“Be glorious all day long with Stallion Shampoo. Totoo ba ito?” tanong ni Sahara Fernandez, ang bagong napiling endorser para sa naturang produkto matapos ang presentation ni Rahya.
Nauna nang nag-present ang Comte Advertising. And the jerks used their concept. Kaya naman ang lakas ng tawa niya sa isip niya dahil ikinukwento ni Sahara Fernandez kung paanong di nito nagustuhan ang presentation ng ibang kompanya. Nilait-lait nito ang concept. Ayaw daw nitong gumawa ng commercial na hindi base sa katotohanan. Nakuha niya ang flaw ng una nilang concept. Ngayon ay kailangan iyong harapin ng mga nangopya ng concept nila and they failed.
Kinabahan tuloy siya noong una dahil baka di nito magustuhan ang concept nila. Nang ilahad niya ang storyboard, nagustuhan agad iyon ni Neiji Villaranza. Si Sahara na lang ngayon ang kailangan niyang kumbinsihin.
“I use the shampoo ever since and I love it,” sagot niya kay Sahara. “Lahat ng activities na gagawin mo sa commercial, ginawa ko using Stallion Shampoo. Madali siyang I-manage kahit na mabasa ng tubig o tangayin ng hangin. I can just enjoy the day nang di iniisip ang itsura ko. Stallion Shampoo took care of that.”
Nadagdagan ang kompiyansa niya nang kunin ni Sahara ang shampoo. “Ang totoo hindi ako particular sa shampoo. Ngayon na lang dahil ilan kayong nag-o-offer sa akin. Gusto kong subukan.”
“Don’t worry, Sahara. Your hair will still smell good after all those activities. Kahit pa magbilad ka sa araw,” sa gulat niya ay sabi ni Misha saka siya sinulyapan. “Hindi ako makapaniwala na ganoon ka-effective ang product na iyan.”
Nagtama ang mata nila ni Misha ng ilang sandali. He remembered that? Di niya alam kung para saan ang rebelasyon nito. Kung para sa presentation nila o para lang ipaalala sa kanila ang panahong magkasama sila.
She was trying to avoid that gaze most of the time. Nagkakagulo kasi ang sistema niya kapag tinititigan siya nito. Why bring it up now when she got all the wits she needed? At parang sine-seduce siya nito sa gitna ng boardroom.
Umulan tuloy ng tuksuhan sa loob ng conference room. Tumikhim si Neiji. “I still do that with my wife. I love to smell her hair. Tinatanong tuloy niya ako kung di pa ako nagsasawa samantalang iyon din naman ang naaamoy ko sa pabrika.” Pumalakpak si Neiji. “I like it. Doon pala ninyo nakuha ang concept.”
“Kailan magsisimula ang trabaho natin kung sakali?” tanong ni Sahara at tumingin sa kanila ni Misha.
“As soon as you sign the contract,” sabi ni Neiji. Kinamayan sila ng dalawa kasama ang pangako na malapit na silang magkasama sa trabaho.
“We got the deal!” tili niya at niyakap si Misha. Nawala ang lahat ng bigat ng loob nila sa loob ng ilang araw na nagdaan. Nagbunga ang lahat ng pinaghirapan at sakripisyo nila. Gusto niyang yakapin ang lahat ng tao. But she was stuck with Misha. Nang kalabitin siya ng mga kasama niya sa creative team na naghangusan sa conference room ay saka lang nakuha ng iba ang atensiyon niya.
Pero nararamdaman pa rin niya ang tingin ni Misha sa kanya. Nang lumingon siya ay nakatitig nga ito sa kanya. He was smiling. There was so much warmth in his eyes that she thought didn’t exist. Dati na niyang nakikitang masaya si Misha kapag natatalo nito ang mga kalaban nito. His eyes now were telling a different story.
“Samahan mo akong kunin ang champagne sa office ko,” yaya ni Misha sa kanya at inilahad ang kamay. Di na niya kinuwestiyon ang motibo nito. She was too elated at the moment to care. Pakiramdam niya ay nasa tuktok siya ng mundo.
“I couldn’t believe it! We got the Stallion Shampoo account!” sabi niya pagpasok sa opisina nito. “Mabuti na lang talaga nakasampa ako sa Stallion Island.”
“We should thank your friend Imhan and Jayden. Imbitahan natin sila sa dinner one of these days. O mas maganda kapag nasa isla na tayo? Utang na loob natin sa kanila kung bakit nakabuo ka ng magandang concept.”
“No. Pareho nating pinaghirapan iyon. Ikaw ang Prince Charming ko habang nasa isla ako, di ba? Hinayaan mo lang akong mag-enjoy.”
“Nag-enjoy din naman ako. Sa susunod na pagpunta natin sa isla, susubukan ko pa ring makatakas sa hectic schedule natin para makapag-relax tayo.”
“Basta ilibre mo ako sa restaurant ni Chef Rouen,” ungot niya.
Naging maganda ang epekto kay Misha ng pagbabakasyon sa Stallion Island. Nabawasan ang pagiging bugnutin nito. Mas mahinahon ito kapag nakikipag-usap sa mga tauhan nila. Malayo na ito sa ruthless na Misha Santoros na una niyang nakilala.
Nag-ring ang cellphone nito at sinagot nito ang tawag. “Lolo Ildefonso, we got the account. Yes. Nah! I did nothing. Si Rahya ang nakaisip ng lahat. Ayaw ko pa ngang pumayag noong una. Sahara Fernandez definitely loves it. Nakumbinsi niya si Sahara matapos niyang I-try ang whole day test sa Stallion Shampoo noong nasa isla kami.” Kumislap ang ngiti sa mata ni Misha nang lingunin siya. “Yes. Right. Maganda pa rin siya kahit na ibilad sa araw at mag-bungee jumping. She also did kite boarding. She’s one hell of an adventurer.”
Pinanlakihan niya ito ng mata nang isa-isahin nito ang lahat ng delikadong activities na ginawa niya sa isla. Mahigpit kasi ang bilin ng lolo niya na ayaw nitong gagawa silang delikadong activities ni Rome. Kaya nga nang nasa isla sila ay saka lang niya nagawa ang lahat ng gusto niya. Doon lang kasi siya naging malaya.
Inabot ni Misha ang cellphone sa kanya. “Lagot ka. Kakausapin ka.”
“Hello, Lolo!” Naku! Asa pa si Misha na papansinin siya nito oras na sinermunan siya ng lolo niya. Huwag siya nitong aakitin pa at sasapakin niya ito.
“Hija, totoo ba na ginawa mo ang lahat ng activities na gagawin din ni Sahara para sa commercial?” pormal na tanong ni Don Ildefonso.
“Opo, Lolo. Siyempre gusto kong patunayan na di madidismaya ang mga tao kapag ginamit nila ang shampoo at ginawa ang mga activities na iyon. Alam ko na may ginagamit tayong effects para ma-enhance ang itsura ng model kapag gumagawa tayo ng commercial. Pero iyon lang ang way ko para makuha ang loob ni Sahara at patunayan sa kanya na effective ang product na ie-endorse niya. Na hindi siya mapapahiya. I am sorry, Lolo.”
Humalakhak si Ildefonso, isang bagay na matagal na nitong hindi ginagawa. “No! You did a brave thing, hija. Tama ka naman. Dapat mapatunaya din ng endorser na katiwa-tiwala ang produktong ie-endorse niya. Napatunayan mo iyon sa kanya. Iyan ang kailangan natin sa advertising world. Na mapapatunayan nating effective talaga ang mga produktong gagawan natin ng commercial.”
“Hindi po kayo galit, Lolo?”
“Bakit ako? You stepped up and bagged the account. I am proud of you, apo.”
Naluluha siya nang ibalik kay Misha ang phone. “Tinawag niya akong apo. Alam mo ba na si Rome lang ang tinatawag niyang apo?” Pakiramdam niya ay aping-api siya noon. She was an outsider. Si Rome lang ang totoong apo. At ang tingin ng Don Ildefonso ay pagbabayad lang ng utang na loob niya ang ginagawa niya para sa pamilya. Na hindi na siya nito kailangang I-recognize. Ngayon na lang ulit niya naramdaman na kabilang isa sa isang buong pamilya.
“You deserve to be his grandchild, Rahya. Hindi ka man dugong Avenuel, ikaw naman ang magtataguyod sa pangalan ng mga Avenuel. Just stick with me, Rahya. Malayo ang mararating ng Define Ads kung magkasama tayo.”
Lalo lang siyang napaiyak nang haplusin nito ang luha sa pisngi niya. “Ngayon lang kasi siya natuwa na may nagawa akong maganda. Dati kasi puro na lang si Rome ang pinupuri niya. Tapos kahit kasalanan ni Rome, ako rin ang sisisihin.”
“You deserve the praise, Rahya. Sa loob ng ilang taon, ngayon ka na makikita ng mga tao. You will show them what you are really worth.”
“Salamat dahil ikaw ang unang nakakita ng worth ko.”
Yumakap siya sa leeg nito at kinintalan ito ng halik. Nang hapitin siya ni Misha sa baywang, alam niyang di sa simpleng halik hahantong ang lahat. He was consuming her in an fiery passion and she didn’t care a bit. She just gave him what he asked of her. She let him take over her heart and her soul.
Hindi na niya pinansin ang takot. Di na niya pinansin kung ano ang tama at mali. Wala na siyang pakialam kung ano ang nakaraan nilang dalawa o ang mangyayari kinabukasan. All she cared about was him and his kiss.
Naghiwalay silang dalawa nang biglang may kumatok sa pinto. “Sir, dumating na ang in-order natin na pagkain,” sabi ng assistant nitong si Maurice. “Ako na lang po ang magdadala sa champagne.”
“No! Ako na ang magdadala. Susunod na kami,” sagot ni Misha.
Hawak niya ang labi na hinalikan nito nang tingnan si Misha. “Bumalik na tayo sa kanila. Nagugutom na rin ako.”
Hinarangan nito ang pinto at sumandal doon para di siya makalabas. “Or you are still hungry for my kiss? Don’t tell me that it means nothing to you.”
“Meaning? Misha, hindi ko alam kung ano pa ang gusto mong mangyari. We kissed. We felt something explosive. And then what?”
“Magkaroon tayo ng open mind sa nangyayari sa atin. It means that we feel something special for each other. Kung isa-suggest kong maging girlfriend ka…”
Dinuro niya ito sa dibdib. “Misha Santoros, ilang beses ka nang nakahalik sa akin pero di ibig sabihin papayag agad akong maging girlfriend mo. Swerte mo!”
“No. Ikaw ang dalawang beses na humalik sa akin.” Ginagap nito ang dalawang kamay niya. “Here’s the deal. Let’s date and enjoy each other’s company. Magiging girlfriend lang kita kung sasabihin mong mahal mo ako.”
“Fair enough!” Pero paano kung mahal niya ito at ito naman ang di in love sa kanya. Love and attraction are two different things. Bagamat parehong makapang-yarihan, pagmamahal lang ang pwede niyang maging batayan sa pakikipag-relasyon. Na-establish na nila ni Misha ang attraction nila sa isa’t isa. How about love?
Malakas ang kaba sa dibdib niya habang hawak ni Misha ang kamay niya nang naglalakad na sila papunta sa conference room. Parang nakabitin siya sa bangin. Isang tulak na lang, tuluyan na siyang mahuhulog dito.
ALIGAGA si Rahya sa pagtulong sa pagse-set up ng mga gamit para sa magiging final shoot ng commercial ng Stallion Shampoo. Para iyon sa party na gaganapin sa The Peak, sa mismong palasyo ni Prince Rostam. Pinapa-vaccuum niya ang carpet nang lapitan siya ni Misha. “Rahya, may gustong kumausap sa iyo.”
Pumunta sila sa likuran ng palasyo at bumaba sa hagdan na nagdadala sa orchidarium. Isang lalaki na ang nakaupo sa bench doon at nagbabasa ng libro. Binulungan ito ng lalaking kasama. Napahawak siya sa braso ni Misha nang makilala si Prince Rostam. Ngumiti ito at isinara ang libro. “Have a seat.”
Mahigpit siyang humawak sa braso ni Misha kundi ay gugulong siya pababa. Prince Rostam! Ang lalaking pantasya ng mga kababaihan at head mismo ng Stallion Island ay kaharap na niya. “Prince, this is Rahya Avenuel. She’s the creative director for Define Ads.”
“Y-Your Highness…” Di siya magkandatuto kung paanong yuyukod dito. Ano ba ang dapat na bati dito? Mag-curtsy, lumuhod o mag-tumbling.
Kinuha nito ang kamay niya at kinintalan ng halik sa likuran. “Call me Rostam. Ayokong marinig ang Your Highness. Nagsasawa ako.”
“Prince Rostam would be fine, I guess.” Baka mamaya ay pugutan siya ng ulo ng mga alagad nito kapag di niya ito binigyan ng respeto.
Inilahad nito ang palad sa bench sa tapat ng inuupuan nito. “Take a seat.” Simpleng kashmere shirt lang ang suot nito at trousers. Prominent lang ang berde nitong maganda. Makikilala lang ito bilang isang prinsipe dahil sa singsing nito na may royal seal ng AL Ishaq.
“Thank you for giving us access to your palace. I know how much you value your privacy. Masyado ba kaming maingay?”
Umiling ito at isinara ang libro. “No. Ayoko rin namang masyadong tahimik ang palasyo. Gusto ko ngang maging accessible ako sa mga tao. It’s just my counsel doesn’t think it is wise. I hope you understand.”
“”Of course. Your security is a top priority.” Di naman ito simpleng tao. Ito ang sumisimbolo sa bansa nito.
“Maghahanda ako ng buffet para sa inyo. Maybe I will mingle with you later during the party.” Nagpaalam na kasi si Neiji na tuluyang totohanin ang party matapos ang shoot. Bilang pagkilala na rin iyon kay Sahara at para sa unang Stallion Shampoo commercial sa Stallion Island. “Are the Allejes coming?”
“Hopefully,” sabi Misha. Maya maya ay nagpaalam na rin ito sa prinsipe. “Hindi ka ba masaya na nakita mo si Prince Rostam? Pwede mo nang pikutin.”
“Hmmm? Wala lang. Parang normal lang na pakiramdam kapag nakita ko ang paborito kong artista. I mean, you can feel that there is something royal and formidable about him. Pero di ko yata ma-imagine na magiging boyfriend ko siya.”
“May party mamaya. You can dance with him.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Trabaho lang ang iniisip ko.” Kumapit siya sa braso nito. “Tama na iyang isyu kay Prince Rostam, ha? Magtrabaho na tayo.”
Yes. Prince Rostam was a real prince. Pero pakiramdam niya ay natagpuan na niya ang totoong prinsipe kay Misha kay Prince Sungit pa ito.
THE party was a blast. Ang ilan sa mga elite members ng original Stallion Riding Club ay dumalo kasama na ang magkapatid na Reichen at Reid Alleje kasama ang partners ng mga ito. Saglit ding nakihalubilo si Prince Rostam at binigyan pa ng regalo si Sahara. It was really glamorous. Pero isa lang ang hinahanap ng mata niya. Si Misha. Wala ito sa loob. Lumabas siya at natagpuan ito sa entrance ng maze sa garden at nakatingin lang sa palasyo habang umiinom ng champagne.
“Bakit nandito ka lang? Di ka ba papasok sa loob?”
“Masyadong maingay. Hindi ka na dapat lumabas.” Tinanggal nito ang coat at ipinatong sa balikat niya. “Mag-enjoy ka doon. This is your dream after all.”
“Naisayaw mo na ako dati diyan. Masaya na ako doon.”
“Pero hindi mo pa naisasayaw si Prince Rostam.”
Hinaplos niya ang dulo ng ilong nito. “Nagseselos ka ba kay Prince Rostam?”
“Well, he can give you everything. Girls go crazy over him.”
“Because he is a prince. At natural lang sa babae na mabaliw sa kanya paminsan-minsan. I am realistic. Mas naniniwala ako sa nararamdaman ng puso ko kaysa sa nakikita ng mga mata ko.”
“Rahya, paano kung saktan lang kita katulad ng ginawa ko kay Rome? I tried to be a good boyfriend to her. I showered her with gifts.”
“Na hindi naman niya kailangan. Pero hindi naman iyon ang ginagawa mo sa akin. You are trying your best to make me happy. Kaya nga ipinakilala mo ako kay Prince Rostam, hindi ba? At nagmumukmok ka rin dito dahil ayaw mong pigilan ako sa kaligayahan ko,” panghuhuli niya.
“My father also did everything to make my mother happy. But he failed. And she made our life miserable. Ni minsan di ko naramdaman na minahal niya ako.”
Ngayon lang niya narinig muli ang galit sa boses nito. Iyon ang unang beses na nakita niyang nasaktan ito. Madalas kasi ay wala itong ekspresyon. Kung magpapakita man ng emosyon ay lagi pa itong galit. “Misha…”
Inalalayan siya nitong umupo sa bench. Mula doon ay tanaw nila ang ilaw ng sailboat maging ang malayong ilaw ng mga mangingisda.
“My mother was a social butterfly. Gusto niya nakukuha niya ang atensyon ng lahat. Papa was juggling his self-made business with Define Ads. And he was very good. Pero nang bumagsak ang kabuhayan namin, di iyon matanggap ni Mama. Muntik na kasing mapahamak ang Define Ads noon. Kaya ang Lolo Ildefonso mo ang humawak sa kompanya. Na-depress si Papa. Nag-freak out naman si Mama. Ayaw niyang maghirap. Iniwan niya kami. She ran away with some old, rich diplomat.”
Ginagap niya ang kamay nito. He was opening up to her. Hindi niya iyon inaasahan kay Misha. Mula iyon sa lalaking ayaw makita ng iba na mahina.
“Isinama ka ba ng Mama mo?”
Umiling ito. “No. Nagmakaawa si Papa na huwag siyang umalis. Halos luhuran siya. Niyakap ko siya noon para huwag kaming iwan ni Papa. Fifteen ako noon. It was the first and last time that I begged something so badly in my life. Hindi lang para sa akin kundi para kay Papa. Mahal na mahal niya si Mama. Pero iniwan pa rin kami ni Mama. Mas mahalaga ang pera kaysa sa amin.”
“At ayaw mo nang nagmamakaawa mula noon?” mahina niyang tanong. Kahit na sino pang babae ang lumayo dito, di ito nakikiusap na bumalik.
“Nakita ko kung paanong lumuhod si Papa kay Mama noon. Halos patayin din niya ang sarili niya sa trabaho. Naisip niya na kapag nakabawi na kami, babalik sa amin si Mama. Pero hindi na rin niya nabawi si Mama kahit na yumaman pa siya. Namatay siya sa isang yacht accident sa Caribbean. Naging obsessed si Papa sa trabaho.Doon niya ibinuhos ang atensiyon niya.He never stopped loving my mother.”
Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya. Namatay sa sakit sa puso ang papa niya. Sa sobrang sama ng loob at pagod. At masakit para sa isang anak na makitang unti-unting nasisira ang sariling ama.
“Misha, I am sorry. Hindi ko alam na ganyan ang nangyari sa iyo.”
Kaya pala sa relasyon ay ito lagi ang may upper-hand. Hindi ito papayag na paikutin ng kahit sinong babae. Sinaktan ito ng isang babae. Ang sarili nitong ina.
Pilit itong ngumiti subalit di umabot sa mga mata. “You see, hindi ko mababago ang nangyari sa pamilya ko. But I have to keep that from happening to me as well. Kaya nagtatrabaho akong mabuti. Para hindi na kailangang tumingin ng babaeng mamahalin ko sa iba. Hindi ko na kailangang maghirap.”
“Hindi naman puro pera ang basehan ng kaligayahan sa mundo.”
Akala siguro nito ay mabibili nito ang pagmamahal at affection ng mga babae dahil lang mapera ito. Katulad ngayon. Mag-isa ito kahit na marami itong pera. Wala na kasi itong inisip kundi ang trabaho at kayamanan nito.
He laced his fingers with hers in a sensual way. “Rahya, ayokong bitiwan ka. Gusto kong patunayan na kaya ko ring maging tulad ng lalaking hinahanap nila sa akin. I want to be a better man. At naniniwala kang magagawa ko iyon.”
It was something he never did before. Binubuwag nito ang bakod na itinayo nito para protektahan ang sarili. And he was doing it for her.
Handa itong isantabi ang pride nito at gawin ang mga bagay na ayaw nito para sa kanya. He badly needed her. Na parang siya na ang hanging hinihinga nito. Gusto na nitong magbago. Kaya ba niya itong tiisin?
“I am also new at this, Misha. Yes, may nararamdaman ako para sa iyo. Pero di ko pa alam kung paano iha-handle ito…”
Hinawakan nito ang baba niya at unti-unting inilapit sa kanya, ang mga mata nito ay nakatuon sa labi niya. “Take your time becase I won’t stop until you fall in love with me.” His voice was like a sweet caress. And his promise sounded as if it came from an ardent suitor. Misha claimed her lips in sweet, slow way. Tuluyan nang nawala ang proteksiyon niya sa sarili niya. Di niya magawang tumutol. Wala siyang planong tumutol. She loved his kisses and his caress. Pwede siyang mangarap na mahal nga siya nito at nililigawan siya nito.
She knew that it was foolish to go on. Anong magagawa niya kung tuluyan nang nabaliw ang puso niya? Di siya makahindi kay Misha. Siya lang ang pinagkakatiwalaan nito. Kailangan siya nito. Mananatili siya sa tabi nito hangga’t kailangan siya nito.
HINDI nawawala ang ngiti ni Rahya habang nakatayo sa tabi ni Don Ildefonso at ipinakikilala siya sa lahat ng dumalo sa party nito bilang apo nito para sa ikawalumpung kaarawan nito. Everyone accepted her. Kumpleto ang gabing iyon lalo’t nakaalalay din si Misha sa kanya.
“Rahya, kapag nagtanan ba tayo magagalit si Lolo?” tanong ni Misha habang kasayaw niya ito. Binabakuran siya nito dahil kahit alam na boyfriend na niya ito ay marami pa ring lalaking umaaligid sa kanya. Kung si Prince Rostam nga di naagaw ang puso niya kay Misha, asa pa ang mga ito na papansinin niya ang mga ito.
“Bakit pa tayo magtatanan? Di naman na tayo bata. Lolo likes you.”
Sa gitna ng party ay nagkagulo ang mga tao. Nagkatinginan sila ni Misha nang makita ang espesyal na bisita na bumati kay Don Ildefonso.
“Happy Birthday, Lolo!” bati ni Rome. She was back.