Something Hot, Something Messy, Something Scandalous Triliogy Chapter 24

FOR ERICA, Jeff was the safe choice.

Bukod sa walong taong history na nila ni Jeff na nakakahinayang namang bitawan, alam niya ring hindi siya mawawasak ng lalaki. Oo, nasaktan siya sa panloloko nito. Pero ang totoo kasi niyan, mas nangibabaw ang pagkainsulto kaysa sa sakit. Kaya nga mabilis siyang naka-recover. Alam niya na kung sakaling magkamali uli ang lalaki, kakayanin niya.

Alam na niya kung ano ang magiging reaksiyon kung hindi man maging maayos ang relasyon nila ni Jeff. Sigurado na siya na makakabangon siya.

Hindi rin naman magiging ganoon kasama iyon dahil kahit paano, naroon pa rin ang pagmamahal niya para sa binata. Hindi naman siguro kailangan na sobrang lalim ng damdamin nila para sa isa’t isa.

Pareho sila ni Jeff mag-isip. Alam niyang sapat na sa kanila ang magkasama na pareho silang stable. Praktikal sila pareho, kaya ayaw nilang masayang ang mga na-invest sa walong taong relasyon. Kahit pa sabihing pulos hiwalayan din naman iyon.

Sabi nila, piliin mo raw ang taong mas mahal ka, kaysa doon sa taong mahal na mahal mo. Para naman kay Erica, pillin mo ang taong hindi mo masyadong mahal, kaysa doon sa taong sobrang mahal mo na aabot sa puntong mawawasak ka kapag hindi kayo nagkatuluyan sa huli.

Paulit-ulit na sinasabi iyon ni Erica sa sarili. Pero ngayong kaharap niya si Josh, hindi niya mapigilang itanong sa sarili kung bakit hindi puwedeng ito na lang ang piliin niya.

Josh, who sat across the table, looked immaculately handsome. Somber, sad, and maybe angry, yes, but gorgeous. His eyes were still intense, piercing, cold at the moment, and he probably just silently judged all her life decisions. Yet she felt hot being scrutinized under his unflinching gaze.

Pinagdikit niya ang mga hita nang makaramdam ng pag-iinit sa pagitan ng mga iyon. Isang tingin lang talaga rito, nagre-react na agad ang katawan niya. Kasunod niyon ang matinding urge na hawakan ang binata. Kaya nga nakakuyom ang mga kamay niya sa ibabaw ng kanyang mga hita. Pinipigilan ang sariling gumawa ng bagay na pagsisisihan.

“Pasensiya ka na kung naistorbo ko kayo ni Jeff,” malamig na sabi ni Josh. Ngayon lang nito binasag ang katahimikang namuo sa pagitan nila mula nang dumating sila sa Hot&Cold. “May gusto lang sana akong ibigay sa `yo.”

Tumango lang si Erica. Hindi na niya binanggit na hindi naman sa condo niya nagpalipas ng gabi si Jeff. Pinauwi rin niya ang ex-boyfriend na kasalukuyang tumutuloy sa isang hotel.

Sa totoo lang, nagulat siya kanina nang tawagan siya ni Josh at sinabing magkita sila sa coffee shop na malapit sa condominium building niya. Base sa boses nito, alam niyang hindi ito papayag na tumanggi siya. Kaya nagpunta na siya.

Plus, she needed to see Josh again because she missed him so much...

Kinuha ng binata ang paperbag na inilapag nito kanina sa sahig. Ipinatong iyon sa mesang nakapagitan sa kanila, pagkatapos ay itinulak palapit sa kanya. “Para sa `yo `yan. Buksan mo na lang mamaya, pag-alis ko. O kaya, bago ka umalis ng bansa.”

Tumango lang uli si Erica. Alam niyang hindi tama, pero hindi niya maalis ang tingin sa paggalaw ng bicep ni Josh nang iabot nito sa kanya ang paper bag. God, she missed being wrapped around his strong arms! The way his muscles rippled made her thirsty...

Stop, saway niya sa sarili. You didn’t choose Josh. Pagdusahan mo ang desisyon mong `yan.

Natigilan siya nang mapansing nakatitig sa kanya si Josh. Iyong klase ng titig na deretso, nakakapiga ng puso, tumatagos sa buto, sumasagad hanggang kaluluwa.

Naramdaman ni Erica ang nararamdaman ni Josh nang mga sandaling iyon habang sinasalubong ang malungkot at puno ng sakit na tingin nito. He was falling apart, and he was letting her witness it, as if he wanted her—the cause of his heartbreak—to see her “job” complete.

Kulang na lang ay maglagay si Josh ng placard na may nakasulat na, “Heto. Nadudurog na `ko gaya ng gusto mong mangyari. Masaya ka na ba?”

Naikuyom ni Erica ang mga kamay para pigilan ang mga iyon na ikulong ang mukha ng lalaki. Ibinaon niya ang mahahaba at matatalas na kuko sa kanyang mga palad para kahit paano, maparusahan niya ang sarili mula sa sakit na dinadanas nito ngayon dahil sa pagiging makasarili niya. Gusto niyang umalis, tumakbo, iwan ito. Ayaw niyang ang malungkot na mukha na iyon ang maging huling alaala niya kay Josh.

Then the worst thing she could imagine happened: Josh’s big, fat, tears rolled down his cheeks. Quietly. Just like the way he was hurting right now. “Ang tanga mo, Eri,” sabi nito sa pabulong at malamig na boses. “Akala ko, ako `yong tanga sa `ting dalawa. Pero ikaw pala.”

Nasaktan si Erica, hindi dahil sa pang-iinsulto ni Josh. Nasaktan siya dahil sa nahimigang hinanakit sa boses nito. He was angry, broken, bitter, sad. All because of her and her selfishness.

“Bakit sasama ka pa rin sa lalaking nanloko sa `yo?” tanong ni Josh sa halos pabulong na boses, pero puno pa rin ng sakit. “Kaya kitang mahalin nang hindi ka sasadyaing saktan, Eri. Walang ‘pero’ `yong pagmamahal ko sa `yo. Tuldok lang ang kasunod nito. Kasi matagal na `kong sigurado sa `yo. Hindi ba `yon sapat para ako ang piliin mo?”

Hindi nakasagot si Erica. Hindi niya alam kung makakapagsalita ba nang hindi pumapalahaw ng iyak, kaya nanahimik na lang siya.

“Hindi?” tanong ni Josh. Pagkatapos, tumango-tango ito. “Okay. Tatanggapin ko `yan, Eri. Mahirap ipagsiksikan ang sarili sa taong nakabuo na ng desisyon. Sana maging masaya ka. Kayo ni Jeff.” Tumayo na ito, nakapamulsa at malayo ang tingin. Nang magsalita ang binata, sapat lang para marinig niya. “Salamat nga pala sa souvenir sex. Hindi ko `yon makakalimutan. Ipapa-frame ko rin pala `yong natira nating condom para remembrance,” malamig na sabi nito, saka siya nilayasan.

Nang masiguro ni Erica na nakalabas na ng coffee shop si Josh, saka lang niya hinayaan ang sariling magpakita ng emosyon. Sa unang pagkurap niya, mabilis na tumulo ang kanyang mga luha na pinigilan niya sa buong durasyon ng pag-uusap nila. Para hindi makita ng ibang mga customer ang pag-iyak niya, tinakpan niya ng mga kamay ang kanyang mukha.

Ngayon niya mas naintindihan ang sarili. Kung bakit si Jeff ang pinili niya. Hindi iyon dahil ang lalaki ang “safe choice.” Wala ring kinalaman ang walong taong relasyon nila. Lahat ng binuo niyang desisyon, umiikot lang sa isang bagay: takot.

She chose the wrong person because she was a selfish “safe girl” who was too afraid to hand her heart to someone who could break it so easily.

NAKAHIGA si Erica sa kama niya, nakatitig sa kisame.

Mayamaya, darating si Jeff. Nagpasabi ito sa kanya na dadalaw sa condo niya na may dalang dinner. Kaya hindi na siya nag-abalang magluto o bumili ng pagkain. Pero sa totoo lang, mukhang hindi rin naman niya kayang kumilos ngayon. Actually, wala siyang ganang gumawa ng kahit ano.

Saan ba nagsimula ang matinding takot niya sa pagmamahal kay Josh? Ah, siguro noong nabalitaan niyang nasaksak ang binata. Sa buong buhay ni Erica, noon lang niya naranasang matakot para sa buhay ng iba. Pakiramdam niya, dinukot ang puso niya at mamamatay siya kapag may masamang nangyari sa taong hindi niya namalayang mahal na pala niya.

Nabigla si Erica sa intensidad ng pagmamahal niya para kay Josh. Hindi siguro maiintindihan ng iba. Pero iba pala ang pakiramdam na sa ibang tao na nakasalalay ang buhay mo.

Lumaki siyang independent. Sa klase ng mundong ginagalawan, natuto siyang tumayo sa sariling mga paa. Matatag siya, matigas ang puso, at oo, praktikal. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi na niya kailangan ng lalaki o panghabambuhay na kapareha sa buhay.

May balak naman siyang magpakasal at magtayo ng sariling pamilya. Pero ang gusto niyang makasama, iyong taong katulad niya mag-isip. Iyong maiintindihan kung hindi niya kayang ibigay ang buong puso niya sa relasyon na bubuuin nila. Na tatanggapin kung ano lang ang ibibigay niya.

Naisip niyang si Jeff ang mas bagay sa kanya. Hindi rin kasi nito ibinibigay ang lahat ng pagmamahal sa isang tao. Kaya siguro, kahit walong taon sila ay hindi lumalim ang pag-iibigan nila. Parang laging may distansiya sa pagitan nila na pareho silang walang balak tawirin. Kasi makasarili sila, at tanggap nila iyon sa isa’t isa.

Josh was different. He was selfless. His love was intense. So she thought it would be unfair to him if she couldn’t give her one hundred percent commitment. He didn’t deserve her.

Dumako ang tingin ni Erica sa paper bag sa ibabaw ng night table. Bumangon siya at kinuha iyon. Isang pahabang kahon ang laman niyon. Kinuha niya iyon at binuksan. Nagtaka siya nang makitang isang nakatuping puting kartolina lang ang laman niyon.

Pero nang buklatin niya iyon, nabigla siya sa sumalubong sa kanya. Isang chart.

REQUIREMENTS BAGO MAG-PROPOSE KAY ERI:

First

Friendship

Anniversary Sariling apartment/

Mas maraming trabaho/Mag-ipon 

Second

Friendship

Anniversary Bahay para sa pamilya ko/

Negosyo para mas secure 

Third

Friendship

Anniversary Sariling kotse/ Simulan ang pagpapatayo ng dream house 

Fourth

Friendship

Anniversary Dream House/ Pormal nang manligaw kasi may maipagmamalaki ka na sa kanya kahit papa'no

Fifth

Friendship

Anniversary Bumili ng engagement ring

Pumatak ang mga luha ni Erica. Kung ganoon, matagal na palang naplano ni Josh ang buhay nito na kasama siya? Ito ba ang dahilan kung bakit sine-celebrate nila ang “friendship anniversary” nila? Kung ganoon, kasali pala siya sa mga rason kung bakit nagsisikap ito sa buhay.

Pa’no ko nagawang pagdudahan si Josh at ang pagmamahal niya para sa `kin?

Sa unang pagkakataon sa buhay ni Erica, nag-asam siya ng kinabukasan na hindi lang nakabase sa pagiging stable at safe ng puso niya.

The doorbell rang.

Nagmamadaling binuksan ni Erica ang pinto. Hindi dahil excited siyang makita si Jeff. Kailangan lang nilang mag-usap at magkaayos sa huling pagkakataon.

“I brought pasta from your favorite Italian restaurant,” anunsiyo ni Jeff nang pumasok ito sa condo niya. Dumeretso ang lalaki sa kusina. “Kumain na tayo bago pa `to lumamig.”

Nanatiling nakatayo si Erica malapit sa pinto ng kusina. Tiningnan niya ang lalaki na may simpatya sa mga mata. Mukhang napansin iyon ng lalaki na natigilan at napatitig din sa kanya. “Jeff, hindi na `ko sasama sa `yo sa New York.”

Gaya niya, nanatiling kalmado si Jeff. Pareho silang sanay na kinokontrol ang damdamin. Pero alam niya, may bagyo na sa loob ng lalaki na makikita sa pagdaan ng pagkataranta sa mga mata nito. Na mabilis din namang nawala. “Erica, ilang milya ang nilipad ko para masundo ka. Gusto kong sabay tayong dumating sa New York, dahil alam kong `yon ang makakatulong sa`tin para bumalik tayo sa dati. What are you saying now?”

“We are so messed up, Jeff,” pagsisimula ni Erica sa frustrated na boses. “Alam mo ba kung bakit tumagal tayo ng eight years? Hindi `yon dahil sa mahal natin ang isa’t isa. Tumagal lang tayo kasi parehong matigas ang ulo natin. Nanghihinayang tayo sa mga na-invest natin sa relasyon natin. Pero alam mo kung ano ang pinakanakakalungkot sa lahat? Pinili nating mag-stay na magkasama kasi duwag tayo. Hindi natin kayang ipagkatiwala ang puso natin sa taong alam nating kaya tayong saktan kasi alam nating hindi natin kakayanin.

“Convenient tayo sa isa’t isa kasi hindi gano’n kalalim ang pagmamahalan natin, pero pareho ang takbo ng isip natin kaya nagkakasundo tayo. Ginawa nating shelter ang relasyon natin para makalayo tayo sa mga taong puwedeng manakit sa `tin. We both wanted to be safe, so we chose to stick together. We wanted companionship, but we don’t want to risk getting hurt, kaya pinili nating makasama `yong taong alam nating walang kakayahang wasakin tayo. Gano’n tayo, Jeff.”

Matagal bago muling nagsalita si Jeff. Kalmado pa rin, pero bahagyang kumunot ang noo. Marahan itong tumango-tango. “Sabihin na nga nating gano’n tayo, Erica. What does it change? We are still perfect for each other.”

Marahang umiling si Erica. “Ayoko nang maging safe, Jeff. I’m in love with Josh. This time, I want to give everything I have.”

Halatang nabigla ang lalaki. “You wouldn’t want that, Erica. Matalinong tao ka kaya dapat alam mong hindi mo dapat ibigay ang lahat kapag nagmahal ka. You’ll lose yourself in that kind of love.”

“But I found myself when I decided to give my heart to Josh,” giit ni Erica. “He deserves it. Hindi ko `yon ipagdadamot sa kanya dahil lang natatakot ako.”

“What if it doesn’t work out between you?”

“It will,” kampanteng sagot naman ni Erica. “I trust Josh. I believe in us.”

Ngumisi si Jeff at umiling-iling na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. “No, Erica. You don’t know what you’re talking about.”

“I’m so sorry, Jeff,” sinserong sabi ni Erica. “I love Josh, and I’m choosing him this time.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.