“Jayden, keep in mind that you are not allowed to kiss me. Kundi masasaktan ka talaga sa akin,” mariing paalala ni Imhan habang nakatitig sa kontratang pareho nilang pinirmahan ni Jayden. Iyon ang nagsilbing passport ni Rahya para makapasok sa Stallion Island. Pumapayag siyang makipag-date kay Jayden pero may kundisyon.
Narinig ni Imhan ang paghikab nito mula sa kabilang linya. “Okay.”
Mariing nagdikit ang mga labi niya. “Sineseryoso mo ba itong usapan natin?”
Parang balewala dito ang kondisyon niya. Mahigpit ang bilin niya na bawal gumawa ng kahit anong sexual advances si Jayden sa kanya. Kung pwede nga lang ipagbawal na titigan siya nito at ngitian.
“Imhan, I memorized that contract by heart. Sa loob ng isang linggo, araw-araw nating pinag-uusapan iyan. And I assured you every now and then that I would fulfill the contract, so help me God! Pati iyong abogadong kinuha mo na si Thorn Vance, kinausap ko na din. Tiniyak ko na di ko basta-basta hahawakan ang kamay mo maliban kung kinakailangan o kaya ikaw mismo ang mag-request sa akin.”
There was humor on his voice at the last sentence. Lalo tuloy siyang nairita. “Hindi ako magre-request sa iyo.”
Ilang araw na siyang nababalisa. Di niya alam kung tama ba na gumawa pa siya ng ganoong kontrata. Pero gusto lang naman niyang protektahan ang sarili niya kung sakaling may masamang plano sa kanya si Jayden.
“Imhan, hindi naman kita pinipilit na makipag-date sa akin. Natulungan ko ang kaibigan mo.Natulungan ko rin ang isang kaibigan ko dito sa isla.That’s enough.”
“No. Humingi ako sa iyo ng pabor. Mabuti na ito para di ko na tanawin na utang na loob sa iyo at wala kang maisumbat sa akin balang-araw.”
“You are being melodramatic again. Araw-araw natin itong inuulit.”
“Mabuti na iyong malinaw.” Di siya napapalagay sa isang araw at di man lang makatulog nang di niya nakakausap si Jayden tungkol doon.
“Excited ka namang masyado sa date natin. Relax! Solong-solo mo ang atensiyon ko kapag nasa isla tayo.”
Kung kaharap lang niya ito, baka binato na niya ito ng tsinelas sa mukha. Paano siyang mae-excite sa date nila? Pakiramdam nga niya ay bibitayin na siya.
“Friendly date lang ito. No kiss, no touch.”
“Sige, kung matitiis mo iyon,” panunukso nito.
“Jayden!” saway niya dito at naramdaman niya ang pamumula ng pisngi niya.
“Dream of me, Imhan!”
Nanlulumo siyang humiga sa sofa at napatitig sa kisame. Naalala niya nang magkatitigan sila noong nakaraan silang magkita habang magkapatong ang kamay nila sa buhangin. Kung wala kaya doon ang mga pamangkin niya, hahalikan kaya siya nito? Iyon ang isa pang bagay na di nagpapatahimik sa kanya.
Sa susunod na araw na ang pagpunta niya sa Stallion Island. Silang dalawa lang sa date nila. Paano kung halikan na lang siya nito basta. Di niya alam kung kaya pa niyang kontrolin ang emosyon niya.
She was startled when the doorbell rang. Dali-dali niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang kaibigang si Rahya. “I am back!”
Niyakap niya ang kaibigan. Gumaan ang pakiramdam niya nang makita itong nakangiti. “Anong nangyari sa iyo doon? Nasunog ang balat mo!”
“Oo nga. Na-sunburn ako but it is worth it. My plan worked. Nang mag-stay ako sa Stallion Island, nakakuha ako ng bagong idea para sa commercial. And Misha is also thrilled about it. Nag-enjoy pa kami.”
Parang isang relaxing na bakasyon ang pinanggalingan nito at hindi trabaho. “Hmmm… Na-enjoy mo ang company ng terror mong boss?”
Naglaro ang kakaibang ngiti sa labi nito. “Well, Stallion Island is a magical place. I am sure you will fall in love with the island. Baka nga magbago rin ang isip mo tungkol kay Jayden at magustuhan mo din siya.”
Bumagsak ang balikat niya at umupo sa sofa. “I-I don’t really know. Hindi ko kayang pagkatiwalaan na makasama si Jayden nang kami lang.”
Ginagap nito ang palad niya. “Hindi ko sasabihin ito dahil lang ginawan ako ng pabor ni Jayden. But he is a nice man. At sa palagay ko di ka rin makikipag-kasundo na makipag-date sa kanya kung kahit paano di mo siya pinagkakatiwalaan. He even assured me na wala siyang masamang intensiyon sa iyo.”
Huminga siya nang malalim at sumandal sa sofa. “I don’t really know.
She could be vulnerable to attraction where Jayden was concerned. What if he had seduction in mind? Hindi ito ang lalaking gusto niyang maging boyfriend. At di rin naman niya tiyak kung gusto rin siya nitong maging seryosong girlfriend.
May inilabas na maliit na kahon si Rahya sa bag nito. “Para sa iyo.”
Nang buksan niya iyon ay may necklace na may pendant white gold ring. Kumunot ang noo niya nang makitang nakaukit doon ang pangalan ni Jayden. “Para saan ito? Bakit may pangalan pa niya?”
“Isusuot mo iyan kapag papasok ka sa Stallion. Saka may gold pass ka galing sa kanya kaya siguro pinasadya niya ang singsing na iyan para sa iyo. May singsing din naman akong isinuot bago ako makapasok sa Stallion Island. It is exciting.”
Nilaro niya sa daliri niya ang singsing. It was like a foreign object. Iba kasi ang kahulugan ng singsing na iyon lalo na’t galing kay Jayden at may pangalan nito. “Is that it? I need this ring to enter the island?”
“Yes. Ang sabi ni Jayden, ikaw lang ang pwedeng gumamit ng singsing na iyan. I will zip my lips. Gusto kong masorpresa ka na lang pagtapak mo sa isla.”
Surprises. She hated surprises especially one coming from Jayden. Pero hindi na siya pwedeng umurong. This is it!
NAKATITIG lang si Imhan sa singsing sa kamay niya na may nakaukit na pangalan ni Jayden. Ilang sandali na lang ang hinihintay niya para sunduin siya ni Jayden papunta sa Stallion Island. Handa na siya. Marunong siyang tumupad sa usapan kaya doon siya dapat mag-focus. Gaya ng sabi ni Rahya, di niya dapat masamain na kasama niya si Jayden. She should just enjoy the island.
“Huwag mong kalilimutan ang Stallion Shampoo mo. Hindi nag-dry ang buhok ko sa isla nang iyan ang gamit ko. At siyempre, pang-akit iyan sa mga boys.”
Nilingon niya si Rahya na mas excited pa sa kanya. Nag-sleepover pa ito sa bahay niya para mag-empake ng gamit niya. Daig pa nito ang nanay niya sa pag-aasikaso. Tiniyak nito na lahat ng gamit na dadalhin niya sa isla ay magagamit niya at babagay sa lugar.
“Rahya, wala ka bang balak magpahinga? May trabaho ka pa mamaya.”
“Mamaya pa iyon. What’s important is now. Ihanda mo na lang ang sarili mo dahil baka iba na ang takbo ng isip mo pag-alis mo doon.”
“Magpalit ang isip saan?”
Ibinuka nito ang palad at saka pumikit. Parang isa itong manghuhula o psychic na may nakikita sa future niya. “Sa kay Jayden. That island is magical. Kahit ang init ng ulo ko kay Boss Sungit nawala.”
“No. I am okay with my relationship with Jayden right now.” Di niya ito kaaway pero gusto niyang manatili ang distansiya dito. Hindi niya gugustuhing tawirin ang delikadong linya na nasa pagitan nila. It might cost her a lot.
Basta magbabakasyon siya sa isla ng tatlong araw. Babalik siya sa Manila nang walang galos. And she would go on with her life. Walang mag-iiba sa samahan nila ni Jayden. Hinding-hindi siya magpapadala sa kahit anong magic. She’ll keep her heart guarded. Kaya niya ang tatlong araw na iyon.
“Huwag mong sabihin na iniisip mo pa ring maging boyfriend si Doc Remus?”
“Siyempre. Siya ang nanliligaw sa akin.”
“Paano kung ligawan ka ni Jayden?”
Parang isang tagapagligtas ang ugong kotse sa tapat ng bahay niya. “They are here! I have to go!” That was her much needed escape.
Rahya’s question was the sort that she didn’t want to answer. She didn’t even want to entertain the thought. Paano kung ligawan nga siya ni Jayden-the gorgeous Jayden with a knee-melting smile? Ngayon pa lang ay nanlalambot na siya.
“Are you ready?” tanong ni Jayden na nakatayo na pala sa likuran niya at kinuha ang bag mula sa kamay niya.
“Yeah!” aniya at binigyan ito ng impersonal na ngiti. Keep your guard up! Keep your guard up, paulit-ulit niyang bulong sa sarili niya.
“Tito Em! Tita Es!” bati ni Rahya sa magulang niya. Nagulat siya nang dahil nakasakay sa SUV ni Jayden ang mga ito. “Ihahatid po ninyo si Imhan sa airport?”
Sinabi pala ni Jayden na sasama siya dito sa Stallion Island. Nag-aalala ba ang mga ito sa kanya kaya ihahatid pa siya sa aiport o excited din ang mga ito sa magiging date nila ni Jayden?
“Gusto ni Jayden na magbakasyon daw kami kahit dalawang araw lang sa Stallion Island. Akala ko nga para sa mga bata lang ang lugar na iyon,” sabi ng nanay niya. “Regalo daw niya sa anniversary namin.”
“Sino ba ang may sabi na matanda na kayo, Tita? Kalabaw lang ang tumatanda,” sabi ni Jayden. Di siya makapaniwala habang nakatitig dito. Ready na siya sa date nila. Bakit biglang kasama ang mga magulang niya?
Mukhang di masaya ang tatay niya. Hawak lang nito ang kamay ng nanay niya habang nakatitig sa mukha nito. “Parang di ko yata gustong pumunta sa Stallion Island. Baka kasi maagaw ka pa ng mas batang lalaki.”
“Tay, love na love kayo ni Nanay kaya huwag kayong matakot,” sabi niya.
“A foursome date! How sweet!” bulong ni Rahya nang magpaalam sa kanya.
“Mabuti nga iyon para safe,” usal niya. Pero bakit parang mabigat ang loob niya nang maisip na di sila magsosolo ni Jayden. Di na siya makakapagsungit dito. Tama! Hindi iyon panghihinayang.
“Thank you sa pagsasama sa parents ko,” sabi niya nang bumibiyahe na siya at nagkukwentuhan naman ang magulang niya nang nasa seaplane na sila at paalis na sa tarmac ng airport.
“Para maging komportable ka at nang di mo maisip na pikutin ako,” pabirong sabi ni Jayden. “Pasensiya ka na kung conservative ako.”
“Conservative?” tanong niya. “Saan banda ka conservative?”
“Hindi pa ba tayo aalis, Jayden?” tanong ng tatay niya.
“May hinihintay pa po tayo, Tito,” anang si Jayden. “Parating na po iyon.”
“Hello, everyone!” bati ni Remus nang sumampa ng eroplano.
“PEOPLE with great minds and dreams should stick together. Kaya sa palagay ko po dapat lang na maging member ako ng Stallion Island,” pagmamalaki ni Remus sa mga magulang niya. Nasa harapan ang mga ito at nagkukwentuhan. Habang sila ni Jayden ay magkatabi sa likuran ng eroplano.
Umupo sa tabi niya si Jayden matapos manggaling sa cockpit. Napansin nito na di pa niya nagagalaw ang sandwich niya. “Anong gusto mong kainin?”
“Wala,” sagot niya. Nakahalukipkip lang siya habang pinagmamasdan ang dagat sa baba. “Ikaw? Ano ba ang gusto mo?”
“Hmmm… Kung ano na lang siguro ang mahuhuli natin mamaya kapag nangisda na tayo. Pero may chef tayo na kasama kapag nag-catamaran sailing tayo. Pwede kang mag-request habang di pa tayo nakakaalis.”
Pumihit siya para mas lalong makita ang mukha nito. “What is your plan? Iyong sa parents ko naiintindihan ko pa. Pero si Remus…”
“Gusto niyang pumasok sa isla. Masama bang pagbigyan ang manliligaw mo?”
Hinawakan niya ang lalamunan niya. “I have a bad feeling about this.”
Di niya maipaliwanag kung ano. Mukhang inosente at harmless si Jayden pero may nagsasabi sa kanya na mali ang sitwasyon. Mas nakakahinga siya nang maluwag kung silang dalawa lang ni Jayden ang magkasama. Hindi ganito!
“Gusto ring makilalang mabuti ng parents mo si Remus. Kung talagang magiging boyfriend mo siya, mabuti pang kilala na sila ng parents mo. Hindi ba maganda itong pagkakataon para makilala nilang mabuti si Remus?”
“I don’t know!” Maya maya pa ay inanunsiyo na ng piloto na palapit na sila sa Stallion Island at natatanaw na iyon. They were enthralled by the blue water and the blue sky. Parang di natatapos ang tag-araw sa lugar na iyon. Berdeng-berde ang isla pero nakikita ang linya ng puting buhangin sa gilid niyon. That was paradise.
“Ah! That is Prince Rostam’s Palace, right?” turo ni Remus sa animo’y palasyo sa tuktok ng bundok. “Ganyan din ang gusto kong ipatayo kapag member na ako.”
“Iyong sa tabi ng beach ang gusto ko!” aniya at itinuro ang mangilan-ngilang villa di kalayuan sa dagat. “And also those overwater cottages.”
Ilang hilera ng mga native cottages ang nasa ibabaw ng tubig. Bumuo iyon ng hexagonal shape sa ibabaw ng tubig dahil sa disenyo ng mga wooden pathwalk. Parang isang mamahaling resort sa ibang bansa ang nakikita niya.
“I have a beachfront villa, Imhan,” pagmamagandang-loob ni Jayden.
“I don’t really like the sea,” sabi naman ni Remus. “Do you have a guesthouse or hotel here? Doon na lang ako tutuloy.”
Nilingon niya si Remus. “We shouldn’t impose too much on Jayden, Remus. Nakakahiya kung mang-aabala pa tayo.”
“The hotel is fully booked at the moment. Pero may mountain cabin para sa mga guest. You will appreciate it if you are the adventurous type,” sabi ni Jayden.
“Saka ko na pag-iisipan iyan,” sabi ni Remus na halatang dismayado. Huwag sana nitong sisirain ang bakasyon ng pamilya nila. Di lang maba-badshot ang magulang niya dito tiyak. Baka bastedin din niya ito.
Paglapag ng seaplane ay tumuloy sila sa arrival area ng Stallion Island. Nalula sila sa malaking pavilion na animo’y isang high-tech airport terminal. Their baggage was scanned by an X-ray machine. Habang inasikaso ng mga staff ang impormasyan tungkol sa kanila at ang kumpirmasyon mula kay Jayden kung talagang kinikilala sila nitong guest. Binigyan ng metallic ring ang mga kasama niya. Isinalang iyon ang kamay na may suot sa isang machine at di iyon matatanggal basta-basta. It was not an ordinary ring. It was a security device. Very engenious!
“Where is the ring I sent you?” tanong ni Jayden.
Hinubad niya ang kuwintas at kinalas ang singsing. Akmang isusuot na niya ang singsing ay kinuha iyon ni Jayden mula sa kanya. “Let me.”
Parang may mainit na ulan na humaplos sa balat niya habang isinusuot ni Jayden ang singsing sa kamay niya. “I promise that I will take care of you and protect you while you are here. I will make you happy, Imhan.”
Ilang beses kumurap ang mata niya habang nakatitig kay Jayden. The warmth in his eyes was unmistakable. Parang ibinubuhos nito ang lahat ng emosyon nito habang samantalang isinusuot lang naman nito ang singsing na magsisilbing passage niya papasok ng Stallion Island.
But it was almost like a marital vow. Parang gagawin lang iyon ng isang lalaki sa babaeng mahal nito. Naramdaman niya ang pangingilid ng luha sa mata niya. Bakit na-touch siya sa ginawa at sinabi nito? Is she crazy?
Nakalutang pa rin siya nang ipasok sa machine ang kamay niya. Masuyo iyong hinawakan ni Wyndham paglabas ng machine. “Welcome to Stallion Island, Imhan,” usal nito at hinalikan siya sa pisngi.
Hawak niya ang pisngi at parang wala sa sarili na nakasunod dito. Parang may narinig kasi siya na may nagsabing “you may now kiss the bride”.
Paglabas nila ng terminal ay nagulat siya nang salubungin siya ng malakas na tugtugan ng banda. Animo’y may street party dahil nagsasayawan ang lahat at naghiyawan at nagpalakpakan pa nang makita sila. Nagulat pa siya nang umulan ng confetti. “Anong meron?” tanong niya kay Jayden.
Isang singkit at matangkad na lalaki ang lumapit kay Jayden at kinamayan ito. “Congratulations, Jayden! You finally tied the knot!”
“Anong gulo ba ito, Jairon?” tanong ni Jayden.
Tied the knot? Kasal? Kanino ikinasal si Jayden? Wala rin siguro itong girlfriend kundi ay di ito maglalakas-loob na yayain siya ng date.
Kinayaman siya ni Jairon. “You must be the lucky bride.”
Natulala na lang siya nang kamayan siya ng iba pang nagpakilalang member ng Stallion Island. Lumulutang ang isip niya. Ni hindi na nga niya pinansin na lahat ng nakikipagkilala sa kanya ay gwapo. Isa lang ang tanong sa isip niya. Paano siya naging bride ni Jayden? Anong ibig sabihin no’n?
Ni hindi man lang iyon napansin ng mga magulang niya dahil niyaya na itong magsayaw ng grupo nila Jairon. At si Remus naman, pakiramdam ay welcome na welcome ito sa Stallion Island. “I am Doctor Remus Amoranto,” pakilala nito.
“You must be the best man,” hula ni TJ, isang record producer.
“Of course, I am the best!” sa halip ay sagot ni Remus. Ilan ang nagyaya sa kanyang sumayaw pero di siya makaalis sa tabi ni Jayden. He looked troubled.
Jayden put on his headset. “Oliver, pwede bang paki-clear ang mga tao dito? I can’t control them. This is a mistake.” Nilingon siya nito. “Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo.”
Lumapit sa kanila si Yzaak, ang boss ni Jayden sa RENGY Powers. “Hindi ba kayo magsasayaw? Hindi ba sabi mo sa akin na magaling si Imhan magsayaw?”
“Not now, man. Pwede bang tapusin na ninyo ang party? Wala namang dahilan para mag-party.” Isang lalaki na nakasuot ng kendo uniform ang lumapit sa kanila. Bitbit pa nito ang kendo stick at mukhang di maganda ang mood. “Ridge, mabuti dumating ka na. Tell them the party is over. Magsibalik na sila sa kanya-kanya nilang buhay.”
“Iniwan ko nga ang kendo practice ko para maki-party at di masabihang killjoy. Bakit ko ititigil ang party? Kahit si Sir Oliver ayaw pumayag na itigil.” Tinapik nito ang balikat ni Jayden. “Congratulations!” Saka tumingin si Ridge sa direksiyon niya at inabot ang kamay.
“I am Imhan,” wika na lang niya at kinamayan ito.
“Imhan, maraming ikinu-kwento si Jayden tungkol sa iyo,” wika ni Ridge.
“Oo nga,” sang-ayon ni Yzaak. Pero kinaladkad na ni Jayden ang mga ito palayo at kinausap. Napansin niya na tumingin ang mga ito sa direksiyon ni Remus at sumama ang timplada ng mukha ng dalawa.
Maya maya pa ay umakyat si Ridge sa stage at tumigil ang musika. “Tuloy ang party pero kailangan nang umalis ni Jayden at ng mga bisita niya.”
Inalalayan siya ni Jayden pasakay sa mini-jeepney na tumigil sa harap nila. Nakahinga nang maluwag lalo na nang makita niya ang bahagyang pagngiti ni Jayden.
“Aalis na agad tayo?” reklamo ni Remus. “Ngayon ko pa lang nakikilalang mabuti ang mga bagong kaibigan ko.” Kaibigan na agad ang tawag nito sa mga members na noon pa lang nito nakilala. Hindi siya nito sinulyapan man lang dahil busy ito sa pakikipagmabutihan sa ibang members.
“Kanina pa naghihintay si Captain Trent sa atin sa pier. Ang mga gamit natin ipapadala ko na lang sa villa,” wika ni Jayden.
“Sa pier?” tanong ni Remus. “Anong gagawin natin doon? May ipapakilala ka ba sa aking bagong member?”
“We will go catamaran sailing and fishing,” sagot ng tatay niya.