Something Twisted Chapter 24

“HINDI MO BA naisip na ‘sign’ na ‘yan na pinapag-move on ka na ni Robb?”

Napabuntong-hininga siya sa sinabi ni Rovie. Kasalukuyan silang nasa Sky’s Place dahil niyaya niya itong mag-merienda pagkatapos niyang manggaling sa sementeryo para bisitahin ang puntod ni Robb. Ikinwento niya kay Rovie ang tungkol sa panaginip niya kay Robb.

“Rovie, hindi mo ba naiintindihan? Nangako ako kay Robb before he breathed his last. That promise was meant to be kept. I—“

“Hindi selfish si Robb, Keziah. Alam mo ‘yon. Gano’n naman siya noon, ‘di ba? Gagawin niya ang lahat para sa’yo, maging masaya ka lang. Hindi ko sinabing kalimutan mo siya, pero please lang, allow yourself to fall in love again. Allow yourself to be happy and be normal again. There’s a guy out there who could give you the happiness and love you deserve. Live in the present and for the future, Keziah,” paliwanag sa kanya ni Rovie.

“Rovie, he died loving me. I can’t just put that thought away and love someone easily. No’ng mamatay si Robb, nangako ako sa kanya na siya lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay at alam mo na ‘yon. Pero nangako din ako sa kanya na gagawin ko ang mga bagay na pingarap niyang gawin dito sa mundo. Kaya ako bumalik sa pagtuturo para makaipon ng pera para malibot ko ang buong mundo. Robb had been dreaming of touring the world with me then. Kailangan ko ‘yong gawin para sa kanya.”

“Pero alam mo ba kung ano ang pinakang rason kung bakit hindi ko siya magawang kalimutan, kung bakit ayaw ko siyang kalimutan at kung bakit hindi ko siya dapat kalimutan? I was the one who killed him, Rovie. I drove him to death. Hindi ako nag-ingat sa pagmamaneho kaya siya...kaya siya...” Hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin dahil napahagulhol siya ng iyak. Agad naman siyang dinaluhan ni Rovie at mahigpit na niyakap.

Memories of that fateful—awful day flashed at the back of her mind. Pauwi na sila ng gabing iyon pagkatapos nilang kumain sa isang restaurant sa may Roxas Boulevard. Nakatigil ang sasakyan nila sa may intersection ng Coastal Road sa Pasay dahil naka-pula ang stop light. Gabi na iyon kaya hindi na ganoon karami ang sasakyan. Pinagkukwentuhan nila ni Robb ang tungkol sa masarap na pagkaing natikman nila sa restaurant ng mag-green ang stop light kaya tinapakan niya ang silyador ng sasakyan patungo sa Tambo road nang bigla na lang may rumaragasang trak mula sa kung saan ang sumalpok sa kotse nila.

Natatandaan pa niya ang magandang ngiti ni Robb noon habang nakatingin sa kanya at ang pakikipagkulitan nito sa kanya. Ang pakiramdam ng kamay ni Robb na nagawa pa nitong ihawak sa kamay niya ng mga huling oras nito. Ang pagsabi nito sa kanya ng “tandaan mong mahal na mahal kita, Keziah” at ang pagdilim ng buong paligid niya pagkatapos ay kinabukasa’y nalaman niya ang balitang wala na ito. It felt like the end of the world for her. It was the saddest, most awful day in her life.

Mas masakit pa iyon sa pagkawala ng mama niya noon dahil alam naman niyang may sakit ito. Her mother died when she was eighteen years old because of colon cancer. They had their proper goodbyes before her death happened unlike with Robb. Hindi siya naging handa sa pagkawala nito. They were so happy before that accident happened that it felt surreal. Akala niya’y isang masamang panaginip lang ang lahat hanggang sa ma-realize niya na sa araw-araw na paggising niya’y wala na nga ito sa tabi niya. Nahiling na rin niya noon na sana’y hindi na lang siya nabuhay pa o hindi naman kaya’y sana ay nagkaroon siya ng amnesia. Pero naisip niyang iyon ang parusa sa kanya at kailangan niyang mabuhay dala-dala iyon.

It took her years to recover from the accident somehow, emotionally. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move on. At tama si Rovie, dahil ayaw niya. She just couldn’t bare thinking Robb still loved her even when he’s in heaven, samantalang naroon pa siya bukas sa tukso na mahalin ang ibang lalaki.

“Katulad ng palagi kong sinasabi sa’yo, hindi mo kasalanan ang nangyari. Aksidente lang ‘yon. Hindi mo sinabihan ang trak na ‘yon na bumangga na lang sa inyo. At hindi lang si Robb ang namatay sa aksidenteng ‘yon. Nakalimutan mo na bang nagkaroon ng karambola ng sasakyan noon? Nakalimutan mo rin bang muntikan ka na ring mamatay noon? At ‘wag mong sasabihin na parusa sa’yo ang pagkabuhay mo dahil kakalbuhin talaga kita,” ani Rovie sa kanya.

“Rovie, I love him so much,” umiiyak na sabi niya rito.

“Alam ko, alam ko. Saksi ako sa pagmamahalan n’yong dalawa. Itinakwil ka pa nga ng daddy mo noon dahil kay Robb, ‘di ba? I know how much you love him, but it’s time to let him go,” sabi pa ni Rovie. Saksi nga ito sa lahat ng pinagdaanan nila ni Robb noon.

Three years ago, nakilala niya si Robb sa isang bookstore. Unang beses pa lang nilang magkita pero ramdam na niya ang matinding atraksyon niya rito. Maliban sa gwapo ito at matangkad ay matalino rin ito. At dagdag pogi points pa na mahilig itong magbasa katulad niya. They constantly go out together after that first meeting. She instantly fell in love with him and so was he.

Pagkatapos ay nalaman niyang ipinagkasundo pala siya ng daddy niya sa anak ng business partner nito. Mula nang malaman niyang nagkaroon ito ng ibang babae at pamilya maliban sa kanilang dalawa ng kanyang ina ay naging masama na ang tingin niya rito. Mula sa business course na kinukuha niya noon ay nag-shift siya sa Urban Architecture na ikinagalit nito. Mas lumala pa samaan nila ng loob nang malaman ang tungkol sa arranged marriage na inayos nito para sa kanya sa isang lalaking hindi pa niya nakilala. Kaya nagdesisyon siyang umalis sa poder nito noon at sumama kay Robb. Iyon ang nag-udyok sa daddy niya na itakwil siya. Ngunit hindi doon natapos ang lahat.

Dahil maimpluwensiyang tao ang kanyang ama ay pinahirapan nito ang buhay nila ni Robb. Robb got fired on his job. At nahirapan itong mag-apply ng panibagong trabaho noon dahil hinaharang ito ng daddy niya. Kaya naghanap sila ng isang kompanyang walang kakilala ang daddy niya. Gaano man kahirap ang buhay nila noon ay masaya naman silang dalawa. They lived in together in an apartment for almost two years until the accident happened. Kinupkop siya ni Rovie pagkatapos ng aksidenteng iyon bilang ito ang pinakamatalik nilang kaibigan ni Robb at iniwan niya ang apartment nila ni Robb.

“Thank you for always being there for me, Rovie,” aniya rito.

“Alam mong mahal kita at gusto kong maging masaya ka.”

“Oh, look. It’s my runaway sister with her runaway side kick,” anang pamilyar na tinig sa gilid nila na agad na ikinakulo ng dugo niya—ang half-sister niyang si Koreene. Dapat ay inasahan na niyang makita ito roon dahil malapit din doon ang PFC. Hindi niya napaghandaan ang muli nilang pagkikita roon.

“Parang gusto kong may bigyan ng side kick ngayon para mag-runaway na rin siya,” sarkastikong sabi niya saka siya tumayo para makaharap ng maayos kay Koreene. May kasama itong dalawang babae na marahil ay mga empleyado din sa PFC.

“Kung magra-runaway nga ako, sigurado naman akong may kahahantungan akong happy ending unlike you,” pang-aasar naman nito sa kanya.

Hindi niya napigilan ang pag-igkas ng kamay niya papunta sa isang pisngi nito. “Don’t you dare talk to me about that! I can make your happy ending feels like hell,” mariing sabi niya rito.

“I’d like to see you try it. Ni hindi mo nga ako mapatalsik sa bahay eh. Kaya ka nga umalis, ‘di ba? Pero salamat dahil sa ginawa mo, ako na ang number one ni daddy,” ganti nito sa kanya. Hinding-hindi talaga sila nito magkakasundo kahit kailan.

“Keziah, tara na. Nagsasayang ka lang ng oras sa kanya. Besides, hindi nagkakaroon ng happy endings ang mga villains. At kung siya ang mas mahalaga sa daddy n’yo, bakit pinapabalik ka pa rin niya?” singit sa kanila ni Rovie saka siya nito hinila palayo kay Koreene.

“I hate her! Kung happy ending ang gusto niya, bibigyan ko siya,” inis na sabi niya kay Rovie dahil kay Koreene.

“DELIVERY! DELIVERY!”

Napakunot-noo si Keziah nang marinig niya ang sunud-sunod na katok at tawag mula sa labas ng pintuan ng unit niya. Kaya natigil siya sa pagtipa sa kanyang laptop dahil sa istorbong iyon. Hindi naman siya um-order ng kahit ano kaya bakit may delivery siya?

Pagbukas niya ng kanyang pintuan ay napataas ang isang kilay niya nang makita niya roon si Drew kasama ang lalaking nakasuot ng uniporme ng isang sikat na Chinese restaurant. Pinatay niya ng mura si Drew sa kanyang isipan dahil wala na naman itong suot na pang-itaas. Inaakit ba talaga siya nito o sadyang hobby lang nito ang paghuhubad? At ano ba talaga ang problema ng puso niya? Bakit bumibilis na lang lagi ang tibok niyon tuwing nakikita niya si Drew? Lalo na kapag nakahubad ito.

I might be going mental, aniya sa sarili.

“Hi, Peach! Dinner time,” nakangiting sabi nito sa kanya. Nakita niyang mapusyaw na ube ang kulay ng magkabilang gilid ng labi nito at alam niyang siya ang may kagagawan niyon. Kung hindi ba naman siya nito iniinis, hindi sana napingasan ang kagwapuhan nito ng one percent.

So, ina-admit mo nang gwapo siya? Type mo siya? kastigo sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya. Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo para maitaboy ang isiping iyon. Pagkuwa’y walang anu-anong itinulak ni Drew pabukas pa ang kanyang pintuan para makapasok ito sa loob ng unit niya. Napamata na lang siya sa ginawa nito.

“Salamat po, Sir!” masayang sigaw ng delivery boy dito at base sa pagkakangiti nito’y alam niyang binigyan ito ng tip ni Drew—lalo na’t pinagsisigaw pa ito ng huli.

Nang makaalis ang delivery boy ay hinarap niya si Drew na prenteng nakaupo sa carpeted na sahig ng sala niya. Nasa akto na ito ng pages-set ng mga pagkaing in-order nito sa center table niya. At mukhang at home na at home ito sa unit niya. Iniwan niyang nakabukas ang pinto dahil wala siyang planong makisalo ng hapunan dito.

“Ano sa tingin mo’ng ginagawa mo?” sita niya rito.

“Nagse-set ng table para sa’ting dalawa. Ang sweet ko ‘no?” sagot nito sa kanya sabay kindat.

This guy is really...Hindi siya makaisip ng isang salitang maaaring mag-describe sa nararamdaman niya para sa lalaking ito.

“You! Out,” mariing utos niya rito.

“No can do. As your friendly—not to mention, hot—neighbor, obligasyon kong siguraduhin na nakakain ka sa tamang oras, nakakatulog ka sa tamang oras at palagi kang nasa maayos na kalagayan sa bawat oras,” paliwanag nito sa kanya habang patuloy pa rin ang pag-aayos nito ng mga pagkain sa center table niya.

“Hindi kita kaibigan at lalong hindi kita kaano-ano. Gusto mo talagang sampahan na kita ng kaso? Trespassing naman ngayon,” nagbabantang sabi niya rito.

“Wala pa ring maniniwala sa’yo. Sa hot kong ‘to, iisipin lang nilang pinatuloy mo ako willingly,” anitong binigyang diin pa ang huling salita. “At nagselos ka sa isang babaeng tumawag o nag-text sa’kin habang magkasama tayo kaya bigla kang nag-declare ng demanda laban sa’kin. We don’t need to go there you know. Just eat with me, Peach,” masuyong sabi nito sa kanya. Ipinagkrus niya ang dalawang braso niya sa kanyang dibdib at pinukol niya ito ng masamang tingin.

Infuriating. Exasperating. Annoying. Irritating. Maddening. Conceited. Proud. Arrogant. Self-satisfied. Narcissist. Bigheaded. Ilan lang iyon sa mga bagay na nagde-describe sa lalaking ito. To put it simply, she seriously hates him.

Pero attracted ka rin sa kanya. Aminin, singit naman ng isang boses sa isipan niya.

Definitely not! I won’t ever—

Bakit nagra-riot ang puso mo tuwing nakikita mo siya? kastigo naman ng isang bahagi ng isipan niya.

Siguro dahil sa sobrang inis? Dammit! Whatever happens, I would always hate him, mariing sabi niya sa sarili—at nagsilbing paalala na rin iyon sa kanyang sarili. At dahil nangako siya sa kanyang sarili at kay Robb na ang huli lang ang mamahalin niya habang buhay. But come to think of it, si Drew lang ang nakapagbibigay sa kanya ng wirdong pakiramdam. Mas matindi kaysa sa naramdaman niya noon kay Robb.

“Ganito ka ba lagi sa mga babae?” seryosong tanong niya rito. Hindi pa rin siya lumalapit dito.

“Ganitong sweet? No. Sa’yo lang,” anito saka muli siya nitong kinindatan.

“You’re not sweet. Ga—“

“I am. Come and taste me,” nanunuksong sabi nito sa kanya. Tumayo pa ito mula sa carpeted na sahig at nagtangkang lumapit sa kanya pero pinigilan niya ito.

“Subukan mong lumapit at hindi lang suntok ang aabutin mo sa’kin ngayon,” mariing banta niya rito. Nag-muay thai siya noon kaya maaari niya itong saktan talaga kung gusto niya na mas malala pa sa suntok niya.

Nginisihan siya nito pagkatapos ay namaywang ito sa harap niya. It gave her another chance to stare at his body. His taut hips were incomparable. Wala kang makikitang anumang unwanted hair sa katawan nito. His abs was perfectly sculpted in his body making him drool-worthy. His biceps looked strong. Strong enough to toss her to bed and—shit! Ilang beses na niyang nakita ang katawan nito dahil isang beses pa lang naman niya itong nakikitang naka-shirt, pero ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. Akala niya’y hindi na niya ito makikita gayong may kurtina na ang laundry area niya pero sadyang makulit pala talaga ito.

“Alam mo, gustong-gusto ko ngang lumalapat ang kamao mo sa mukha ko. It gives me warmth,” anito sa kanya sa panggigilalas niya.

“Ano ba talagang gusto mo sa’kin?” seryosong tanong niya rito. Pinukol niya ito ng masamang tingin.

Tila nag-isip pa ito pagkuwa’y nakangiting tumitig ito sa kanya. Naitaas naman niya ang isang kilay niya rito at hinintay itong magsalita. “Marami eh. Pero dapat mong i-rephrase ang tanong mong ‘yan. You should ask me what do I want to do with you,” anito sa kanya.

He smiled at her lopsidedly. Iyong ngiting tipong nang-aasar at nang-aakit, at the same time. Pagkuwa’y tinitigan siya nito. Iyong titig na animo’y nakikita nito ang lahat-lahat sa kanya. Iyong titig na parang hubad na siya sa tingin nito. But surprisingly, hindi siya nababastusan sa titig nito. It was actually hot and heat flared all over her body. Hindi niya rin alam kung bakit tila napako siya ng titig nito mula sa kinatatayuan niya. Wala pang lalaking nakakagawa at nakapagpaparamdam sa kanya ng ganito. Not even Robb. Kaya hindi niya maintindihan kung ano ba ang nangyayari sa katawan niya lalo na sa puso niya.

“First, your eyes locked in mine. Second, your smile. Third, our bodies pressed together. Fourth, your lips on mine. Fifth, your heart. The rest would all come naturally next time,” swabeng sabi nito sa kanya sa may tainga niya.

Napasinghap siya ng maramdaman ang hininga nito sa may tainga niya lalo na ng maramdaman niya ang pagsinghot nito sa kanya. Hindi man lang niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. She was too engrossed staring at him. At nagtataka rin siya kung bakit hinayaan niyang makalapit ito sa kanya. It’s as if he holds her body—owns it, possess it.

“You smell sweet, Peach. I bet you taste sweet too,” sabi nito sa kanya. She was staring at him wide-eyed. Isang galaw na lang at maglalapat na ang mga labi nila. Hindi niya maintidihan kung anong uri ng temptation ang bumalot sa katawan niya. It was alarming and dangerous. Alam niyang dapat na niya itong itulak pero hindi niya magawa. She was tempted to inch closer and have a taste of his lips—if he really were sweet just like he claimed he is.

That’s it. You’re definitely seduced by him, anang isang bahagi ng isipan niya.

At kahit hindi man siya sumang-ayon doon, alam niya sa kanyang sarili na iyon ang totoo. Pero alam niyang ganoon din naman ang nararamdaman ni Drew. Because he looked like he badly wants to kiss her.

Would he dare?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.