Sakit agad ng latay sa likod ni Keira ang naramdaman niya paggising. Sa isa pang guestroom sa villa siya itinuloy nito. Doctor Kester, riding club’s resident doctor, put her under sedation. Pakagamot sa kanya ay gusto sana niyang umalis agad para makausap si Monica subalit ayaw ni Eiji. Di na siya makatutol nang bigyan siya ng sedative at nakatulog.
Nakaupo ito sa tabi ng kama habang hinahaplos ang buhok niya. “Huwag ka munang maggagalaw. Magpahinga ka muna.”
Nakatagilid siya dahil di niya maaring ihiga ang likod. “I am okay. Parang kagat lang naman ng langgam ang sakit.” At pilit siyang ngumiti. Ayaw na niyang alalahanin pa siya ni Eiji. Sanay naman siya sa sakit.
“With that ugly gash at your back, milyon-milyong langgam siguro ang kumagat sa iyo.” Ginagap nito ang kamay niya. “Huwag ka nang magtangkang bumangon dahil ipapa-sedate lang ulit kita.”
Bumangon siya. “Eiji, nasaan si Monica?”
Tumiim ang anyo nito. “Ipinahatid ko na pabalik sa Manila. She is banned from the riding club.”
“Bakit naman?” nag-aalala niyang tanong. Gustong-gusto pa mandin ni Monica sa riding club. At pangarap rin nitong makasama si Eiji.
“Hindi ko desisyon iyon. It is the riding club management’s decision, Reid himself. Mahigpit na patakaran sa riding club na manakit ng kabayo. Kahit sa training ninyo, maximum tolerance ang ginagawa ninyo. Nadoble pa ang kasalanan niya dahil sinak tan ka rin niya. Rules are rules.”
“Hindi na ba siya mapapatawad?” Malaking kahihiyan para kay Monica na ma-ban sa riding club. Naaawa siya para sa pinsan.
Bumuntong-hininga ito. “Hindi iyon ganoon kasimple, Keira. Everything was caught on camera. Mahigpit ang pagmo-monitor sa mga kabayo dito. If there is an animal abuse, the penalty is applied right away. Na-monitor sa camera sa stable ang ginawa ni Monica. Kaya nga itinawag sa akin mula sa control center ang nangyari. Bumalik agad ako dito at naabutan kong pati ikaw sinaktan niya.”
“Nagalit lang siya dahil biglang nagwala si Serenity. Akala niya tama lang na turuan niya ng leksiyon si Serenity sa ganoong paraan,” depensa niya kay Eiji. Gusto niyang mabawasan ang galit nito kay Monica.
“Stop justifying what she did. Matagal ka nang horse trainer. Hindi kailangang gumamit ng dahas kapag tinuturuan sila ng leksiyon.”
“Hindi naman horse enthusiast si Monica. Muntik na siyang mamatay at akala niya iyon ang paraan para gumaan ang loob niya.”
“At hindi na gagaan ang loob ko sa kanya. Mali na saktan niya si Serenity.” Lumamlam ang mata nito nang kintalan siya ng halik. “Mas lalong mali na saktan ka niya. Iyon ang hindi mapapatawad ni Reid. At lalong di ko iyon mapapatawad.”
“Eiji, aksidente lang iyon.”
“Aksidente o hindi, sinaktan ka pa rin niya,” giit nito. Isinubsob nito ang mukha sa buhok niya. “Nang makita kong sinaktan ka niya, parang namatay ako sa kinatatayuan nito. I can’t bear to see you hurt.”
Nang tumingala siya ay misty ang mata nito. Umiiyak ito para sa kanya? Ibinaba niya ang tingin at hinayaang itago ang mukha nito sa buhok niya. Ganoon ba katindi ang pagpapahalaga ni Eiji sa kanya?
“I am not really hurt. Hindi nga masyadong masakit.”
Mahigpit siya nitong niyakap. She had a feeling that he wanted to crush her. “I could really strangle her for hurting you. You are the person I cared for the most.”
“Huwag ka nang magalit kay Monica. Pinsan ko naman siya,” lambing niya.
“Hindi ako papayag na may manakit sa iyo kahit siya na lang ang nag-iisa mong kamag-anak. Kung sasaktan ka niya, mabuti pang di ka na niya makita kahit kailan,” matigas nitong wika. “Ayokong masasaktan ka.”
Nakangiti niyang ipinikit ang mata. Nararamdaman niya ang sincerity ni Eiji. He wanted to treat her like a porcelain doll. Kahit anong sabihin niyang di siya nasaktan ay di ito nakikinig. Bumuntong-hininga siya. Di na niya ito kinontra pa. Kung ito man ang makikita niyang masasaktan, iyon din ang gagawin niya.
“Naawa ako kay Monica. She must be hurting right now,” usal niya.
“Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya.”
“Pero kamamatay pa lang ni Uncle. Baka ano pa ang mangyari sa kanya. Ayokong may masamang mangyari sa pinsan ko.”
“This is from the girl who could throw a mean punch and tame the wildest horse. Masyado kang malambot pagdating kay Monica.”
“She’s the only relative I’ve got. Ulila na ako. Ulila na rin si Monica. Wala na siyang ibang babalingan kundi ako lang.” Kahit na sinaktan pa siya ng pinsan niya ay magpinsan pa rin sila. Iintindihin pa rin niya ito at tatanggapin.
“Mukhang hindi ka niya nakikita tulad ng tingin mo sa kanya. She uses you whenever it suits her. Akala mo siguro di ko napapansin na pinaglalapit mo kami. Iyon ang gusto niyang mangyari, hindi ba?”
Yumuko siya. “Gusto ka niyang makasama habang nandito sa riding club. Pinagbigyan ko lang siya. Wala namang masama, hindi ba?”
“Walang masama? Akala tuloy niya may gusto din ako sa kanya. Don’t put me on the spot again. Kaya laging matalim ang tingin niya sa akin kapag binabanggit kita. She is a spoiled brat. Huwag mo na siyang kunsintihin.”
“Gusto ko lang maramdaman na may nagmamahal sa kanya.”
Ikinulong nito sa palad ang pisngi niya. “Sa palagay mo ba naa-appreciate niya ang pagmamahal mo? Alam kasi niyang napapaikot ka niya. Wala na siyang inisip kundi ang sarili niya.”
“She’s in love with you.”
“I don’t think that is love. Huwag mo na siyang ipilit sa akin. Wala akong planong magmahal ng ibang babae.”
“Will you forgive her?” she asked then kissed his chin.
“Is that small kiss a bribe?”
“No. I just want to show you that I feel better now.”
“You really won’t stop!” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Kahit ano pang sabihin mong okay ka, di basta basta mawawala ang galit sa dibdib ko. Nakita ko kung paano ka niya hampasin ng latigo sa mismoang harapan ko. Di iyon maalis sa isip ko. Dahil nang masaktan ka, mas nasaktan ako. Sinaktan niya ang babaeng mahal ko. Ako na lang sana ang sinaktan niya kaysa sa iyo.”
Niyakap niya ito. “Hindi na kita pipilitin kung hindi ka pa handang patawarin siya. Pero payagan mo naman akong kausapin siya. Please?”
“Ayoko! Baka ano pang gawin niya sa iyo. What if she lashes out her anger on you again? I swear, I will kick her out of your life forever.”
“I will be fine.” Itinaas niya ang kamay. “Promise.”
Umiling ito. “Wala akong tiwala sa pinsan mo. I don’t want to take chances.”
“Okay na ako.” Kinabig niya ang ulo nito at pinagsanib ang labi niya.
Eiji kissed her passionately. Naramdaman niya ang matinding pangungulila nito sa kanya pati na rin ang pag-aalala nito. And there was this emotion that he wanted to protect her when he slowed down the kiss. She never thought that she could read all those emotions with just a single kiss.
Nakangiti na siya Eiji nang maghiwalay ang labi nila. “Mukhang magaling ang gamot ni Doc Kester. Magaling ka na nga.”
Malapad ang ngiting isinagot niya. “Ibig sabihin pwede ko na siyang makita?”
“Sige. Pero kapag magaling ka na.”
Niyakap niya si Eiji. Alam niyang sa huli ay di rin siya nito matitiis. Lagi pa ring nangingibabaw ang pagmamahal nito sa kanya. Sana ay dumating na rin ang pagkakataon na masasabi na niyang mahal niya ito nang walang pipigil sa kanya.
“ARE YOU sure you are okay on your own? Baka kailangan pa kitang samahan sa taas,” tanong ni Eiji habang mahigpit na hawak ang kamay ni Keira. He didn’t want to let her go. Dapat ay aakyat na siya sa condo ni Monica. Pero ayaw pa rin siyang payagan ni Eiji na umalis siyang mag-isa.
Tinapik niya ang kamay nitong may hawak sa kanya. “Eiji, alam ko na nag-aalala ka sa akin pero kailangan ko itong gawin nang mag-isa. This is just between me and Monica. I hope you will understand.”
Mahigpit siya nitong niyakap. “Fifteen minutes. I will give you fifteen minutes. Kapag hindi ka pa bumalik, pupuntahan na kita sa condo niya.”
Nanlalamig ang kamay niya nang nag-doorbell. Tiniyak ng receptionist sa condo na naroon lang si Monica. Ilang araw na daw itong di lumalabas ng condo.
Si Monica mismo ang nagbukas sa kanya. Mugto ang mata nito, gulu-gulo ang buhok at nakayapak. She was far different from the glamorous Monica she knew. “Anong kailangan mo sa akin?”
“Pwede bang mag-usap tayo?”
Naglakad ito palayo subalit hinayaan nitong nakabukas ang pinto. Magulo ang condo nito. Nagkalat ang basyo ng bote ng alak sa sahig at pati upos ng sigarilyo.
“Anong gusto mong pag-usapan? Matapos kitang pagkatiwalaan, ganito pa ang gagawin mo sa akin? Pinsan kita pero inagaw mo si Eiji. He was mine from the start. Nakita mo naman siya sa party ko, hindi ba? Pero pinilit mong lumapit sa kanya para maagaw mo siya sa akin.”
“Alam mo na siya ang sumunod sa akin, Monica. Iniwasan ko naman siya noon. Siya ang sumunod sa akin. Kung may problema ka dahil ako ang gusto niya, sa kanya ka magreklamo. I didn’t ask for his love.”
Pinahid nito ang luha. “Bakit puro na lang ikaw? Walang nagmamahal sa akin.” Umupo ito sa carpet at niyakap ang tuhod. “Ano ba ang mayroon sa iyo at lahat na lang ng taong gusto kong magmahal sa akin, ikaw ang mahal?”
“Hindi totoo iyan.” Paano nitong nasabi iyon? Marami nga itong mga kaibigan. Isa pa ay masaya na ito sa mundo nito. Anong kaiinggitan nito sa kanya?
“Si Eiji at si Papa pati na rin ang mga tao sa paligid mo. Lahat sila ikaw ang gusto. Ang mga trabahador sa rancho, mataas ang respeto sa iyo. Tinatrato ka nilang isa sa kanila. Nang pumunta ako sa riding club, nararamdaman ko na ikaw ang gusto ng mga tao. And I was treated like one of those bitches. Itinulad nila ako sa mga groupies na naghahabol sa mga members ng riding club.”
Kung ganoon ay nakaramdam pala ng inferiority si Monica. Tingin kasi niya dito ay perpekto na ito. Na mataas ang tingin nito sa sarili at siya ay karaniwan lang sa tingin nito. Di siya pwedeng dumikit dito dahil nasisira ang magandang imahe nito. Pero sa nakikita niya, parang nag-iisa lang si Monica.
“Mahal ka ni Uncle Felipe. Ginawa niya ang lahat para sa iyo. Paano mo naman nasabing mas mahal niya ako?”
Pinalis nito ang luha. “Hindi. Ikaw ang gusto niyang kasama. I asked him to give up the ranch. Pero ang sabi niya, masaya ka kapag nasa rancho ka. Kapag nawala ang rancho, malulungkot ka. Kaya ibinenta ko ang rancho para di na kita makitang masaya. Pero sa halip na malungkot ka, dumating pa si Eiji. Matagal ko nang gustong mapansin ng katulad niya. At kung kailan may pagkakataon na ako, saka niya sasabihin sa akin na ikaw ang mahal niya?” Itinulak siya nito. “Sige nga! Ano ba ang ginagawa mo para ikaw ang mahalin nila?”
“Wala akong ginagawa!”
“Iyon ang nakakainis!” Dinuro siya nito. “Wala ka namang ginagawa. I did my best to be beautiful. Oo. Sinasabi nilang maganda ako. Pero hanggang doon lang iyon. Bakit wala silang maibigay na pagmamahal sa akin? I am better than you. What is wrong with me? Bakit hinayaan kitang agawin sila sa akin?”
“Hindi ko sila inagaw sa iyo.” Tinabig niya ang kamay nitong nakaduro sa kanya. Sawang-sawa na siya sa paninisi nito sa kanya. Di siya mahal nito bilang pinsan. Isang kakompitensiya ang tingin nito sa kanya. “Alam mo kung anong problema sa iyo? Masyado kang naka-focus sa sarili mo. Gusto mong solohin ang lahat ng pagmamahal at atensiyon ng mga tao sa paligid mo.”
“Sinasabi mo bang selfish ako?”
“Oo. Selfish ka! Ginagawa mo lang kung ano ang alam mong magpapasaya sa iyo. Ni hindi mo kino-consider ang kaligayahan ng iba. Hindi ko kasalanan na hindi ibenta ni Uncle ang rancho noon. Mahal niya ang rancho. At dahil minahal niya ang rancho, mahal ko rin iyon. Pero hindi mo nakita iyon. Gusto lang naman ni Uncle na mahalin mo ang rancho gaya ng pagmamahal niya. Masyado kang mataas. Gusto mo abutin ka ng mga tao sa pedestal mo. And it won’t work that way. Di iikot ang mundo sa iyo. May sariling ikot ang mundo.”
“Wala akong pakialam sa ikot ng mundo. Dapat ako ang mahal ni Eiji at hindi ikaw. Mapapatawad pa kita kung aalis ka sa buhay niya. Hayaan mo na kaming maging masaya. Hayaan mo nang ako ang mahalin niya.”
Kinuyom niya ang palad at bumilang ng sampu. Kung naging lalaki lang si Monica ay kanina pa niya ito sinapak para matauhan. She was the ultimate selfish bitch. Paano niya hinayaan ang babaeng ito na palungkutin ang buhay niya? Ito ba ang babaeng sinasabi niyang nag-iisa niyang kamag-anak?
Tama si Eiji. Ginagamit lang siya nito kung kailan siya nito kailangan.
“I am sorry, Monica. Wala akong planong layuan si Eiji. At kahit layuan ko pa siya, di mo rin siya mauutusang mahalin ka. You cannot force a person to love you. Kusa iyong ibinibigay at nararamdaman. So stop being a brat! Grow up!”
Sumilakbo ang galit nito at itinulak siya palayo. “Go away, bitch! I hate you! I really, really hate you. Ayoko nang makita ka pa! You ruined everything for me!”
“No! Ikaw ang sumira sa sarili mo. Hindi ka naman marunong magmahal. Sarili mo lang ang mahal mo.” Natigilan ito sa pagtulak sa kanya nang malapit na siya sa pinto. “Mahal pa rin kita dahil pinsan kita. Hindi matutuwa si Uncle na ganito ang nangyayari sa atin. Tayong dalawa ang nag-aaway. Pero hindi mo na ako mapapaikot sa mga palad mo. Kapag tanggap mo na ang pagkakamali mo at kaya mo na akong mahalin bilang pinsan mo, saka tayo mag-usap. Maghihintay lang ako.”
Naiwan niyang tulala si Monica. Paglabas niya ay naroon na si Eiji at niyakap siya. “Are you okay? Hindi ka ba niya sinaktan?”
“I am okay. Let’s go home.”
Sa palagay niya ay sapat na ang nagawa niya para kay Monica. Di na niya kailangan pang baguhin ang isip nito. Ito lang ang makakabago sa iniisip nito. Ngayon ay kailangan na niyang harapin ang buhay niya nang walang takot kasama si Eiji. Kaligayahan naman niya ang iisipin niya.
“MADAMI ulit stars ngayong gabi, no? Sana ganito na lang lagi,” sabi ni Keira at itinaas ang kamay na parang inaabot ang mga bituin. Nakahiga siya sa kandungan ni Eiji habang nasa wooden dock sila. Her wounds were now healed. Makakabalik na rin siya sa trabaho niya. Maibabalik na ulit niya sa normal ang buhay niya.
“Ako rin gusto ko lagi lang ganito. Iyong wala kang trabaho at wala kang iniisip kundi ako lang. Naalagaan kita nang di ka kumokontra,” nakangiting wika ni Eiji. “Mas maganda ka talaga kapag sumusunod ka sa akin.”
Pinisil niya ang ilong nito. “Parang sinabi mo na magpalatigo na naman ako para mapasunod mo ako sa iyo.”
Tumawa ito. “Silly. Siyempre ayoko nang masaktan ka.”
“Excited na akong bumalik sa trabaho. Nami-miss ko na ang mga alaga ko. Dinalaw ko nga kanina si Surreal. Nagmamakaawa na si Jay-R na bumalik ako dahil sa akin lang daw siya sumusunod. Nagpapahabol na naman kasi siya.”
“Karibal ko na naman ang mga kabayo mo.”
“Huwag ka nang magselos. Mas guwapo ka naman sa kanila.”
Matagal na sandali siya nitong pinagmasdan. “Magpakasal na tayo.”
“Ha? Hindi pa nga kita boyfriend tapos gusto mo kasal na agad?”
Nagulat ito. “Di mo pa ba ako boyfriend? Alam na ng buong mundo na ikaw ang girlfriend ko. Sinabi ko noong nakaraang interview ko, ah! Tapos ilang beses mo na ring pinagsamantalahan ang katawan ko…”
Nagpakawala siya ng upper cut. Mabuti na lang at maliksi si Eiji at nakailag. “Anong pinagsamantalahan ang katawan mo?”
“Halik ka nang halik at yakap ka nang yakap sa akin. Hindi pa pala kita girlfriend. Paano naman ang dangal ko?”
“Hindi pa kita boyfriend kasi di ko naman sinabing mahal kita.”
Lumungkot ito. “Hindi mo ako mahal? Akala ko naman…”
Kinintalan niya ito ng halik. “I love you, Eiraun Jimuel Romero.”
Bigla itong nagtatalon at nagsisigaw sa tuwa. “Yahoo! Sinabi na niya sa akin na mahal niya ako. Nag-I love you na si Keira.”
Mabilis niyang tinakpan ng palad ang labi nito. “Ano ba? Huwag kang maingay. Baka mamaya anong sabihin ng mga tao. I love you lang, nagwawala ka.”
Kinabig nito ang baywang niya. “Anong I love you lang? Coming from you, it was the best thing I’ve ever heard. Mahal mo talaga ako?”
Tumango siya. “Oo. I don’t just appreciate you as a man. Ikaw lang din ang una at nag-iisang lalaking mahal ko. You made me feel special. You made me feel like a woman. Habang parang lalaki ang tingin sa akin ng iba, naiparamdam mo pa rin na mahal mo ako nang di ko binabago ang pagkatao ko.”
“Because you are special enough, woman enough for me. Hindi mo kailangang ibahin ang sarili mo para tanggapin ng ibang tao. It is your personality that makes people love you. Ayan! Mahal mo na ako. Will you marry me?”
“Kanina pa iyang marriage proposal na iyan. Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong na iyan ngayon?”
Nagkibit-balikat ito. “Nagtatanong lang naman ako. Di ako namimilit.”
“I would love to marry you but not now. Gusto kong maayos muna ang relasyon namin ni Monica. Ayokong wala siya kapag kinasal tayo. Saka kare-regular ko pa lang sa trabaho. Hayaan mong I-enjoy ko muna siya.”
“Yes. Hindi kita kailangang madaliin.” Niyakap siya nito. “What’s important is that we love each other. Tutulungan din kita na magkaayos kayo ni Monica.”
“Thanks, Eiji.” Tumingala siya. “I guess you are the reason why the stars always shine so bright for me.”
“But you sure shine brighter.”
Their eyes met and their lips followed. She didn’t wish for someone like Eiji. Natutuwa siya na dumating ito sa buhay niya kahit di niya hinihiling. Because of him, she started wishing for love and forever. And she knew that it was granted.