Stallion Riding Club. Nanlamig ang kamay ni Keira nang mabasa ang karatula ng riding club habang papasok sila ni Eiji. Matapos ang inspection ay pinasibad na ni Eiji ang kotse papasok.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang naggagandahang kabayong nadadaanan nila. The riding club was the home for some of the finest horses in the country and the best horse riders as well. Nabanggit ni Eiji sa kanya na kaibigan nito ang world class equestrian na si Reichen Alleje.
“I know you will like it here,” anang si Eiji at nilingon siya.
Her eyes sparkled with excitement. “Sigurado ka na ire-recommend mo ako dito para magtrabaho?”
“Dumadami ang members ng club kaya dumadami din ang demand sa mga tauhan dito. This riding club is like a one-stop shop. It provides everything the members and its horses’ needs. There is a room here for you I’m sure.”
Pinagsalikop niya ang mga kamay. “Parang hindi madaling makapasok.”
“With your skills, you will surely impress the boss.”
She released a slow breath. Nakapasa na siya sa initial interview sa Manila. May final interview pa siya sa may-ari ng riding club na si Reid Alleje. Ito daw ang magdedesisyon kung makakapagtrabaho siya sa riding club.
Tumigil sila sa Rider’s Verandah. Alas nuwebe pa lang nang umaga at mangilan-ngilan lang ang mga customers. “Mag-relax ka muna. Mamaya pang ten o’clock ang interview mo kay Kuya Reid,” wika ni Eiji. Ito na ang nagprisinta na um-order para sa kanya.
Habang naghihintay sila ng order ay dalawang lalaki ang lumapit sa kanila. Both were very good looking in their own way. “Eiji, man! Tagal mong hindi nagpakita.” Tinapik sa balikat ng lalaking wavy ang buhok at mas mukhang Filipino si Eiji. “Kailan mo naman kami patitikimin ng katas ng napalunan mo.”
“You brought a date? How about our babe hunting?” anang isa pang lalaki at tiningnan siya. His aristocratic Spanish ancestry was showing. His skin was almost bronze but it only heightened his handsome features.
“Guys, this is Keira Averin. Keira, my bestfriends, Rolf Guzman and Reichen Alleje.” Ang una ang mukhang Filipino at ang huli ay mas matapang ang dugong Kastila. Nabanggit na sa kanya ni Eiji na Spanish ang lolo ni Reichen.
Nagkasya na lang siya sa pagtango sa mga ito. “Hello!”
Saka niya nakita ang pagkakapareho ni Eiji sa dalawa. All of them had that naughty yet charming grin, ready to flash to every girl in sight.
Sa gulat niya ay nagsisigaw si Reichen. “Woohoo! This calls for a celebration. Normal na ulit si Eiji! Wala na siyang sakit. Welcome back, bro!” At tinapik pa ng dalawa si Eiji sa balikat.
Nagtataka siyang lumingon kay Eiji. “Nagkasakit ka?”
“Hindi. Ngayon lang ulit siya nagkaroon ng ka-date,” sagot ni Reichen at umupo sa tabi niya. “Dati, nakikipag-unahan siya sa amin ni Rolf para mai-date ang isang babae. Pero nagtaka kami nang bigla siyang nawalan ng interes. Ni ayaw na nga niyang tumingin sa iba. You must be one hell of a girl.” Ginagap ni Reichen ang kamay niya. “Thank you for saving my friend.”
Tinampal ni Eiji ang kamay ni Reichen. “Keep your dirty hands off her. Saka huwag kayong magulo. Baka ano pa ang masabi ninyo kay Keira.”
“Paano kayo nagkakilala ni Eiji?” tanong ni Rolf. “Gaano na kayo katagal nagde-date? Boyfriend mo na ba siya?”
Napanganga siya. Date? Boyfriend? None of the above. “Sorry. Hindi niya ako isinama dito para mag-date. I am here for a job interview.”
Pumormal si Reichen at humalukipkip. “What job are you applying for?”
“Horse trainer.”
Napanganga sina Rolf at Reichen. “A female horse trainer at the Stallion Riding Club? No way!” halos sabay na bulalas ng mga ito.
Humihingi siya ng saklolo na tumingin kay Eiji. Alam niyang may magugulat kapag nalamang female horse trainer siya. But she could feel the rejection right away. Ayaw ng mga ito sa kanya.
“Man, she must be one of those amazons,” Reichen murmured.
“Anong amazons?” tanong niya kay Eiji.
“Don’t mind them. May phobia kasi sila sa mga babaeng palaban.”
“Do you know how to throw a mean punch and kick?” tanong ni Rolf.
“Yes. Halos parte na rin iyon ng trabaho ko,” sagot niya.
Napangiwi si Rolf at inakbayan si Eiji. Mukha itong nakikiramay sa isang namatayan. “Eiji, akala ko pinakamasaklap na ang kapalaran ko na minsan sa buhay ko ay naging under the saya ako. But as a battered boyfriend…” Napailing si Rolf. “It must be really love.”
Umiikot na ang ulo niya sa usapan ng mga ito. Parang hindi na kasi ang trabaho niya ang paksa kundi ang relasyon nila ni Eiji.
“Horse trainer ang ina-apply-an niya at hindi bilang girlfriend ko,” asik ni Eiji. “And Keira is a licensed horse trainer. Eight years na siyang nagha-handle ng kabayo. Kundi lang namatay ang uncle niya, sana horse trainer pa rin siya. She’s pretty good at her job.”
Diskumpiyado pa rin si Reichen. “Wala akong tutol kung girlfriend mo siya. But as a horse trainer, I don’t think it would be wise.”
“Don’t you think you are being unfair? I am being judged hastily here,” she complained in a calm voice.
Itinaas ni Rolf ang mga kamay. “No offense meant, Keira. But this is Stallion Riding Club, the home of the most chauvinistic guys on Earth. The members won’t trust you their horses. At di rin nila bibilhin ang mga kabayo na ikaw ang nag-train. Believe me, that’s how the world works here.”
“Dahil lang babae ako?” nakataas ang kilay niyang tanong. “I am not a simple horse trainer. Halos ako na ang nagpatakbo sa rancho katulong ang uncle ko. Marami nang kabayong matitigas ang ulo ang napaamo ko. Even your chauvinistic views cannot contest my skills and experience. Sa ibang bansa nga, maraming magagaling na babaeng horse trainer. Bakit hindi dito?”
“Because this is the Stallion Riding Club,” mariing wika ni Reichen. “The world will change its views but not here.”
“Hindi ko alam na may pre-final panel interview na pala dito.”
Pakiramdam niya ay tumigil sa pagdaloy ang dugo niya. It was such an authoritative and cold voice that could freeze the hell out. Dahan-dahan siyang lumingon sa nagsalita. Isang lalaking walang kangiti-ngiti ang nakatayo sa likuran niya. He was wearing a scowl. At mukhang di pa nito nararanasang ngumiti kahit kailan. Sanay na siya sa mga lalaking akala nito ay pag-aari ang mundo. Pero mukhang ito ang lalaking di niya pwedeng kontrahin sa bagay na iyon. Maging sina Eiji, Rolf at Reichen ay namutlang parang suka nang makita ito.
“K-Kuya Reid! L-Long time no…” Naputol ang pagbati ni Eiji. Matalim kasing tumingin si Reid dito hanggang lumipat ang mata sa kanya.
So he was the owner of the Stallion Riding Club. Kaya naman pala parang hari kung umasta. Bahagya siyang tumango bilang paggalang. “Good morning, Sir.”
“Miss Averin, I will meet you later for the real interview.” Tumalikod ito at naglakad palayo. Saka niya natuklasan na pinipigil pala niya ang paghinga nang marinig niyang nagpakawala rin ng hininga ang tatlo.
“Doon ka matakot. Huwag sa amin,” anang si Reichen na hawak pa ang dibdib. “Di ko talaga alam kung bakit ako nagkaroon ng kapatid na tulad niya. Magkakaroon na yata ako ng sakit sa puso.”
“M-Masungit ba si Sir Reid?” tanong niya kay Eiji.
Mukhang kinabahan din ito subalit ngumiti ito nang haplusin ang pisngi niya. “Huwag mong pansinin ang mga duwag na iyan. Kaya mo si Kuya Reid.”
“Huwag kang pasikat. Takot ka rin kay Kuya Reid,” kantiyaw ni Rolf.
“Oo. Takot din ako kay Kuya Reid. Kaya nga pinapalakas ko ang loob ni Keira.” Mahigpit na hinawakan ni Eiji ang kamay niya. “I used to be chauvinistic, Keira. Perhaps I still am. Pero naniniwala ako sa talent mo. Gusto kong makapasok ka sa riding club. I want to have you here with me. Kung pwede nga lang huwag ka nang mawala sa paningin ko.”
Nakatitig siya sa mata ni Eiji habang nagsasalita ito. Parang nahipnotismo siya sa boses nito. Gusto niyang maniwalang lahat iyon ay totoo. Hindi lang ito nagtitiwala sa kanya. Gusto rin nitong magkasama sila. Di niya inaakala na may isang lalaking tulad ni Eiji magsasabi niyon sa kanya.
“Hindi daw ka-date pero todo-todo kung bolahin,” parinig ni Rolf.
“Saang baul ng lolo mo ba kinuha iyang mga linya mo, Eiji? Mukhang lahat ng ammunition mo inilabas mo na para kay Keira,” dagdag pa ni Reichen. “Hindi mo na ba makuha sa ngiti sabay date?”
Matalim na tiningnan ni Eiji ang dalawa. “Will you shut up? Humanap na lang kayo ng babaeng bubulabugin ninyo!”
Tumayo na sina Reichen at Rolf subalit siya kinausap ng mga ito at hindi si Eiji. “Keira, I will really pray hard so that you will get the job,” sabi ni Rolf.
“Mukhang nagka-virus si Eiji at kasalanan mo,” anang si Reichen.
“Anong virus?” Di niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito.
Napabuntong-hininga si Rolf at tumawa naman si Reichen. Tinapik ng huli ang balikat ni Eiji. “Goodluck, man! Mukhang mahihirapan ka sa isang ito.”
“Saan ka mahihirapan?” tanong niya kay Eiji na mukhang frustrated na.
Umiling si Eiji. “Huwag mo nang isipin. Mag-focus ka sa interview mo.”
INIPON ni Keira ang lahat ng lakas ng loob habang kaharap si Reid Alleje. She was facing the King of the Chauvinists, according to Eiji. There was no way that she’d let the job go. Marami pa siyang dapat patunayan sa sarili niya.
“Six years ka nang licensed horse trainer.” Mataman nitong binabasa ang resume niya. “And why are you applying for a job here at the riding club?”
“My uncle died a month ago. Ipinagbili na po ng pinsan ko ang rancho. Ayaw ng bagong may-ari na I-hire ako dahil isa rin ako sa namamahala ng rancho dati. Baka daw po mahati ang loyalty ng mga tauhan.”
Tumango-tango ito. “Maganda ang record mo. Well-rounded ka sa iba’t ibang klase ng horse training. But I want to see you in action. You will be under probation for two months. Bumalik ka next week para sa simula ng trabaho mo.”
Nawala ang mabigat na pakiramdam niya. He was giving her a chance. Makakapag-trabaho na siya ulit. “Thank you, Sir.”
“You’ll handle horses for pleasure riding. Karamihan ng mga iyon ay para sa mga babaeng bisita ng mga members natin. Kaya mo ba?”
“No problem, Sir!” Mas mahirap pang klase ng training at mas malulupit na kabayo ang naka-trabaho niya dati.
“Report here tomorrow morning. I will assign Doctor Tamara to tour you around and to orient you. The next day, your work will officially start.” Stay in siya sa riding club. May worker’s lodge kung saan siya tutuloy. He leaned a bit forward on his desk. “One question, Miss Averin. Are you Eiji Romero’s girlfriend?”
“No. We are just friends.” Lahat na lang ba ay interesado sa relasyon nila ni Eiji. Di niya alam kung nakabuti o nakasama ang rekomendasyon nito.
“Ayokong maka-interfere sa trabaho mo kung anumang relasyon mayroon kayo. He is a babe magnet. Kung magseselos ka o may lover’s spat kayo, huwag sanang madamay ang trabaho mo.”
“I am a professional, Sir. Naka-focus lang ako sa trabaho.” Isa pa, wala silang relasyon ni Eiji.
“That’s good.” He offered his hand. “Welcome to Stallion Riding Club.”
Paglabas ay naabutan niya si Eiji na palakad-lakad sa lobby at di mapakali. “Anong sabi ni Kuya Reid?”
“Bumalik daw ako next week. Two months akong under probation.”
Sa gulat niya ay nagtatalon ito na parang tumama sa lotto. “Nakapasok ka na. Dito ka na magtatrabaho.” Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan ng mga tao. “Sabi ko sa iyo mapapasok ka, di ba? Dapat mag-celebrate tayo. Doon tayo sa Lakeside Café.” Inisa-isa pa nito ang mga planong puntahan at gawin nila. Parang di ito mauubusan.
“Pwede bang kapag dito na ako nagtatrabaho saka natin gawin iyan?”
Bahagya itong pumormal. “Nagsa-suggest lang ako. Excited lang ako dahil makakasama na kita dito sa riding club. Mapapadalas ang date natin.”
“Eiji, nandito ako para magtrabaho. Siyempre gusto ko rin namang patunayan na di ka nagkamali sa pagre-recommend sa akin.”
“Wala ka bang ibang iisipin kundi ang mga kabayo? Pansinin mo naman ako.”
Puno ng pagtataka niya itong pinagmasdan. “Pinapansin naman kita, ah! Anong klaseng pagpansin ba ang gusto mo?”
“Bumalik na lang tayo sa Rider’s Verandah para mag-lunch.”
HIndi niya ito maintindihan. May sinabi ba siyang mali? Ano ba ang gusto nitong gawin niya? Nanatili itong matamlay hanggang nagtatanghalian sila Di naman niya alam kung paano ito aamuin o kung anong dapat sabihin dito.
“Anong nangyari sa interview mo?” tanong ni Reichen nang samahan sila. Kasama nito ang ka-date nito na isang international model.
“I passed. Two months akong under probation,” sagot niya.
“And why does he look gloomy?” Inginuso nito si Eiji. “Tanggap ka naman.”
“Reichen, mas appealing ba ang mga kabayo kaysa sa akin?” tanong ni Eiji.
Humalakhak si Reichen. “Oo! Mas guwapo sila sa iyo.”
“Gusto ko lang naman na may mapatunayan sa sarili ko bago isipin ang pakikipag-date. Iyon naman ang tama, di ba?” aniya at tinitigan si Eiji.
Bumalik ang ngiti sa labi nito. “Promise, magde-date din tayo?”
Tumango siya. Iyon lang pala ang gusto nitong marinig. Parang bata ito.
Kinayaman siya ni Reichen. “Welcome to Stallion Riding Club, Keira. And a huge goodluck. I just want to warn you. This is not your ordinary world.”
“WE have five departments for horse training. The gaited for dressage, English riding, eventing and show, polo and polocrosse and basic pleasure. Sa huling department ka mapupunta. With your training, I know it won’t be hard for you,” paliwanag sa kanya ni Doctora Tamara na siyang resident veterinarian ng riding club. Orientation niya. Matapos ilagak ang gamit kung saan worker’s lodge kung saan makakasama niya ang doktora ay iniikot na siya nito sa riding club.
“Hindi pala basta-basta ang mga services dito.” Nakakapanliit ang kakayahan ng ibang kasamahan niya. Habang siya ay simpleng basic pleasure riding lang ang alam. Yes, she could tame even the fierce horses. Pero sa ibang klase ng discipline sa horse riding ay wala siyang masyadong alam.
“This haven is like the ultimate riding club. Every month, may iba’t ibang klase kaming tournament para sa mga members. There’s dressage, eventing, show jumping and even polo and polocrosse. Every year, may open tournament din kami.”
Mayayaman at kilala ang mga members ng riding club. Di na biro ang magmay-ari ng isang simpleng riding horse. Pero nakakabili pa ang mga ito ng iba pang klase ng kabayo para sa iba’t ibang klase ng horse sports. Nakakalula.
“Good morning, Doc Tamara,” bati ng lalaki na sa tantiya niya ay nasa mid-forties na pagpasok nila ng opisina para sa mga horse trainers.
“Sir Macky, this is Keira. Siya ang bago ninyong horse trainer. Bukas na siya magsisimula,” pakilala sa kanya ni Tamara. “Keira, si Sir Macky. Siya ang head ng mga horse trainers dito. Sa kanya ka magre-report mula bukas.”
“Good morning, Sir,” aniya at inilahad ang palad.
Tiningnan ni Macky ang kamay niya at saka siya sinuyod mula ulo hanggang paa. “Sigurado ka bang horse trainer ka?” Halos lahat ay iyon ang reaksyon kapag nakikilala siya. Nagkalat nga ang chauvinist sa lugar na iyon.
“Yes, Sir,” magalang niyang sagot. Sanay na siya sa mga tulad nito. Pero dahil bago pa lang sa lugar, naiilang siya. Di naman ito tulad ng mga dati nilang tauhan sa rancho na kilala siya mula pagkabata. Bagong pakikisama ito.
“Malalaman naman ninyo bukas kung gaano siya kagaling,” wika ni Doc Tamara. “After all, it was Reid who gave an approval so she could work here.”
Humalukipkip si Macky at taas-noo siyang tiningnan. Parang sinasabi nito na ito ang boss doon. “Report on time tomorrow. Di si Sir Eiji ang nag-recommend sa iyo, lalaki na ang ulo mo. Under probation ka pa lang. Di ka prinsesa dito. Sana malinaw iyon sa iyo,” prangkang sabi nito.
“Yes, Sir,” aniya at pilit na ngumiti.
“Sorry about that,” anang si Tamara nang naglalakad sila papuntang arena. “Sexist ang karamihan sa nasa department na iyan. First time pa lang nilang may napasok na babae sa kanila. Tapos si Eiji pa ang nagpasok sa iyo.”
“May problema po ba kay Sir Eiji?”
Nilingon siya nito. “Hindi mo ba alam na notorious si Eiji pagdating sa mga babae? Sigurado ka bang di niya girlfriend?”
“Kaibigan lang niya ako.”
Itinapik nito ang daliri sa baba. “This is weird. Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng close kay Eiji pero di niya girlfriend. Niyaya ka niya ng date?”
Tumango siya. “Halos tuwing nagkikita kami. Kaso wala naman akong oras. Saka wala naman akong hilig na makipag-date.”
“Now that’s new. Ngayon lang may babaeng tumanggi kay Eiji para sa trabaho. Gusto kitang sabitan ng medal. Ikaw lang ang naka-resist sa charm niya.” Nag-thumbs up ito. “Magkakasundo tayo.”
“Di ko sinasabi na immune ako sa kanya.”
“Oh!” bulalas nito. Naunawaan nitong may atraksiyon siyang nararamdaman kay Eiji. “Gusto mo siya pero mas kontrolado mo ang nararamdaman mo. Warning. Huwag kang papayag na magpauto sa kanya. Huwag kang mai-in love.”
Magtatanong sana siya kung bakit nang may tumawag sa pangalan nila. “Doc Tamara! Keira!” Nang lumingon siya ay nasa likuran nila si Eiji at hinahabol sila.