Stallion Island Series Chapter 8

Nakapangalumbaba si Rahya sa table niya sa Stallion Wave restaurant habang pinagmamasdan ang kastilyo ni Prince Rostam sa tuktok ng bundok. Papunta na sila ni Misha sa airport para sa flight niya. Kung makakatapak pa ulit siya sa Stallion Island ay di niya alam.

“Hmmm… Hindi ko man lang siya makikita.”

Sinulyapan niya ang relo. Tapos na siyang kumain pero di pa rin bumabalik si Misha. Bigla na lang siya nitong iniwan kanina dahil kakausapin daw nito si Gianfranco. Hanggang sa huling sandali nila sa isla ay trabaho pa rin ang iniisip nito.

Isinubo niya ang chicken longganisa at binuklat ang storyboard concept na nagustuhan ni Misha. Matapos ang party nila noong isang araw sa dock ay nagdesisyon na siya na doon gawin ang final party. Pero di pa rin siya masaya. Mawawala ang natural na ganda ng lugar kung pauulanan ng ilaw. Isa pang naisip niya ay isang party sa ilalim ng malaking banyan tree. Napaka-romantic ng lugar na iyon. Di babagay sa idea niya ng party. Di rin magandang punuin iyon ng ilaw.

She had this nagging idea. She wanted to see Prince Rostam’s castle. IT was a silly idea. Parang gusto kasi niyang makita ang loob niyon. Gusto niyang doon ganapin ang final party kahit na di pa niya alam ang itsura. Something was telling her that it was the perfect place.

“What’s that crinkle on your forehead?” tanong ni Misha at hinaplos ang noo niya. “Hindi ako sanay nang nakasimangot ka.”

“Parang may kulang lang dito sa storyboard ko.”

“Baka di mo lang nakita si Prince Rostam kaya naiinis ka,” biro nito.

“Aalis na ba tayo?” tanong niya. “Wala ka nang ibang aasikasuhin?”

“Wala na. Let’s go!”

Hesitant pa rin siyang umalis ng isla. Parang hindi pa accomplished ang misyon niya. Ayaw naman niyang ipilit ang gusto niya kay Misha. Baka imposible din naman ang idea niya. Bakit ba di na lang siya masiyahan na nakatapak siya sa Stallion Island? Nag-enjoy naman siya kasama si Misha.

Wala na rin siyang problema sa presentation nila. Na-solve na ang problemang ginawa ni Rome. Kailangan na lang niyang hintayin ay kung mapipili ni Neiji Villaranza ang idea nila para sa Stallion Shampoo.

Nagtaka siya nang bumaba sila ni Misha sa tabi ng bundok. “Anong ginagawa natin dito? Hindi ba dapat papunta na tayo sa airport?”

Inalalayan siya nitong bumaba ng golf cart na maghahatid sa kanila. “May pupuntahan lang tayong importanteng lugar.”

Sumunod siya kay Misha papunta sa isang booth na may unipormadong guwardiya. “Good morning, Sir, Ma’am!” bati ng mga ito sa kanila.

“I am Misha Santoros,” pakilala ni Misha at inabot ang isang electronic pass.

Ini-insert ng mga guwardiya ang electronic pass sa computerized machine ng mga ito. Nakahalukipkip siya habang hinihintay kung para saan iyon. Wala naman siguro silang problema sa pag-alis sa isla. O baka tungkol na naman sa negosyo ang aasikasuhin nito. Pero bakit sa lugar na iyon na mukhang heavily guarded?

Bumukas ang maliit na electronic gate. Inalalayan siya ni Misha papasok. “Saan ba talaga tayo pupunta?” tanong niya.

Hindi ito sumagot. He just led her to the stairs. Matapos ang sampung hakbang ay naghihintay na sa kanila ang isang cable car. Di na lang siya kumibo. Di niya alam kung saan papunta ang cable car na iyon.

Namangha siya nang makita ang magandang view ng isla. “Ito ba ang gusto mong ipakita sa akin? Aerial view ng island? Ang ganda dito.” Akala niya ay maganda na ang una niyang nakita. Lalo lang gumaganda ang bawat makita niya sa isla.

Sa babae ay naroon ang bundok na di pa rin nagagalaw ang gubat sa kabila ng maunlad na sibilisasyon sa ibang parte ng isla. Parang pinagsama ang dalawang magkaibang mundo.

Sumandal lang si Misha at pinanood ang kasiyahan sa mukha niya. “Parang bata ka talaga kapag natutuwa. Tingnan ko nga kung paano ka matuwa mamaya.”

Matapos ang sampung minutong cable car ride ay bumaba na sila. Nanlaki ang mata niya nang bumulaga sa kanya ang malaking gate ng palasyo ni Prince Rostam. Nanliit siya sa laki ng gate. Nakakalula. Kinailangan pa siyang hilahin ni Misha dahil naestatwa na siya sa sobrang pagkamangha.

He pressed his right hand to a scanner. Nag-flash ang salitang access at bumukas ang malaking gate. “P-Papasok tayo diyan?” tanong niya. “Misha, baka di tayo payagan ng mga guards. Baka bawal. Baka ipahuli tayo.”

Santambak na baka pa ang nag-flash sa utak niya. Ni hindi niya maramdaman ang excitement na una niyang naramdaman nang sabihin niya na gusto niyang makatapak sa palasyo ni Prince Rostam.

“Akala ko ba gusto mong makarating dito? Nandito na tayo.”

“Kung mapapahamak ka lang din naman, huwag na. Baka mamaya kulanging pambayad ang puri ko kapag na-ban ka dito sa isla.”

Di na kaila sa kanya ang mga guest at miyembrong naba-ban sa unang Stallion Riding Club. Kung tutuusin ay mababait pa nga ang mga Alleje. With Prince Rostam and the six Village Lords controlling vast business in the country and abroad, sira ulo na lang ang kakalaban sa mga ito.

Pero parang balewala kay Misha ang takot niya. Tuloy-tuloy ito sa pagpasok. Sa gulat niya ay yumukod pa ang bantay ng palasyo at binuksan ang malaking pinto.

“Relax! Sa palagay mo ba maidadala kita dito basta-basta nang walang permiso?” Inilahad nito ang palad sa kanya. “You will be late for the party, Cinderella. Bilisan mo dahil may flight pa tayo mamaya.”

Nanginginig ang boses niya nang tumawa at ginagap ang kamay nito. “Misha, kapag naging taga-harem lang ako ni Prince Rostam at hindi ako naging tunay na prinsesa dahil sa kagagawan mo, humanda ka sa akin.”

Nabura na ang anumang takot niya nang makita ang loob ng palasyo ni Prince Rostam. Nakakasilaw ang kaputian ng mga dingding. Hina-highlight niyon ang Arabian-Nomadic design ng mga gamit doon gaya ng chandelier na antique. Maging ang Persian carpet na nakalatag sa malaking hagdan ay mamahalin din.

As a whole, the palace was royal and elegant. “Ang ganda!”

“Ito pa lang ang first level ng palace. Dito ginaganap ang mga parties. Dito rin tinatanggap ang mga ordinary guests. Sa second level, ilang importanteng bisita at ang mga Village Lords lang ang nakakapasok. Sa third level si Prince Rostam lang at ang piling staff niya ang nakakapunta.”

Itinuro niya ang pinto sa tuktok ng enggrandeng hagdan. “Ibig sabihin ang pintong iyan papunta sa second level?” Malamang kada pagtaas ng palapag sa palasyong iyon ay parangya nang parangya ang mga bagay na makikita.

“And we don’t have an access to that one. But it is not important.” Kumuha ito ng pulang rose mula sa vase at yumukod sa harap niya. “Sayang naman kung hindi tayo magsasayaw, hindi ba?”

Kinuha niya ang rose mula dito at kinuha ang kamay nito. Pakiramdam niya ay nag-transform ang paligid nang magsimula silang gumalaw ni Misha sa isang sayaw. Parang alam na ng katawan nila ang tempo at tunog kahit na walang musikla. And she loved it. Wala siyang magawa kundi ngumiti na lang.

She was actually finding it romantic. Parang isa siyang prinsesa na isinasayaw sa ball. No. She was like Cinderella. She felt it was forbidden to be there. Na pangarap lang ang lahat. But for her it was real, with Misha as her Prince Charming.

“Ito mismo ang nai-imagine ko sa storyboard ko. Gusto kong dito gawin ang last part ng commercial. Dito magandang mag-party.”

“Papasok si Sahara at mahahawi ang mga tao sa party. Then his prince would walk down the stairs,” bulong ni Misha sa kanya. “And give her a rose.”

“Ganoon ba? Naisip ko si Sahara sana a ng bababa sa hagdan. Para naman mas ma-highlight ang ganda niya. She’s the queen of the night after all.”

“Bahala na nga. Basta magsasayaw sila.”

Then she stopped talking. Wala na siyang gustong sabihin. Gusto na lang niya na magsayaw sila ni Misha. Ayaw na niyang mag-isip pa ng kahit ano tungkol sa commercial o sa trabaho. She just wanted to think about the two of them together. Sa lahat ng naranasan niya sa araw ng pananatili niya sa isla, iyon ang pinaka-magical. It was a fairy tale.

“Sorry. Wala si Prince Rostam dito para isayaw ka. Kaya pagtiisan mo muna ang fake Prince Charming mo.”

“Fake Prince Charming?” Tumingala siya at pinisil ang baba nito. “Prince Charming naman talaga kita, di ba? Huwag mo na lang sasabihin kay Prince Rostam dahil baka magselos siya.”

“Siya ba ang naiisip mo habang kasayaw mo ako?”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Hindi naman ako ganoon kadelusyunal. Alam ko na ikaw ang kasayaw ko. Di siya ang iniisip ko.” And she was happy and comfortable with Misha’s company. “Paano ka nakakuha ng access? Hindi ba di basta-basta nagbibigay ng permiso na makapasok dito. Kundi man direktang invitation galing kay Prince Rostam, kailangan mo ng permiso galing sa tatlong village lords.”

Inilabas nito ang electronic card. “I did. I got Raddison, Gianfranco and Rouen’s signature. Sila Raddison at Rouen nakuha ko agad ang pirma nang sabihin kong gusto mong magpunta dito. Rouen adores you because you like his new soup.”

“How about Gianfranco?” Sa palagay kasi niya ay masungit ang sailship racer.

“Sabi ko bibigyan ko siya ng discount sa ad campaign natin kapag pumayag siyang padalawin tayo dito kahit na fifteen minutes lang.”

Nagulat siya. “Misha! How could you do that? Hindi mo naman siya kailangang bigyan ng discount. Baka ikaw ang masilip ni Lolo o ng board of directors. You don’t have to do that for me.”

Pinisil nito ang balikat niya. “I want you to be happy. Sa ilang araw mo dito sa isla, maraming bagay akong na-realize sa sarili ko. I enjoyed relaxing. Di ko nga naman kailangang ibabad ang sarili ko sa trabaho. Akala ko kasi masaya na ako sa buhay ko. You made me realize a lot of things that I am missing. And I want to discover more about myself. I want to be better. Thank you.”

“No, Misha. Ikaw ang maraming ginawang pabor sa akin. Iilang tao na lang kasi ang pakiramdam ko nagmamahal sa akin at nagpapasaya sa akin. I just didn’t expect that I would find one in you. You want to please me. You care. Thank you!”

Tumingkayad siya at idinikit ang labi dito. Plano niya ay simpleng halik lang ang ibigay dito. Just a kiss of gratitude. Di niya alam kung bakit nang magdikit ang labi nila ay di na niya alam kung paano lumayo. She was just pleased to feel his lips against hers. Di niya inaasahan nang gumalaw ang labi ni Misha para palalimin ang halik. He was an expert kisser. Hell! Kahit siguro di siya pakitaan ng pagiging expert nito ay sapat na para manginig ang tuhod niya.

Ano bang nangyayari sa kanya? It was not the type of reaction she would get from kissing Misha Santoros. Okay. So pinagnasaan niya ito ng ilang beses. May pagkakataon naman talagang parang tinatambol ang puso niya kapag nakikita ito. But the kiss was another story.

Parang tumigil na lang ang oras sa pagitan nila. Ang tanging naririnig lang niya ay ang tibok ng puso niya. At ang tibok ng puso sa dibdib nito sa ilalim ng kamay niya. She didn’t know how to end it. Didn’t want it to end.

Paano ba niya tatapusin ang isang magandang bagay na nangyari sa kanya? Just like the dance, it was also magical.

Bigla silang naghiwalay ni Misha nang mag-beep ang alarm ng cellphone nito. Saka lang ito parang nagising sa panaginip. “Uh! We should go to the airport. Baka mahirapan na tayong bumalik sa Manila kapag naiwan tayo.”

“Yeah!” Time’s up. Alas dose na at kailangan nang magising ni Cinderella mula sa pananaginip nito. Kinakapa niya ang dibdib kung nagsisisi siya o gusto niyang iumpog ang sarili sa pader. She was not sorry at all.

Hesitant siyang hawakan ang kamay nito para umalis na sila sa palasyo. Gusto niyang manatili doon kasama si Misha.

Hinihintay niya si Misha na mag-sorry sa kanya at sabihin nitong pagkakamali lang ang halik. But he didn’t. Sa halip ay di nito binitiwan ang kamay niya. Ilang beses din niyang nahuli ang ngiti sa labi nito.

Something was telling her that the fairy tale wasn’t over yet. And her Prince Charming wouldn’t turn into a frog anytime soon.

“RAHYA, mas maganda pala ang presentation natin kapag nananakawan tayo. Kita mo naman! Tiyak na ilalampaso natin ang nagnakaw ng concept natin,” pagmamalaki ni Shayne nang makita ang story board nila. Dalawang araw mula noon ay ipe-present na nila ito sa manufacturer ng Stallion Shampoo at kay Sahara Fernandez. Excited silang lahat dahil doon.

“Heh! Ayoko nang manakawan ulit ng concept. Mababaliw ako.”

Maswerte na lang talaga siya dahil na-inspire siya sa Stallion Island. May kinalaman kasi doon ang commercial nila. Na-miss niya ang isla.

“May himala!” tili ni Eros pagpasok ng opisina. Bitbit nito ang dalawang kahon ng family sized pizza. “Nginitian ako ni Sir Misha. Ang guwapo niya.”

“Teka! Teka! Hindi ko yata nakita iyang ngiti na iyan,” sabi ni Shayne. “Maharang nga si Sir Misha. Gusto ko ring makita ang ngiti niya.”

Inilahad niya ang palad. “Ngiti lang nagkakagulo na kayo.” Paano pa kaya kapag hinalikan na ang mga ito ni Misha? Baka dumugo ang ilong ng mga ito.

“Twinkle, twinkle little star,” kanta ni Carmela Luz, ang bagong staff niya at ibinukas-sara pa ang palad sa harap niya. “Blooming si Ma’am!”

“Baka naman may guwapong member ng Stallion Island na nagpapakislap sa mga mata niyan,” sabi ni Misha na nakatayo sa may pinto.

Bigla niyang itinutok ang mata sa computer niya at kunwari ay nagsu-surf sa Internet. “Anong member? Magiging prinsesa ako. Si Prince Rostam lang ang dahilan kaya ganito kaganda ang mata ko.” Saka niya pinapungay ang mga mata.

“Paanong magkakaganyan ka kay Prince Rostam? Wala naman siya sa isla. Baka ibang prinsipe ang dahilan kaya ka nagkakaganyan,” panghuhuli ni Misha.

Iniwas niya ang tingin dito. Wala siyang balak na magpahuli. Di na nila napag-usapan pa ni Misha ang tungkol sa nangyari sa isla. And she wondered why he was bringing it up now. Tinutukso pa siya nito. Nakakainis!

“Sir Misha, bakit napapadalas ang pagngiti ninyo ngayon?” tanong ni Eros. “Hindi naman kayo dating palangiti.”

Ngumuso ito. “Itanong mo sa kanya.”

“Shut up, Prince Sungit!” pati siya ay isasali pa nito sa laro nito.

“Ayun! Lumabas na kung sino ang isang prince!” sabi ni Carmela Luz. “Nakakakilig naman! May ka-loveteam na pala si Ma’am Rahya.”

“Ipapa-ban kita sa Earth kapag hindi ka tumahimik!” banta niya kay Carmela Luz na biglang namutla. Maging ang mga staff niya ay nagulat dahil di naman siya likas na masungit. Drat! Kasalanan ni Misha. Parang sinapian siya ng dating espiritu nito. Habang heto ay aliw na aliw pa yata ito sa pagkainis niya.

“S-Sorry po, Ma’am,” anang si Carmela Luz na mangiyak-ngiyak.

“I-I am sorry. Mag-break muna tayo.” Nang lumingon siya ay wala na si Misha sa kinatatayuan nito. Tumakbo siya sa labas ng opisina at hinabol ito. Hinarangan niya ito sa dadaanan nito. “Misha, what are you doing back there?”

“What are you doing back there?” balik nito ng tanong sa kanya. “Bakit parang idine-deny mo ang tungkol sa ating dalawa?”

“Bakit? Ano bang meron sa ating dalawa?”

“We kissed,” taas-noong sagot nito.

Umakyat ang dugo sa ulo niya. Nasa hallway sila at wala itong pakialam sa makakarinig. “Dito nga tayo.” Hinila niya ito sa maintenance room, ang unang kuwartong nakita niya. Mukhang mali ang desisyon niya dahil lalo lang silang nagkagitgitan sa kuwartong puno ng mga gamit panlinis. Pwede na iyong pagtiisan. “Misha, hindi naman dapat ganoon ang halik na iyon. Kaso…”

“You and I enjoyed it. Kaya nga tumagal, hindi ba?” Inilapit nito ang mukha sa kanya at itinukod ang palad sa magkabilang gilid ng ulo niya. “And don’t you dare lie. Naramdaman ko na may espesyal sa ating dalawa.”

“No! You are my cousin’s ex-boyfriend.”

“So? Hindi naman kami kasal. Ikaw mismo ang nakakita kung paano kami mag-away. And that kiss, I never something so nice with her before. And I don’t think you will feel the same way with Prince Rostam as well.”

Parang tumatalon na ang puso niya sa lalamunan niya nang dahan-dahan na naglapit ang mukha nila. Napapikit na lang siya at handang tanggapin ang halik nito. naisip niyang bumalik sila sa palasyo sa Stallion Island.

“This is not a nice place for a kiss, princess,” bulong nito. “Next time, we will find a better place for our tryst.”

Dumilat siya. Saka niya nakitang wala sila sa palasyo. Nasa isang crowded silang kuwarto na puro mop, timba at iba’t ibang klaseng walis. So unromantic.

Itinulak niya ito at lumabas ng kuwarto. “Wala nang next time.”

Next time? Di niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kapag dumating ang next time na iyon. She didn’t know how to handle it. She didn’t now how to handle him.

Sinubukan niyang pigilan ang excitement na nararamdaman niya. Something was telling her that it was wrong. Pero paanong magiging mali ang isang bagay na pareho nilang nararamdaman ni Misha and it somehow made them happy?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.