Something Hot, Something Messy, Something Scandalous Triliogy Chapter 3

SAFE na uli ang career ni Vanessa, salamat kay Fern.

Sa totoo lang, kailangan niya talagang bumawi nang sobra sa binata. Bukod sa pumayag itong maging food stylist niya para sa araw na iyon, na-impress pa nito ang kanyang mga kliyente na isang malaking achievement.

Ang brand manager pa lang ng hawak na account ni Vanessa, mahirap nang i-please. Kaya nang pati ang pinaka-big boss ay natuwa, halos magdiwang na agad-agad ang kanyang buong team.

Titig na titig si Vanessa kay Fern na nakatuon ang buong konsentrasyon sa pag-a-assemble ng tatlong scoop ng ice cream sa ibabaw ng haluhalo na nakalagay sa babasaging bowl. Well, hindi talaga ice cream iyon. Gawa lang iyon sa molding clay. Kung totoong ice cream kasi ang gagamitin nila, siguradong matutunaw agad bago pa man din makuhanan ng photographer ang gusto nitong anggulo. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nila ng food stylist para sa shoot.

Napatitig siya sa guwapong mukha ni Fern. Parati namang seryoso ang lalaki at kadalasan, mukhang bagot ito. Pero nang mga sandaling iyon, kahit na blangko ang mukha ng binata, may nakikita siyang buhay sa mga mata nito. Halatang masaya ito sa ginagawa. Ah, mukhang passion talaga nito ang pagiging chef.

Fern in his I’m-a-chef-and-you-can-lick-my-body mode was also super hot, just like the other sides of him that she had seen already. God, this man was so lickable!

Pasimpleng dinilaan ni Vanessa ang ibabang labi nang lumapit sa kanya si Fern pagkatapos humingi ng break ang photographer habang inaayos nito ang lighting setup. She was hoping he didn’t notice that she was looking at him like he was a steak.

I swear I’m close to jumping at his bones, pag-amin niya. Pero mabilis din niyang sinaway ang sarili. Vanessa Algeria, mahiya ka nga! Tinulungan ka na nga n’ong tao, kung ano-ano pa ang iniisip mong makamundong hangarin d’yan!

Kinalma niya ang sarili nang nasa harap na niya si Fern. Sana lang ay professional pa rin ang dating niya sa binata, at hindi pervert na kanina pa chine-check out ang katawan nito.

“Thank you so much, Fern,” sinserong sabi ni Vanessa nang sa wakas ay bumalik na siya sa sarili. “Dahil sa `yo, may trabaho pa `ko.”

Tumango lang si Fern. Pero sa pagkakataong iyon, bahagya nang tumaas ang sulok ng mga labi nito. “You owe me big time, Vanessa. Iniwan ko ang restaurant ko sa mga staff ko. While I trust their capable hands, I don’t think it’s a good example if the boss doesn’t show up at work on a Monday.”

She bit her lower lip at Fern’s teasing. Parang ibang lalaki talaga ang kaharap niya nang mga sandaling iyon. Bukod sa ang haba na ng mga sinasabi nito ngayon, ngumingiti pa ito at tinutukso siya.

“You seem to be in a good mood, Fern. Nagkabalikan na ba kayo ng girlfriend mo?”

Kumunot ang noo ni Fern. “I don’t have a girlfriend.”

Tumaas ang kilay ni Vanessa. Pinilit niyang huwag ipahalata ang tuwa kaya hindi siya ngumiti. Sa halip, binigyan niya lang ng nagdududang tingin si Fern. “Really? `Yong babaeng nakita kong sumampal sa `yo three weeks ago, hindi ba’t girlfriend mo siya? Madalas ko siyang nakikita sa unit mo. At sa mga pagkakataong nakikita ko kayong magkasama, mahirap naman paniwalaan kung family member siya. So don’t use that excuse on me.”

Okay, fine. Alam niyang nagiging masyado na siyang pakialamera. Pero ano’ng magagawa niya? Interesado siyang malaman ang relationship status ni Fern. Kung totoong single ito.

Well, single din ako. Baka naman…

“She wasn’t my girlfriend,” kaila ng binata sa blangkong boses. “We used to go out, but we were never exclusive. What we had was an open relationship.”

Napatango na lang si Vanessa. Alam na alam niya ang ganoong setup dahil iyon din ang preference niya sa mga nakakarelasyon. Look, she and Fern already had something in common. Napangiti na tuloy siya. “Okay. I didn’t mean to stick my nose in your business, by the way. Nagtatanong lang ako dahil ayoko namang may babaeng sumugod sa `kin at sabunutan ako dahil inistorbo kita mula sa trabaho mo para lang tulungan ang damsel-in-distress mong kapitbahay.”

Tumaas ang kilay ni Fern. Kung naniniwala man ito o hindi, mukhang wala itong balak ipaalam sa kanya. “If you say so.”

Ngumiti lang si Vanessa. Kung anuman ang nakain ng binata para maging madaldal at friendly ito ngayon, hindi na niya itatanong. She was starting to like the Fern in his I’m-friendly-yet-I-can-make-you-come attitude. “Pagkatapos ng shoot, let me treat you to lunch para makabawi naman ako sa `yo.”

Tumango lang si Fern. Pagkatapos ay nagpaalam na sa kanya nang tawagin ng art director nila para ipagpatuloy ang ginagawa nito.

Nang matapos na ang shoot, past lunch na at gutom na si Vanessa. Siguradong ganoon din si Fern na siyang may pinakamaraming trabaho na ginawa para sa araw na iyon. Pamilyar siya sa mga kainan malapit sa studio na iyon kaya siya na ang nagtanong kung ano ang gusto nitong kainin.

Dahil pareho silang nalipasan na ng gutom, pareho silang tumanggi sa ideya ng heavy lunch. Kaya napunta sila sa isang cozy restaurant na nagse-serve ng pandesal panini na may palamang sisig. Puno na ng mga customer sa loob, kaya pumuwesto na lang sila sa front porch.

Nasa pandalawahang mesa sila sa gilid ng salaming dingding kung saan may berdeng umbrella na pumoprotekta sa kanila mula sa sinag ng araw.

“Fern, again, thank you,” sabi uli ni Vanessa. Tumahimik na kasi uli si Fern simula nang umalis sila ng studio hanggang makarating sila doon, kaya hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nagsisimula na kasi siyang mailang sa katahimikan bilang madaldal siyang tao.

“You don’t have to thank me again and again, Vanessa,” sabi naman ng lalaki, pormal na uli ang boses. “Ginawa ko rin `to para makabawi ako sa `yo sa ginawa mong pagtulong sa `kin no’ng college tayo.”

Napakurap-kurap siya. “Sorry, pero hindi ko naaalala `yon. Ano bang tulong ang ginawa ko sa `yo dati?”

“Medyo cliché, actually,” pagsisimula ni Fern sa kuwento. Now, she could hear a smile in his voice. “Madalas akong ma-bully no’ng nasa college tayo. I was that tall, skinny, nerd guy that every bad boy in the class hated. Tuwing PE class natin noon, madalas nila `kong ginagawang pader kapag nagpa-practice sila ng tennis. Hanggang sa dumating ka at pinigilan ang mga nambu-bully sa `kin. Pinagbabato mo sila ng tennis ball, pagkatapos umiyak ka para maawa sa `yo ang instructor natin, at para maparusahan ang mga bully. Dahil do’n, hindi na uli nila `ko binalikan.”

Kumunot ang noo ni Vanessa. Kilala niya ang sarili, kaya hindi siya sigurado kung bakit siya magliligtas ng isang kaklase na hindi naman niya ka-close. Hindi naman kasi siya nakikialam sa bullying sa school nila dati. “Talaga? Ginawa ko `yon para iligtas ka?”

Umiling si Fern. “Hindi para iligtas ako. After that incident, you started dating the leader of the group who bullied me.”

Now, that sounded like what she would have done in that situation. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagkapahiya. Naaalala na niya ang insidenteng iyon dahil ang tinutukoy ni Fern sa kuwento ay ang first boyfriend niya. “Nagpapapansin lang ako kay Timothy no’n kaya ko siya inaway, in pretense of saving a poor classmate.”

Tumango lang si Fern.

Biglang nakonsiyensiya si Vanessa. “I know this is long overdue, Fern. But I’m sorry for being a jerk back then. Teenager pa `ko no’n kaya medyo gaga pa `ko sa idea of love. You must have hated me after that, right?”

Umiling ang binata at wala namang ni katiting na hinanakit sa mukha nito. Instead, he gave her a gentle gaze. “Iba man ang intensiyon mo sa pagligtas sa `kin, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit tinigilan na nila `ko. I was miserable then, being in a course that my parents forced me to take, then there was the bullying. Your little act of kindness somehow made me… happy.”

Natigilan si Vanessa. Ewan ba niya pero may kung anong mainit na bagay ang nangibabaw sa kanyang dibdib dahil tinitingnan siya ni Fern na para bang ang laki ng utang-na-loob nito sa kanya.

“I believe that you served as a lucky charm to me,” pagpapatuloy nito mayamaya. “After you gave me your handkerchief the day you saved me from my bullies, good things started to happen to me. Nakumbinsi ko na ang mga magulang ko na itigil ko na ang pagkuha sa Business Management dahil hindi naman talaga `yon ang gusto kong pag-aralan. Pagkatapos, pinayagan na rin nila `kong lumipad sa LA para mag-enroll sa isang culinary school do’n. Dahil do’n, natupad ko ang mga pangarap ko.”

“`Yon ba ang dahilan kung bakit hindi mo `ko nakalimutan kahit ten years na ang lumipas?”

Nagkibit-balikat si Fern. “Maybe. Plus, it’s hard to forget a very beautiful woman like you.”

Natahimik si Vanessa. Okay. Hindi naman si Fern ang unang lalaki na nagsabi sa kanyang maganda siya. Nagulat lang siya dahil ito lang ang nagsabi niyon sa paraan na parang bale-wala lang ang papuring ibinigay nito sa kanya, pero naramdaman naman niyang sinsero ito.

To say it simply, he complimented her not because he wanted to get her in bed, but because he simply meant it.

Sa sandaling iyon na tumahimik siya, na-realize niyang tumahimik din pala ang binata. He was now looking at her intently. The gentleness she saw in his eyes earlier was replaced by something more intense. He gave her the somewhat “dark look” that he had when they danced a few months ago. But it was gone as quickly as it appeared.

Tumikhim si Fern. “Now that you know my little secret, allow me to properly thank you for bringing luck to my miserable life before.”

Natawa nang mahina si Vanessa dahil sa pagbibirong nahimigan niya sa boses nito. “You don’t have to, Fern. Sigurado naman akong nagkataon lang ang mga nangyari.”

“I insist,” giit naman ni Fern. “Can I take you out to dinner tonight, Vanessa?”

Napatitig si Vanessa sa binata. Nagbibiro ba ito? Sa tingin ba nito, makakatanggi siya gayong inaya siya nitong makipag-date gamit ang bedroom voice nito?

Napangiti siya. “Well, if you insist.”

VANESSA dolled up nicely for dinner in Fern’s fancy restaurant that specialized in Asian cuisines. She wore her sexy little black dress which showed her curves in all the right places, makeup, and her new high stilletos. She kept her hair up in a loose bun.

Ayon kay Fern kanina nang ihatid siya nito sa unit niya para makapaghanda, ito raw ang magiging “exclusive executive chef” para sa dinner nila. Ito raw mismo ang magluluto ng specialty nito, at ang bagong dish na hindi pa raw inilalabas sa menu ng restaurant nito. Siya raw ang unang patitikimin nito niyon bilang “lucky charm” daw siya ng binata.

Pagdating niya sa restaurant, nagpakilala agad ang waiter na naka-assign sa table niya–si Ivan. Mukhang inaasahan na siya nito. Binigyan siya ng complimentary drinks at sinabing mayamaya lang ay ise-serve na nito ang mga dish na si Fern mismo ang nagluto at naghanda.

Habang nasa kalagitnaan si Ivan ng pagpapaliwanag kung ano-anong klase ng pagkain ang inihanda ng boss nito, may isang babae ang lumapit sa kanila at magalang naman na nag-excuse para makausap ang lalaki.

The waiter smiled apologetically at her when she turned to the other girl and accommodated the new guest. Hinayaan na niya dahil na-detect niya ang desperasyon sa boses ng babae. Base sa usapan ng dalawa, mukhang hindi iyon ang unang pagkakataon na nag-usap ang mga ito.

Kumunot ang noo ni Vanessa nang marinig na hinahanap ng babae si Fern, kaya napatingala siya rito. Nagulat pa siya nang nakilala ito. Nagpagupit kasi ng buhok ang babae kaya hindi niya siguro nakilala agad. Saka mas makapal na rin ang makeup nito, kumpara noong ilang beses niya itong nakita.

Fern’s ex-girlfriend, sabi niya sa isip na mabilis din niyang binawi. Oh, not ex-girlfriend, but his former hookup.

“Pasensiya ka na, Miss Sabrina,” nahihiyang sabi ni Ivan, saka binalingan si Vanessa. “Pero si Miss Vanessa ang date ni Sir Fern ngayong gabi. Sa palagay ko ay hindi ka mahaharap ng boss namin ngayon kaya kung puwede, bumalik ka na lang sa ibang araw.”

“Vanessa?” kunot-noong tanong ni Sabrina, saka siya binalingan. “You’re Vanessa?”

Marahan siyang tumango. Bilang prangkang tao, dineretsa na niya si “Sabrina.” “I’m Vanessa. Do we have a problem?”

“Can we talk?” sa halip ay tanong nito.

Tiningnan ni Vanessa si Ivan na mukhang hindi na alam ang gagawin, kaya sinenyasan na niya ang pobreng lalaki na umalis at siya na ang bahala roon. Mukhang nakahinga ito nang maluwag at mabilis na tumalima. Pagkatapos, binalingan naman niya si Sabrina. “Join me, Sabrina.”

Tumango naman ang babae, saka inokupa ang silya sa tapat niya. Tiningnan siya ni Sabrina na para bang hindi ito makapaniwala na nakikita siya nito. “So you’re a real person.”

“Excuse me?”

“Vanessa,” mapait na sabi nito na parang binabanggit lang ang pangalan niya at hindi dahil tinatawag siya nito. “That was the name Fern said while he was fucking me.”

Okay, nabigla si Vanessa doon. Dahil sa trabaho niya na maraming “surprises” (kagaya na lang ng biglaang pagba-backout ng food stylist ilang oras bago magsimula ang shoot) ay malaking bagay na kapag may gumugulat pa sa kanya. Iyong klase ng gulat na hindi siya makapag-react.

Ngumiti nang mapait si Sabrina. “When I asked Fern if ‘Vanessa’ was someone else he was seeing, he said no. Ang sabi pa niya, you’re just a college fantasy that he could never have. Of course, I didn’t believe him. Pero nang komprontahin ko siya, he coldly reminded me that we were not officially together so if he was seeing someone else, it was none of my business. Then he said we should stop seeing each other.” Nangilid ang mga luha nito. “Too bad because I had already fallen in love with him. He tried to apologize to me, pero masyado na `kong nasaktan.”

Sa totoo lang, walang pakialam si Vanessa sa mga drama ni Sabrina. Well, naaawa siya rito dahil babae rin naman siya. Pero kasalanan din naman nito ang nangyari.

When you enter a casual relationship (also known as non-relationship, no strings attached, friends with benefits, etc.), you are not supposed to fall in love with your fuck buddy. That was the rule. Break it, then it was game over.

Nang mga sandaling iyon, isang linya lang sa mahabang litanya ng babae ang tumatak sa isip ni Vanessa.

“Vanessa… that was the name Fern said while he was fucking me.”

Did Fern really call Vanessa’s name while he was fucking someone else? Did he close his eyes and imagine it was her who was naked beneath him and moaning his name and not this crybaby? Did he want her that much? Fuck. That was hot. Very, very hot.

Isipin pa lang niya na siya ang nasa isip ni Fern kahit ibang babae ang katalik nito, nag-iinit na ang kanyang buong katawan. Lalo na sa parte na mukhang kailangang-kailangan na ang atensiyon ng binata.

Fuck you, Fern. I’m getting wet here! reklamo niya sa isip, pero mabilis ding nawala lahat ng protesta niya nang sa likuran ni Sabrina ay nakita niyang nakatayo ang guwapong-guwapong si Fern. Base sa gulat at pagkapahiya na nakita niya sa mukha ng binata, narinig nito ang lahat ng sinabi ng babae. Pero nang bumaba ang mga mata nito sa suot niya, partikular na sa kanyang cleavage, ay biglang nag-init ang tingin nito. Mas lalo din tuloy siyang nag-init. Ah, shit. Fuck me, Fern.

“Pumunta ako rito para sana makipag-ayos kay Fern,” pagpapatuloy ni Sabrina na ngayon ay humihikbi na at pinupunasan ng tissue ang mga luha. “But you’re here now…”

“I’m sorry, I can’t listen to your shit anymore,” nagmamadaling sabi ni Vanessa, saka siya tumayo at dumeretso sa labas nang hindi tinatapunan ng tingin si Fern.

Mabilis na lumabas siya ng restaurant at nagtungo sa car space. Pero nanginginig ang kanyang mga kamay sa paghahanap ng susi ng kotse sa clutch bag niya kaya natagalan siya. Hanggang sa naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa kanyang balikat.

Napapikit siya nang masamyo ang pabango ni Fern na ngayon pa lang ay paborito na niya. Gustong-gusto na niyang humarap sa binata, pero pinigilan niya ang sarili. Hindi pa kasi siya kalmado kaya hindi niya alam kung ano ang puwede niyang magawa.

Like ripping his clothes off and licking his body right then and there.

“Vanessa,” he said in a hoarse voice laced with guilt. “I can explain. Don’t hate me, please.”

Hate him? Nagbibiro ba siya? Malayong-malayo sa “hate” ang nararamdaman ko para sa `yo ngayon, Fern Fletcher!

Pumihit si Vanessa paharap kay Fern. Dahil sa mga nalaman niya nang gabing iyon, hindi na “kaibigan” ang tingin niya sa binata. Matagal niyang pinigilan ang sarili dahil may respeto siya sa mga nagiging bahagi ng barkada nila. Pero kung para sa lalaking ito na pinag-iinit nang ganoon katindi ang kanyang katawan? Puwedeng kalimutan ni Vanessa ang prinsipyo niya. “Do you want me, Fern?”

“Yes, Vanessa,” mabilis at halos pabulong na sagot ni Fern. “I want you. So damn much.”

Ah, ngayon ay naiintindihan na niya kung ano ang ibig sabihin ng tinging ibinigay sa kanya ng binata nang gabing nagsayaw sila. That fleeting look was sheer want. “Shit, Fern. Bakit ngayon mo lang inamin? What took you so long?”

Nagmura si Fern na parang nakikipagtalo pa sa sarili, pero mabilis din itong humakbang palapit sa kanya para halikan siya sa mga labi. Dumeretso ang isang kamay nito sa kanyang batok, habang ang isa naman ay pumulupot sa kanyang baywang. Kinabig siya ng binata palapit sa katawan nito. Nanunuksong dinilaan nito ang mga labi niya para maghiwalay ang mga iyon. Pagkatapos ay marahan naman nitong kinagat ang kanyang ibabang labi.

She kissed him back. Bahagyang ibinuka pa ni Vanessa ang mga labi at sinamantala iyon ni Fern para ipasok ang basa at mainit nitong dila sa kanyang bibig. The next thing she knew, she was moaning softly when he kissed her harder and deeper.

“Sorry for taking my time,” bulong ni Fern sa pagitan ng mga halik. “I’ll make up for the lost time, promise.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.