“ELEANOR texted me. She’s having coffee with Josh right now.”
Biglang nagpreno si Erica. Mabuti na lang at hindi pa siya nakakalabas ng car space ng condominium building nila kaya nang huminto siya, hindi naman bumunggo ang kotse niya sa kung saan. “What?!” hindi makapaniwalang tanong niya kay Penelope na kausap niya sa kabilang linya. Inayos pa niya ang earpiece sa kanyang tainga na konektado sa phone. Baka kasi namali lang siya ng dinig. “Pa’no nangyari `yon?”
“Medyo mahabang kuwento—”
“May time akong makinig,” sansala ni Erica sa sinasabi ng kaibigan. “What happened? Bakit magkasama sila?”
“Ka-chat ko si Isabella ngayon,” sagot ni Penelope sa halatang nag-aalangan na boses. “According to her, she and Flynn Fletcher brought Eleanor to YouTopia to have fun. Mukhang nag-decide na si Eli na makisalamuha uli sa ibang tao. Anyway, nando’n din daw si Josh. Naglalasing daw dahil, well, brokenhearted sa `yo.”
Ouch.
“Alam mo namang hopeless romantic si Eleanor, `di ba?” pagpapatuloy ni Penelope. “Naawa yata siya kay Josh kaya binigyan niya ng relationship advice ang best friend mo. Ayon kay Isabella, mukhang naaliw raw si Josh kay Eli, so he asked her to have coffee with him.”
Okay, nasaktan si Erica doon. Hindi mahilig magpunta si Josh sa mga coffee shop dahil overpriced daw ang kape sa mga ganoong lugar. Pero kapag siya raw ang nag-aya, sasama ito sa kanya. Dahil ang “first date” daw nila three years ago ay sa isang café rin. “Saang coffee shop sila nagde-date?”
“What are you planning to do, Erica?” nagdududang tanong ng kaibigan.
“Kailangan kong makausap si Josh,” desperadang sagot niya. “I need to find him, Pen. Please help me.”
“All right, all right,” pagsuko ni Penelope. “Nasa Hot&Cold sila.”
“Thanks, Pen!” relieved na sabi ni Erica. “Promise, kapag ikaw naman ang nangailangan ng tulong para sa pakikibaka mo kay Magnet, I will help you.”
“Uhm, no, thanks. Magnet and I are fine... I think.”
Natawa lang siya, saka nagpaalam kay Penelope.
Pinaharurot niya ang kotse papunta sa Hot&Cold. Bawat minutong lumilipas, lalong tumitindi ang pagdadasal niya na sana, nasa coffee shop pa sina Josh at Eleanor. Kilala niya ang “best friend” niya. Kapag may nagustuhan itong babae, siguradong maikakama nito. Hindi niya alam ang gagawin kung susubukan ng binata na kalimutan siya sa pamamagitan ng pakikipag-sex sa ibang babae. Isipin pa lang niya, mamamatay na yata siya sa selos.
Pagdating niya sa café, mabilis siyang bumaba ng kotse at sinuyod ng tingin ang buong lugar.
Nakahinga si Erica nang maluwag nang makita si Eleanor sa pandalawahang mesa sa tabi ng salaming dingding. The other woman was reading a book, alone.
Nilapitan niya si Eleanor para sana tanungin kung nasaan si Josh, pero natigilan siya nang makita ang isang matangkad at guwapong lalaki sa likuran nito. May dalang tasa ng kape ang binata, pero kitang-kita sa mukha ang pag-aalangan na lapitan ang babae.
Bumaba ang tingin niya sa nameplate ng binata: Dustin. The guy was giving Eleanor a somewhat longing look. When he noticed Erica was looking at him, he smiled shyly then turned away. He walked back at the counter looking like a soldier defeated in a fight.
Dumeretso na si Erica kay Eleanor na may vibes na hindi ito puwedeng istorbohin habang nagbabasa. Pero dahil desperada siya, inistorbo na niya ito. “Excuse me—”
“Josh left half an hour ago,” sagot ni Eleanor, saka nag-angat ng tingin. Blangko ang mukha nito. “Hi, Erica.”
Nabigla si Erica, pero mabilis din siyang nakabawi. “Oh, hi, Eli. Umalis na si Josh?”
Tumango si Eleanor, saka ibinalik ang atensiyon sa binabasa. “Oo. Hindi raw siya mahilig sa overpriced coffee. Mas gusto raw niya `yong ginagawa mong kape sa kanya tuwing umaga. Saka kapag nasa café raw siya, naaalala niya ang first date n’yo.”
Napangiti si Erica. Alam niyang dapat siyang magmadali, pero gusto niyang marinig ang mga sinabi ni Josh kay Eleanor tungkol sa kanya. Kaya inimbita niya ang sarili na sumalo sa mesa ng babae na mukhang okay lang naman dito. “May iba pa bang ikinuwento si Josh sa `yo tungkol sa `kin no’ng magkasama kayo?”
“Ikaw lang naman ang bukambibig niya,” pagkukuwento ni Eleanor sa bored na boses. “Naaalala ka niya sa lahat ng bagay na nakikita niya. Ang ganda-ganda mo raw kapag naglalaro `yong laser lights ng YouTopia sa mukha mo. Ikaw raw ang pinakamabait na babaeng nakilala niya. Pero ikaw rin daw ang pinakatanga. That’s his word, not mine.”
Parang piniga ang puso ni Erica. “Is he still mad at me?”
Isinara ni Eleanor ang librong binabasa, pagkatapos ay mataman siyang pinagmasdan. “Ibang lalaki ang pinili mo, Erica. Natural lang siguro kung magalit siya. Pero kanina, hindi naman galit `yong nakita ko. It was sadness. He was hurting, but he still talked about you like you’re the only woman in his life. He called you his angel, his savior, his sexy superhero.” Sumandal ito sa kinauupuan at humalukipkip. “Hindi tayo close, Erica. Pero sang-ayon ako kay Josh. Tanga ka nga.”
Itinaas ni Erica ang kamay para pigilan ang panghuhusga ng babae. “I know. Kaya nga nandito ako para bumawi kay Josh. Tinapon ko na ang lahat ng takot ko kasi na-realize ko na kailangan kong magtiwala sa kanya. Sa pagmamahal na ipinaparamdam niya sa `kin, gusto ko ngang iuntog ang sarili ko sa pader kasi pinagdudahan ko pa siya.”
“Okay, you passed,” sabi ni Eleanor sa mas friendly nang boses. Pagkatapos, inilabas nito ang phone na kinutingting nito. “Ang sabi ni Josh kanina, kapag nalaman mo raw na magkasama kami at sumunod ka, magpapakatanga uli siya sa `yo.”
“Meaning?”
“Sinadya ni Josh na ipagkalat sa mga kaibigan n’yo na magkasama kami para makarating sa `yo,” paliwanag ni Eleanor. “Gusto niyang pagselosin ka para ma-realize mo raw na siya talaga ang mahal mo at hindi ang—I quote—‘gago’ mong ex-boyfriend— end quote. Kapag napatunayan daw niyang may gusto ka rin sa kanya, kahit kaunti lang, pipikutin ka raw niya para wala ka nang takas.”
Natawa si Erica. That was so Josh.
“I texted Josh,” mayamaya ay sabi ng babae. “Hindi pa siya sumasagot. Baka nakatulog kasi medyo nakainom siya kanina. Anyway, nasa apartment lang siguro `yon. Puntahan mo na siya. And this time, don’t let him go.”
Nakangiting tumango si Erica, pagkatapos ay tumayo na siya. “Thanks, Eli,” sinserong sabi niya. Pagkatapos ay dumako ang tingin niya sa counter kung saan nakatitig pa rin ang baristang si Dustin kay Eleanor. “Eleanor, pareho tayong galing sa hiwalayan mula sa isang long-term relationship.”
Nag-angat ng tingin si Eleanor sa kanya. “So what?”
Ngumiti si Erica. “Let me give you an unsolicited advice: bigyan mo ng chance `yong lalaking titingnan ka na parang may Christmas lights sa mga mata niya sa sobrang kislap.” Pasimpleng inginuso niya si Dustin. “Like that guy.”
Nilingon ni Eleanor si Dustin.
Magaang ang loob ni Erica nang lumabas siya ng Hot&Cold. Ramdam niya, may chance pang mapatawad siya ni Josh.
INIHANDA na ni Erica ang sarili sa mga sasabihin kay Josh habang hinihintay ang binata na pagbuksan siya ng pinto. Inaasahan na niya ang galit nito at malamig na pagtrato sa kanya, kaya tinatagan na niya ang loob. She deserved his wrath.
Sisimulan niya siyempre sa paghingi ng tawad. Ipapaliwanag niya rito ang lahat ng pinagmulan ng takot niya na nagtulak sa kanya para gumawa ng maling desisyon. Tatanggapin niyang kasalanan niya ang lahat, na babawi siya rito, na hindi na siya aalis.
Pero ang pinakaimportante sa lahat, aaminin na niya kay Josh ang tunay niyang nararamdaman para dito. Na mahal niya ito. Dapat noon pa niya iyon ginawa, oo. Pero umaasa na lang siya na iyon na ang tamang oras para sa kanila ng binata.
Please don’t push me away, Josh.
Narinig ni Erica ang pagpihit ng seradura. Kasunod ng pagbukas ng pinto.
Nahigit niya ang hininga sa sumalubong sa kanya: si Josh na puting T-shirt at boxers lang ang suot nang mga sandaling iyon. Agad na naglakbay ang kanyang mga mata sa matipuno nitong katawan. Mula sa sexy nitong collarbones, sa malalaking braso, sa malapad na dibdib, sa matitigas na abs.
Pinaraan niya ang dila sa ibabang labi nang dumako ang kanyang tingin sa pelvis ni Josh. Gustung-gusto niyang ikawit ang mga daliri sa waistband ng boxers nito at hilahin iyon pababa. Wala na siyang pakialam kung may ibang taong makakakita sa kanya.
She wanted to bite his hipbone. To lick him all over. To suck his cock.
Pinagdikit ni Erica ang mga hita nang mag-init ang pagitan ng mga iyon. Makita pa lang ang hubad na katawan ni Josh ay sapat na para mamasa ang parte ng kanyang katawan na hindi na makapaghintay na maramdaman uli ang kabuuan ng binata sa loob niya.
Umangat ang tingin niya sa mukha ni Josh nang tumikhim ito. Pero lalo lang siyang na-distract nang mapansin ang papatubong balbas sa mga panga ng binata na lalong nagpamukhang manly rito. Hmm, ano kaya ang pakiramdam niyon sa balat niya kapag hinalikan niya ito?
Kung hindi lang dahil sa blangkong mukha at malamig na mga mata ni Josh, baka nakalimutan na ni Erica ang pakay sa pagpunta roon. Hindi pa iyon ang tamang oras para pagnasahan ang binatang pinagkakautangan niya ng mahaba at detalyadong paliwanag.
But still, damn him for being a sexy mess.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Josh.
Nakabuo si Erica ng script sa isip niya kanina dahil alam niyang itatanong iyon ni Josh. Pero nang bigyan siya ng binata ng mainit na tingin, partikular ang cleavage niya na labas mula sa suot na dress, nilipad sa hangin lahat ng talino niya. Nag-init ang kanyang buong katawan at bumigat ang paghinga. “Josh?”
“O?” masungit na tugon ni Josh, pero hindi maitatago ang dumaang pagnanasa sa mga mata nito.
Mabuti na lang pala at isinuot ni Erica ang dress na alam niyang yayakap sa makurba niyang katawan, lalo na sa bandang dibdib niya. Siguro nga medyo nandaya siya sa munting laro nila ni Josh na iyon, pero kailangan niyang gamitin lahat ng advantage niya para pansinin siya ng binata. She knew how much he loved her bountiful breasts, so she used it to weaken his resolve.
Iyon nga lang, weakness din niya ang mainit na tingin na ibinibigay ni Josh sa kanya. Whenever he looked at her like he wanted to rip her clothes off her, her knees buckled.
Sino ang unang bibigay?
“Ikaw nga ba si Mr. Right? Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?” pakantang tanong ni Erica. Well, alam niyang wala siya sa tono. Pero sigurado siyang tama ang lyrics niya. Ilang beses na nilang ginawang dirty joke ni Josh iyon kaya hindi siya puwedeng magkamali.
Josh cracked a smile. He actually smiled! Para na namang nagkaroon ng Christmas lights sa mga mata nito at bumalik na rin ang inosenteng kasiyahan sa guwapong mukha ng binata. Pero nang muli nitong pasadahan ng mainit na tingin ang kanyang katawan, bumalik ang kapilyuhan nito. God, his heated gaze told her they had a long night ahead. “Gusto mo bang lagyan ko ng icing ko ang cupcake mo?”
“Yes, please,” paungol na sagot ni Erica, mahihimigan sa boses ang matinding pangangailangan. She got wet by their little dirty banter. Her nipples even hardened.
Alam niya na marami silang dapat unahing pag-usapan. Pero alam din niya na mas mahalagang gawin muna ang mga bagay na mukhang na-miss nila pareho ni Josh. Halatang pareho rin ang priority nila nang mga sandaling iyon—ang ikama ang isa’t isa.
Siguro, mas madali silang magkakaintindihan kung ang mga katawan nila ang mag-uusap sa lengguwaheng silang dalawa lang ang nakakaalam.
And honestly? She couldn’t wait to make love with him.
Bago pa ulitin ni Erica ang pakiusap, yumuko na si Josh at sinakop ang kanyang mga labi. Nakiliti siya dahil sa papatubong balbas nito kaya tinangka niyang putulin ang halik, pero mukhang walang balak ang binata na pakawalan siya hangga’t hindi nito nalalagyan ng icing ang cupcake niya.