Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 125

It came all of a sudden. Parang tornado ito na basta na lang siyang tinangay. She was swirling with sensation. She just opened her lips to accept his kiss. Kusa ring yumakap ang kamay niya sa leeg nito. It has been a long time since they last kissed. And she was responding to him in a way like they never kissed before. Ni hindi na siya nakapag-isip niya. She just responded on what her body dictated.

She just looked at him dazedly when their lips parted. And he had that victorious smile in his lips that had just claimed his prize. “If you change your mind about us, you know where to find me,” he whispered.

Napasandal siya sa desk niya nang bitiwan siya nito. Parang nilindol siya ng intensity nine sa Ritcher scale. Di pa rin nagbabago ang epekto ng halik ni Rolf sa kanya. Gusto sana niya itong habulin para sabihin na wala itong karapatan na halikan siya dahil break na sila. Pero paano niya gagawin iyon kung naestatwa siya?

Pumasok ng kuwarto si Reihina at ikinaway ang palad sa mukha niya. “Ma’am, okay lang kayo?”

Napakurap siya at ibinigay ang black roses dito. “Itapon mo na ito. Sa susunod na may ganyan pang dumating, itapon mo na rin,” aniya at bumalik sa harap ng laptop computer habang kinakalma ang sarili.

“Iyong bigay ni Sir Rolf itatapon din po ba? Akin na lang.”

“Hindi pwede.” Iwinaksi niya ang kamay. “Bumalik ka na sa desk mo.”

Sinulyapan niya ang bulaklak na bigay ni Rolf nang makalabas si Reihina. Nawala ang pagod niya sa iba’t ibang kulay ng bulaklak. Matapos ang kung anu-anong banta sa kanya, masarap ang pakiramdam na makatanggap ulit ng bulaklak galing kay Rolf. She sighed. She didn’t understand why he was acting as if he was still her boyfriend. As if he had the right to hold her and kiss her . At may karapatan ba siyang maging masaya nanghalikan siya nito at bigyan ng bulaklak?

Sumandal siya at huminga nang malalim nang maalala ang halik nito. Nararamdaman pa rin niya ang labi nito sa kanya. Kahit na tatlong taon na silang hiwalay, di pa rin nawawala ang epekto nito sa kanya.

It was like a curse. Rolf Guzman had branded her – body and soul. Ang akala ng lahat ay wala na itong epekto sa kanya. But she knew better. He had a claim on her. Dahil ito lang ang may kakayahang kumontrol sa puso niya.

“NAKU, Ate Evie! Kung makikita mo lang kung paanong dumikit ang Champagne na iyon kay Kuya Rolf. She’s like a leech. Sinasabi pa niya sa akin kung saan sila magpapakasal at isasama pa daw niya ako sa entourage. Hindi rin naman siya ilusyunada, di ba?” sintir ni Illyze, ang nakababatang kapatid ni Rolf at matalik na kaibigan naman ng kapatid niyang si Jenna Rose.

Nasa fashion boutique siya ni Jenna Rose. Nagpapagawa ng gown si Illyze habang siya ay dumadalaw lang. Parang kapatid na rin ang turing niya kay Illyze. Nasanay na siyang makinig sa mga sentimyento nito sa buhay. Pero wala itong bukambibig tuwing magkikita sila kundi ang reklamo nito sa mga babae ni Rolf.

“Walang masamang mangarap. Libre iyon,” aniya at habang binabasa ang article sa isang women’s magazine tungkol sa breast cancer. Mas interesante sa kanya ang isyu na iyon kaysa sa mga babae ni Rolf.

“I don’t want to be a part of it! Minsan lang naman silang nag-date ni Kuya pero kung umasta siya parang magpapakasal na sila.” Napangiwi ito. “Ewww! Kinikilabutan talaga ako kapag naiisip ko. It gives me creeps.”

Kinuha ni Jenna Rose ang sukat ng waistline nito. “Paano nga kung magpakasal sila? Wala ka namang magagawa, di ba?”

“Kung magpapakasal man sila ni Kuya, malamang pinikot niya o kaya kinulam,” sintir pa rin ni Illyze. “At ipapa-salvage ko muna siya o kaya ipapatapon ko sa malayong isla sa Pacific Ocean para di niya guluhin ang buhay ni Kuya. Ayokong magkaroon ng sister-in-law na walang brain cells.”

“Ano bang sister-in-law ang gusto mo?” tanong ni Jenna Rose.

“Siyempre si Ate Evie lang. Siya lang ang bagay kay Kuya. Matalino, smart, maganda at siya lang ang babaeng sineryoso ni Kuya.”

Nilingon niya ito. “And I also dumped him. Alam mo naman kung bakit di ko na pwedeng balikan ang Kuya Rolf mo, di ba?”

Bumagsak ang balikat ni Illyze. “Yes. Pinapili ka niya sa trabaho mo at sa kanya at trabaho mo ang pinili mo.”

“Do you think I deserve your brother after I did it?” she asked Illyze.

Nagkatinginan sina Jenna Rose at Illyze. Nagkibit-balikat lang ang una. Wala rin naman magagawa kahit ang pamilya niya nang hiwalayan niya si Rolf.

“Hindi mo na ba bababalikan si Kuya Rolf? Isang salita mo lang doon, magkukumahog na iyong bumalik sa iyo,” anang si Illyze.

“Bakit pa niya ako babalikan? Marami namang babae na naghahabol sa kanya. Kabi-kabila ang idine-date niya. Ang mga babaeng iyon, ibibigay sa kanya ang lahat ng atensiyon na gusto niya. And it has been five years. Wala na kaming epekto sa isa’t isa.”

Illyze looked at her with narrow eyes. “Are you sure? Wala nang epekto sa iyo si Kuya Rolf kahit na halikan ka pa niya?”

Mabilis siyang tumalikod. “Kahit maghubad pa siya sa harap ko.”

Ayaw niyang makita nito ang pamumula ng mukha niya. Mabuti na lang at sanay siyang kontrolin ang boses. HUwag lang sana siyang hahamunin ni Illyze sa totoong buhay. Tiyak na matatalo siya. Isang halik pa lang sa kanya ni Rolf, paniguradong manginginig na ang tuhod niya. At kung maghuhubad man si Rolf sa harap niya, tiyak na tuluyan na siyang mawawala sa sarili.

“Sabi ko sa iyo abnormal si Ate Evie,” wika ni Jenna Rose. “Siya lang yata ang babae na di tatablan kapag naghubad si Kuya Rolf.”

“Mabuti pang tumandang binata na lang si Kuya Rolf kaysa naman sa ibang babae lang siya mapunta. Baka malahian pa ng di kanais-nais na lahi ang lahi namin. Hindi talaga ako papayag!” anang si Illyze at humalukipkip.

“Oo nga. Sayang ang lahi ninyo,” sang-ayon ni Jenna Rose.

“Kahit ba ikulong natin si Kuya Rolf at Ate Evie sa isang kuwarto, sa palagay mo wala pa ring epekto sa kanila?” suhestiyon ni Illyze.

Nanlaki ang mata niya at tumayo. “Hoy! Magsitigil nga kayong dalawa. Subukan lang ninyong gawin iyan at ipapatapon ko kayo sa crocodile infested na ilog! HIndi na ako natutuwa sa inyo!”

Nagtataka siyang pinagmasdan ng dalawa. “Okay ka lang, ‘Te?” tanong ni Jenna Rose. “Akala ko ba wala nang epekto sa iyo si Kuya Rolf kahit na maghubad pa siya sa harap mo? Bakit nagpa-panic ka diyan?”

Natigilan siya. “Ano… hindi na maganda ang sinasabi ninyo, eh!”

Kilala niya ang dalawa kapag nagplano. Ang mga ito ang madalas na mag-set up ng date nila noon si Rolf. Nang nakawan siya ng halik ni Rolf, napilitan siyang sagutin ito para sagipin ang kanyang puri.

Nanunuksong ngumiti si Illyze. “Uuuyyy, nagba-blush si Ate Evie. Ngayon na lang ulit kita nakitang nag-blush.”

Sinapo niya ang pisngi. “Blush on lang iyan!” Mabilis niyang hinablot ang bag niya. “Aalis na ako. May pag-aaralan pa akong kaso. Next week na ang hearing ko.”

“Ate Evie, may ipinabibigay pala si Kuya Rolf sa iyo,” habol ni Illyze.

“Ano na naman iyan? Tigilan na ninyo ang katutukso sa akin, ha?” aniya at pinanlakihan ito ng mata. Nawawalan siya ng kontrol basta si Rolf ang pinag-usapan.

“Invitation lang naman para sa birthday niya,” sabi nito at inabot ang black envelope sa kanya. Sa isang buwan na iyon.

“HIndi pwede. Busy ako,” aniya sa malamig na boses.

“Ay!” malungkot nitong usal. “Sabi niya kapag di ka daw sumama, gagawin daw ulit niya iyong ginawa niya nang huli kayong magkita.”

“Ano?” bulalas niya. Nagtayuan ang balahibo niya nang maalala kung paano siya halikan ni Rolf. She was nailed. Alam ni Rolf ang kahinaan niya.

“Ate, anong ginawa ninyo ni Kuya Rolf nang huli kayong magkita?” inosenteng tanong ni Jenna Rose.

Hinablot niya ang invitation mula kay Illyze. “Wala!”

Wala talagang balak si Rolf na patahimikin siya. Matagal na silang hiwalay pero di pa rin siya makatakas dito.

Huminga siya nang malalim nang makapasok sa loob ng kotse niya. Calm down, Jenevie. She was a calm and cool lawyer. Di siya dapat nagpapadala.

Sinulyapan niya ang invitation sa birthday ni Rolf. Di siya pupunta doon. Ano ngayon kung magbanta ito? Kahit pa halikan ulit siya nito. She would be ready for his onslaught. She would resist him this time.

JENEVIE politely nodded to everyone in the room. Wala siyang planong pumunta sa charity ball na iyon kundi lang dahil sa imbitasyon ng Mama ni Rolf na si Jassmine.

“Proud na proud ako sa iyo nang ipakita sa TV ang pagkakapanalo mo sa kaso para sa mga tribal group, hija. I told my friends that you are like my daughter.” Hinaplos nito ang buhok niyang nakalugay nang mga oras na iyon. “Bagay na bagay talaga kayo ng anak ko, hija.”

Kahit na hiwalay na sila ng binata ay nanatili pa rin ang pagiging malapit niya sa pamilya nito. Ang problema ay nobya pa rin ni Rolf ang tingin ng mga ito sa kanya. Na parang balewala kung break na sila ni Rolf at may idine-date nang iba ang binata. Hindi naman niya ito makontra.

“Tita, baka may makarinig. Nakakahiya naman po sa ka-date ni Rolf,” mahina niyang usal at pinagdikit ang mga labi. Nakita na kasi niyang papasok ng ballroom ng hotel si Rolf at may nakaabrisyeteng babae.

Nasapo ni Jassmine ang noo. “Oh! I told him not to bring a date. Nakakahiya naman sa iyo, Evie. Pagsasabihan ko ang batang iyan.”

“No!” Umiling siya. “Hayaan na po ninyo siya.” Baka mamaya ay isipin pa ni Rolf na nagseselos siya dito.

Bahagyang itong kumalma at awtomatikong ngumiti nang lumapit si Rolf at ang ka-date nito. Humalik ito sa pisngi ni Jassmine. “Hello, Ma!” Nagulat ito nang makita siya. “Evie! I didn’t know that you are coming.”

“Ipinasundo ko siya kay Mang Inggo,” tukoy ni Jassmine sa driver nito. “Hello! Hijo, ipakilala mo naman sa kami sa ka-date mo.”

“Rhoda, my mom, Jassmine Guzman. And this is Attorney Jenevie Escudero, a dear friend.” Parang naghe-hesitate si Rolf sa gagawing introduction sa kanya. “Ma, Evie, this is Rhoda Leocadio.”

“Hello, Mama!” bati ni Rhoda at humalik sa pisngi ni Jassmine.

Jassmine tried her best not to look so horrified. Unang pagkikita pa lang kasi ay tinawag na itong Mama. Di na siya nagtaka. May bago na namang ka-date si Rolf at hindi ito ang babaeng nagpaplano ng kasal dito noong nakaraan. Mas matindi ito dahil Mama na rin ang tawag nito kay Jassmine.

“Nice meeting you, Miss Leocadio,” pormal na wika ni Jassmine. “Are you related to the late Don Pociano Leocadio?”

Lumungkot ang mga mata ni Rhoda. “He is my late husband.”

“Oh!” usal ni Jassmine.

She knew who Rhoda was. She was the Black Widow. Sa tantiya niya ay nasa mid-twenties pa lang ito at pinakasalan nito si Don Ponciano dalawang taon na ang nakakaraan. Rhoda used to be a nobody. She didn’t come from the elite society. She was branded as a gold digger. Ilang buwan matapos ang kasal ay namatay si Don Pociano sa car accident. Hula ng marami ay kagagawan ni Rhoda.

Jassmine must be horrified that Rolf was dating her.

“Hija, gusto mo bang ipakilala kita sa mga amiga ko? It is nice to involve yourself with charity works,” anang si Jassmine nang makabawi. “It is really rewarding. Magkakasundo tayo kapag involve ka sa charity, hija.”

“Really, Mama?” excited na sabi ni Rhoda. Mukhang gustong-gusto nitong ma-please si Jassmine.

“Rolf, why don’t you dance with Evie while I introduce Rhoda to my friends?” suhestiyon ni Jassmine at hinatak si Rhoda palayo bago pa makatutol.

“Your girlfriend is dead meat,” she commented. Sa sobrang galing mag-persuade ni Jassmine ay baka mai-donate pa ni Rhoda ang kayamanan nito.

“She is not my girlfriend,” Rolf stressed. He also used that opportunity to lead her to the dance floor. “At di pa ako nagkaka-girlfriend mula nang mag-break tayo.”

“Your date thinks otherwise. Mukhang may plano na siya para sa future ninyo. Mama na rin ang tawag niya kay Tita Jassmine.”

“Hmmm…” Hinapit nito ang baywang niya. Then he pressed his cheek against her hair. “It feels good to have you in my arms.”

“Rolf, careful. Baka makita tayo ng ka-date mo.”

Hinaplos nito ang buhok niya. “I love your hair tonight. I could remember the time when you were all prim and proper with your hair in a French bun. Saka ko tatanggalin ang tali ng buhok mo. And you look like a goddess when I spread your hair on the pillow as I…”

She cut his words with a moan. Those were the days when she was out of her mind. Sa sobrang pagmamahal niya dito ay ilang beses niyang ibinigay ang sarili dito. Aminado naman siya na kontrolado niya ang utak niya pero pag-aari ni Rolf ang katawan at ang puso niya.

Iniwas niya ang mata dito. “Wala lang akong oras na ayusin ang buhok ko kaya hinayaan kong nakalugay. And let’s refrain from rehashing the past.”

“I just miss those days. Di mo ba nami-miss?”

She missed him a lot. But that didn’t mean a thing at all. May kanya-kanya na silang buhay. Wala na siyang karapatan na bumalik dito.

“Natanggap ko na ang invitation sa birthday party mo,” pag-iiba niya ng usapan. “Baka hindi ako makarating. Marami akong kasong hawak ngayon.”

Tumiim ang anyo nito. “It is just for a night. I want you to be there.”

“Ano naman ang gagawin ko doon? Ang dami-dami mong babaeng kasama. I am sure di mo mapupuna kung wala ako.”

“Malalaman ko kapag wala ka. Kapag nasa isang lugar tayo, kailan ka ba naman nagkulang ng atensiyon mula sa akin?”

Kaya nga ayaw niyang pupunta sa okasyon na naroon ito. Kahit na may kasama pa itong ibang babae, sa kanya pa rin nakasunod ang tingin nito. And he will always find a way so they could spend some time together.

“I will send a gift. Di naman kita kinakalimutan sa birthday mo.”

Hinapit pa nito lalo ang katawan nito. “Ikaw ang gusto kong regalo. You just don’t know how much I want to see you on my birthday.”

She tried to push him away. “Rolf, makikita tayo ng ka-date mo. At nakatingin na rin sa atin ang ibang tao. Baka anong masabi nila.”

“I will keep on holding you like this until you promise that you will come on my birthday,” he threatened.

Drat him. He was putting her on the spot. “Susubukan kong tapusin ang trabaho ko para makapunta ako sa birthday mo.”

“I want your word on it.”

“I can’t make a promise. Baka kasi hindi ko makapunta lalo na’t may emergency sa….”

He gave her a sensual look. “You know that I don’t take no for an answer. Ah, Jenevie! I can always find a way to divert your mind from your work. And if I do it right now, it will surely tarnish your reputation.”

Nahigit niya ang hininga nang haplusin nito ang gilid ng labi niya. He was seducing her in public. Noong nobyo pa siya nito, nagbe-behave ito sa public. Hawak kasi niya ito sa leeg. At di pa siya abogado noon.

But the situation was different from before. Di na niya ito nobyo. He was now dubbed as a notorious playboy. Isa naman siyang iginagalang na abogado. At maraming mga matang nakamasid sa kanila. She couldn’t take a risk.

“Alright! Pupunta ako sa birthday mo.” Napalitan ng tango ang sweet na music. Itinulak niya ito palayo. “Let’s go. Baka naghihintay ang ka-date mo.”

Mabilis siyang pumunta ng restroom nang umalis sila sa dance floor. Habol niya ang hininga nang sumandal sa pader ng cubicle. That was close. So close.

Five years and nothing has changed. She was not totally free from Rolf. It was a mistake to agree on attending his birthday. Ayaw na niyang maging parte pa ng buhay ni Rolf. Pero paano nga ba niya ito maiiwasan?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.