Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 119

Nakatitig lang si Keira kay Eiji habang palapit ito. He was wearing a casual jeans and T-shirt. Suot din nito ang tennis shoes nito. Bahagya pang basa ang buhok nito. He was a refreshing sight. She let out a sigh. Di na niya maalis ang tingin dito. Di na nga niya maalala ang warning ni Tamara na huwag ma-in love dito.

Halos di naman hiningal si Eiji nang makalapit sa kanila. Sanay na itong magtatakbo kahit ilang oras dahil na rin sa paglalaro niton ng tennis. “Keira, kumusta ang tour ninyo? Saan na kayo pupunta?”

“Wala pa kami sa kalahati ng riding club. Sa arena kami pupunta,” sagot niya.

Namulsa ito. “Sasama ako sa inyo.”

Akmang hahakbang si Eiji nang duruin ni Tamara ang noo nito. “Hey! Stop right there. Hanggang diyan ka lang. Di ka pwedeng sumama.”

Nagulat si Eiji. “Ha? Bakit?”

“Baka makaabala ka lang kay Keira,” katwiran ni Tamara.

“Tour lang naman ang gagawin ninyo, di ba? Bukas pa ang simula ng trabaho niya. Saka magaling akong tourist guide,” pagmamalaki ni Eiji.

Namaywang si Tamara. Wala itong balak na pagbigyan si Eiji. “Baka naman gusto mong maawa kay Kiera. It is bad enough that you recommended her. Tongues are starting to wag now. Di pa nga nagsisimula ang trabaho niya, sira na ang reputasyon niya. Kaya dumistansiya ka muna sa kanya.”

“Okay,” sagot ni Eiji. Wala na itong balak na makipagtalo pa kay Tamara. Nakangiti itong bumaling sa kanya. “Sabay na tayong mag-lunch, Keira.”

Pumagitna sa kanila si Tamara. “Keep your distance, Eiji.”

“Pagkatapos ng tour mo, dinner tayo,” anang si Eiji at pilit siyang sinilip kahit na nakapagitna pa sa kanila si Tamara.

“Aayusin pa niya ang gamit niya,” matabang na sagot ni Tamara. “Maaga din siyang magpapahinga dahil may trabaho pa siya bukas. Sa day off na lang niya.”

“Okay,” nakangiting sang-ayon ni Eiji nang biglang matigilan. “Day off niya? HIndi ba next week pa iyon?”

“Para di mo siya maabala sa trabaho.” Itinulak ni Tamara si Eiji sa dibdib. “So stay away from her for a while. Ibang babae muna ang pagkaabalahan mo.”

“Anong ibang babae? Ano naman ang gagawin ko sa kanila?” tanong ni Eiji. Kinawayan siya ni Eiji. “Huwag mong pansinin si Doc Tamara. Wala naman talag akong pakialam sa ibang babae.”

“Naku! Pati si Keira bobolahin mo pa,” pang-iinis ni Tamara.

Namula si Eiji. “Doc, huwag ka namang ganyan. Naririnig ni Keira.”

“Ano ngayon kung marinig niya na playboy ka? Totoo naman. Hangga’t nandito siya sa riding club, titiyakin kong di mo siya mauuto,” kontra ni Tamara.

“Keira, o!” anang si Eiji sa kanya na parang batang nagsusumbong at humihingi ng saklolo.

Di niya mapigilang matawa dito. Pagdating wala sa mataray na doktora ay wala itong panama. “Sige. Bukas tayo mag-dinner.” Para lang tigilan na nito ang pangungulit at pakikipag-kontrahan kay Tamara.

Lumapad ang ngiti ni Eiji at sinunggaban ang kamay niya. “Basta magkita tayo bukas, ha? Susunduin kita.”

Pilit na pinaghiwalay ni Tamara ang kamay nila. “Oo na. Pumayag na siya. Umalis ka na dahil marami pa kaming pupuntahan. May practice ka pa mamaya.” May sariling tennis court si Eiji sa bahay nito sa Woodridge Mansion at doon din nito ginagawa ang training nito. For him, Stallion Riding Club was also a home.

Nag-flying kiss si Eiji sa kanya. “Don’t forget our date tomorrow.”

Napangiti siya habang kinakawayan ito nang papalayo na. Mukhang sa wakas ay di rin siya nakatanggi sa pakikipag-date dito. Matutuloy na ang date nila.

“Compare to other girls who want Eiji’s attention, I like you. Sabagay, di ka naman kasi naghahabol sa kanya. Si Eiji ang sumusunod sa iyo,” Tamara commented. “Don’t worry. Oras na pinaiyak ka ni Eiji, magugulpi siya sa akin.”

Tumawa lang siya. “Sa palagay ko hindi ako paiiyakin ni Eiji.”

“Takot lang niya sa iyo. Baka ikaw pa pala ang gumulpi sa kanya.”

No. She believed that Eiji didn’t have the heart to hurt her.

MAHIGPIT ang kapit ni Eiji sa kamay ni Keira nagdi-dinner sila sa Lakeside Café. Pinili nito ang table na malapit sa wooden rail. Ilang hakbang mula doon ay ang Taal Lake na. “Eiji, hindi ako mawawala,” untag niya dito habang hinihintay nilang dumating ang in-order nila.

Luminga-linga ito. “Baka mamaya kumontra si Doc Tamara kapag nakitang magkasama tayo. Date natin ito. Di ako papayag na pigilan niya.”

Pinigil niyang matawa. “Ganoon ba kaimportante sa iyo ang date na ito?”

“Nakaka-frustrate lang. Ilang beses na kitang niyayang makipag-date. Lagi mo na lang akong tinatanggihan. Kaya di ako papayag na di ito matuloy. Sobrang tagal na ng pinaghintay ko.”

“Don’t worry. Sabi ni Doc, hindi daw siya makikialam sa atin basta hindi oras ng trabaho. Nag-aalala lang siya dahil baka mapag-initan ako kapag nakaapekto ang pagkikita natin sa trabaho ko.”

“Paanong makakaapekto sa iyo? Focus ka nga sa trabaho mo.” Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. “Maliban na lang kung iniisip mo kahit oras ng trabaho o kaya wala ka nang ibang bukambibig kundi ako. In love ka na sa akin, no’n.”

Inambaan niya ito ng suntok. “Anong in love?”

Ibinuka nito ang mga palad. “O! Masyado ka namang high blood. Nagbibiro lang ako. Ano naman ang masama kung mai-in love ka sa akin?”

“Naku! Malayo pa sa isip ko iyan,” aniya at tumingin sa malayo. Nagsisimula pa lang ang buhay niya sa Stallion Riding Club. Yes, Eiji was special. Di niya ikakailang gusto niya ito. Pero mabigat na kapag pinag-usapan ang pag-ibig. Hindi pa siya handa na tumanggap nang ganoon katinding emosyon.

“Oo na. Alam kong trabaho ang importante sa iyo.” Mukhang nasasanay na mas pinipili niya ang trabaho kaysa sa kaguwapuhan nito. “So how’s your first day?”

“I am handling a mare. She’s Serenity. Wala pang may-ari sa kanya at isasalang pa lang siya sa dadating na auction.” Para sa female rider ang naturang kabayo. Mabait naman si Serenity kaya di siya mahihirapan dito.

“Ang mga co-workers mo?”

Huminga siya nang malalim. “Civil sila sa akin. Kung di lang din naman kailangan, di nila ako papansinin. Parang di ako nag-e-exist. I can’t really blame them. Ngayon lang may babaeng naligaw sa teritoryo nila.”

“Hindi ka naman nila ini-intimidate?”

Umiling siya. “Ngayon ko lang susubukang makisama sa mga taong di ko kilala. Sa rancho ni Uncle, May respeto pa sila kahit paano dahil pamangkin ako ng may-ari. Kailangan lang sigurong galingan pa ang pakikisama at pagtatrabaho. Marami pa akong kailangang patunayan.”

Habang sa riding club ay kakaiba ang tingin sa kanya ng mga kasamahan. Dahil si Eiji ang nagrekomenda sa kanya, may stigma nang nakakabit sa kanya. Wala siyang pakialam kung ano ang reputasyon ni Eiji. Kahit sabihin pang playboy ito, nararamdaman niyang nirerespeto siya nito. Di ito ganoon kasama.

“Tama. Ang importante hindi ikaw ang nagpapakita ng masama sa kanila.”

“Thanks for the support and trust, Eiji. This is like a second life for me. Kung wala ka, di ko alam kung saan ako pupulutin ngayon.”

Ginagap nito ang kamay niya. There was warmth in his eyes when he looked at her. “Keira, I don’t only support and trust you. I…”

“Eiji! Eiji!” tawag dito ng dalawang babae. Hula niya ay mga guest ito sa riding club. Ang isa ay matangkad at payat habang ang isa pa ay maliit nga pero halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong cocktail dress na may plunging neckline.

Nagulat siya nang pupugin ng halik ng mga ito si Eiji sa mukha. Marahil ay normal iyon na batian para sa iba. Parang handshake nga lang ang halik sa ibang bansa. Pero di pa rin niya matanggap na may ibang babaeng nakahalik kay Eiji. Siya nga ay hanggang sa noo lang nito nahalikan. Unfair!

“Amy, Liztine,” anang si Eiji na nagulat din.

“We miss you. Natuwa kami ni Liztine nang makita ka. Why you go with us to Marcelo’s yacht party?” yaya ng babaeng mukhang anorexic.

“I am afraid I can’t,” Eiji refused. “I have a date tonight.”

Tumaas ang kilay ni Liztine. “You have a date with whom?”

Di niya alam kung bulag ang babae. Hindi ba nito nakita na kasama siya ni Eiji? Or was she really non-existent? Hindi siguro siya recognizable na ka-date ni Eiji. She was on her usual jeans and shirt. Wala naman siyang ibang damit, Kaya nga naka-jeans at T-shirt din si Eiji para di daw siya mailang sa date nila.

Mahigpit na hinawakan ni Eiji ang kamay niya. “I am with Keira. Next time maybe, girls.” Itinuon ulit ni Eiji ang atensiyon sa kanya. Kung titigan siya nito ay parang siya lang ang babae sa lugar na iyon. And the other two didn’t exist.

Binigyan siya ng matalim na tingin ng dalawang babae bago okupahin ang mesa na di kalayuan sa kanila. Bigla siyang di naging komportable.

“Bakit di mo sila pinasalo sa atin?” tanong niya kay Eiji. “Nakakahiya naman sa mga kaibigan mo.”

“Keira, matagal kong hinintay ang chance na mai-date ka. Tapos hahayaan mong maabala tayo. Parang ayaw mong kasama ako,” nagtatampo nitong sabi.

“Hindi. Baka lang isipin nila binabalewala mo sila.” Ayaw niya ng gulo sa mga kaibigan nito lalo na’t guest ang mga iyon sa riding club.

“They won’t mind. Alam nilang may ka-date ako. At kapag magkasama tayo, gusto ko sa akin lang ang focus mo. Ganoon din ako sa iyo.”

They ate dinner with a smile on her face. Asikasong-asikaso siya ni Eiji. At nakita niya ang pagmamalaki sa mga mata nito kapag ipinakikilala siya sa iba. Di tulad ng dalawang nauna, mukhang mababait ang mga sumunod na makilala niya. They made her feel welcome. Ang ibang asawa o girlfriend ng ibang member ay gusto pang sa kanya ipa-train ang mga kabayo ng mga ito.

Sumaglit siya sa restroom. Paglabas niya ay nakaabang na sa pinto sina Liztine at Amy. “So what did you do to our Eiji?” tanong ni Amy.

“Your Eiji?” Pag-aari ba ng mga ito si Eiji? “I am sorry. Hindi ko kayo…”

“You are that smelly horse trainer!” anang si Liztine at dinuro siya. “Ang lakas ng loob mong lumapit kay Eiji. Dapat kami ang kasama niya at hindi ikaw.”

“Matagal kong pinaghandaan ang pagbalik sa riding club para mai-date ulit si Eiji. Tapos ikaw lang ang ipapalit niya sa amin?” nakataas ang kilay na sabi ni Amy at ipinaypay ang palad sa mukha. “My, my, what’s happening to this riding club? Kung sinu-sino na lang ang nakakapasok dito na wala namang karapatan.”

“So back off, ambitious horse trainer,” anang si Lizette at itinulak siya sa braso. “Eiji Romero is ours. Kahit sino sa amin basta wag lang ikaw.”

Di siya makahuma sa dalawa. Pwede siyang makipagbangasan ng mukha sa mga lalaki pero di siya nakikipag-away sa mga babae. Ayaw din niya ng gulo. Oras na patulan niya ang dalawa, si Eiji ang mapapahiya.

“Girls, may problema ba kayo sa ka-date ko?” nakahalukipkip na tanong ni Eiji na nakatayo lang sa likuran. Hindi niya napansin ang pagdating nito. Marahil ay natagalan ito sa pagbabalik niya kaya sinusundo na siya.

“W-Well, we are just orienting her regarding some of the rules in the club,” Amy uttered casually. Ito ang unang nakabawi sa pagkabigla.

“And what is that rule?” Eiji asked with slitted eyes.

“She has no right to mess up with our man.” Lumapit si Liztine kay Eiji. “Anong ginawa niya sa iyo? Tinakot ka ba niya para I-date ka. Poor Eiji!”

Iniwas ni Eiji ang mukha nang tangkang hahaplusin ni Liztine. Nang ibaling nito ang mukha ay madilim na iyon. Noon lang niya nakitang sumama ang timplada nito. Parang di siya sanay na makita itong nagagalit. “Looks like you are the one who needs orientation, girls.” Hinapit ni Eiji ang baywang niya. “You have no right to mess up with my date. You have no right to call Keira a smelly horse trainer. Kung walang tulad niya, baka dinambahan na kayo ng mga kabayo dito. The horse club runs because of hard working people like her. At kung may problema kayo dahil siya ang ka-date ko, sa akin kayo magreklamo.”

Pagak na tumawa si Liztine. “B-Binibiro lang naman namin siya.”

Nanatiling madilim ang mukha ni Eiji. Wala itong planong tumanggap ng biro. “Oras na guluhin pa ninyo si Keira o pagsalitaan ng di maganda, di na kayo makakatapak pa dito sa riding club. The warning goes to everyone.”

Eiji pulled her away. He was walking with angry strides. Sa halip na bumalik sa mesa niya ay hinatak siya nito papunta sa wooden walkway na siyang nagdudugtong sa wooden porch ng Lakeside Café at wooden dock sa tabi ng lake.

Pinigilan niya ang kamay nito dahil siya ang hinihingal sa bilis ng lakad nito. “Eiji, tumigil ka muna. Hindi mo naman kailangang gawin iyon sa kanila.”

“At wala rin silang karapatan na guluhin ka. They should know their place.”

“Siguro gusto ka lang nila at nagseselos sila.”

“Hindi ko naman sila gusto. They had their chance when I dated them before. What a pity that I dated them once. I swear! Oras na may gumulo pa sa iyo…”

“Gaano ba kadami ang naka-date mo? Para naman malaman ko kung ilan ang aasahan kong magko-confront sa akin at iiwasan ko sila para walang gulo.”

Bumuntong-hininga ito. “Oo na. Marami na akong naka-date. May naging girlfriend din ako sa kanila. Pero wala na akong balak I-date sila ulit. They had their chance then. HIndi ko sila ginugulo kaya huwag din nila akong guluhin.”

“Don’t worry. Di kita guguluhin kapag may iba kang ka-date.”

Ihinarang nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya at kumapit sa wooden rail. Animo’y nakakulong siya habang titig na titig ito sa kanya. “Sino naman ang may sabi sa iyo na plano kong makipag-date sa iba?”

“Tapos na tayong mag-date, di ba?”

“Are you trying to get rid of me?”

Umiling siya. “I am just realistic. Kung makakahanap ka ng ibang babaeng gustong I-date, walang problema sa akin. Hindi naman kasi ako ang katulad ng mga ibang babaeng naka-date mo na. They are beautiful and…”

Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. “And you are more beautiful than them. Hindi mo rin sila katulad kaya nga ikaw ang gusto kong kasama. Kung anuman ang sinabi nila sa iyo, huwag mong papansinin.”

“Hindi naman ako naapektuhan sa sinabi nila.” Ngumiti siya at tinapik ang pisngi nito. “Pero salamat sa pagtatanggol mo sa akin. Ngayon lang may nagtanggol na lalaki sa akin. Kaya nga gagalingan ko pa lalo ang pagtatrabaho para di ka mapahiya.”

Bumagsak ang mga kamay nito. “Trabaho na naman? How about me?”

“You will have my eternal gratitude.”

“Eternal gratitude lang?” dismayado nitong tanong.

“Ano ba ang gusto mo?”

Umurong ito at iniwas ang tingin. “Wala. Ihahatid na kita sa lodge dahil baka pagalitan ulit ako ni Doc Tamara kapag late ka nang umuwi.”

What’s wrong with eternal gratitude? What else does he want from her? Kaya rin ba niyang ibigay kung hihingin man nito sa kanya?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.