Keira is a professional horse trainer. She can tame the wildest horse, throw a few punches, and make friends with snakes. Subalit nang dumating si Eiji Romero sa buhay niya, di niya alam kung paano ito iha-handle.
Kahit na iba siya sa mga babaeng naide-date nito noon, patuloy pa rin ito sa pagsunod-sunod sa kanya. Naramdaman niyang babae siya kahit di niya kailangang magsuot ng make-up, magdamit ng pambababae o magsuot ng stiletto shoes.
Posible kaya na ma-in love sa kanya ang isang tulad ni Eiji?
“My God! You can’t attend my party wearing that garb!” her cousin Monica exclaimed. She dropped her jaw while there was a horrified glint in her eyes. Sa palagay nga niya ay hihimatayin na ito sa sobrang pagkagimbal.
She was wearing a plain light blue three-fourth-sleeve polo shirt, jeans and her battered sneakers. Saka lumipad ang tingin niya sa suot nitong emerald green na baby doll cocktail dress at black high heeled stiletto sandals. She was ready for her twenty-fourth birthday party. At sa condo nito sa Greenhills gaganapin.
Malayong-malayo ang itsura nila sa isa’t isa. Habang kumikintab ito sa suot na alahas at maganda sa perpekto nitong make up, wala siyang kahit anong adorno sa katawan at wala siyang hilig na mag-make up.
“Pasensiya na, Monica. Wala akong ibang damit.”
She was a practical dresser. Nagtatrabaho siya sa rancho ng Uncle Felipe niya, ang Papa ni Monica, bilang isang horse trainer. Pantalon at long sleeve polo shirt ang karaniwan niyang isinusuot sa trabaho. Madalang siyang lumabas ng rancho. Kaysa bumili ng damit na wala siyang paggagamitan, bumibili na lang siya ng mga damit na magagamit niya nang mas madalas.
“Hindi ako papayag na humarap sa mga bisita ko nang ganyan ang suot mo.” Nasapo ni Monica ang ulo. Parang isang malaking disaster ang tingin nito sa kanya. “Baka sabihin nila may pinsan akong baduy!”
Napayuko siya. “Sorry!”
Pumunta siya doon para maki-celebrate sa birthday nito. Nawala sa isip niyang may dress code susundin.
“Monica, ready na ba kayo ni Keira?” tanong ni Felipe matapos kumatok sa pinto. “Nandito na ang ibang bisita mo.”
“Papa, bakit isinama pa ninyo si Keira? Wala naman pala siyang dress na babagay para sa party ko,” reklamo ni Monica.
“Hindi ba pwede ang suot niya?” tanong ni Felipe.
Minulagatan ito ni Monica. “Papa! Gusto mong pagtawanan ako ng mga kaibigan ko? May importante pa mandin akong bisita ba dadating.” Nagpapadyak ito.
“Why don’t you lend her one of your dresses?” suhestiyon ni Felipe. “Isang gabi lang naman niyang gagamitin.”
Nanghaba ang nguso ni Monica. “Ayoko nga. Baka mamaya mag-amoy kabayo pa ang mga damit ko.”
“Anong sabi mo?” asik ni Felipe.
“Wala, Pa. Ang sabi ko hindi kami magka-size ni Keira,” palusot ni Monica at mapaklang ngumiti.
Monica was not an animal lover. And she hated the fact that she worked with horses. Tumahimik na lang siya, ang lagi niyang ginagawa kapag may sinasabi itong di maganda sa kanya.
“Narinig ko iyon, Monica,” madilim ang mukha na sabi ni Felipe. “Minamata mo ba ang trabaho ng pinsan mo? Baka nakakalimutan mo na ang rancho natin ang nagbabayad ng renta dito sa condo mo, ng damit mo at ng iba pang luho mo.”
Itinaas ni Monica ang kamay. “It is just a joke. Masyado kayong balat-sibuyas.” Yumakap ito kay Felipe. “Let’s not argue about it. It is my birthday! Do you want to ruin it over nothing?”
“Of course not. But…”
“Good. I must attend to my guests now, Pa. Let’s go!” yaya ni Monica.
“Mag-uusap lang kami ni Keira,” anang si Felipe at nagpaiwan.
“Okay.” There was triumph in Monica’s voice. Alam nitong panalo na naman ito sa araw na iyon. Since it was her birthday, she could get anything she wanted.
“Pasensiya ka na sa pinsan mo, hija. Kasalanan ko dahil na-spoiled sa akin.”
“Okay lang po iyon, Uncle,” aniya at ngumiti. Namatay ang nanay ni Monica sa panganganak. Kaya lahat ng atensiyon at pagmamahal ni Felipe ay nabuhos dito. Lahat tuloy ng luho ni Monica ay sinusunod nito. “Hindi po ako pwedeng humalo sa bisita niya nang ganito lang ang suot ko. Nakakahiya.”
Lumungkot ang mga mata nito. “Ayokong magkulong ka dito sa kuwarto. Malulungkot ka lang. Wala kang makakausap.”
“May garden po itong condo building sa roof deck. Mas gusto ko na po doon. Wala rin akong hilig sa mga parties. Sumama lang po ako dahil gusto ninyo.”
“Bumalik ka rin, hija,” anito at lumabas.
Makalipas ang ilang minuto ay maingat siyang lumabas ng kuwarto. Marami na ngang mga bisita. Dahan-dahan siyang naglakad. Halos dumikit siya sa pader para di mapansin ng mga bisita. Sa tantiya niya ay may talumpu nang guest dumating. Nasa fifty ang inaasahan ni Monica.
“Wine, Ma’am?” alok sa kanya ng waiter. Maaring nakilala siya nito kanina dahil siya ang nagbukas ng pinto nang dumating ang mga caterers.
Umiling siya. “No thanks.”
Ilang hakbang na lang ay nasa pinto na siya nang may humarang sa kan ya.
“Hi!” bati ng lalaki.
“H-Hi!” alanganing bati niya at di inaangat ang tingin.
Plano niyang lagpasan na lang ito pero nananatili pa rin ito sa daraanan niya. Baka mamaya akala nito ay isa siya sa mga staff ng catering service at may iuutos sa kanya. That would definitely be more embarrassing.
“I’m Eiji Romero and you are…”
Wala siyang planong makipagkilala kahit na kanino. Magagalit si Monica oras na makipag-usap siya sa isa sa mga bisita nito. She was about to excuse herself when she was godsmacked by the handsome man in front of her. Matangkad na siya sa height niyang 5’6” pero nakatingala pa siya dito. Perhaps he was almost six feet tall. She was intrigued by his color. Parang pinaghalong gatas at kape. Nakasuot ito ng long sleeve polo at dark trousers. It looked good on him. But she could picture him as an outdoor guy with that sun-kissed skin. He had an easy smile, a smile that could melt her to the bones. And she loved his eyes. It was almost black with a tinge of blue. Parang malulunod siya sa mga matang iyon.
Nakatulala na lang siya dito at parang wala na siyang balak gumalaw. Gusto niyang titigan lang ito kahit buong magdamag pa. Sanay siyang makihalubilo sa mga lalaki. Most of them were mean, muscular men. Mga lalaking nagsasabi na sila ang mga tunay na lalaki. But nobody affected her this way.
“I am asking for you name,” anito at bahagyang tumawa.
That brought her back to her senses. Tinatanong pala nito ang pangalan niya. Luminga siya at naalala niyang nasa party siya. At sa halip na makipagtitigan dito, dapat na siyang tumakas. “I am sorry…”
“Interesting name. I am sorry.” Inilahad nito ang palad. “Nice meeting you.”
Namula siya. Is he making fun of her? Mukhang hindi nito gusto na mapahiya siya. He was just being sociable. Gusto sana niyang hawakan ang nakalahad nitong palad at itama ang pangalan niya nang lumapit si Monica.
Umabrisyete agad ito sa lalaki. “Eiji, come! I want you to meet my father. I told him that I have a celebrity guest.” Naramdaman niya ang nagbabanta nitong tingin sa kabila ng ngiti sa mga labi nito. She wanted her out.
“Just for a sec,” anang si Eiji at bumaling sa kanya.
“Excuse me,” aniya at nagmamadaling lumabas.
“Miss, wait!” tawag sa kanya ni Eiji pero tuloy-tuloy na siyang lumabas ng condo. She headed for the elevator right away. Hindi siya lumingon hangga’t di pa sumasara ang elevator upang dalhin siya sa roof deck.
Napasandal siya sa malamig na metal na dingding na elevator. She was relieved. Kung nagtagal pa siguro ang pag-uusap nila ni Eiji, tiyak na magwawala na si Monica. Ayaw niyang mag-away sila.
Eiji. Mukha itong mayaman at mahilig makihalubilo sa mga ‘refined’ na tao tulad ni Monica. Iyong nabubuhay sa magaganda at mamahaling bagay. Bakit ito nakipagkilala sa kanya? Sa dinami-dami ng babae doon, bakit pa siya nito napansin?
It was not her world. She would always be a ranch girl. And that gorgeous glam guy was not her type. Mas bagay ito kay Monica.
NAKATITIG si Keira sa langit. She missed the ranch. Walang polusyon, walang maingay na sasakyan, puro berde ang paligid at makakasama pa niya ang mga kabayo na tine-train niya. The horses were her life.
Thirteen siya nang naulila siya.Nmamatay ang mga magulang niya sa isang sunog. Inampon siya ng Uncle Felipe niya. Nagsilbing therapy sa kanya na makasama ang mga kabayo. Nalibang siya at mas madaling natanggap ang pagkawala ng mga magulang. At the age of sixteen, she became the youngest horse trainer in the ranch. Sa edad na eighteen ay nakuha niya ang lisensiya niya bilang horse trainer.
Mahal niya ang trabaho niya. Pangarap niya na umunlad pa ang rancho ng tiyo niya. Maganda ang horse training program nila. Pero sa sobrang luho ni Monica, nahihirapan silang mag-budget.
“Mind if I join you?”
She was startled by that male voice. Bigla siyang tumuwid ng upo nang makita si Eiji. “I don’t mind,” aniya. Natutuliro ang isip niya nang tabihan siya nito. Anong ginagawa nito doon?
Tumingala rin ito at ginaya ang ayos niya kanina. “Stargazing?”
“Mas tama sigurong sabihing skygazing. Walang bituin ngayon.”
“The city lights outshine them.”
Huminga siya nang malalim. “Buti pa sa rancho masarap mag-stargazing.” Lalo lang niyang na-miss ang rancho.
“You are Monica’s cousin, right?”
“Huh!” Gulat siyang tumingin dito. “Paano mo nalaman?” Monica definitely won’t volunteer that piece of information. Over her dead body.
“Tinanong ko ang Uncle Felipe mo. Sabi niya may pinsan daw si Monica pero nagpahangin lang dito sa garden. So I assumed it was you. May pagkakahawig kasi kayo ni Monica. Your eyes are just darker.”
“Ah!” Napansin agad nito iyon samantalang kanina lang siya nito nakita at di sila matagal nagkaharap. Light brown ang mata ni Monica dahil sa contact lens. “Ano nga palang ginagawa mo dito? Di ba dapat nasa party ka?”
“Baka magalit ka sa akin kapag sinabi ko. The party bored the hell out of me.” Inilagay nito ang palad sa ilalim ng batok at humilig sa sandalan ng bench. “Same old faces and same old stories. Pare-pareho lang ang pinag-uusapan nila. And I love to see new faces. Kaya hinanap kita.”
She felt heady for a while. Hinanap pa siya nito. Siguro dahil kakaiba siya sa mga bisita ni Monica. Siya lang ang nag-iisang baduy ang damit doon. “Magtatampo tiyak si Monica kapag nalaman niyang hindi ka nag-e-enjoy sa party niya.”
“Kanina nabo-bore ako. Pero nag-e-enjoy na ako ngayon,” anito habang nakatitig sa kanya. He was staring at her with those eyes. Di siya makatingin nang direkta dito. Noon pa lang siya tinitigan nang mabuti ng isang lalaki.
“Importanteng bisita ka niya, hindi ba? Celebrity ka daw.”
He was astounded. “H-Hindi mo ako kilala?”
“Eiji Romero. Iyon ang sinabi mong pangalan mo kanina, di ba?”
Tumango ito pero nasa mga mata pa rin nito ang pagtataka. “Oo.” Bumagsak ang balikat nito nang wala pa ring rumerehistrong recognition sa kanya. “I am Eiji Romero, a tennis player and a part-time commercial model.”
Wala siyang alam sa mga tennis player. Pero nang sabihin nitong commercial model, biglang nag-flash sa isip niya ang nakahilerang doseng guwapong lalaki para sa commercial ng isang shampoo. “Ah! Stallion Shampoo!”
“Yes! That one! Pero last year pa ang commercial na iyon.”
“Oo. Gustong-gusto ni Aling Pining ang commercial na iyon. Bumili pa nga siya ng Stallion Shampoo at iyon na rin ang ginagamit namin sa bahay. Baka daw sakaling may magkagusto pa sa kanya na kasing guwapo ninyo. Huwag kang magpapakita doon. Tiyak na pipikutin ka noon. Matandang dalaga iyon.”
“Kung ikaw ang pipikot sa akin, I won’t mind.”
Natawa lang siya. “Wala naman akong planong mamikot ng lalaki.”
“May boyfriend ka na ba?” tanong nito na tonong nag-aalala.
“Boyfriend? Paano ako nagkaka-boyfriend wala namang nanliligaw.”
“Ha? Bakit naman walang nanliligaw sa iyo? You are pretty.”
Tumaas ang kilay niya. “Ha? Sabi nga nila mas mukha pa akong siga sa kanila. Paano naman ako magiging maganda?”
Hinawakan nito ang baba niya. “Mga duwag lang sila. Well, a woman is beautiful for her fragility and strength. And you are beautiful.”
She was speechless for a while. Noon lang may lalaking nagsabi ng ganoon sa kanya. Siguro ay di pa nalalaman ni Eiji kung ano ang kakayahan niya. Mukha kasing maamo ang mukha niya sa unang tingin. “Do you know that I am a horse trainer?”
His lips formed an O. “You? A horse trainer?”
“Yes. Since I was sixteen.”
“I haven’t met a lady horse breaker before. It is not an easy job. Dapat pasensiyosa ka. And you are susceptible sa injury. Member ako ng Stallion Riding Club. Nakita ko kung gaano kahirap ang trabaho ng mga trainer.”
“I love my job. Lahat naman siguro ng trabaho mahirap.”
“That’s what I admire about a girl. Walang arte. Someone should treat you like a queen. How about a date with me at the Stallion Riding Club?”
“A date?”
“I am sure you will love the riding club. I have Thoroughbreds and Arabians. You will enjoy your visit there. Pwede rin kitang isama kapag may tournament.”
She was torn between saying yes and no. Ano ba ang dapat niyang isagot? Ito pa lang kasi ang lalaking nagyaya ng date sa kanya. At narinig na niya ang Stallion Riding Club mula kay Monica. Pang-mayaman lang daw ang lugar na iyon. Ang mga inimbitahan lang ng member ang pwedeng makakapasok.
“Wala akong time na makipag-date. Mahirap basta-basta iwan ang rancho.”
“Ipagpapaalam kita sa Uncle mo. Close na kami ni Uncle Felipe. I am sure papayagan ka niyang sumama sa riding club.”
“Huwag!”
“Bakit? Istrikto ba siya sa iyo sa pakikipag-date?”
Tiyak na papayag agad ang uncle niya na sumama siya. Matagal na siya nitong ipinagtutulakan na magkanobyo. Oras na malaman ni Monica na lumabas siya kasama ni Eiji, magwawala iyon. Aawayin na naman siya nito.
“Nahihiya lang ako na basta-basta umalis sa rancho. We have so many activities at the moment. We are in dire need of manpower at the moment.” And she was not lying. Di niya maiiwan ang rancho.
Bumagsak ang balikat nito. “You really do wonders for my ego. Ikaw lang ang babaeng kilala ko na ipagpapalit ako sa isang kabayo.”
Tinapik niya ang balikat nito. “Sorry, ha?”
“Kung hindi kita pwedeng ilabas ng rancho, ako na lang ang dadalaw sa iyo.”
“Ha?” Nakita niyang palapit si Monica sa direksiyon nila. Si Eiji ang pakay nito. “Nandiyan na si Monica. Sinusundo ka yata niya.”
Hinakawan nito ang kamay niya. “Basta pumayag kang dumalaw ako. Hindi ako aalis dito hangga’t di mo sinasabi na pumapayag kang dumalaw ako.”
“Ha?” Hawak nito ang kamay niya. She loved the touch of his hands. But she should relinquish the moment. Baka makita sila ni Monica. “Oo na.”
Malapad ang ngiti nito ang bitiwan ang kamay niya. “I’ll see you soon.” Saka nito nilapitan si Monica at inakay na pabalik sa condo.
Nakahinga siya nang maluwag. Subalit dama pa niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Dadalawin daw siya ni Eiji. Nagbibiro lang siguro ito.
Pero sabi niya maganda ako. Nahaplos niya ang pisngi at tumingala sa langit. Sa gabing iyon, maniniwala siya sa sinabi nitong maganda siya.