“Anak, maganda talaga itong Stallion Island. Sa Ilocos lang ako nakakita ng ganyang klaseng windmill. Say cheese!”
Todo ngiti si Imhan habang kinukunan ng picture ng nanay niya. Nakayakap siya sa baywang ng tatay niya at nakasandal ng railing ng catamaran. Naglalayag na sila palayo sa isla para mangisda. Nasa background nila ang magandang windmill na siyang source ng energy sa Stallion Island. Sa mga nadaanan nila kanina, may mga solar photovoltaic cells pa sa ibabaw ng mga bahay para ma-maximize pa ang araw at mai-convert sa enerhiya na magagamit sa isla. Walang kotse sa isla. Kahit ang jeepney na siyang official na means ng transportation bukod sa mga kabayo ay di rin gumagamit ng gasoline. Kuryente ang gamit niyon para walang polusyon.
Malinis din ang isla dahil mahigpit ang mga batas na ipinapatupad ni Prince Rostam at ng mga village lords. Kahit ang head ng unang riding club na si Reid Alleje ay mahigpit din sa miyembro ng mga ito. Pero sa Stallion Island ay mas matindi ang ini-impose sa environmental awareness.
“O, Imhan! Kunan mo kami ng nanay mo kasama si Jayden,” sabi ng tatay niya.
Gandang-ganda siya sa ngiti ni Jayden. Gusto niyang I-focus iyon sa picture. Nang makuha niya ang anggulo na gusto niya, saka niya pinindot ang capture button. “Ayan, ha! Ang ganda ng kuha ko sa inyo.”
Nang tingnan niya ang nabuong picture ay nagulat siya dahil si Jayden lang talaga ang nakunan niya. Nawala ba siya sa sarili niya kanina? Nasobrahan yata siya sa pagsu-zoom hanggang ito na lang ang nakuhanan niya.
Lumapit si Jayden at tangkang titingnan ang picture. “Patingin nga! Guwapo ba ako diyan?” Oo. Guwapo ito. Sa sobrang guwapo nga nito ay nakalimutan niyang kasama pala dapat sa picture ang magulang niya. Hay! Ano ba ang nangyayari sa kanya?
Iniwas niya ang camera at binura ang picture nito. “Pangit! Blurred ka! Hindi ka yata tinatablan ng camera.”
Napakamot ito sa ulo. “Ulit na lang. Di na ako hihinga para sa iyo.”
Pati yata siya ay hindi makahinga habang pinagmamasdan ang ngiti nito. Dati rati ay naiinis siya sa ngiti nito. Parang nang-aakit ito. O nadadala lang din siya sa magandang atmosphere ng Stallion Island? Hindi yata pwedeng magalit habang nandoon. Masyadong maganda ang lugar para mag-aksaya siya ng panahong magalit.
“Si Remus ang isama natin,” sabi ng nanay niya.
Luminga siya para hanapin si Remus. Nawala ito sa isip niya. Makita lang niya ang ngiti ni Jayden, lumilipad na ang isip niya. “Remus!” tawag niya. Dapat ay di ito naglalalayo sa tabi niya para di siya maakit sa mga ngiti ni Jayden.
Lumapit sa kanila ang isa sa mga staff. “Sir Jayden, nandoon po ang bisita ninyo.” Itinuro nito na nakayukyok si Remus sa tabi ng railing at lambot na lambot.
Dinaluhan nila ito. “Remus, anong nangyari sa iyo?”
Sasagot pa lang ito ay yumukyok ulit ito sa railing at inilabas ang laman ng sikmura nito. Ni hindi na ito nakatakbo pa sa CR. Inutusan ni Jayden ang staff na ikuha ng tubig ni Remus habang hinahaplos niya ang likod ng huli.
Nang kumalma ang sikmura nito ay saka lang ito tumakbo ng CR at naghilamos. Inabot naman ni Jayden ang bote ng mineral dito.
“May sakit ka ba?” tanong niya.
Uminom ito ng tubig habang hawak ang tiyan. Sumalampak ito sa sahig ng catamaran at pinunasan ang pawis sa noo nito. “A-Ayoko na. Ibalik na ninyo ako sa lupa. I will surely die here.”
“Hindi pa nga tayo nakakalayo. Mahina pala sikmura mo, bata!” anang tatay niya. “Ang totoong lalaki dapat matapang sa dagat.”
Pagsusuka lang ang isinagot ni Remus. “Hindi siya sanay magbiyahe sa dagat,” sabi niya.
“Dapat sinabi niya sa atin para nakainom siya ng gamot,” anang nanay niya. “May tsaa ba diyan, Jayden?” Inutos ni Jayden sa staff nito na magtimpla ng tsaa.
“Bumalik na tayo,” mangiyak-ngiyak sabi ni Remus nang muling mahimasmasan. “Sobrang laki ng alon. Baka lumubog tayo. Hindi tayo ligtas dito.”
“Di tayo lulubog!” Humalakhak ang tatay niya. “Kalmado nga ang dagat at maliliit ang alon. May mga life vest dito. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking duwag sa dagat.”
Dahil sanay sa dagat ang tatay niya, mataas ang tingin nito sa mga kalalakihan na nakikibaka sa dagat. Sa palagay nito, ang pakikihamok sa dagat ang pamantayan ng pagiging tunay na lalaki. Kaya ngayon pa lang, bagsak na si Remus. Paano kaya ito magugustuhan ng tatay niya?
“Kakausapin ko na si Captain Trent. Babalik na tayo sa port,” deklara ni Jayden. “Nakahanda na rin ang medics para dalhin siya sa medical center.”
Pagdating sa pier ay nakaabang na ang medical team. Sinalubong sila ng isang female doctor at inutusan ang mga staff na isakay sa stretcher si Remus. “I am Doctor Nataniella! Kung simpleng seasickness lang, walang problema. Kailangan lang niyang magpahinga at magse-settle din ang sikmura niya.”
Hinawakan ni Remus ang kamay niya. “Imhan, huwag mo akong iwan.”
“Ang tanda na pero parang bata pa rin. Magpapaalaga pa siya sa anak natin?” narinig niyang usal ng nanay niya. “Hindi naman malala ang sakit niya.
“Di na rin ba tayo makakapangisda?” tanong ng tatay niya kay Jayden. “Sayang ang ihinanda ni Jayden para sa atin. Mahal yata ang magrenta ng catamaran na sinakyan natin. Akala ko mag-e-enjoy tayo ngayon. Gusto ko pa manding makasama ang anak ko na mangisda.”
Binitiwan ni Remus ang kamay niya. “Mangisda na kayo. Hihintayin ko na lang kayo. I am sure marami akong magagawa habang wala pa kayo.”
“Sigurado ka na okay ka lang maiwan?” tanong niya. Nakakakonsensiya na habang nagsasaya sila ay di ito kasama. Pero di nila kasalanan na mahina ang sikmura nito sa dagat. At gusto rin niyang mag-enjoy kasama ang magulang.
“Doctor Amoranto is perfectly safe with us,” sabi ni Doc Nataniella. “Kung gagaling na siya, bahala na ang ibang members na mag-entertain sa kanya.”
“Thank you,” aniya at nawala na ang guilt niya nang bumalik sa catamaran. Lumuwag pa nga ang dibdib niya dahil di na guwardiyado ang kilos niya ngayong wala na si Remus. “Yes! Ready na akong mangisda!”
Nilipad ng hangin ang mahaba niyang buhok nang umarangkada na ang bangka papunta sa laot. Maagap na hinawakan ni Jayden ang buhok niya. “Wala ka bang pantali sa buhok mo? Magkakabuhol-buhol iyan,” bulong nito dahil hindi sila magkakarinigan sa angil ng motor ng bangka.
Umiling na lang siya. Nagtayuan ang balahibo niya nang dumampi ang mainit nitong hininga sa tainga niya. How could a simple whisper became so intimate with Jayden? Lalo lamang siyang nilamig sa kilabot na dala ng bulong nito.
Dinukot nito ang puting panyo sa bulsa at ipinagpag. Saka itinali sa buhok niya. “Titigas ang buhok mo kapag di natin itinali.”
“Thank you,” aniya at tipid ang ngiting inilagay ang kamay sa kandungan.
It was a sweet gesture. Siya nga ay walang pakialam kung sumabog man ang buhok niya, inalala pa nito.
Ipinatong nito sa ulo niya ang fisherman’s hat nito. “O! Wala ka pang sumbrero. Matutusta ang ulo mo sa init.”
Tinanggal niya ang sumbrero at inamoy. “Amoy pawis mo.”
“Ang yabang naman nito. Kung ayaw mong isuot, eh di huwag!”
Humagikgik siya at isinuot ang sumbrero. “Sabi ko bang ayokong isuot?” Humarap siya dito. “Bagay ba?”
“Kahit naman ano bagay sa iyo.”
Diniinan niya ang sumbrero sa ulo para di liparin. Lahat daw sa kanya ay maganda. Jayden made her feel good about herself. Kahit naman dati ay lagi siya nitong pinupuri. Kahit ang mga inaakala niya imperfections niya ay maganda pa rin dito. Pambobola ang tawag niya doon. Pero di naman masama kung maniniwala siya.
“Hindi ka na nag-aalala para kay Remus?” tanong ni Jayden.
“Mas kaya siyang alagaan ng mga doktor. Saka gusto ko mag-enjoy kasama sila nanay at tatay. Ikaw kasi, isinama mo pa si Remus,” paninisi niya.
“Ibig sabihin mas okay na ako ang kasama mo?” bulong nito.
Ihinarang niya ang fishing rod sa pagitan nila. “Ihuli mo muna ako ng isda.”
“Fishing contest tayo!” hamon ng tatay niya. “Ang matatalo, sila ang maglilinis ng isda at magluluto. Partner kami ng nanay mo, Imhan.”
“Kayo ni Jayden ang partner,” wika ng nanay niya.
Nagkibit balikat si Jayden. “Ako pa ang hinamon ninyo! Kaya ko iyan!”
“Ikaw?” nakataas ang kilay niyang tanong. “Kaya mong ipatalo.”
“Have a little faith in me, Imhan. Watch and learn.”
TUMIGIL ang catamaran sa isang parte ng dagat na maganda daw fishing site ayon kay Captain Trent. “Jayden, ikaw na ang maglagay ng pain,” aniya. Dalawang fishing rod lang ang dalawa nila. Siyempre di siya magpapatalo sa nanay at tatay niya.
Malungkot na pinagmasdan ni Jayden ang plastic container kung saan naroon ang mga pain. “Pero parang nakakaawa sila.”
It was not a joke. He was authentically guilty about using those worms as bait. For a big man, he had a faint heart. Grade three sila nang makipag-away ito sa ikaklase na pinatay at pinaglaruan ang bulate. Iniyakan pa nga nito ang bulateng iyon at kasama siya nang bigyan ng disenteng libing ni Jayden ang mga bulate.
“Jayden, kung gusto mong makahuli ng isda, sintensiyahan mo na ang bulateng iyan!” sabi ng tatay niya na prenteng-prente na sa upuan nito habang hinihintay na lang ang isdang kakagat sa pain nito.
Tinanggal nito ang takip ng plastic container at kinuha ang isang bulate. “Bulate Number One, sorry.” Nagdasal pa yata ito bago ikinawit ang bulate sa sima. Bumuntong-hininga ito nang ihagis ang pamingwit sa dagat.
Tinapik niya ang balikat nito. “Parte iyan ng buhay nila. Parang hindi ninyo pinag-aralan sa eskwelahan ang tungkol sa food chain. Kapag nakahuli ka na ng isda, ayos na iyan. Magpapasalamat ka pa sa bulateng iyan.”
Pinagmasdan nito ang tubig habang hinihintay ang paggalaw ng pisi. “Nag-e-enjoy ka ba sa ginagawa natin?” tanong nito. “Baka nabo-bore ka.”
Nakatayo lang siya sa railing habang pilit inaaninaw ang malinaw na corals sa ilalim. “Hindi yata nakaka-bore dito. Ganito lang ang gusto kong bakasyon. Tahimik, walang ingay, walang polusyon at walang iniisip na trabaho. Parang noong bata pa tayo. Okay lang sa atin na magpalipas ng oras nang walang pinoproblema.”
“Kapag matanda ka na, kailangan mo nang isipin ang global warming, climate change, economy at pati kung pwedeng tumira ang tao sa Mars.”
Sumalampak siya sa tabi nito. “Ano nga pala iyong sinasabi nila na bride mo ako kanina? May ibang babae ba silang inaasahan na dadalin mo dito sa isla?”
Sino kaya ang babaeng iyon? Siguro ay dismayado si Jayden dahil siya ang naisama nito at di ang babaeng gusto nito. May kakaibang kudlit sa puso niya. Selos ba iyon? Gusto niyang makita ang babaeng espesyal para kay Jayden.
“Huwag mo na lang pansinin ang mga iyon. Napagkatuwaan lang nila ako.”
Tinitigan niya ito. Di nito sinasalubong ang tingin niya. He was hiding something. “Jayden, baka mamaya may girlfriend ka na pala. Makaabala pa kami.”
“Wala. Pinoproblema ko pa lang kung paano ko siya magiging girlfriend.”
Itinulak niya ito sa balikat. “Kita mo! May ibang babae ka!”
Napalakas ang tulak niya dito at sumadsad ito sa sahig. “Imhan, hindi ka naman masyadong nagseselos kapag nababanggit ang ibang babae?”
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Ako? Magseselos? Huh!” Tumayo siya. “Mangisda ka lang diyan. Kukuha lang ako ng tubig.”
“Huwag na! Magpapakuha na lang ako sa staff.”
Di na niya ito pinansin. Kailangan niyang dumistansiya dito. Straight niyang ininom ang baso ng tubig na kinuha niya sa dispenser. Bakit ba kasi nabanggit-banggit niya ang ibang babae? Bakit din ba siya affected?
Nakahuli na ng dalawang malalaking isda ang tatay niya. “Jayden, wala pa rin ba kayong huli? May pananghalian na kami.”
Inagaw niya ang pawingwit dito. “Tabi! Ako ang mamimingwit.”
“Tingnan nga natin kung kaya mo.”
Di nagtagal ay naging magalaw ang pisi. Inikid niya ang tali pero nahirapan siyang iikot. “Jayden, tulungan mo ako. Baka mahila ako.”
Ikinulong siya ni Jayden sa bisig nito, isinandig siya sa matipunong katawan nito at saka inalalayan siya sa paghawak at pag-ikid ng fishing rod. “Mukhang malaki ang nahuli mong isda, Imhan,” sabi nito.
Wala na sa mahuhuling isda ang isip niya. She was just heady from the feel of his strong, warm body against hers. Why did she like that feeling? Gusto niyang proteksiyon at katatagan na ibinibigay nito sa kanya habang nakasandig siya dito. Tiningala niya ito. She loved the excitement that glints in his eyes. How could a man possess a complex character? He was strong, yet kind, gentle and warm.
“Galing!” manghang-manghang sabi ni Jayden at inilagay sa container ang isdang nahuli. Pinitik nito ang daliri sa mukha niya. “Imhan, natulala ka na?”
Kumurap siya. “Ano iyon?”
Nagmartsa ito pabalik sa gilid ng bangka. “Hindi ako papayag na ikaw lang ang may mahuli. Kailangan ako din!”
Nasa kay Jayden pa rin ang mata niya nang pumunta siya sa tatay niya. Parang ayaw na niyang masyadong lumapit kay Jayden. Hindi siya makahinga nang normal. Mabilis na mabilis din ang tibok ng puso niya. Nararamdaman pa niya ang pagkakayakap nito sa kanya at ang matigas nitong katawan sa likuran niya. Nanlalambot siya. Ipinilig niya ang ulo at uminom ng tubig. Nadadala lang siya ng init ng panahon. Kalokohan lang ang nararamdaman niya dito.
BAGO ang tanghalian ay bumalik na ang catamaran sa dock. Bagamat maayos na si Remus nang tawagan ni Jayden si Doktora Nataniella kanina, gusto pa rin nilang makasama ito sa tanghalian.
Ipinahiram ni Captain Trent ang Chef at staff sa catamaran nito para magsilbi sa kanila ni Jayden sa tanghalian. Walang sariling staff si Jayden. May sariling maintenance group ang Stallion Island na siyang maglilinis ng villa nito. Habang ang kumakain naman ito sa mga restaurant sa isla kaya di nito kailangan pang mag-hire ng cook na magluluto para dito.
“Imhan, tumuloy na kayo nila Tita sa villa. Ako na ang bahalang sumundo kay Remus sa Stallion Wave. Nandoon daw siya kasama sila Yzaak,” sabi ni Jayden.
“Sasama na rin ako sa iyo. Gusto kong makita ang Stallion Wave,” sabi niya at sumamang naglakad kay Jayden sa wooden pathwalk papunta sa Summer Snowflake, ang hilera ng mga overwater native cottages na hugis snowflake mula sa ere. Sa gitna niyon ay ang Stallion Wave Restaurant.
Sinalubong sila ng nakababatang kapatid ni Jairon na si Julian. “Kuya Jayden, iyong bisita mo inaaway si Kuya Arvind.”
“Arvind?” tanong niya. “You mean Arvind James Li?” Iyon ang kinaiinisan ni Remus na member ng Stallion Island. Malas at nagtagpo pa ang mga ito. “Jayden, awatin mo sila.” Bawal sa kahit sinong guest na basta-basta makipag-away sa mga members ng club maliban na lang kung ang miyembro ang nauna. Pwede itong ma-ban sa isla.
Nang dumating sila ay pinipigil na ni Yzaak si Remus habang pigil naman ni Ridge si Arvind. Namumula na sa galit si Remus. “You have no right to be a part of this club. At hinding-hindi ako magme-member dito hangga’t member ka dito.”
Tipid ang ngiti ni Arvind at kumawala sa pagkakahawak ni Ridge. “Ang tanong, tatanggapin ka kaya ng club? Bago kami nakapasok dito, we went through a series of tests. Inaalam lahat tungkol sa pagkatao namin. Sigurado ka ba sa pagkatao mo?”
Namutla si Remus at tumigil sa pagwawala. Binitiwan ito ni Yzaak. Tinalikuran nito si Arvind at lumapit kay Jayden. “I am leaving. I am not welcome here.”
“What happened?” tanong ni Jayden. “Anong problema sa inyo ni Arvind?”
“Wala akong problema,” sabi ni Arvind. “Siya ang may problema sa sarili niya. Kung sinuman ang girlfriend niya ngayon, pakisabi mag-ingat sa lalaking iyan.”
Hinatak ni Remus ang kamay niya at mabilis ang lakad nito palabas ng restaurant. “Aalis na tayo dito, Imhan. Babalik na tayo sa Manila.”
“What? Pero nagsisimula pa lang mag-enjoy ang parents ko. Saka ano ba ang problema ninyo ni Doc Arvind?” Natakot kasi ito kay Arvind nang lumaon. Ibig sabihin ay may madilim na sekretong itinatago si Remus sa kanya.
Binitiwan siya ni Remus. “Kung ayaw mong sumama sa akin, maiwan ka dito!” At saka padabog nitong pinara ang dumadaang jeep.
Sinubukan niyang habulin ito pero nakalayo na ang jeep. Pinigilan siya ni Jayden sa balikat. “Nasaan na si Remus?”
“Gusto na daw niyang umalis ng isla. I don’t think we can stop him.”
“Kung hindi siya aalis ng isla, mapipilitan din siyang umalis. Ayaw siyang makita ni Arvind. He told me that it’s wrong to bring him here. Remus has a serious problem. Sa mga salita ni Arvind kanina, kasiraan iyon ni Remus. I am sorry.”
Pagsakay nila ng jeep ay tumawag agad si Jayden para ipa-book sa susunod na flight palabas ng Stallion Island si Remus.
“Pasensiya na kung nagdala siya ng gulo,” mahina niyang usal.
“Sorry kung nasira din ang bakasyon mo. If you want to leave with him, it is up to you,” wika ni Jayden.