BONUS STORY
NAIIKOT NI KEZIAH ANG KANYANG mga mata dahil sa paulit-ulit na litanya ng kaibigan niyang si Rovie. Mas matatahimik siya kung aalis na rin ito dahil kanina pa siya hilong-hilo sa pagpapaikot-ikot nito sa bagong unit niya. Dalawang araw na siya roon at sinamahan siya nitong mag-ayos ng buong unit maging sa unang gabi niya roon. Labis niyang na-appreciate ang pagtulong nito maging ng asawa at pinsan nito sa paglilipat niya mula sa bahay ng mga ito pero sumasakit ang ulo niya sa ikinikilos nito ngayon.
Hindi na siya nakapagpigil at tinakpan na niya ang bibig nito gamit ang kanang kamay niya. “Rovie, concerned ka. I get it. I’m gonna be fine. Alone. Go home now. Zach needs you,” simpleng pagtataboy niya rito. Saka niya lang pinakawalan ang bibig nito.
Limang taon na silang magkakilala nito kaya naiintindihan na nito na hindi siya pala-salita. Himala na siguro ang maka-isang libong salita siya sa loob ng isang araw. Depende na lang kung may makakakwentuhan siya tungkol sa isang librong nagustuhan niya. At sa circle of friends niya, na binubuo ni Rovie at nang maliit na pamilya nito, siya lang ang mahilig magbasa ng libro kaya imposibleng may makausap siya ng matagal. Thus, hindi siya nagsasalita ng marami.
Bumuntong-hininga muna si Rovie bago ito muling nagsalita. “Ang sinasabi ko lang naman, dapat kahit ‘yong nasa second floor na unit na lang ang kinuha mo dahil—“
“Rovie...”
“Okay, fine. Uuwi na ako. Pero ‘pag may kailangan ka, tawagan mo kami agad. Kahit sino sa’min ni Larry, okay?” bilin pa nito sa kanya bago kunin ang bag nitong nakapatong sa maliit na center table niya. Hindi naman niya kailangan ang center table na iyon pero ito lang ang naging mapilit na maglagay siya ng isang center table doon. “Hindi pa rin ako sang-ayon na lumipat ka dito. Okay lang naman sa’min—“
“Rovie...”
Mahigit isang taon na rin siyang tumitira sa bahay ng mga ito. Alam niyang welcome siya doon pero gusto na niyang lumipat dahil gusto niyang bigyan ng privacy ang pamilya ni Rovie at isa pa’y nahihiya na rin siya sa mga ito kahit na nagse-share siya sa bahay ng mga ito. Hindi man niya sabihin sa mga ito, parte na iyon ng pagiging “okay” niya.
“Okay, okay. Uuwi na nga ako,” anito pagkuwa’y muli itong bumuntong-hininga. “Don’t do this to yourself, Kezh. Get over—“ Bago pa man ito makatapos sa litanya nito’y tinalikuran na niya ito.
“Lock the door when you leave. And thank you, Rovie,” aniya rito saka siya pumasok sa kwarto niya—na nag-iisang kwarto doon. Hindi niya kailangang marinig ang iba pang sasabihin ni Rovie dahil alam niya kung ano ang mga susunod pang sasabihin nito.
“Bye, Keziah!” narinig niyang paalam sa kanya ni Rovie sa labas. Nang marinig niyang nagbukas-sara ang pinto ay lumabas siya ng kanyang kwarto.
Iginala niya ang kanyang paningin sa bagong semi-condo type unit na nirerentahan niya ngayon. May isang kwarto iyon, sapat na espasyo para sa isang maliit na sala, mini-kitchen kasama na ang dining, bathroom at may laundry area na rin iyon. Tamang-tama na iyon para sa kanyang mag-isa lang naman sa buhay. Gusto sana niya iyong may balkonahe pero ubos na raw ang space na may ganoon ayon sa may-ari ng building. Ang inirereklamo ni Rovie kanina ay kung bakit isang unit sa fourth floor ang kinuha niya gayong may isang unit pang available sa second floor. Mas gusto niya sa fourth floor dahil isang palapag lang ang pagitan niyon sa rooftop na siyang trip talaga niya sa buong building. May hut-type tambayan kasi sa rooftop na gusto niyang lugar para makapagbasa siya. Sa Sulit.com niya nakita ang ad ng semi-condo building na iyon at sapat naman sa budget niya ang renta kaya kinuha na niya. Isa pa’y malapit iyon sa unibersidad na pagtuturuan niya kaya pabor na pabor iyon sa kanya.
Honestly, she didn’t want to teach again. Mahigit isang taon na rin mula nang iwan niya ang pagtuturo pero kailangan niyang bumalik dahil kailangan niyang makaipon ng malaking halaga para malibot niya ang buong mundo—hopefully, buong mundo nga ang malibot niya. Nalibot na niya ang Southeast Asia three years ago pero tumigil siya sa pagta-travel. Ang plano niya ngayon ay Europe naman ang puntahan.
Nagpa-plano pa nga siyang kumuha pa ng isang trabaho para mas madali ang pag-iipon. Medyo malaki na rin ang kita niya sa pagsusulat niya ng Young Adult books sa isang sikat na publishing house sa bansa pero gusto niyang mapadali sa lahat. Pangako kasi niyang malibot ang buong mundo sa kanyang sarili noon at pangako nila iyon ni...
Don’t go there, Keziah, aniya sa sarili. Kung tutuusin ay makukuha niya ang perang ninanais niya sa isang pitik lang pero gusto niyang makalikom ng pera sa sarili niyang paraan.
Nag-isip siya ng maaaring gawin nang maalala niyang kailangan niya nga palang maglaba ng pinaghubaran niyang damit kahapon at kanina kaya binuksan niya ang pintuan ng laundry room. Ngunit paglabas niya roon ay napatanga siya ng makita ang isang hubad na lalaki—mula sa wired screen na harang ng laundry area mula sa katabing unit niya—at tila nasa akto pa ito ng paghuhubad ng pang-ibabang saplot. His hair was tousled like he just come off the bed—and only God knows what he did there. He had great biceps and taut stomach—she wondered if his abs were great too.
Sa gulat—dahil sa mga naisip—ay nabitiwan niya ang hawak na pinto dahilan para humampas iyon sa pader. Nag-angat ng tingin ang lalaki ng marinig ang tunog ng pinto at nakita nitong nakamata siya rito. Bumilis ang tibok ng puso niya. At bago pa man niya ma-realize ang gagawin ay may namutawing sigaw na mula sa kanyang bibig. Maging ito’y napasigaw rin.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng unit—na dapat ay kanina pa niya ginawa. Sapo niya ang kanyang dibdib dahil hindi pa rin bumabalik sa normal na tibok ang puso niya. Pakiramdam din niya ay umakyat sa ulo niya ang lahat ng dugo niya sa katawan. At pakiramdam din niya’y pulang-pula na ng mukha niya ngayon dahil napakainit ng buong mukha niya. Parang nakapaskil na sa mga mata niya ang hitsura ng katawan ng lalaki kahit hindi niya iyon nakita ng buo.
What the hell? anang isang bahagi ng isipan niya. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng lalaking nakahubad. Hindi na niya alam kung patungkol ba iyon sa nakita niya o kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya. Or, it could be both.
“Ano’ng nangyari?” narinig niyang tanong ng boses ng isang babae mula sa katabi niyang unit.
“Ewan ko. Bigla na lang siyang sumigaw,” narinig naman niyang tugon ng boses ng lalaki—ang lalaking nakita niyang nakahubad kanina.
His voice was kind of...disturbing. Hindi niya mawari kung bakit mas lalong nagwala sa pagtibok ang puso niya nang marinig niya ang boses nito. His voice was cool yet soothing and suave. Kung mabubuhay ang mga ginagawa niyang heroes sa kanyang mga nobela ay gusto niyang taglayin ng mga ito ang boses ng lalaki.
“Bakit kasi d’yan ka nagbibihis?” anang babae dito.
Yeah. It’s stupid. May tao bang sa laundry area nagbibihis?
“Naghuhubad ako. Mas mabilis kung dito ko na hubarin para diretso na sa laundry basket,” katwiran naman ng lalaki. So, tama nga siya. Naghuhubad nga ito.
Oh. My. Shit. Kung ngayon pala siya nagpasyang maglagay ng sampayan sa laundry area niya ay makikita niya ang buong katawan nitong nakahubad. What. The. Hell.
“Hey, miss. I’m sorry!” pagkuwa’y sigaw ng lalaki na in-assume niyang para sa kanya. Inignora na lang niya ang sinabi nito at patakbo niyang tinungo ang kanyang kwarto.
What the fuck, heart? Why can’t you shut up? inis na sabi niya sa sarili. Kung maaari lang niyang utusan ang kanyang puso ay kanina pa niya iyon ginawa. What is wrong with her heart anyway?
Kailangan ko lang ng diversion. Kailangan ko si Daemon Black.
Si Daemon Black ang paborito niyang YA hero na mula sa paborito niyang Lux series ni Jennifer Armentrout. Isa iyong paranormal romance na tungkol sa mga alien. Dahil YA ang sinusulat niya ay pulos YA din ang madalas niyang basahin. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi na siya nagbabasa ng ibang genre. Ang Lux series ang stress reliever niya dahil kay Daemon Black. He was the holy trinity of hot boys. He was drool-worthy.
Okay. Maybe Daemon is not a good idea, aniya sa sarili. Nagpa-flashback na naman kasi sa isipan niya ang katawan ng lalaking nakita niya kanina. Dahil ang unang pagkikita ni Daemon at nang heroine nitong si Katy ay noong half-naked na sinagot ng una ang pinto ng bahay ng mga ito.
Right that very moment, she wanted to shut down. Sa mahigit isang taon kasi ay noon lang inokupa ng ibang tao o nang ibang bagay ang isipan niya. At hindi niya alam kung mabuti ba iyon o hindi.
ISANG BUWAN PA ANG NATITIRA bago magsimula ang susunod na pasukan. Kaya may sapat na oras pa siya para matapos ang sinusulat niyang istora at makapamili ng mga susuotin niya. Naaayos na niya ang mga dapat ayusin sa Eastern University kung saan siya magtuturo ng Tourism Planning and Development sa second semester ng taon. Sa unang araw rin ng klase pa niya makukuha ang load niya kaya wala pa siyang dapat alalahanin.
Graduate siya ng Urban Architecture at isang major course lang niyon ang TPAD na paborito niya. Dati siyang nagtrabaho sa Department of Tourism habang part-time professor siya sa EU pero pareho niyang binitiwan ang dalawang trabaho niya nang nakararaang taon. Sa isang taon naman niyang bakante ay nagsulat siya sa Book Summit na nagmula sa hilig niya sa pagbabasa. Ngayon ay unti-unti na siyang gumagawa ng pangalan sa industriya. Ngunit kilala siya bilang ‘tragic author’ dahil palaging tragic ang ending ng bawat istoryang sinusulat niya. As much as possible ay gusto niyang maging reality-smart ang mga sinusulat niya at naniniwala siyang walang relasyon o istoryang nagtatapos sa ‘happy ending’. Gusto niyang imulat ang mga mata ng kanyang mambabasa sa katotohanang iyon.
Tinagurian siyang “bitter” daw pero wala siyang pakialam doon hangga’t may bumibili ng mga libro niya at naipaparating niya sa mga ito ang gusto niyang sabihin. Mas effective kasi siyang ‘magsalita’ sa pamamagitan ng pagsusulat. Pero kahit doon ay hindi pa rin nagugustuhan ni Rovie ang mga sinasabi niya. Dahil iba ang paniniwala nila nito. Ganoon naman talaga kapag magkaiba ang paniniwala ng ibang tao. Hindi kayo magkakaintindihan. Pero nagagalak siya dahil nirerespeto siya ni Rovie at labis niyang ipinagpapasalamat na nagtitiyaga ito sa kanya. But no matter what happens, she’ll stick to what she believed in. Walang makapagbabago ng isipan at paniniwala niya. Kahit nga ang pamilya niya ay hindi napagbago ang isipan niya noon.
Naputol ang pagmumuni-muni niya ng makarinig siya ng mga katok sa pintuan niya. Napakunot-noo siya. Bumalik ba si Rovie? Minsan talaga ay nagiging paranoid na ito sa kanya. Minsan ay nagi-guilty na rin siya dahil sa pag-aalala sa kanya ng kaibigan pero ilang beses na rin niyang sinabi rito na wala itong dapat ipag-alala sa kanya.
Tinungo niya ang kanyang pinto at in-unlock ang tatlong lock niyon. Hindi niya muna tinanggal ang hook ng ika-apat na lock sakaling hindi iyon si Rovie. Nang buksan niya ang pinto ay hindi si Rovie ang napagbuksan niya. Isang babaeng teenager ang napagbuksan niya ng pinto pero hindi ito ang may-ari ng building na dati niyang nakausap. May dala itong maliit na covered pyrex at naamoy niyang lasagna ang nasa loob niyon.
Oh, god. I’m tempted.
“Hi, ate! I’m Dette. Sa kabila ako nakatira. I’m sorry sa nangyari kanina tungkol sa...kuya ko. May habit kasi siya na sa laundry area maghubad ng damit kaya...peace offering sana namin sa’yo,” nakangiting sabi nito sa kanya saka bahagya nitong itinaas ang dalang pyrex.
Naitaas niya ang isang kilay niya rito. Kapatid pala nito ang lalaki. Pero nagtaka siya kung bakit hindi ang lalaki ang humarap sa kanya ngayon ay humingi ng tawad. Not that he needed to apologize anyway.
Eh, ano? Gusto mo lang talaga siyang muling makita? nanunuksong tanong ng pilyang bahagi ng isipan niya. Come to think of it, she didn’t even remember she had a playful side.
“I’m Keziah. Hindi mo naman kailangang gawin ‘to,” kaswal na sabi niya rito.
“Uhh, house warming gift na lang namin sa’yo. It’s lasagna,” anito saka iniabot sa kanya ang pyrex na kinuha naman niya. What, it’s her favorite lasagna. “Look, ayoko lang na may umalis ulit na tenant dito dahil sa kapilyuhan ng kuya ko. Kaya sana, walang naging problema sa’yo ang nangyari kanina,” paliwanag pa nito sa kanya na nakapagpataas ng kilay niya.
“Uhh, nagulat lang ako. Sorry sa pagsigaw ko,” aniya rito saka niya ito binigyan ng isang alanganing ngiti.
“I didn’t know na kagulat-gulat pala ang ganda ng katawan ko. It’s really flattering,” anang swabeng boses ng lalaki kanina. Nakita niyang nakatayo ito sa may hamba ng pintuan ng unit ng mga ito na katapat ng sa kanya. Tanging ang pajamas pants lang nito ang suot nito habang kumakain ng saging at diretsong nakatingin as kanya. Hindi niya alam kung alin na ang mas nakakatakam—ang lasagne o ito.
‘Wag mo siyang tingnan. ‘Wag mo siyang tingnan, paulit-ulit na sabi niya sa sarili. Pero mahirap iyong gawin dahil nadi-distract talaga siya rito—well, nang katawan nito. He has a V-shaped torso. Dammit! He was drool-worthy. Like her favorite Daemon Black.
“Liking what you see, Peach?” nanunuksong tanong nito sa kanya. Umayos pa ito ng ‘pose’ sa may hamba ng pinto para makaharap ito ng maayos sa kanya. Noon niya nakita ng tuluyan ang abs nito. Damn, his abs weren’t just great. It’s perfect!
Okay. This is not the ‘normal’ me. What the heck is with this guy?
“Ang kapal talaga ng mukha mo, kuya!” sikmat dito ni Dette. Ngunit hindi ito pinansin ng lalaki.
“I’ve actually seen better,” sagot naman niya rito sa normal na malamig niyang tono. She heard Dette smirked. Pagkuwa’y nakita niyang ngumisi sa kanya ang lalaki.
“Well, that’s practically a lie,” nakangising sabi nito habang naglalakad palapit sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya. He walked like he’s a god and the floor worshipped him.
“Why?” tanong niya rito.
“Because I’m the best. You know, the hottest, coolest, greatest guy you could ever meet,” confident na sabi nito. He’s actually over-confident that she wanted to wipe that grin off his face. Tinabig nito si Dette na nasa harapan niya para makalapit ito sa kanya. Too close their noses almost touched. Agad siyang humakbang palayo rito. “Believe me, Peach.”
Pakiramdam niya ay nagkaroon ng riot sa loob niya. But she kept her cool and composure. “No. Paano ka magiging ‘cool’ at ‘hot’ at the same time? It’s contradicting. Unless, bipolar ka. And don’t call me ‘Peach’,” sagot niya rito. Sa gulat niya ay tumawa ito na ikinairita niya.
“Ha! Take that, kuya,” singit ni Dette sa kanila. Pero katulad kanina ay inignora lang ito ng lalaki.
“Let’s just say...I’m just that perfect. And ‘Peach’ stays,” nakangising sabi nito sa kanya. “I’m Drew, by the way,” pakilala nito sa kanya. Pagkuwa’y naglahad ito sa kanya ng isang kamay.
“No. You’re bigheaded!” naiiritang sabi niya rito.
“Oh, you saw that too?” tanong nito sa kanya na may kakaibang kislap sa mga mata. Nagtatakang tumingin siya rito. Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito. Ngunit makahulugang ngumiti ito sa kanya pagkuwa’y tumingin ito sa baba. At noon lang niya nakuha ang ibig sabihin nito. Pakiramdam niya’y umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang mukha at kumulo ang mga iyon kaya ngayon ay tila isa na siyang bulkan na sasabog sa inis dito.
“Pervert!” inis na sigaw niya rito. Mabilis na isinara niya sa mukha nito ang kanyang pintuan. Nakalimutan niyang naroon si Dette pero alam niyang maiintindihan nito ang ginawa niya.
“See you in the laundry area, Peach!”
“Go to hell!”