Gino Santayana is the type of guy who had an X mark on Miles. He was too handsome, too lovable and any girl could easily fall for him. Pero ito rin ang lalaki na walang katiyakan kung mamahalin din siya. And she thought that the best decision she made was when she refused him.
She tried to escape from his memory. Nagtrabaho siya sa Rider’s Verandah sa Stallion Riding Club para tuluyan itong iwasan. Pero mukhang hanggang doon ay hinahabol pa rin siya ng multo nito. Could she escape from him again or she would just let him catch her heart?
Malapit nang magdugtong ang kilay ni Miles habang nakatingin sa tatlong lalaki na daig pa ang dragon kung magbuga ng usok na nakaupo sa harap ng DOME Café and Restaurant kung saan nagtatrabaho siya bilang service crew.
“Naku! Andito na naman ang mga regular customers natin na feeling kaguwapuhan,” sabi ni Weng, isa sa kasamahan niya at barista nang araw na iyon.
“Ang sabihin mo, regular pasaway ang mga iyan,” pagtatama niya.
Tinapik ng manager niyang si Arlene ang counter. “Miles, kunin mo na nga ang order ng mga iyan. Kanina pa diyan pero hindi pa rin umo-order.”
“As if oorder sila,” usal niya pero sumunod pa rin sa manager niya. She was wearing a professional smile when she walked towards them. Kahit na naiirita siya, kailangan pa rin niyang ngitian ang mga ito. “Good afternoon, Sir. May I have your order, please?”
“Mamaya na lang, Miss,” anang mga ito at nagpatuloy sa kwentuhan.
Napansin niya na itinataktak lang mga ito ang upos ng sigarilyo. Bumalik siya sa counter. “Ano daw ang order?” tanong ng manager niya.
“Later na lang daw po. Kukuha lang ako ng ashtray. Hindi yata nila alam na kapag naninigarilyo, itinataktak ang upos sa ashtray. Hindi sa semento,” sarkastiko niyang sabi at pinuntahan ulit ang mga guest na nasa smoking area. Saka niya inilapag ang ashtray. “Pwede ko na pong makuha ang order ninyo, Sir?”
Nagkalabitan na ang mga ito. “Oy, order daw natin.” At nagturu-turuan na ang mga ito. Mukha namang walang balak na um-order.
“Bawal po kasi ang tambay dito,” prangka na niyang sabi sa sobrang inis.
Namutla ang mga ito at parang napahiya. “Yosi break lang namin, Miss. Babalik rin naman kami mamaya,” anang pinakamatapang sa tatlo at nagyaya nang umalis. At sa panghihindik niya, inilapag na lang sa sahig ang cigarette butts samantalang may ashtray naman na nasa lamesa.
Nahawakan niya ang ashtray sa sobrang gigil at muntik nang ibato sa mga ito. “Naku! Sinisira talaga ang araw ko! Huwag na kayong babalik.”
“O, umalis na ba ang mga guest natin na kaguwapuhan?” tanong ni Weng.
“Oo. Buti na lang lumayas na sila dahil matutuyo ang dugo ko,” aniya at ipinaypay ang kamay sa mukha.
Isang taon na siya na nagtatrabaho sa DOME Shangri La. Graduate siya sa Pamantasan ng Pasig sa kursong Hotel and Restaurant Management. Hilig niyang gumawa ng mga pastries at ambisyon niyang maging pastry chef. Nag-aral din siya sa culinary arts school ng Baking and Pastry. Tumigil lang siya dahil nag-iipon pa ng pang-tuition. Mahal din kasi ang kumuha ng special course sa culinary art school.
“Huwag ka nang sumimangot. Nandiyan na si Alain.”
“Saan? Saan?” tanong niya at luminga. Tuluyan nang nag-evaporate ang init ng ulo niya nang makitang pumasok ang crush niyang si Alain. “Andiyan na siya!”
Kasama nito ang iba pang agents. He worked for a multi-national company at isa sa mga agents nila na nagsu-supply ng beverage sa kanila. Kung tutuusin ay hindi naman artistahin ang features nito. Simple lang ito at palangiti. Mukhang mabait kaya naman di maiwasang mahulog ang loob niya dito.
“Do I look pretty? Hindi ba oily ang mukha ko? Hindi humuhulas ang make up ko?” tanong niya at binasa ang labi.
“Sige na. Puntahan mo na ang Alain mo,” udyok ni Weng. “At wish ko lang mapansin ka na niya.”
Nagkukumahog siyang pumunta sa function room. Pero naunahan na siya ng kasamahang si Marlon dahil wala itong inaasikaso. Lulugo-lugo siyang bumalik sa counter. “Ang kumag na Marlon na iyon, naunahan ako,” ngitngit niya. “Alam naman niya na ako ang bahala kapag nandiyan sila Alain. Chance ko na ngang magpa-cute.”
“Buti nga ikaw may Alain. Ako walang ma-spot-an na gwapo.”
“Basta! Lagot sa akin ang Marlon na iyan.” Maya maya pa ay lumabas na si Marlon na abot-tainga ang ngiti. “Ang daya mo, Marlon. Alam mo naman na kapag nandiyan si Fafa Alain, ako ang bahala. Paano ako magpapa-cute niyan?”
“Bakit? Ikaw lang ba may karapatan na magpa-cute sa crush mo?”
Napaawang ang labi niya. “You mean, crush mo rin si Alain?”
“Si Darlen ang crush ko!” Kasamahan iyon na agent ni Alain. “Hindi naman pwedeng ikaw na lang nang ikaw.”
“Hay, naku! Nakakainis ka pa rin,” nakasimangot niyang sabi.
“Hayaan mo na iyon. Makaka-tiyempo ka rin mamaya. Ikaw ang mag-serve sa function room,” suhestiyon ni Weng.
“Hindi ako papayag na umalis si Alain nang di niya ako nginingitian.”
Natutop ni Weng ang bibig habang nakatingin sa entrance. “Nandito na si Fafa Gino ko!” anitong tila mababaliw nang makita ang crush.
“At hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang bagong girlfriend niya.”
Kung tutuusin ay kasama si Gino Santayana sa top ten most gorgeous regular customer nila. May ari ang pamilya nito ng ilang sikat na resort sa Northern Luzon. He was tall and color was slightly tan. Masarap titigan ang mukha nito dahil madalas ngumiti. He got assertive eyes with long and curly lashes, his greatest asset.
Pero kasama rin ito sa top ten playboy. Tuwing pupunta ito sa branch nila ay iba’t iba ang kasama nitong babae. Matatangkad, magaganda, mayayaman at pwedeng-pwedeng ipan-display. Mga babaeng malayo sa tulad nila ni Weng na mga simpleng empleyado lang. Maganda rin naman siya. Asset niya ang mata niya na may mahabang pilik-mata at ang ngiti niya. But she was not the assertive type. Kailangan pa siyang titigang mabuti para gumanda nang gumanda.
“Wala akong pakialam sa babae niya. Si Gino lang ang gusto ko. Tinatawag ka na yata nila. Asikasuhin mo ang crush ko, ha? At lalagyan ko ng gayuma ang order niya. At palalagyan ko naman ng ipis ang sa girlfriend niya.”
“Luka-luka.” Nilapitan niya ang table nila Gino. “Good afternoon, Sir, Ma’am. May I take your order, please?”
“Café Vienna please,” wika ni Gino. “How about yours, Mitchell?”
Lumabi ang babae. Model iyon ng bagong brand ng papaya soap na napanood niya sa TV. “I want a flat white.”
“Anything else to go with your espresso and flat white? You can also try our cakes if you want,” suhestiyon niya.
Tumaas ang kilay ni Mitchell. “Narinig mo ba na sinabi kong gusto ko ng cake? All I want is a flat white. If I want to order something else, I will tell you.”
“Mitchell, nagsa-suggest lang naman siya,” saway ni Gino sa nobya. Saka nakangiting bumaling sa kanya. “That’s all, Miles. Thank you.”
Tumango siya at nagngingitngit na bumalik sa counter. “Iyan na ang order ng Gino mo at ng girlfriend niyang impakta!” sabi niya kay Weng at sa manager na si Arlene. “Nagsa-suggest lang naman ako, tinarayan na ako.”
“Wala tayong magagawa. Customers sila,” sabi ni Arlene.
“Bakit naman kasi kung sinu-sino pang babae ang isinasama niya dito? Pwede namang ako na lang ang yayain niyang mag-date, hindi ba?” nangangarap na wika ni Weng habang nakatingin sa direksiyon ni Gino.
“Kahit sa panaginip, hindi siya makikipag-date sa iyo.” Hindi katulad ni Alain. Simple lang. Madaling pangarapin. At hindi paiba-iba ng girlfriend. Hamak na may pag-asa siyang mapansin ni Alain. Di tulad ni Gino na ubod nang palikero.
Tinulungan niyang mag-serve si Marlon sa function room. Nawala ang init ng ulo niya nang ngitian siya ni Alain. “Hi!” nakangiti nitong bati.
“Good afternoon, Sir. Here’s your order,” aniya at inilapag ang blueberry cheesecake at café latte na madalas nitong order-in.
“Thank you,” anito at binalingan na ang team leader nito.
Abot-tainga na ang ngiti niya paglabas ng function room. Simple lang naman ang kaligayahan niya. Makita lang niya si Alain, makausap ito saglit at ngitian nito ay kumpleto na ang araw niya. Walang sinuman ang makakasira sa mood niya.
Ganado niyang inasikaso ang ibang order ng customers. “Your order, Ma’am,” aniya at inilapag ang flat white coffee na order ng model na si Mitchell.
Tiningnan lang ni Mitchell ang kape at nakataas ang kilay na tumingin sa kanya. “Did you put skim milk on our coffee?”
“No, Ma’am. It’s just regular fresh milk.”
Itinulak nito palayo ang tasa ng kape at tumayo. “I told you twice that I want skim milk? Hindi mo ba iyon narinig? Or do I have to spell it out for you? S-K-I-M milk!”
Nagulat siya. Wala naman siyang natatandaan na may sinabi itong skim milk. Kung may naka-voice recorder lang ang boses nito nang um-order, mapapatunayan niyang wala itong special request. Natural lang na maging keen sila sa mga special request ng mga customers nila.
“Mitchell, calm down. It’s really nothing,” wika ni Gino. “If you want one with skim milk, then we will order one. You don’t have to freak out.”
Luminga-linga si Gino. Mukhang naiilang na ito dahil pinagtitinginan na sila ng ibang mga customer. Pero mukhang walang balak magpaawat ang girlfriend nito. Parang gusto nitong ipakita sa lahat kung paano ito mag-eskandalo.
“No! I waited forever to have my coffee. Tapos palpak naman ang service nila. I want to talk to the manager now!” sigaw ni Mitchell.
“GANYAN bang klase ang mga empleyado ninyo dito? She should be trained. Pero anong ginawa niya? Kumuha lang ng simpleng order, hindi pa niya kayang gawin. Someone like her should be assigned at the kitchen. Hindi siya dapat na ihinaharap sa mga customer na tulad namin.”
Bumubula ang bibig ni Mitchell sa galit kahit na kaharap na nito ang manager niya. Ilang minuto na ring nakababad si Miles sa kahihiyan. Bawat pagbukas kasi ng bibig ni Mitchell, kung anu-anong insulto ang natatanggap niya.
“Don’t worry, Ma’am. Sasabihan po namin siya,” mahinahong sabi ni Arlene.
“Sasabihan? She ought to be fired!” wika ni Mitchell.
Nanlaki ang mata niya. Siya? Ipapatanggal sa trabaho dahil lang sa isang pagkakamali na hindi naman niya magawa. Naku! Sumosobra na ang babaeng ito!
Orientation sa kanila na dapat ay maging pasensiyosa sa mga customers. Pero hindi talaga siya papayag na apak-apakan ang pagkatao niya.
“That’s enough, Mitch!” mas mariing wika ni Gino. Sa palagay niya ay nauubusan na ito ng pasensiya sa kasama. “I guess we’d better leave.”
Tinabig ito ni Mitchell. “I am not yet through with her. You shouldn’t hire a stupid girl like her on your staff. Nakakasira sa image ng restaurant ninyo. Please get her out of my sight!” anito at iwinasiwas ang kamay. Parang nagbubugaw ng langaw o kaya ay aso. It was degrading.
Nang lumingon siya ay nasa pinto ng nakabukas na function room si Alain at ang mga kasamahan nito. Mukhang kanina pa ito nakikinig sa kanila.
Yumuko siya sa sobrang kahihiyan. Nasaksihan pa ni Alain kung paano siya eskandaluhin ng impaktang babae. Baka isipin nga nito na stupid siya.
This is too much! Ano pa ba ang gusto ng babaeng ito? In-eskandalo na niya ako sa harap ng lahat pati ni Alain. Baka gusto na rin niyang ibitin ako nang patiwarik para matahimik na siya nang tuluyan?
“Excuse us,” wika ni Gino at inilapag ang bayad sa table. Saka nito hinila sa kamay si Mitchell. “I hope you said your piece. Let’s go.”
Nanlalambot siyang nagkulong sa restroom sa sobrang kahihiyan. Parang wala na siyang mukhang ipapakita sa iba. Sinundan siya ng manager niyang si Arlene. “It’s okay, Miles. Wala ka namang kasalanan.”
“Sobra naman kasi ang pamamahiya niya sa akin, Ma’am. Kulang na lang laitin niya ako mula ulo hanggang paa,” humagulgol niyang sabi at kumuha ng tissue. “Alam naman ninyo kung gaano ako ka-particular sa demands ng mga customers. Iyon ang orientation sa amin. Kung sinabi niya sa akin na gusto niya ng skim milk sa coffee niya, hindi ko iyon kakalimutan.”
“Sabi ko naman sa iyo, di ba? Makakatagpo ka ng mga customers na eskandalosa at masasama ang ugali. You have to be strong dahil marami sila.”
“Sa buong buhay ko po kasi, ngayon lang ako naeskandalo nang husto. Tapos sa harap pa ni Alain. Sa harap pa ng crush ko. Di ba nakakahiya iyon, Ma’am? He must think that I am stupid. Sira na ang image ko sa kanya.”
Natawa ito. “Kaya naman pala umiiyak ka. Dahil napahiya ka sa crush mo. Tumahan ka na nga. Sa lahat ng staff ko, ikaw itong hindi basta-basta nagbe-breakdown kahit gaano pa ka-terror ang customer. So just forget it.”
“Okay ka na?” tanong ni Weng nang mag-break sila.
Huminga siya nang malalim at tumango. “Pinipilit maging okay kahit na hindi. Kung nakita mo lang ang itsura ni Alain habang nilalait ako ng Mitchell na iyon. Paano kung ikaw ang na-eskandalo sa harap mismo ng crush mo?”
“Baka mag-walk out na lang ako o kaya magngangangawa ako sa harap ni Gino. Kung bakit kasi may girlfriend siyang impakta.”
Tumango-tango siya. “Tama ka. Kasalanan talaga ng crush mo! Kung sino-sinong babae ang ipinaparada niya, mga bitches naman! Nakaka-imbyerna talaga.”
Bagamat magaganda at sexy ang idinadalang girlfriend ni Gino, puro naman mga suplada. At ang pinakahuli nga ang eskandalosa. Sayang! Guwapo pa mandin si Gino. Nuknukan ng guwapo at mukha rin namang matalino. Bakit kaya di ito makakuha ng matinong babae?
Mabigat pa rin ang pakiramdam niya nang nagliligpit sa restaurant. Kailangan lang siguro niyang matulog para makabawi kinabukasan.
Sumama ang pakiramdam niya nang makita ang picture ni Mitchell sa magazine na inililigpit. Kung pwede lang pagbayarin niya ang bruhang Mitchell na iyon sa paninira sa reputasyon niya.
Hanggang paglabas ng restaurant ay iniisip pa rin niya kung paano makakabawi kay Mitchell. “Naku! Sisiraan ko talaga ang papaya soap mo. Sasabihin ko na hindi siya nakakaputi ng kaluluwa. Kahit na gaano ka pa kaputi, maitim pa rin ang budhi mo,” maisip-isip niya at natawa.
“Good evening, Miles.”