Attorney Jenevie Escudero was satisfied with her life. Isa siya sa pinakabatang abogado sa bansa na nagsisimulang gumawa ng pangalan. Sa trabaho na umikot ang mundo niya. Pero nang malagay sa panganib ang buhay niya, her ex-boyfriend took over her life and shanghaied her to the Stallion Riding Club.
Ibang Rolf na ang kasama niya. Nagmistulang bingi na ito sa utos niya. Di tulad dati na isang tingin pa lang ay nanginginig na ito.
Now she wondered why he took her to his haven. Did he want to get even because she dumped him before? Or he was trying to change her heart and make her fall for him again?
Umugong ang malakas na palakpakan sa loob ng regional trial court kasabay ang protesta ng kabilang panig matapos ideklara ng hukom ang pagkilala sa karapatan ng tribong Maracabe sa ancestral land ng mga ito. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Attorney Jenevie Escudero. Simula pa lang ng paglilitis ay alam niyang iyon na ang magiging resulta ng kaso. Mananalo sila.
Nag-iiyakan ang mga pinuno ng tribo nang yumakap sa kanya. “Maraming salamat po sa pagtatanggol ninyo sa amin, Attorney. Di po namin sukat-akalain na maibabalik pa sa amin ang lupain namin.”
“Para sa inyo talaga ang lupaing iyon, Apo Akame. Pag-aari po iyon ng mga ninuno ninyo at dapat lang na mapunta iyon sa inyo at maipamana ninyo pati sa inyong mga anak.”
Ang Isla Maracabe na nasa Karagatang Pasipiko ang tahanan ng tribo. Tahimik na namumuhay ang mga ito bilang mga simpleng mangingisda at mangangahoy sa bundok.
Isang araw ay dumating ang mga tauhan ni Don Arnulfo Fortalejo. Inangkin nito na pamana daw ng magulang nito ang naturang isla. Marahas na itinaboy ang tribo sa tahanan ng mga ito sa dalampasigan. Gagawin daw iyong world-class resort. Maging ang mga sagradong lugar ng mga ito ay sinira din ng mga tauhan ni Don Arnulfo. Sinumang lumaban ay papuputukan ng baril. Walang nagawa ang mga miyembro ng tribo dahil wala namang pinag-aralan ang mga ito.
Isa sa mga misyonerong nagpupunta sa tribo nagdulog sa kanya ng problema. Tinanggap niya agad ang kaso. Di mahirap patunayan para sa kanya na peke ang papeles ni Don Arnulfo na umaangkin sa ancestral domain ng mga Maracabe. Sa tulong ng iba pang non-governmental organization ay napatunayan nilang tunay na sa mga Maracabe ang isla.
“Natatakot pa rin po kami sa mga tauhan ni Don Arnulfo, Attorney,” wika ni Apo Haruno, isa pa sa pinuno ng tribo. “May mga sandata po silang nakamamatay. Paano po kung tuluyan na nila kaming patayin?”
“Hindi po. May mga militar nang magbabantay sa isla. Titiyakin din nila na maaalis ang lahat ng gamit at tauhan ni Don Arnulfo doon. Tutulungan din po nila kayo na muling ibalik ang dati ninyong tahanan,” paliwanag niya.
Noong una pa lang ay nag-isyu na ang korte ng temporary restraining order para itigil ang anumang ginagawang istraktura sa isla. At ngayon ay tuluyan na iyong matitigil. Malaking kaparusahan kung lalapit pa ang sinuman sa tauhan ni Don Arnulfo sa isla. Malaya nang makakapamuhay ang mga Maracabe tulad ng dati.
“Maraming salamat po, Attorney.”
Walang kangiti-ngiti na lumapit sa kanya si Attorney Magamundo, ang abogado na nakalaban niya sa kasong iyon. Matanda na ito at kilalang abogado. Pawang mayayaman ang mga nagiging kliyente nito. Noong una ay nagyayabang ito na wala pa itong kasong naipatalo. Ngayon ay mayroon na.
“We are not yet through, Attorney Escudero. We will file this case to the Court of Appeals or even to the Supreme Court just to win.”
Matamis siyang ngumiti. “By all means do so, Attorney. Pero isa-suggest ko sa kliyente ninyo na kumuha na lang at bumili ng ibang isla sa mas legal na paraan. Huwag na siyang mangamkam ng pag-aari ng ibang mga tao. Perhaps I will see you in court again, Attorney,” aniya at inilahad ang kamay.
Tinalikuran lang siya nito. Di matanggap ang pagkatalo. Di siya natatakot sa mga banta nito. Ipinaglalaban niya ang alam niyang tama. Naniniwala pa rin siya na may hustisya sa bansa para sa mga mahihirap. At sa krusadang pinili niya, alam niyang marami pa siyang masasagasaan.
Kinamayan siya ng kasamahang abogado na si Attorney Lennard Agustin. Kasamahan niya ito sa Crusade Against Violence and Injustice. Nag-observe ito sa hearing niya kaya ito nandoon. “Matinik ka talaga, compañera. Isang abogado na namang de kampanilya ang pinauwi mong luhaan. Sinira mo na ang record ni Attorney Magamundo. Congratulations!”
“Hindi naman ako ang importante dito. Mas importante na naibalik na sa mga Maracabe ang lupain nila. Masyado kasing minamaliit ng iba ang mga cultural minorities. Palibhasa akala nila mal-edukado. Tayo na lang ang makakatulong para manatili sa kanila ang ancestral lands nila. Kaya kahit saan pang korte maghabol ang Don Arnulfo na iyan at kahit sino pang abogado ang iharap niya, di ako uurong.”
Naging scholar siya ng Crusade Against Violence and Injustice noong college. Mga biktima ng pang-aabuso at kadalasan ay mahihirap ang nagiging kliyente nila.
Tumulong-tulong na rin siya sa organization at na-expose sa iba’t ibang klase ng mga kaso estudyante pa lang siya. Naitanim na niya sa puso niya na nais niyang tumulong sa mga nangangailangan. Nang makasama siya sa top five bar examiners ay maraming law firm ang gustong kumuha sa serbisyo niya. Pinili pa rin niyang manatili sa organization.
“This calls for a celebration!” deklara nito.
“Salamat na lang. Marami pang trabahong naghihintay sa akin sa opisina.”
Pumalatak ito. “All work and no play? Twenty-eight ka na. When I was your age, may baby na kami ni Dawn. Hindi ko kaya ang ginagawa mo na sobrang seryoso. Naku! May date pa pala kami ni Misis.”
Ngumiti siya. Sampung taon na itong kasal pero hanggang ngayon ay sweet na sweet pa rin ito sa asawa. Daig pa nga ng mga ito ang bagong kasal. “Hay! Sana lahat ng lalaki katulad mo. Hindi nambababae.”
“Playboy ako bago ko nakilala si Tess. Tumino lang ako dahil sa kanya. Ikaw, ba ka gusto mo ng ka-date. May pinsan si Tess na single at mabait.”
“Marami pa akong importanteng gagawin kaysa makipag-date. Salamat na lang.”
Ibinuka nito ang mga kamay. “Go and save the world then. Basta time out muna ako diyan. Pero kung kailangan mo ng ka-date, sabihin mo lang sa akin.”
Hindi siya interesado sa mabait. Once in her life, she was more attracted to reformed playboys. Mas masarap magmahal ang mga ito kapag tumino.
Huminga siya nang malalim. Dati iyon. Pinili na niya ang buhay niya ngayon. Ang buhay na walang pag-ibig. Sagabal lang iyon sa trabaho niya. Mawawalan siya ng focus. And Lennard was right. She was out to save the world.
ALAS DIYES na dumating si Jenevie sa opisina niya sa Crusade Against Violence and Injustice. Galing siya sa breakfast meeting kasama ang iba pang miyembro ng organization. Dahil sa pagkakapanalo ng kaso nila sa tribong Maracabe, dumagsa ang nagbigay ng donasyon sa kanila at humihingi ng tulong sa kaparehong kaso. Maganda ang exposure na nakuha nila sa media kaya nakakuha iyon ng public awareness. maging ang ibang mga non-governmental organization ay gusto ring magbigay ang assistance sa kanila.
“Good morning, Ma’am,” bati ng sekretarya niyang si Reihina.
Nakasunod ito pagpasok niya sa private office niya. “May natanggap ba akong tawag? What is my schedule for today?” tanong niya nang di ito nililingon. Agad niyang binuksan ang laptop computer niya para mag-check ng emails.
“Ma’am, may nagpapabigay po sa inyo,” anito sa nanginginig na boses.
Nang iangat niya ang tingin ay may hawak itong isang bouquet na black rose. Kinuha niya ang rosas mula sa nanginginig nitong kamay. “Sige na. Ako na ang bahala dito,” aniya sa pormal na boses.
Binuksan niya ang card na kalakip niyon.
Attorney Escudero, tigilan mo na ang pagiging pakialamera mo kung ayaw mong dalawin ka na lang sa sementeryo.
“How inspiring,” usal niya at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho.
Di na siya tinatablan ng mga death threats. Natutuwa pa siya dahil ibig sabihin ay maraming takot sa kanya. Mas masidhi ang kagustuhan niyang makatulong sa iba kaysa intindihin ang mga banta sa buhay niya. Walang mangyayari kung magpapatakot siya.
“Busy?” narinig niyang tanong sa kanya.
Paglingon niya sa pinto ay nakatayo si Rolf Guzman. Nahigit niya ang hininga. Tuwing nakikita niya ito ay di niya iyon maiwasan. He was a sight to behold. His slightly long wavy hair was hanging just above his shoulder. He was thirty years old now. Filipinong-Filipino din ang kulay nito dahil sa paglalagi sa ilalim ng araw. He was almost six feet with a perfect nose and tempting lips. Isa tingin pa lang, manginginig na ang tuhod ng kahit sinong babae.
He was into car dealership. Dati itong racecar driver. He gave up his passion when he asked her to marry him. And she turned him down flat. Di na ito nakikipagkarera pa. Naka-focus na lang ito sa pagiging miyembro ng prestihiyosong Stallion Riding Club kung saan mayayaman at sikat lamang na lalaki ang nagiging miyembro. And Rolf was one of the most celebrated members of the club. Magkaiba at malayo na ang buhay nila sa isa’t isa.
Ilang buwan na ba niya ito nang huli niyang makita? Maliban sa occasional na paglabas nito sa diyaryo at magazine kasama ang iba’t ibang magagandang babae ay madalang na silang magkita. Hangga’t maari ay iniiwasan niya.
“Masyado yatang mataas ang araw dito sa opisina ko,” tukoy niya sa sunglasses na suot pa rin nito hanggang ngayon.
Tinanggal nito sunglasses. Then he massaged the bridge of his nose. “Sorry. Late na akong nakatulog dahil may party kagabi sa riding club.”
She pressed the intercom. “Rei, a cup of black coffee please.”
Umupo si Rolf sa harap niya. “Anong coffee iyon?”
“Kona coffee.”
Napapitik ito. “My favorite. That’s sweet of you. Hanggang ngayon di mo pa rin nakakalimutan ang paborito ko. Pinaghandaan mo pa ang pagbisita ko.”
“Excuse me! Hindi ko alam na dadating ka ngayon.”
“Maybe you are wishing that I’d come. Kaya nag-stock ka ng kape para I-serve mo sa akin pagdating ko.” Dumukwang ito at pinisil ang pisngi niya. “Thank you, dear. You are really an angel.”
Tumalim ang tingin niya nang gamitin nito ang endearment na ginamit sa kanya dati. Rolf was her first and only boyfriend. They met during college when she was taking up Political Science. Noong una ay ayaw niya dito dahil nayayabangan siya dito at ubod nang playboy. Pero nagbago ito para sa kanya. Tatlong taon din niya itong naging boyfriend.
Until they broke up five years ago. Isa siya sa mga tinututukan di lang sa UP Law School kundi maging sa foundation nila. Malaki ang naitutulong niya sa mga abogado para maipanalo ang kaso. Nakakasama na rin siya sa mga tumatanggap ng death treats. Pinapili siya ni Rolf kung ang trabaho niya o ang relasyon niya. Mas pinili niya ang trabaho niya.
“Galing ang director namin sa Hawaii kaya nag-uwi siya ng Kona. Don’t get any illusion that I am still carrying a torch for you. Saka bakit basta ka na lang dumating dito nang hindi nagse-set ng appointment?”
“Di uso iyon sa akin. Baka takasan mo pa ako.”
Pinagsalikop niya ang mga palad. “What do you want from me?”
He smiled sweetly. “Nagustuhan mo ang flowers na padala ko?”
“Flowers?” tanong niya at itinaas ang bouquet ng black roses. “Ito ba ang flowers na tinutukoy mo?”
“Damn!” bulalas nito at inagaw ang bulaklak mula sa kanya.
“Rolf, akin na iyan!” aniya at tumayo.
Parang wala itong narinig at binasa ang nakasulat sa card. Nilukot nito ang card at namumuhing pinagmasdan ang itim na rosas. “Siguro dahil ito sa pagkakapanalo mo sa kaso kahapon. Pero hindi sa akin galing ito.”
“Alam ko,” kaswal niyang sabi.
“Dapat I-report natin ito sa mga pulis.”
“Cool down, Rolf. This is nothing.”
“Pinagbibintangan ka ngang patayin. Wala lang sa iyo?”
“Maniwala ka naman sa mga duwag na iyan. They can’t harm me.”
“Paano kung bomba na ang isunod nilang ipadala sa iyo?”
Nagkibit-balikat siya. “Eh, di thank you.”
He gritted his teeth. Kahit kasi ano pang scenario ang ikwento nito ay di siya apektado. “Nasaan ang bulaklak na bigay ko?” pasigaw nitong tanong at dumungaw sa desk ni Reihina. “Rei, may nai-deliver ba kanina dito na isang basket ng assorted flowers? Iyong para kay Evie!”
Abot-tainga ang ngiti ni Reihina nang ipasok ang basket ng mga bulaklak. “Sorry, Sir Rolf! Nakalimutan ko po kasing ibigay.”
“Dapat ito ang ibinigay mo. Not this trash. Masisira lang ang araw ni Evie dahil sa mga iyan. Mabuti pa itapon mo na lang ang mga iyan,” utos ni Rolf.
“Huwag! Ipapa-frame ko pa iyan.” Inilahad niya ang palad. “Akin na!”
Humarang agad si Rolf pagitan nila ni Reihina. “Huwag mo sabing ibigay.”
Di tuloy alam ni Reihina kung sino ang susundin sa kanila. Inabot na lang nito ang bulaklak kay Rolf. “Bahala na po kayo diyan. Babalik na ako sa trabaho ko.”
“Jenevie, why are being so stubborn about this?” Rolf asked.
“Because you are fretting over the stupid flower.”
“I am not fretting over the flower. Naiinis ako dahil hindi mo iniintindi ang mga death threat sa iyo. Dapat nagre-report ka na sa pulis, nanghihingi ng escort at pinapa-check ang security para di ka nila ipahamak. Kung gusto mo magpapakuha ako ng bodyguards para sa iyo…”
Namaywang siya. “Rolf, stop acting as if you are still my boyfriend.”
Natigilan ito. “Hindi na ba?”
Ngumiti siya at tumango. “Yes! Five years na.”
Ibinaba nito ang tingin. “Sorry. I was carried away.” Galit ulit ito nang humarap sa kanya. “Ikaw kasi! Nakakainis ka! Matigas ang ulo mo. Ikaw na nga ang inaalala pero parang balewala sa iyo.”
“I appreciate the concern. Thank you. You have nothing to worry about me. Mag-iingat naman ako. Pang-ilang death threat na iyan pero wala pang nangyayari sa aking masama. And if worse comes to worst, I know how to protect my self.” Marunong siya ng martial arts at pati paghawak ng baril.
“Hindi iyan ang gusto kong marinig sa iyo,” anito sa madilim na mukha. “Mas gusto kong sabihin mo na susundin mo ako.”
“You know that it won’t happen. Not in this lifetime.”
Naglaban ang mga mata nila. Alam ni Rolf na kahit kailan ay di niya isusuko ang trabaho niya at ang lahat ng panganib na kaakibat niyon. Minsan na siyang pinapili ni Rolf. Kung trabaho niya o ang pagmamahalan nila. Pinili niya ang una at pinalaya ito.
Sa huli ay ito rin ang sumuko at iniwas ang tingin sa kanya. “If that is what you want…” Ibinalik nito ang bulaklak sa kanya. “Sana hindi na lang ako nag-alala sa iyo. Nai-cancel ko pa mandin ang date ko para I-congratulate ka.”
“Tawagan mo ulit. I am sure hindi iyon tatanggi.”
Napanganga ito. Walang epekto sa kanya kahit na may ibang babae sa buhay nito. Break naman na sila. “Ikaw nga sana ang yayayain ko! Kaso busy ka naman kaya aalis na lang ako.”
“Mag-enjoy ka sa date mo,” aniya at kumaway.
Tumigil ito sa paglakad at humarap ulit sa kanya. “Wait. I forgot something.”
“What is it?”
He grabbed her waist and claimed her lips in a passionate kiss.