Stallion Island Series Chapter 28

“How stupid! Nagsasayaw nang di man lang nagwa-warm up. Hindi na nadala iyan nang minsan akong angasan dito. Umulit pa sa iyo,” sabi ni Sahara, na katabi niya sa bench sa lobby clinic ng isla.

Nasa taas ito ng Mist Fusion nang mabasag ang katahimikan dahil sa tili ni Merian. Pinagtulungan nila ang paglalapat ng first aid dito. Itinataboy kasi siya ni Merian at pinagbintangang naiinggit siya dito at gusto niya itong saktan.

“That’s why I told her to stop. Nakikita ko kasi ang mga galaw niya. Kundi siya maiipitan ng ugat o magkaka-cramps, malamang mabalian siya ng buto.”

Olympic gold medallist si Sahara sa athletics at mahilig sa iba’t ibang extreme sports. Dahil pareho silang nabubuhay sa lakas ng katawan nila, naiiintindihan nila ang isa’t isa. Di lang pala siya ang inangasan ng mga Sirens kundi maging ito. Bukod sa kanya, kinuha rin itong endorser para sa Stallion Shampoo commercial. Naroon ito para sa horseback riding lesson nito kay Chrome.

“Iyang mga Sirens na iyan, counterpart ng mga Flower Girls sa Stallion Riding Club. Pakiramdam nila sila ang may-ari sa mga Stallion Boys. Mag-warm up muna sila bago nila hamunin ang professionals tulad natin.”

So far, gusto niya ang mga babaeng nakikilala niya sa isla maliban sa mga Sirens. Natutuwa siya dahil iba’t ibang klaseng tao ang nakikilala niya doon.

Nilapitan siya ng isa sa taga-security department na si Arjhilleyn. “Miss Rayanne, mabuti po natagpuan ko kayo. Nagka-problema po yata sa singsing ninyo at hindi namin mai-activate ang tracker. Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Yzaak.”

Lagot! Nalaman na ni Yzaak na wala siya sa villa. “Where is he?”

“Nasa labas po. Naghihintay sa inyo. Nagprisinta na nga po akong pasukin kayo dito sa loob dahil hindi po siya makausap nang matino nang malaman niyang nandito kayo sa clinic sa halip na sa dance studio lang.”

“Okay. Thank you.” Nagpaalam siya kay Sahara at lumabas ng clinic. Nakatayo si Yzaak sa tabi ni Winter’s Sleep at madilim ang mukha. Kahit pa katirikan ng araw, pakiramdam niya ay may paparating na bagyo.

“Bakit ka nandito? Ang sabi mo nasa dance studio ka lang. Nakadalawang dance studio na ako pero di kita matagpuan. Tapos di ka namin ma-trace. Alam mo bang nag-alala ako nang matindi nang sabihin nilang nasa clinic ka?”

Pinisil niya ang braso nito. “Yzaak, I am fine! Hindi ba nila sinabi sa iyo na isinugod namin sa clinic si Merian? Tumulong pa nga ako sa first aid.”

Nagpalakad-lakad ito sa harap niya. “Hindi ko alam! Wala akong maintindihan sa sinasabi nila kanina. Ayoko ring maniwala na okay ka lang hangga’t hindi ko mismo nakikita.At sino ang may sabi sa iyo na pwede kang lumayo sa Wind Village?”

“Nakita ko si Imhan na galing sa dance studio. Di ko naman alam na kailangan pa palang magpaalam sa iyo.”

“Dapat lang na magpaalam ka sa akin!”

“Gusto ko lang magsayaw. Pati ba iyon ipagpapaalam ko sa iyo? O baka naman gusto pati paghinga ko kailangan ko pa ring magpaalam?”

Napipikon na talaga siya. Hindi naman siya gagawa ng makakasama dito. Alam niyang bisita lang siya doon. Naroon siya para magbakasyon. Di naman sinabi na parang isda siya sa aquarium na kailangang guwardiyado ang lahat ng galaw. Di niya maintindihan kung bakit dapat tratuhin siya nang ganoon.

“Excuse me!” Isang kendo stick ang humarang sa pagitan nila ni Yzaak. Hawak iyon ng isa sa member ng security na si Ridge. “In case hindi ninyo napapansin, nakakaabala na kayo sa ibang tao. Bago pa ito makarating sa isa sa village lords o kay Prince Rostam mismo, iuwi na ninyo sa bahay ninyo ang away ninyo sabi ni Boss Oliver.”

Hinawakan ni Yzaak ang braso niya. “Sa villa na natin ituloy ito.” Saka siya inakay papunta kay Winter’s Sleep.

“Isasakay mo ako sa kabayo mo? Baka ihagis ako niyan.” Siyempre magkakampi ang mag-amo. Kapag tinopak ang amo, may topak din ang kabayo.

“Yzaak, huwag na kayong sumakay kay Winter’s Sleep,” wika ni Chrome na sinundo naman si Sahara. “Kinokopya ng alaga mo ang mood mo. Baka nga ihagis niyan si Rayanne. Tuluyan na siyang mako-confine sa clinic.”

Mariing nagdikit ang labi ni Yzaak. Akala niya ay kokontra ito. “Chrome, ipara mo ako ng jeep. Ridge, ikaw ang magbalik kay Winter’s Sleep sa stable.”

“Ano? Kita mong mortal enemies kami ng kabayo mo.”

Di na pinansin ni Yzaak ang mga pagkontra ni Ridge dahil isinakay na siya nito sa jeep. Di ito kumikibo. But she could feel him steaming. Kailangan na niyang ihanda ang sarili niya sa pagsabog ng bulkan.

Pagdating sa villa ay tumuloy ito sa kusina at nagsalang ng tubig. Wala pa rin itong kibo. Kumakapal ang hanging hinihinga niya habang tumatagal ang katahimikan. Gusto niyang nagagalit ito sa kanya at sinisigawan kaysa tahimik ito.

“Yzaak, kung nahihirapan kang bantayan ako aalis na lang ako. Ayoko namang maging pabigat lang sa iyo at bigyan ka ng sakit ng ulo.”

“Gusto kong makita ang paa mo,” sa halip ay wika nito. “Saan masakit?”

Nagulat man siya pero tinanggal niya ang ballet shoes niya. “Walang masakit sa akin. Nag-warm up lang ako kanina. Di ko pa nga natapos dahil dumating ang mga Sirens. You have nothing to worry.” Naghahanap ba ito ng maisisisi sa kanya at sasabihin na naman nitong di niya kayang alagaan ang sarili niya?

Nang makita nitong walang problema sa paa niya ay hinawakan nito ang kamay niya at hinaplos ang suot niyang singsing. “We have to go to the security headquarters. They must fix your ring soon.”

Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. Malumanay ang boses nito. Ni wala siyang mahimigang galit. “Yzaak, ano bang nangyayari sa iyo? Galit na galit ka dahil lang pumunta ako sa dance studio. Ano bang problema sa pagsasayaw ko? O wala ka lang talagang tiwalang gagawa ako ng maganda.”

Ayaw niyang isipin na galit pa rin ito sa kanya dahil sa pagkamatay Sylvette. Na ayaw pa rin nito sa ballet. She couldn’t stay with him if he had that idea.

“Natatakot ako, Rayanne. Kung aalis ka nang di mo ako kasama, baka may ibang taong manakit sa iyo. Those Sirens tried to hurt you, right?”

“No. They only tried to intimidate me. Hindi ako na-intimidate sa kanila. At di rin nila ako masasaktan dahil sarili lang nila ang sinaktan nila.”

Kung ang mga babaeng iyon lang ang inaalala nito, di nito dapat intindihin pa. Kaya naman niya ang sarili niya.

Bahagyang tumalim ang mga mata nito. “Paano naman ang mga lalaking sumusunod ng tingin sa iyo. Do you know that it is not wise for a woman to walk alone here? Unless you are really looking for a man or a quick lay. Hindi ka naman katulad ni Imhan na girlfriend ni Jayden. You are single and available.”

“Hindi ba nila pwedeng isipin na taken na ako dahil sa iyo?”

Huminga ito ng malalim at hinaplos ng daliri ang pang-ibabang labi niya. “Sana ganoon lang kadali ang lahat. We have to be very convincing to be able to do that. And I am willing to do everything just to protect you.”

She couldn’t fathom the emotion that shone in his eyes. Ayaw niyang magtanong. Natatakot siyang magtanong. Gusto niyang isipin na importante siya para kay Yzaak. O maaring mahal pa siya nito. Mas mabuti nang isipin niya iyon kaysa bumagsak na naman ang pag-asa niya. She wanted to believe that she was still special. Na maari pa rin siyang maging isang babaeng kaakit-akit. Na may lalaking magpapahalaga sa kanya at hind siya isang dancing doll lang habambuhay. She wanted to believe that Yzaak was that man.

“Paano kapag gusto ko pa ring gawin ang ballet exercises ko? Hindi naman kita pwedeng abalahin sa trabaho mo.”

Kinagat nito ang pang-ibabang labi. “I will have people to look after you then. Dahil kung makikita kong may umaaligid na ibang lalaki sa iyo, I might be forced to do some drastic measures.”

“How drastic?” tanong niya.

“This drastic,” he whispered then captured her lips with his. She felt hot all over. Pinapaso pati ang kaluluwa niya. Kayang ipalimot ng halik ang sakit na pinagdaanan niya. Kaya ding ipalimot ng halik na iyon ang sarili niya. And that was what she wanted. Nanlambot ang kamay niya at nagmistulang nawalan ng buto.

Kung hahalikan siya ni Yzaak sa ganoong paraan sa harap ng ibang tao, tiyak na iisipin na nobyo nga niya ito. If only a kiss could make a relationship.

“I am sorry,” bulong nito. I shouldn’t have kissed you. Parang sinamantala kita. Di ka pa nakaka-recover kay David. Baka naisip mong ako siya.”

She was suddenly heady. Bakit biglang napasok si David sa usapan? Ang alam niya ay sila lang dalawa ang magkasama doon. David never came into her mind. Di na nga niya ito naiisip ilang araw na ang nakakaraan. “David never kissed me that way. Mukhang wala sa plano niya.”

“What? Abnormal ba siya? You are beautiful!”

“I am just a work of art. Nasa pedestal lang dapat.” And Yzaak showed her what she had been missing all her life. Flame. Passion. Habang mistulang tuod lang ang trato ni David sa kanya.

Hinaplos nito ang buhok niya. “I am glad that I kissed you and I am not as stupid as David.” He gave her a smoldering gaze. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. Ano kaya ang tumatakbo sa isip nito? Hahalikan kaya ulit siya nito? Sana ay di na ito madala sa kanya. “But I won’t kiss you again unless you are ready.”

“Handa saan?” tanong niya.

“For a new romance. Di ka pa nakaka-recover kay David.”

Gusto niyang tutulan iyon ngunit pinili niyang huwag nang makipagtalo pa dito. Sa ngayon ay katiting na lang ang nararamdaman niya para kay David. Yzaak was starting to take over her heart.

“Anong gagawin mo kapag naka-recover na ako sa kanya?” Huwag nitong sabihin na gusto lang nitong halikan siya.

“Saka na natin pag-usapan kapag naka-recover ka na. Sa ngayon, kailangan nating ipaayos muna ang singsing nito.”

Walang direktang pahayag si Yzaak kung ano ang nararamdaman nito sa kanya. But ever since, she knew that they still have that special connection. Di iyon nawala kahit nang dumating si David sa buhay niya.

Kaya naman niyang maghintay. She would take things slow with him this time. Dahil kung magmamahal siyang muli, titiyakin niyang ang lalaking iyon na ang para sa kanya. She wished it would be Yzaak.

BUHAY na buhay ang maliit na plaza ng Santa Inez sa masayang tugtog gamit ang mga native instruments. Isang fishing village ang lugar na iyon at isa sa kinukunan ng supply ng pagkain sa Stallion Island. Walang kuryente ang lugar kaya nag-install ang RENGY Powers ng kuryente doon. Bilang pasasalamat ng mga tao ay inimbitahan si Yzaak at ang mga miyembro ng Stallion Island na tumulong sa pagbibigay ng kuryente sa lugar.

Di makatanggi si Rayanne nang pasayawin siya sa saliw ng mga indigenous musical instruments na gawa sa kawayan at shells. Mula sa tribo ng Tawilis ang mga residente doon at nai-preserba pa rin ang kultura kahit na nabahiran na ng impluwensiya ng sibilisasyon ang mga ito.

Na-enjoy niya ang bagong experience na makisayaw kasama ang mga simpleng tao. Buong buhay niya, naka-focus siya na ang lagi niyang makakasayaw ay mga kilalang sikat sa mundo ng ballet. Ngayon ay mga bata pa ang nagtuturo sa kanya.

“I miss dancing!” sabi niya sa kasunod na si Imhan. Nagsasayaw sila habang umiikot sa bonfire kasama ang ibang mga kababaihan.

“Hindi naman pala masyadong mahirap ang sayaw na ito,” anito at umikot nang tumapat sa harap ng nobyong si Jayden. The dance was made to attract men. Kaya naman nagkakaligawan na ang mga kasayaw niya at ang mga kalalakihang nakaupo sa paligid nila sa tingin pa lang. There was romance in the air.

Awtomatikong nagtama ang paningin nila ni Yzaak na kausap ang kapitan ng baranggay na iyon. His heated gaze never left hers and she couldn’t pull away either. Parang may magnet na humihila sa kanilang dalawa sa isa’t isa.

Unconsciously, she left the circle of dancers and walked towards him. Hindi niya alam kung nadadala lang siya ng musika o mas gusto niyang makasama ito. Their gazes could stay lock for eternity and she would be perfectly satisfied with it.

“Bakit tumigil ka nang magsayaw?” tanong nito.

“Napagod na ako.” Mas masaya na siyang titigan lang ito.

Maang siya nitong pinagmasdan. “Napagod ka? You could do tendus and spins for hours in ballet. Mas mahirap at komplikado iyon kaysa sa sayaw mo ngayon.”

“Sasayaw lang ako kapag kasayaw kita.” At inginuso niya ang mga lalaki at babaeng magakakaparehang nagsasayaw paikot sa bonfire.

“Naku! Gunaw na ang mundo kapag nagsayaw iyang si Boss!” sabi ni Jayden na dumaan sa harap nila.

“Mas gusto kong panoorin kang magsayaw,” bulong ni Yzaak sa kanya at niyakap siya mula sa likuran nito.

Ipinikit niya ang mata. His warmth was heavenly. Kung di na siya magsasayaw pa, kontento na siyang kasama si Yzaak. Pero gusto niya ang narinig mula dito na gusto nitong panoorin siyang magsayaw.

“Paano ko gagawin iyon kung nakabasyon ako?”

Di na nito nasagot pa ang tanong niya dahil itinuon nito ang tingin sa kay kapitan na nagsalita matapos ang sayaw. “Isa sa mga bisita natin sa gabing ito ay isang sikat na ballerina. Ang totoo po, karamihan sa amin naririnig lang ang salitang iyon pero di namin alam napapanood ang ballet. Wala po kasi kaming TV dito at ngayon lang kami nagkakuryente.” Nagtawanan ang lahat. “Pwede po bang paunlakan ninyo kami sa isang sayaw?”

Nagpalakpakan ang mga tao at tumingin sa kanya. Bawat isa sa mga ito ay umaasam na makita siyang magsayaw. Karamihan sa nakakaranas makanood ng ballet ay mayayamang tao. Biglang siyang kinabahan. Unang beses pa lang siyang magpe-perform sa mga ordinaryong audience. May mga taong ginagawang katatawanan ang classical ballet. Baka hindi magustuhan ng mga ito ang sayaw niya.

Pinisil ni Yzaak ang balikat niya at magaang itinulak. “Go! Show them how beautiful you are when you dance.”

Tiningala niya ito at nakita niya ang hamon sa mga mata nito. Naalala niya ang sinabi nito kanina na gusto nitong panoorin siyang magsayaw. Iyon na ang pagkakataon niya para mapasaya ito sa pamamagitan ng sayaw niya.

Sinenyasan siya ni TJ, member ng Stallion Island na isang record producer at musician. Tumutulong ito sa pagde-develop ng ethnic music at ine-encourage nito ang mga composer nito at artist na magkaroon ng kanta gamit ang mga ethnic instruments. Mukhang alam na nito kung anong tugtog ang ibibigay sa kanya. Pero wala pa rin siyang ideya sa repertoire nito.

Pumikit siya nang pumailanlang ang bamboo flute. It somehow relaxed her senses and calmed her nerves. Nang tumigil ang bamboo flute ay narinig niya ang jew’s harp at ang tunog ng percussions na gawa sa kawayan. Nang makuha na niya ang beat ng mga ito, kusang gumalaw ang katawan niya.

She found herself flying, jumping and gliding around the fire. Bago lang sa pandinig niya ang musikang iyon. It was not a part of classical ballet. Pero parang naging isa lang sila ng musika. Sa bawat bitaw ng nota, nakahanda na ang susunod niyang galaw. She was like a phoenix bird, burning back to life.

Nang tumigil ang tugtog, tumigil din siya sa pagsasayaw. Tahimik ang lahat. Kinabahan siya. Mukhang hindi ng mga ito nagustuhan ang sayaw niya. Then she saw the awe in their faces. Kahit ang mga miyembro ng Stallion Island ay natulala sa kanya. Natutuwa ba ang mga ito sa sayaw niya o di nagustuhan ng mga ito?

Tumingin siya kay Yzaak. Ngayon lang niya makikita ang ekspresyon ng mukha nito matapos niyang magsayaw. Ngumiti ito at pumalakpak. Animo’y nawala sa pagkatulala ang lahat at nagpalakpakan. They loved it!

Parang sasabog ang puso niya sa sobrang saya. It was like dancing for the first time again. Nakakatakot. Di niya alam kung tatanggapin siya ng mga tao. Pero oras na marinig na niya ang palakpakan at makita ang paghanga ng mga ito, parang nasa tuktok siya ng mundo.

Tinanguan niya si TJ at itinuloy nito at ang mga batang musikero ng Santa Inez ang pagtugtog. Pinaikutan siya ng mga batang mananayaw ng mga. They danced with their own tribal moves while she danced her ballet.

It was like a vision coming to life. She had this kind of scene inside her mind before. A fusion of two different disciplines. Parang isa iyong pangarap na unti-unting nagkakabuhay. Mukhang mae-extend pa ang bakasyon niya. Nang mga oras na iyon, isang pangarap ang biglang nagkaroon ng buhay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.