JARED was reading an action-thriller when he heard the apartment door creak open. Kaya ibinaba niya ang binabasang libro sa kama ni Adam at lumabas sa kwarto nito para tingnan kung ano ba iyon. Pero malamang ay si Adam lang iyon.
Tama nga ang hinala niya dahil nakita niya si Adam na pagiwang-giwang sa paglalakad patungo sa sala ng apartment nito na para bang hindi na nito kaya ang sarili dahil sa matinding kalasingan. Tinawag nito ang pangalan niya nang makita siya nito.
“Bakit lasing ka? It’s not like you lost,” sabi niya rito.
Umiling-iling ito sa kanya. “Alam ko na kung bakit hindi pa rin tayo bumabalik sa dati, Jared,” pagkuwa’y sabi nito.
Inilalayan niyang makahiga si Adam sa kama nito. “Oh, bakit?” tanong niya rito.
“We missed something,” sabi ni Adam.
“Ano naman?” kunot-noong tanong niya rito. Sigurado si Jared na wala silang nakaligtaang gawin ni Adam para bumalik sa dati. Wala lang talagang paraan para bumalik sila sa dati kundi tanggaoin nila ang lahat ng nangyari.
“We haven’t kissed yet,” pasigaw na sabi ni Adam na tila mo iyon talaga ang solusyon sa nangyari sa kanila. Pagkuwa’y marahas siya nitong niyakap palapit dito at pilit siyang hinahalikan. Itinulak niya ito ng malakas palayo sa kanya.
“Nasisiraan ka na talaga ng ulo!” inis na sigaw niya rito.
Natawa lang si Adam. “Subukan lang natin, Jared. Ayoko na. Ayoko na ng ganito. Pagod na pagod na akong magpanggap. Gusto ko nang bumalik tayo sa dati at susubukan ko ang lahat ng paraan para mangyari iyon kahit pa ang magpasagasa ako sa sasakyan,” nakayukong sabi ni Adam.
“Ako rin, Adam. Gustong-gusto ko nang bumalik sa dati. Pero walang—“
“Talaga? Hindi kaya hinihiling mong maging ganito na lang tayo habang-buhay dahil nakakasama mo si Kris habang nasa katawan kita?” sumbat sa kanya ni Adam.
Naikuyom ni Jared ang magkabila niyang kamao. “Oo. Inaamin kong may pagkakataong inisip kong huwag na lang tayong bumalik sa dati dahil nagagawa kong makasama si Kris habang nasa katawan mo ako. Pero ano’ng silbi no’n kung ikaw ang nakikita niya sa’kin?”
“Then, let’s try it once. It’ll be just between the two of us,” giit pa rin ni Adam.
“Matulog ka na lang, Adam,” mariing utos niya rito. Pagkuwa’y lumabas ng kwartong iyon si Jared para ikuha ng tubig si Adam.
Ramdam niya ang kalungkutan at paghihirap sa tinig ni Adam kanina pero kung ganoon lang kadali ang lahat ay ginawa na rin niya ang mga sinabi nito. Getting hit by a lightning or getting hit by a truck and living afterwards only happens in the movies. Kung gagawin nila iyon ay walang kasiguraduhan na mabubuhay sila ni Adam. Kaya nasisiraan na talaga ito ng ulo para isipin ang mga iyon.
Switching bodies also happens in the movies pero heto’t nagkapalit kayo ng katawan ni Adam, sabi naman ng isang bahagi ng isipan ni Jared.
Babalik na sana siya sa kwarto para dalhin ang tubig kay Adam pero nakita niya ito sa may sala na naghahandang umalis. Mabilis siyang lumapit dito para pigilan itong umalis dahil baka kung ano ang gawin nito.
“Let go,” mariing sabi ni Adam.
“Saan ka pupunta? Lasing na lasing ka, Adam. Baka kung ano’ng mangyari sa’yo,” nag-aalalang sabi niya rito.
“I’ll try to get hit by a car,” Adam said stubbornly.
“Hindi. Matulog ka na,” pilit niya rito. Hinawakan ni Jared sa isang braso si Adam at pilit itong hinihila pabalik sa kwarto nito pero nagmamatigas si Adam. Sinubukan nitong itulak-tulak siya pero nagmatigas din siya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakakapit dito.
“Ano ba?!” inis na sigaw ni Adam saka malakas siya nitong itinulak at dahil mahigpit ang pagkakakapit niya rito’y nadala ito ni Jared pabagsak sa sahig.
His head hit something, then everything went black.
PAGMULAT ng mga mata ni Jared ay nakita niya ang sarili sa isang hindi pamilyar na silid. Pero nagulat siya nang makitang nakahiga sa upuan sa gilid ng kanyang kama ang natutulog na pigura ni Kris. Nang igala pa niya sa lugar ang kanyang mata’y na-realize niyang nasa isang ospital pala sila at may isang bakanteng kama na mukhang inokupa kanina ang katabi nang sa kanya.
Nasaan si Adam?
Nagtangkang bumangon mula sa pagkakahiga si Jared pero bigla na lang sumakit ang ulo niya. Dahil siguro iyon sa pagkakatama ng ulo niya sa kung anong bagay nang nagdaang gabi. At narinig yata ni Kris ang ungol niya kaya ito nagising.
“Oh? Masakit ba ang ulo mo?” tanong ni Kris. Nagbukas ito ng bote ng mineral water at iniabot iyon sa kanya. Pinilit naman niya ang kanyang katawan na umayos ng upo. “Uminom ka muna ng tubig.”
“Thank you,” pasasalamat niya rito saka ininom ang binigay nitong tubig. “Nasaan si…Jared?”
Tila nagulat sa kanyang tanong si Kris. Mataman muna siya nitong tiningnan bago sumagot sa kanya. “Nandito siya kanina pero pupuntahan yata niya si Elice kaya siya umalis. Nandito rin si Elice kanina pero maaga pa daw siya sa hotel kaya nagpaalam agad siya. Kami ni Elice ang nagsugod sa inyo dito sa ospital kagabi. Nag-uusap kami ni Elice sa apartment ko kagabi nang may marinig kaming malakas na ingay mula sa apartment mo. Kaya pumunta kami don ‘tapos nakita namin kayong dalawa na nakahandusay sa sahig. Malakas yata ang impact ng pagkakabagsak mo sa sahig kaya ka nawalan ng malay. Si…Jared naman ay dahil sa matinding kalasingan, ” paliwanag ni Kris.
“Ah…gano’n ba? Salamat.” Hindi na siya nagkomento pa sa mga pangyayari dahil sa sakit ng kanyang ulo.
Tinanguan siya nito pagkuwa’y kinuha ang isang paper bag sa gilid ng hospital bed na kinauupuan niya. “Heto ang mga pampalit mong damit,” pagkuwa’y sabi nito sa kanya.
Kinuha niya ang paper bag na naglalaman ng kanyang mga damit pagkuwa’y dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng banyo roon. Medyo nahihilo pa rin kasi siya. Nagulat si Jared sa repleksyong nakita sa salamin pagpasok niya sa loob ng banyo.
Iyon pala ang dahilan kung bakit napatanga sa kanya kanina si Kris.
“OH, BAKIT ka napapailing d’yan?” tanong ni Kris kay Elice habang hinihintay nilang gumising sina Adam at Jared. Alas-dos na ng madaling araw pero hindi pa rin nagigising ang dalawa.
Ang sabi ng doctor ay concussion daw ang dahilan kung bakit nawalan ng malay si Adam. Malakas daw siguro ang pagkakabagsak nito sa semento dahilan para tumama ang ulo nito sa sahig o hindi kaya’y may bagay na natamaan ang ulo nito bago bumagsak sa sahig. Si Jared naman ay dahil sa matinding kalasingan na labis na ipinagtaka ni Kris. Mula nang magkakilala sila ni Jared ay ni minsa’y hindi niya ito nakitang lasing. Alam kasi nito ang limit nito at palagi talaga nitong nililimitahan ang sarili kahit na anong unos pa ang dumaan sa buhay nito.
“Parang may ideya na ako kung bakit weird ang dalawang ‘to,” sabi ni Elice sa kanya matapos mag-isip. Pagkuwa’y tiningnan nito ng mataman sina Adam at Jared. “There was a legend or a myth—or whatever that is—that we’ve overheard about a Hidden Spring. Narinig namin siya ni Adam no’ng nagpunta kami sa Hidden Valley—no’ng birthday ni Lola Carmen. Sabi no’ng mga taong nakaringgan namin no’n, tumutupad daw ng mga kahilingan ang Hidden Spring na ‘yon sa mga piling tao lamang. Hindi naniniwala do’n si Adam. He said that it was pathetic. Hindi kaya dahil do’n kaya sila nagkakaganyan?”
“That’s…crazy. May mga tao pa palang naniniwala sa mga alamat ngayon. Sa tingin ko’y myth lang ‘yon, Elice. Pero kung sakali mang totoo ngang tumutupad ng hiling ang Hidden Spring na ‘yon at isa si Adam sa mga napiling tao niyon, ibig bang sabihin ay hiniling niyang maging si Jared?” hindi makapaniwalang tanong ni Kris kay Elice.
“Hindi ko alam. But…what if he was cursed? Paano kung may nagbabantay pala sa Hidden Spring ‘tapos narinig niya ang mga sinabi ni Adam noon? Paano kung pinarusahan pala siya?” sabi ni Elice. Napamata lang siya rito. Pero nang ma-realize ni Elice kung ano ang mga sinabi nito’y sinampal-sampal nito ang magkabilang pisngi na parang iniisip na naloloka na ito. “I’m sorry, Kris. Antok na lang yata ito.”
“Okay lang. Pero hindi pa naman tayo sure kung ano talaga ang nangyari. Malay mo, pwede pala ang naisip mo o hindi kaya’y…nagbago lang talaga ang dalawang ‘to,” sabi niya rito sabay sulyap kina Jared at Adam.
Crazy and out of this world, iyon ang naisip ni Kris nang mga oras na nag-uusap sila ni Elice tungkol sa maaaring dahilan kung bakit tila out of character ang ikinikilos nina Jared at Adam nitong mga nakalipas na araw. Pero ngayon niya nakumpirma na totoo ang hinala nila nang nagdaang gabi ni Elice.
“’Mind explaining what happened?” tanong ni Kris sa taong nanakit sa kanya noon at ang taong nakasama pala niya nitong mga nakalipas na araw. “Jared.”
“Kris, I’m sorry…”
Napataas ang isang kilay niya rito. Siguro ay dahil iyon sa nasabi niya rito kahapon na pakiramdam niya’y niloloko lang siya ng mga ito. It was partly true. Pero naiintindihan naman niya kung bakit kailangan nitong itago ang nangyari sa mga ito. Kung sinabi iyon nina Adam at Jared sa kanya noo’y iisipin niyang nangti-trip lang mga ito.
Pero ngayong tila bumalik na sa dati—o sa kani-kanilang katawan ang dalawa—ay maari na nilang maipaliwanag kung anong nangyari sa mga ito. Alam niyang bumalik na sa dati ang dalawa dahil umakto na ng naaayon sa karakter nito si Adam kanina.
“Oh? Okay ka na ba? Masakit ba ang ulo mo?” nag-aalalang tanong ni Kris kay Adam nang makita niya itong lumabas sa banyo ng hospital room. Kagagaling lang niya sa paghahatid kay Elice sa labas ng ospital pagkatapos ay dumaan din siya sa hospital cafeteria para bumili ng pagkain.
Sinalubong ni Adam ng isang mainit na yakap si Kris na ikinagulat pa niya. “Pwede na talaga tayong mag-celebrate ngayon,” masayang sabi ni Adam.
“Sir Carlos will treat us lunch tomorrow,” sabi niya rito.
“Great!” masiglang sabi nito. Natawa si Kris. Mukhang nagbalik na sa dati si Adam. Hindi na siya nawi-wirduhan dito ngayon—pati ang pakiramdam niya rito’y ganoon na rin sa dati.
“Oo nga pala. Kahahatid ko lang kay Elice sa labas,” sabi niya rito.
Kumalas ito ng yakap sa kanya. Pagkuwa’y sumeryoso ang mukha. “Ah. Kailangan kong makausap si Elice.”
“Sige. Kunin mo ‘yong paper bag sa ilalim ng kama mo. Nagdala ng pampalit mo si Elice kanina,” aniya rito.
Muli siya nitong niyakap. “Thank you, Kris,” magiliw na sabi nito. Pero pakiramdam niya ay tila iyon na ang konklusyon ng nararamdaman nito sa kanya.
“Nag…Nagkapalit kami ni Adam,” pag-amin ni Jared.
“Alam ko na ‘yan. Tama pala ang hinala ni Elice. At ‘wag mo nang isipin pa ‘yong sinabi ko sa’yo kahapon na pakiramdam ko’y niloloko n’yo lang ako. Naiintindihan ko naman kung bakit kailangan n’yong itago ‘yon,” sabi niya rito.
It’s just that, you made me remember you again. You made me fall in love with your memories again, tahimik na sigaw ng kanyang puso.
“Pero ngayon ay babalik na tayo sa dati.”
“Pwede ba? Pwede pa ba tayong bumalik sa dati?” tanong ni Jared—sounding hopeful.
“Mahirap kalimutan ang mga nangyari noon. Pero hindi na natin maibabalik ang dati, Jared,” seryosong sabi niya rito.
“Really? Nakalimutan mo na rin ba ang nararamdaman mo para sa’kin noon, Kris? Dahil ako hindi pa. It’s the kind of love that will stay in my heart…forever,” madamdamin namang sabi ni Jared.
“Naiintindihan ko. Our hearts never forget that kind of feeling but so is getting hurt, Jared,” sabi naman niya rito.
“I’m not asking you to forget, Kris. I’m asking you for another chance.”
Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Kris. Pakiramdam niya’y hinahawakan ng mainit na kamay ang kanyang puso. “Earn it.”
---
NAPAILING na lang sa kanyang sarili si Adam nang maalala kung ano ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Nalasing siya sa hotel bar at tinawagan ni Chino si Andrew para ihatid siya sa kanilang bahay. Pero sa halip na sa bahay nina Jared siya magpahatid kay Andrew ay nagpahatid siya dito sa kanyang apartment.
Then, he was trying to kiss Jared to break the curse. At base sa natatandaan niya’y naglapat ang kanilang mga labi. The thought and the memory of it grossed him out. Pero iyon naman ang naging dahilan kung bakit sila bumalik sa dati ni Jared. See? Kung alin pa ang pinaka-nakakalokong ideya ang gumana para bumalik sila sa dati.
Sa wakas ay bumalik na rin sila sa dati. At ang unang pumasok sa isipan niya ay ang makausap si Elice bilang siya.
Mabuti na lang at nadala pala nina Kris at Elice ang mga cell phones nila ni Jared sa ospital. Habang sakay ng taxi ay tumipa siya ng isang text para kay Elice na nagsasabing papunta siya sa bahay ng mga ito ngayon. Pagkuwa’y in-enable niya ang kanyang data connection para i-tsek ang kanyang Facebook Messenger. May isang message siya doon mula kay Elice.
You had always known that it was true, right?
That I love you?
If not, then, yes. I love you, you dork.
Always has, always been.
I know. Here I am again confessing to you.
Pero this time, ‘di ko na talaga babawiin.
I’m gonna fight for this love.
Don’t you dare laugh at me!
HAHAHAHAHAHA
Ini-imagine ko kung ano ang hitsura mo habang binabasa ‘to.
But I wish that you’d at least smile.
That’ll give me hope. Give me a chance.
Pero hindi ko hinihingi ang pag-ibig mo ha.
Kung hindi mo talaga ako kayang mahalin, okay lang.
I’m cool with that.
Dahil hindi hinihingi ang pag-ibig, A. Kusang binibigay ‘yon ng puso.
Anyway, baka sabihin mo na minahal kita dahil ikaw lang ang
nakikita kong lalaki. No. Hindi naman ako bulag ‘no. Alam kong
marami pang lalaki d’yan na mas better sa’yo pero iba ka.
I don’t even know what set you apart to other guys, except that
we’re close. But my heart chose you. Ikaw lang talaga, A.
I tried looking at other guys but I can’t. Feeling ko nagtataksil ako
sa’yo gayong alam ko namang hindi mo ako mahal kasi mahal mo
siya. Hay. Bakit kaya gano’n? Bakit hindi pwedeng palaging two-way
ang love? Ang unfair. Ang hirap kaya ng one-sided love pero buhay
pa naman ang puso ko. Kaya pa niya.
What a hopeless heart, right? But this heart loves you.
Unconditionally. Kahit hindi mo na ‘ko mahalin.
Kung siya talaga, as long as you’ll be happy, I’ll be fine.
Kasi naiintindihan ko kung paano magmahal. Alam kong hindi mo
mapipigilan kung siya talaga. Hindi mo mababago ang nararamdaman
mo para sa isang tao. So, go ahead, A. Be happy with her. I’ll live.
Don’t let this heart make you feel guilty. I’ll gut you.
You deserve to be happy. For real.
Hay, sana masabi ko din sa’yo ‘to ng personal.
Or not.
If in case that this’ll make you feel uncomfortable, ignore this.
Seen.
Pakiramdam ni Adam ay matutuyuan siya ng dugo nang mabasa niya ang Facebook message na iyon ni Elice. Ano bang tingin ng babaeng iyon sa sarili nito? naiinis na tanong ni Adam sa sarili niya. He was really pissed. He didn’t deserve her love. Why him, of all people, exactly? Tanga ba ito?
Pero nagdulot din iyon ng kasiyahan sa kanyang puso. Sino ba naman ang hindi matutuwa na may katulad ni Elice na nagmamahal sa kanya, hindi ba? Kasabay niyon ang takot na baka masaktan lang niya ito. And Elice was too precious to be hurt—especially by him.
Then, something dawned on him. “Pure. We need something pure to undo this curse,” iyon ang sabi noon ni Jared sa kanya. It was Elice. It was Elice who saved them. Because of her pure and unconditional love to him. Katulad ng sanggol sa alamat ni Paraluman.
Oh, hidden spring. What did I do to deserve her love?
NAGRE-RESEARCH si Elice ng tungkol sa Hidden Valley at sa Hidden Spring nang tumunog ang kanyang cell phone. Nagkaroon siya ng isang text message mula kay Adam.
Papunta ako sa bahay n’yo. We need to talk.
Biglang kinabahan si Elice. Tumibok ng mabilis ang kanyang puso. Nabasa na ba nito ang message niya sa Facebook? Shit. Agad na binuksan ni Elice ang kanyang Facebook Messenger para i-tsek kung nabasa na nga ni Adam ang “confession” niya. Idinaan niya sa Facebook Messenger ang confession na iyon dahil hindi siya sigurado kung si Adam ba talaga ang kaharap niya o si Jared—kung totoo ngang nagkapalit ng katauhan ang dalawa.
Seen.
“Shit! Kalma lang, heart. Kaya natin ‘to. This is the moment, okay? ‘Wag kang bibigay mamaya kahit sabihin ni Adam na ‘no’, ha?” pagkausap at pagpapakalma ni Elice sa kanyang sarili at sa kanyang puso.
Hindi siya nag-e-expect ng kahit ano mula kay Adam pero siyempre, hindi maaalis na magkaroon siya ng wishful thinking. Matagal na siyang “okay” sa relasyon nila ni Adam pero ayaw na niyang magsinungaling pa kay Adam na kaibigan lang ang tingin niya rito. Ayaw niyang magkaroon ng regrets sa huli. Gusto niyang masabi sa kanyang sarili na sinubukan naman niyang lumaban.
Habang hinihintay dumating si Adam ay naghanda siya ng agahan para dito. Pinalabas din niya sa garden ng kanilang bahay ang lahat ng kasambahay nila pati na rin ang mga magulang niya para walang makarinig sa magiging usapan nila ni Adam mamaya. It wasn’t because she wanted to save face if Adam rejected her. Pero gusto niyang maging sa kanila lang ang moment na iyon.
“Elice…”
Shit. Heart, ‘yong usapan natin ha? sabi ni Elice sa kanyang sarili nang marinig niya ang boses ni Adam at maramdaman ang presensiya nito.
“Hi! Okay ka na ba? Hindi na masakit ang ulo mo? You have a lot of explaining to do,” sunud-sunod na sabi niya rito. Oh my, gosh! Mahahalata nitong kinakabahan siya.
“Ah. ‘Yong…Hidden Spring. Totoo siya, E. Nagpakita siya sa’kin at humiling ako sa kanya no’ng gabing naglasing ako sa Hidden Valley. I wished for Jared and his family’s ruin and the Hidden Spring had cursed me. Nagkapalitan kami ng katawan ni Jared,” paliwanag ni Adam.
Tumangu-tango siya rito. “Nagkaroon na nga kami ng hint ni Kris na gano’n nga ang nangyari sa inyo. Are you…the real Adam now?”
“Yes. And thank you, E. You saved us,” madamdaming sabi ni Adam. Pagkuwa’y lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Naguguluhan man pero niyakap din niya ito ng mahigpit. She had always loved Adam’s warm hugs and she savored the moment. “It was your love, E. You switched us back.”
Nag-init ang buong katawan ni Elice nang sabihin ni Adam ang salitang “love”. She felt awkward. Pero ibig sabihin lang noon ay in-acknowledge ni Adam ang love niya at masaya siya roon. “Paano’ng ang love ko ang nag-save sa inyo?”
“Because it’s pure and unconditional,” simpleng sabi ni Adam. Matiim ang pagtitig nito sa kanya na ikina-conscious ni Elice.
Naguguluhan pa rin siya kung ano ang ibig nitong sabihin kaya mabuti na lang at ikinwento nito sa kanya ang alamat ni Paraluman. Naging malinaw na sa kanya ang lahat. Proud siya kay Adam dahil nagawa nitong tanggapin ang lahat tungkol sa daddy nito at sa mama ni Jared pati na rin ang nakaraan nina Jared at Kris. Proud din siya sa love niya kahit hindi pa rin siya makapaniwalang iyon ang nagligtas sa mga ito. But it felt great to be appreciated.
“See? Now, you know,” proud na sabi ni Elice pagkatapos magkwento ni Adam. Napakunot-noo ito. “That I love you for real. Pero ‘wag mong pilitin ang sarili mong mahalin din ako dahil lang do’n, Adam. I’ll really gut you.”
Adam chuckled. “’I like you, Adam. You’re my dream.’ Alam mo ba kung ano ang iniisip ko nang sinabi mo sa’kin ang mga katagang ‘yon noon? I was both overwhelmed and frustrated at the same time. Overwhelmed dahil nagustuhan ako ng isang katulad mo. Frustrated because I know that I’m never gonna be the best for you. This is not an excuse but a fact, E. I had felt something for you before but I chose to ignore it because I don’t want me for you.”
Matamang tinitigan ni Elice si Adam. Gusto niya itong batukan. Sinabi nito noon sa kanya na huwag na huwag niyang i-undermine ang kanyang sarili pero iyon naman ang ginagawa nito sa sarili nito ngayon. Tinampal niya ang noo ni Adam saka humalukipkip dito.
“Then, be that someone who could be deserving of my love, A. I don’t need the best one, I want you. Grabe. Hindi pa ba malinaw ‘yon?”
“Elice…” tila nakikiusap na sambit ni Adam sa pangalan niya.
“Willing to wait po ako,” sabi niya rito saka ito tinalikuran at inayos ang mga pagkaing kakainin nito.
“Elice…” nananaway na ang tinig ngayon ni Adam nang sambitin nitong muli ang kanyang pangalan.
Nakapamaywang si Elice na muling humarap dito. “Hindi mo ba naintindihan ‘yong message ko sa’yo sa FB? I’ve always been in love with you. The only way for this heart to stop loving you is for you to kill it. Just say ‘no’, A. Otherwise, it will just keep on loving you. Again, hindi kita pinipilit. ‘Wag kang ma-pressure, okay?” sabi niya sabay kindat dito.
“I can’t. I don’t want to lose you,” tila nahihirapang sabi ni Adam. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang tila maiiyak pa ito.
“Oh my, gosh, A! Iiyak ka na ba?”
“No,” agad na tanggi ni Adam.
“Ha. You and your big ego,” pang-aasar niya rito. Pero lumapit siya rito at niyakap ito ng mahigpit. “You won’t lose me, okay? Kahit itaboy mo pa ako, I’d stay with you.”
------
Six months later…
“SABI KO na nga ba’t bagay sa’yo ang tie na ‘to,” magiliw na sabi kay Adam ng mama ni Jared habang inaayos nito ang kulay grey na neck tie sa kanyang leeg. Nasa Silver Grande Hotel sila kung saan idaraos ang birthday ng daddy niya pati na rin ang anniversary ng M Architects.
“Thank you, tita,” nakangiting pasasalamat niya rito.
Naroon pa rin ang awkward feeling tuwing nakikita o nakakasama niya ito pero wala na iyong hate at angst na nararamdaman niya para sa mga ito noon. Sa katunayan ay um-attend siya ng kasal ng mga ito limang buwan na ang nakalilipas. Nag-resign na rin siya sa Villarosa & Associates at sa M Architects na siya nagtatrabaho.
“Nasaan ba ang kapatid mo?” pagkuwa’y tanong nito.
“Nagmo-moment of truth. Kapag hindi daw kasi pumunta ngayon si Kris ay wala na talaga siyang pag-asa,” sagot dito ni Adam.
Mukhang desperado na talaga si Jared dahil humihingi na ito ng sign ngayon. At iyon pa ang hiningi nitong sign—na kapag hindi pumunta ngayon doon si Kris ay ibig sabihi’y hindi na ito makikipagbalikan pang muli kay Jared.
Nagdulot iyon ng lungkot sa mga mata ng ginang. “’Wag kang mag-alala, tita. The reason why I gave up on Kris was because I know that she’s still in love with Jared. Kaya alam kong darating siya.”
“Talaga? Eh, ikaw? Kumusta naman kayo ni Elice?” nakangiting tanong ni Tita Rita.
“Ah. In love pa rin siya sa’kin. Hay, ano bang gagawin ko sa babaeng ‘yon?” nailing na sagot niya rito. Pero malakas na tumawa ang ginang at hinampas pa siya sa braso na ikinatawa rin niya.
Speaking of Elice, mamaya sila maghaharap nito dahil busy pa ito ngayon sa kitchen.
Nang sumapit ang alas-siyete ng gabi ay bumaba na sila sa event’s hall ng hotel para sa simula ng event’s program. Alam niyang karamihan ng bisita doon ay pinagtsi-tsismisan ang pamilya nila pero kaya ng sila ang main character sa event na iyon, hindi ba?
Adam had realized that no matter what other people say or think about you, you shouldn’t let it—or them—affect you. It’s your own life. Live it with your decisions and not other’s. Masarap kayang mabuhay ng walang ka-stress-stress sa katawan.
“Happy birthday, dad,” bati ni Adam sa daddy niya.
“Thanks. Natanggap ko na ang regalo mo,” sabi naman nito. May pagka-pormal pa rin ito pero nagiging at ease na ito sa pakikipag-buddy-buddy sa kanya.
“Enjoy your vacation. Pinaghirapan ko ‘yon ha,” sabi niya rito. Isang trip for two to Japan ang regalo niya rito kasama si Tita Rita.
“We will,” anang daddy niya sabay tapik sa kanyang balikat.
Pagkuwa’y nagpaalam siya rito na may pupuntahan lang sandali. Nadaanan niya si Jared sa may punch table habang sulyap ng sulyap sa entrance at sa relo nito. Natawa at napailing siya habang pinagmamasdan ang kapatid. He’s truly scared of losing Kris when there’s nothing he should be scared of.
“Nag-text sa’kin si Kris kanina,” sabi ni Adam kay Jared nang lumapit siya rito.
“Ano’ng sabi niya?” agad nitong tanong.
“Masyado kang tensed,” puna niya rito.
“This isn’t the right time to kid around, Adam,” seryosong sabi nito.
Natawa siya rito. “Good luck, brother.”
“Saan ka pupunta?” tanong nito.
“To test my own fate,” nakangising sabi niya rito saka tumalikod dito at lumabas ng event’s hall. At mas lalo siyang napangisi nang makita niya si Kris na naglalakad patungo sa entrance ng event’s hall. “’Yo, Kris! You look so lovely tonight.”
Natawa na lang sa kanya si Kris. “Thanks.”
“Pumasok ka na sa loob,” aniya rito.
“You’ll throw me to the wolves? Samahan mo ‘ko,” pilit ni Kris sa kanya.
Natawa si Adam sa reference nito sa mga taong tsismosa at mata-pobre sa loob. “I know you won’t let them eat you. Besides, your mate’s inside. So, go,” udyok niya rito.
Sumaludo siya rito saka ito tinalikuran at naglakad palayo. Pero muli niya itong tinawag nang may maalala siyang sabihin dito. “Hindi kita minahal dahil kay Jared o dahil pareho tayong naging ‘biktima’ noon. I felt that I love you because you inspired me to be better and I’m sorry that this might hurt you but…I’ve found someone who inspired me to be the best.”
“Good for you, Adam,” nakangiting sabi ni Kris.
Tumuloy na si Adam sa pagpunta sa suite na pina-reserve niya doon sa Silver Grande Hotel. Inilabas niya ang box na naglalaman ng evening dress at shoes para kay Elice. Sumulyap siya sa relong pambisig na suot niya. Hindi pa rin ba ito tapos sa kitchen? Pero pagkatanong niya niyon ay saka naman may kumatok sa pintuan ng suite room niya.
“Come in,” sigaw niya.
“Sorry for the long wait, Sir—What are you doing here, A?”
Napangisi si Adam sa gulat na gulat na si Elice. Pero mas lalong lumawak ang ngiti niya nang makita niya ang tulak-tulak nitong tray ng isang malaking white house cake.
“Oho! Nagawa mo talaga ‘yong design na s-in-end ko sa inyo ha. It’s perfect, E. Congratulations,” masayang sabi niya rito. Saka niya sinipat ang bawat detail ng white house cake na gawa nito. He specifically requested for Elice to make that cake. Dahil siya ang nag-design ng cake na iyon—nang white house na pangarap nito.
“What do you mean you…? Why?” naguguluhang tanong ni Elice.
“You should freshen up, Elice. Dinala ko na ang dress mo dito,” sa halip na sagutin ang tanong nito’y sabi niya rito.
“Adam, why?” nagde-demand na tanong ni Elice.
“Hindi mo pa ba alam? We’re going to make our dream a reality.”
“’Our’ dream?”
“Yup. ‘Di ba sabi mo noon gusto mong magkaroon ng white house and a family of four with me? Do you like my design? You made it perfectly into a cake too. Do you like it?” nakangiting tanong niya rito.
Pero napatanga lang sa kanya si Elice. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at sa white house cake na ginawa nito. Pagkuwa’y nasapo nito ang dibdib habang hindi pa rin makapaniwalang tumitig sa kanya.
“Elice, are you okay?” tanong niya rito. Tumango lang ito. “The twins…we could do that later, right?”
“Adam…” tila nahihirapang sambit ni Elice sa pangalan niya.
“What?”
“S-seryoso ka ba?” tila nauutal pang tanong nito.
“Yep. Pero paunahin muna natin sina Jared ha?”
“Adam, naman eh!” reklamo nito.
“Bakit?” natatawang tanong niya rito. “Come here.”
“Bakit?” tila nag-aalangang tanong nito.
“Bakit ba ang dami mong tanong? Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang?” aniya.
“I am. I’m so happy I’m afraid that my heart’s gonna burst anytime soon,” ani Elice na mas lalo lang ikinatawa ni Adam.
Siya na mismo ang lumapit dito at hinila ito palapit sa kanyang katawan. He then, swooped in for a kiss. Naramdaman niya ang gulat ni Elice pero unti-unti ay tila nanlambot ito sa kanyang mga bisig. Then, she embraced him and kissed him back.
Humans are born selfish. Katulad ng sinabi noon kay Adam ng mommy niya. We always want what we can’t—or shouldn’t—have and we tend to do everything to get them. But usually, we pay a price by having something we can’t have.
In my case, I want to have Elice by my side forever. And if loving her is the price I have to pay, then so be it. Hindi ko man mapantayan ang pagmamahal na ibinibigay niya sa’kin, hindi naman ako gagawa ng dahilan para masaktan siya. I promise. Or the Hidden Spring could curse me again.