-guide sa `yo. We just really need a chef who understands food to pull this off. Can you help me?”
He had a knot on his forehead while scratching his stubbly jaw as if he was having an inner debate with himself. “I’m not sure, Vanessa. The last time I did food styling was when I was still in culinary school. Baka nangangalawang na `ko pagdating sa bagay na `yan.”
Napangiti si Vanessa dahil sa mahinang kombiksiyon sa boses ni Fern. Makukumbinsi niya itong tulungan siya, ramdam niya iyon. “Please, Fern. Sigurado akong magagawa mo `to dahil gaya nga ng sinabi ko kanina, may tutulong naman sa `yo. And you’re an excellent chef. I’m sure you can do this. Babawi ako sa `yo kapag tinulungan mo `ko.” Tinaas pa niya ang isang kamay. “Promise.”
Tinitigan siya ng binata. Sigurado siyang mapapangiti na ito, pero mukhang pinigilan nito ang sarili. Sa halip, tumikhim ito at nilakihan ang pagkakabukas sa pinto. “All right, you win. Let me get dressed first. Magkape ka muna sa loob habang hinihintay ako.”
Tatanggi sana siya at sasabihing maghihintay na lang siya sa lobby, pero pumasok na si Fern sa loob ng unit nito at iniwang nakabukas ang pinto.
Nag-alinlangan pa siya. Hindi dahil natatakot siyang may gawing masama ang binata sa kanya. Natatakot siya na baka bigla na lang siyang sapian ng mga nagwawala niyang hormones at mamolestiya niya nang wala sa oras si Fern.
God, Vanessa! Why are you such a horny woman?!
Nang marinig ni Vanessa ang pagtawag sa kanya ni Fern, bumuga na lang siya ng hangin at sumunod sa loob. Mabuti na lang at na-distract siya ng interior ng unit ng binata. Halos katulad iyon ng kanya, maliban na lang siguro sa kulay ng mga gamit. Black at white ang dominanteng kulay sa bahay na iyon. Higit sa lahat, amoy-Fern sa buong lugar.
Nalaman niyang mas maganda ang kusina ng lalaki kaysa sa kusina niya nang makarating siya sa parteng iyon ng bahay. Well, hindi na siguro nakakapagtaka iyon dahil chef ito.
Naabutan niya si Fern na nasa kitchen island habang isinasalin ang kape sa mug mula sa coffeemaker. Pagkatapos, nilingon siya nito at walang salitang sinenyasang lumapit. Tumalima naman siya at umupo sa stool.
“I’ll be quick,” sabi ni Fern, saka naglakad papunta sa bedroom nito bago pa man din siya makapagpasalamat.
Gustong sampalin ni Vanessa ang sarili. Kung habulin niya ng tingin ang binata, parang ngayon lang siya nakakita ng lalaking half-naked sa buong buhay niya. Pero hindi rin naman niya masisisi ang sarili, o ang nagwawala niyang hormones.
It’s your fault for being so sizzling hot, Fern Fletcher!