HER SCENT WAS INTOXICATING HIM. It was addicting. Like the scent of peach tempting him to taste her. Tamang-tama nga dito ang pet name niyang “Peach”. Pakiramdam ni Drew ay wala na siyang ibang gustong gawin sa gabing iyon kundi maging ganoon kalapit kay Keziah. He badly wants to taste her, feel her. Every cell in his body screamed of want of her. Alam niyang kailangan na niyang umalis doon ngayon dahil baka magkasala pa siya rito pero pakiramdam niya’y naka-glue na ang katawan niya rito. She was too attractive and tempting for him. She’s definitely an allurement for him. He’s feeling a different kind of hunger right now—a hunger that no food could satisfy.
Pero hindi naman siya gagawa ng isang bagay na labag sa loob nito. She earned his respect when she rejected him on their hallway with a knockdown face. Ito ang kauna-unahang babae na tumanggi sa kanya. Ito ang unang babae na hindi naapektuhan sa mga pangse-seduce niya—o umaarteng hindi naaapektuhan sa kanya kahit ang totoo ay naaapektuhan naman talaga. Ito ang unang babaeng nakakuha ng buong atensyon niya. Most of the times, it’s the other way round. Katulad ng sinabi niya noon sa kanyang sarili, espesyal ito.
Then, it hit him. He liked her. As in, really like her. Iyong tipo ng “like” na umabot na sa kagustuhan niyang humingi ng isang date dito at sa kagustuhan niyang ligawan ito. Ito ang babaeng nakapagparamdam sa kanya ng ganoon.
“Let’s eat?” tanong niya rito ng lumayo siya rito. Pero nananatili lang itong nakatitig sa kanya habang nakasandal sa dingding.
“You’re—“
“Sweet and charming and hot and perfect. I know, Peach, but thank you. So, kain na tayo?” aniya rito. Iyon yata ang nakapagpabalik sa huwisyo nito dahil pinukol siya nitong muli ng masamang tingin.
“Get. Out. Now,” anito sa mababang tono pero may diin ang bawat salitang binitiwan nito. Tinawanan niya lang ito.
“Aalis ako kung sasabayan mo akong kumain,” aniya rito.
“Hindi ako kakain kung nandito ka. At hindi ko naman sinabing um-order ka para sa’kin. Bakit ba ang kulit—“
“I want to date you,” sinserong sabi niya rito na ikinatigil nito sa pagsasalita. Hindi niya alam kung nahimigan ba nito ang pagiging sinsero niya. “Tinatanong mo kanina kung ano ang gusto ko sa’yo, ‘di ba? That’s it. I want to have a date with you. I’ve never asked someone out—“
“And I should be flattered with that? Magkalinawan na nga tayo, Drew. I—“
“Whoa! You hit me right here,” putol niya sa iba pang sasabihin nito. Tinambol pa niya ng dalawang beses ang tapat ng puso niya. Pero may katotohanan ang sinabi niya rito. He really felt like he’s hit in his heart. “Masarap palang pakinggan ang pangalan ko galing sa’yo. Pwede bang sabihin mo ulit ang pangalan ko?”
Hindi ito muling sumagot sa kanya. Sa halip ay lumapit ito sa kanya. Hinawakan siya nito sa braso at saka siya hinila palabas ng unit nito. Nagpahila naman siya pero napapangiti siya sa kanyang sarili. Alam niyang nilalabanan ni Keziah ang atraksyon na nararamdaman nito para sa kanya pero sisiguraduhin niyang susuko din ito sa huli.
Pero naalala din niya kung bakit siguro nilalabanan ni Keziah ang nararamdaman nitong atraksyon sa kanya. Ayon nga pala sa ama nitong si Don Felipe ay hindi pa rin ito nakaka-get over sa pagkawala ng nobyo nito. Iniisip siguro nito na magtataksil ito sa alaala ng pumanaw nitong nobyo kapag inamin nitong may nararamdaman itong atraksyon sa kanya.
Darn! The thought just pushed him more to seduce her. Hindi nito kailangang ma-stuck sa nakaraan. Kailangan nga nitong maka-get over at maka-move on sa nangyari. Kailangan nitong maging normal. Kailangan nitong mabuhay ng masaya. At mangyayari iyon kapag nakalimutan na nito ang lahat ng nangyari at kapag nagmahal itong muli.
He would make sure that she’ll be happy again. And he’ll make sure that she’s going to fall for him.
“’Wag na ‘wag ka nang lalapit ulit sa’kin. Marunong akong mag-muay thai. Kung ayaw mong mabugbog at kung ayaw mong masampahan ng kaso—dahil seryoso akong sasampahan na talaga kita ng kaso sa susunod—‘wag ka nang lalapit ulit sa’kin,” mariing banta nito sa kanya pagkuwa’y walang anu-anong padarag na sinarhan siya nito ng pintuan. For the second time around, pinagbagsakan na naman siya nito ng pinto. Nakadagdag lang iyon sa amusement niya rito.
He definitely likes her.
“WHAT IS WRONG with you, man?”
“May sakit ka ba? Nagkapasa ka lang, ganyan ka na.”
“Did someone cut your balls off?”
“Baka year twenty-thirteen pala talaga ang gunaw ng mundo.”
Napangisi lang si Drew sa sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan niya. Ganoon na lang ang pagtatanong at reaksyon ng mga ito sa ikinikilos niya ng gabing iyon dahil lahat ng babaeng lumapit sa kanya ay tinanggihan niya. Hindi makapaniwala ang mga ito sa ginawa niya dahil sanay ang mga itong pinagbibigyan niya ang mga babae.
Tapos na ang set nila para sa gabing iyon kaya nagliliwaliw na lang sila sa Rave. Ang Rave Bar na “baby” nila ng mga kaibigan niya at kung saan tumutugtog ang banda nilang “Duke Five” tuwing Sabado’t Linggo. Siya ang bokalista ng kanilang banda na nabuo noong nasa kolehiyo pa silang lima ng pare-pareho silang sumali sa talent group ng kanilang departamento noon. Ngunit kapwa nila hindi pinangarap na gawing hanap-buhay ang pagbabanda. Para sa kanila’y hobby at stress-reliever lang iyon. Silang lima ay may kanya-kanyang trabaho maliban sa pagmamay-ari nila ng Rave.
Limang taon na ang Rave bar at magsa-sampung taon naman na ang Duke Five. Ang kaklase niya noong college na si Sky Alvarez na siyang may pakana sa Rave at drummer ng Duke Five. Kaibigan naman nito si Kevin Suarez—ang bass guitarist ng banda—dahil magkababata ang mga ito at pinsan naman nito si Zareb Domingo—ang keyboardist ng banda. Lastly, naging malapit niyang kaibigan noong nasa kolehiyo sila si Pierre Sandejas—ang siyang brainchild ng Duke Five at lead guitarist at back up singer ng banda.
Nasa loob ng bar counter si Sky dahil isa rin ito sa bartender ng bar samantalang sila nina Pierre, Zareb at Kevin ay katapat nito sa counter. Bottomless ang inumin nilang lima doon dahil binabawas na lang iyon sa nakukuha nilang porsiyento ng kita kada-buwan kaya inom lang sila ng inom. Besides, lahat sila ay mataas ang alcohol tolerance kaya hindi sila agad nalalasing.
“I found my special girl,” aniya sa mga ito saka siya nagkwento.
Hindi matapos-tapos ang pagku-kwento niya dahil sunod-sunod ang side comments ni Pierre kaya nilagyan muna ni Sky ng masking tape ang bibig nito para makatapos siya ng kwento. Nang matapos naman siya’y natahimik ang mga ito.
“So, you’re off the market now?” tanong ni Zareb. Kadalasan ay tahimik ito pero kapag sila talaga ang kausap ay dumadaldal ito.
“Nagdadalawang-isip pa. Hindi pa totohanan ‘yan. Cheers, man! Let’s play and play,” sabi naman ng pilyong si Pierre nang hindi agad siya makasagot. Ito ang kasangga niya pagdating sa kalokohan at mga babae. Kung pilyo siya, mas pilyo ito.
“Kailan mo ba nakilala ang espesyal na babaeng ito?” tanong naman ni Sky.
“Three days ago,” sagot niya rito. Pagkatapos ay sabay-sabay na ibinulalas din ng mga ito ang sinabi niya—maliban kay Kevin na natural na suplado at hindi pala-salita. Muntikan na ngang maibuga ni Pierre ang beer na iniinom nito.
“And you instantly know that she’s going to be special to you?” tanong pa ni Sky.
“When love hits you, tatak na agad sa puso ‘yon. Wala nang tanong-tanong pa kung bakit,” singit naman sa kanila ni Vivien saka ito kumindat sa kanya. Kumuha lang ito ng bote ng grenadine sa likod ni Sky pagkatapos ay bumalik na ito sa pwesto nito para mag-serve sa mga customer sa kabilang dulo ng counter.
“Bakit siya kumikindat sa’yo? Bakit sa’kin hindi?” reklamo naman ni Pierre na matagal nang pumo-porma kay Vivien. Kibit-balikat ang isinagot niya rito. Pero tumatak sa isipan niya ang sinabi ni Vivien.
“So, you love her?” tanong ni Zareb sa kanya.
“I...like her. That’s for sure. I want to date her,” pag-amin niya sa mga ito. Pakiramdam nga niya’y nag-blush pa siya dahil nag-init ang buong mukha niya sa pag-amin niyang iyon sa harap ng mga kaibigan niya. It was a first time!
“Wow! This is a first!” bulalas ni Pierre. Pagkuwa’y tumayo ito mula sa kinauupuan at tinawag ang pansin ng mga patron customers nila. “’Yo, guys! Drew’s off the market now! The dude’s in love!” hayag nito. Natawa na lang siya sa ginawa nito maging sa iba-ibang reaksyon ng ibang tao roon. May ibang pumalakpak, may iba pa siyang narinig na mga umungol bilang protesta at may ibang lakas-loob na sumigaw ng ‘no’.
“Pero ang kaso, hindi siya gusto no’ng babae,” narinig niyang sabi ng katabi niyang si Kevin na ikalawang pangungusap nito sa gabing iyon.
“Paano mo nalaman ‘yon?” tanong niya rito.
“Simple lang. Mayabang ka. Kanina mo pa sana ipinagyabang ‘yon,” ani Kevin.
“No, shit! She dumped you?” hindi makapaniwalang tanong ni Pierre. Napaka-hyper talaga nito palagi.
“How could he be dumped when they’re not even an ‘it’ in the first place?” sabi naman ni Zareb.
“Itatanong mo ba sa’kin kung ilang porsyento ang pag-asa mo sa kanya?” tanong sa kanya ni Sky kapagkuwan.
“Ilan?”
“One percent,” nang-aasar na sagot nito.
“Ano’ng plano mong gawin ngayon para mapalambot siya?” tanong naman ni Zareb.
“Actually, hindi ko alam,” aniya sa mga ito.
“You need to make an effort, dude. Kung espesyal siya para sa’yo, make everything more special,” sabi naman ni Pierre. Iyon na yata ang pinaka may kwentang bagay na lumabas sa bibig nito.
“Sigurado ka na ba sa kanya? Baka natsa-challenge ka lang sa kanya,” ani Sky.
“I asked her out earlier, pero tinanggihan niya ako,” aniya sa mga ito. Alam ng mga ito na wala pa siyang babaeng niyayayang mag-date noon pa man.
“Oh, wow. You’re really serious about her,” ani Pierre saka ito lumabi. Tila nag-iisip ng tamang ipayo sa kanya na para bang may ‘tama’ nga itong maiisip sa sitwasyong ganoon.
“Leave a lasting impression on her then, make her miss you badly,” biglang sabi naman ni Kevin. Lahat sila ay napatingin dito pero hindi man lang ito sumulyap sa kanila.
“Nakahubad na nga ako lagi kapag humaharap sa kanya eh,” aniya rito.
“Siguro mas maganda ang katawan ng ex niya kaysa sa’yo kaya hindi siya naaapektuhan,” ani Kevin. Nainsulto siya sa sinabi nito. Damn it! Sa kanilang lima ay siya ang may pinakamagandang katawan. Ilang beses na rin siyang naimbitahan sa Cosmo Bash at ilang beses na siyang nakatanggap ng modelling offer. Kaya nga hindi siya nahihiyang ibalandra ang katawan niya.
Mayabang ka nga, anang isang bahagi ng isipan niya sa kanya.
“Have you kissed her or sang to her?” tanong naman ni Zareb.
“No,” sagot niya rito. Pero napangiti siya pagkatapos dahil nagkaroon siya ng ideya dahil sa sinabi nito. “Thanks for your thoughts, guys. Anyway, mawawala nga pala ako ng isang linggo. May seminar ako sa Singapore,” paalam niya sa mga ito.
“Magpapa-miss ka lang talaga kay Peach,” ani Pierre.
“She’s ‘Keziah’ for you, Pierre,” mariing sabi niya rito.
“Whoa! Chill, dude. I didn’t know her name,” katwiran naman ni Pierre.
“This is gonna be exciting. Hanggang kailan kaya ito tatagal?” nakangising saad ni Sky.
“Wanna bet?” sabi naman ni Pierre.
“Two weeks,” sabi ni Sky.
“Three weeks,” ani Zareb. Napakunot-noo siya ng bigla itong magsalita.
“I say, just another week,” sabi naman ni Pierre.
“Sige. Kung alin ang pinakamalapit na bet sa time span nila ang mananalo. The winner would take all our paychecks for a month,” ani Sky.
“What? Seriously?” bulalas niya sa mga ito.
“I’m out,” sabi naman ni Kevin.
“Alam na namin ‘yon, Kevin. So, the bet’s on the three of us, huh? Game pa rin ba kayo?” sabi ni Sky.
“Game!”
“We’ll last more than you’ve expected, guys,” kumpiyansang sabi naman niya sa mga ito.
“You’ll have our paychecks, then. If you’ll last more than expected.”
NAGISING SI KEZIAH SA TUNOG ng gitara na hindi niya alam kung saan nagmumula. Hindi naman niya itinuring na istorbo iyon sa tulog niya dahil gusto niya ang musikang ginagawa ng gitara. Plucking lang kasi iyon pero nakakahalina ang tunog niyon. Paglabas niya ng kanyang unit ay narinig niyang nagmumula sa may laundry area ang tunog kaya binuksan niya ang pintuan ng laundry area niya at mas lumakas nga ang tunog ng gitara doon.
Hindi lang iyon, naamoy niya rin ang bagong luto ng mabagong pancake at bacon mula sa kabilang unit. She was tempted to go next door and have some. Lalo na’t kumalam ang tiyan niya sa masarap na amoy na iyon. Pero napatigil siya sa pag-iisip at paggalaw ng may marinig siyang boses na kumakanta.
It was Drew! Ano naman kaya ang nakain nito at kumakanta ito nang ganoon kaaga? Pero naapektuhan ang buong sistema niya dahil sa boses nito. If his body were alluring, so was his voice. Malamig ang boses nito na parang pang-rock star. Bagay na bagay iyon dito. Pero hindi niya inakala na marunong itong kumanta ng ganoon at hindi rin niya akalain na marunong pala itong tumugtog ng gitara. He must be in a band.
And I just wanna wrap you up. Wanna kiss your lips, I wanna make you feel wanted. And I wanna call you mine, wanna hold your hand forever and never let you forget it. Yeah, I wanna make you feel wanted. Baby, I wanna make you feel wanted. You'll always be wanted.
Natutop niya ang kanyang bibig ng marinig niya ang sariling nagha-hum kasabay ng pagkanta nito sa huling chorus. Hindi niya alam kung ano ang kantang iyon pero na-LSS siya ngayon. Nag-stuck kasi sa isipan niya ang himig at tono ng kanta kahit hindi niya alam ang saktong lyrics ng mga iyon. At tila kumakanta pa rin ngayon si Drew sa isipan niya kahit tapos na ang kanta at wala nang musikang nagmumula sa gitara nito.
Nang marinig niyang nagbukas-sara ang pintuan ng laundry area sa kabilang unit ay hindi niya alam kung bakit tila namanhid siya. Parang hindi siya sanay na hindi siya pinapansin ni Drew.
Hindi ka niya nakita. Hello? May kurtina kaya ang screen mo, paalala sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya. Pagkuwa’y pinagalitan niya ang sarili dahil sa kanyang naramdaman. Ano naman sa kanya kung hindi siya pansinin ni Drew o kung hindi siya nito makita? Iyon ang gusto niya, hindi ba?
Ah, dammit!
Pumasok siyang muli sa loob ng unit niya at nag-toothbrush. Magluluto na sana siya ng kanyang agahan nang biglang may narinig siyang katok sa pintuan. Pagbukas naman niya ng pintuan ay wala siyang napagbuksan maliban sa tray ng pancake at bacon na may tabong cling wrap. May kasama pa iyong isang bote ng gatas. Wala iyong kasamang note o kung ano pa man pero alam niyang galing iyon kay Drew. Mukhang nagbago na ito ng taktika para makalapit sa kanya. Walang halong panunukso o pagyayabang at mukhang sinsero ito sa ginagawa hindi katulad nang nakaraang gabi. Ibinalik tuloy niya kay Dette ang in-order nitong pagkain kagabi. And she got to admit, this was more effective.
Natagpuan na lang niya ang sariling nakangiti habang nakatitig sa pagkain. Hindi naman pala siya hindi pinansin ni Drew dahil mukhang ang kanta nito kanina’y para sa kanya talaga. Alam kaya nito na narinig niya ang pagkanta nito kanina? Kung ano pa man, tatanggapin niya ang ibinigay nito ngayon.
Nagha-hum siya ng kantang kinanta ni Drew kanina kahit hindi niya alam kung ano iyon nang muli siyang pumasok sa kanyang unit. Inilapag niya sa dining table niya ang tray ng pagkain at kumuha siya ng post-it note sa may study table niya at nagsulat ng “thank you” doon. Saka muli siyang lumabas ng unit niya at ipinaskil ang note sa pintuan ng unit nina Drew.
Pwede naman pala silang mag-coexist na dalawa. Mas peaceful ang ganitong set-up. Kung palagi itong gagawin ng binata ay tatanggapin niya ang lahat ng pagkaing ibibigay nito. After all, it’s food we’re talking about and she loves food. Kung hindi niya makikita si Drew, hindi siya maiinis dito. Her life would be peaceful.
Hay, salamat.