Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 127

“Ate Evie, gusto mo doon ka muna sa condo ko tumira habang nagpapagaling ka? O kaya doon ka sa Stallion Riding Club. Para naman maalagaan kita,” suhestiyon ni Jenna Rose sa kanya habang ipinagbabalat siya nito ng lanzones.

Dalawang araw na lang at lalabas na siya ng ospital. Kailangan na lang niyang ipa-check up ang sugat niya sa balikat.

“Thanks, Jen! Pero gusto ko nang bumalik sa trabaho. Saka may trabaho ka rin naman, hindi ba? Ayokong abalahin ka pa.”

Kung magsasama sila sa isang bahay, tiyak na siya na lang nang siya ang aasikasuhin nito. Gusto niyang bumalik sa normal ang buhay niya. Ayaw niya sa lahat ay nakahiga sa kama at walang ginagawa. Mababaliw siya.

“Ha? Babalik ka na agad sa trabaho? Sabi ni Doctor Suarez, huwag mong pwersahin ang sarili mo. Saka ang balikat mo…”

“Di ko siya pupwersahin. May isa pa akong kamay na pwede kong gamitin sa pagtatrabaho. I hate the feeling that I am an invalid and I can’t do anything,” she said in a frustrated voice. “Saka sino ang hahawak sa kaso ko? Maraming taong nangangailangan sa akin, Jenna.”

“Si Attorney Agustin at ang iba pang mga kasamahan mo ang bahalang mag-take over habang wala ka pa. Naiintindihan ka naman nila.”

Huminga siya nang malalim. “I just want my normal life back.”

Bata pa lang ay independent na siya. Nang magtayo ng farm ang kuya niya sa probinsiya at umuwi na doon ang mga magulang nila, siya na halos ang nagtaguyod sa kanila ni Jenna Rose. Ayaw niyang dumepende sa iba.

“Sige. Kung ayaw mong sumama sa condo ko o ayaw mong sumama sa riding club, kumuha na lang tayo ng bodyguard mo.”

Nanlaki ang mata niya. “No! Ayoko ng bodyguard.”

“Ha? Ate, muntik ka nang mamatay. Dapat nga hindi na kita tinatanong. Kailangan mo ng bodyguard.”

“I am alive. I am okay. I don’t need it.”

Humalukipkip ito. “Ate, you are not listening! You need a bodyguard.”

“Ikaw yata ang hindi nakikinig, Jenna Rose,” mariin niyang sabi. “I said I don’t need one. Kaya ko namang protektahan ang sarili ko.”

Dumilim ang mukha nito. “Kaya mo? Tingnan mo nga ang sarili mo. Nandito ka sa ospital. Bugbog ang katawan mo. May tama ka sa balikat. Hindi mo kayang protektahan ang sarili mo. Sinuwerte ka lang. Nagpapakamatay ka ba talaga, Ate? Hindi ka naman tulad ni Superman na di tinatablan ng bala. Baka bukas-makalawa, sa morgue ka na namin dadamputin.”

“Anong guarantee na safe ako sa bodyguard? Naalala mo si Kuya Franzis?” tukoy niya sa malayong pinsan nila na isang Congressman. “Wala siyang bodyguard. Paano kung traidurin ako ng bodyguard ko? Wala akong pagkakatiwalaan kundi ang sarili ko lang. Saka kaya kong depensahan ang sarili ko. Hindi ko kailangang umasa sa ibang tao para depensahan ako.”

Lumamlam ang mga mata nito. “Nag-aalala lang naman ako sa iyo.”

“Salamat pero kaya ko na ‘to.”

“Paano kung bumalik ang mga lalaking iyon? Paano kung tuluyan ka na nilang patayin? Di ka pa rin ba makikinig sa akin?”

“Mas mag-iingat naman ako.”

Nakuyom nito ang dalawang palad. “Lagi ka na lang ganyan. Pakiramdam mo kaya mo ang lahat. Paano kung nawala ka? Paano na kami? Hindi mo ba naisip kung ano ang mararamdaman nila Nanay at Tatay?” tumigas ang mukha nito. “Wala ka nga palang pakialam. Sa sobrang galing mo kasi, wala ka nang inisip kundi ang sarili mo lang. Wala ka nang pakialam sa nararamdaman namin!”

“That is not true!” Inaalala din naman niya ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Pero may sarili din siyang paniniwala na sa palagay niya ay magliligtas sa kanya.

“Ikaw siguro kaya mong harapin ang mga papatay sa iyo nang walang takot. Baka nga di ka na rin takot mamatay. Pero di kami katulad mo. Ayaw namin na mawala ka sa amin!” anito sa nanginingig na boses at lumabas ng kuwarto.

Bumigat ang pakiramdam niya nang pabalabag na sumara ang pinto. Ayaw niyang nagtatalo silang magkapatid. Naa-appreciate niya ang pag-aalala nito. Di niya iyon binabalewala. Gusto niyang makagalaw nang malaya. Iyong walang nakasunod sa kanya.

Di niya makakalimutan nang isa sa mga kaibigan niya ang piniling magtiwala sa bodyguard nito. Minahal pa nito at sa huli ay iyon pala ang mismong kalaban. Mula noon, ipinangako niya sa sarili na siya wala siyang pagkakatiwalaang ibang tao maliban sa sarili niya. It was her means of survival.

Hindi iyon maiintindihan ni Jenna Rose kahit na kailan.

Ilang sandali paglabas ni Jenna Rose ay pumasok naman si Rolf. Salitan ito at si Jenna Rose sa pagbabantay sa kanya. Pilit siyang ngumiti nang makita ito. Di siya nagpahalata na kanina lang ay nagtalo sila ni Jenna Rose.

“Dala mo na ba ang portable DVD player ko?” tanong niya. Kailangan niya iyon para panoorin ang video files na magsisilbing ebidensiya sa pangha-harass sa isa sa mga kliyente niya.

“Nakasalubong namin ni JED si Jenna Rose sa labas. Bakit umiiyak siya? Nagtalo ba kayong dalawa?”

Ibinaba niya ang tingin sa kamay niya. “Gusto kasi niya akong ikuha ng bodyguard.”

“Anong kailangang pagtalunan doon? Your life is in danger. You need protection. Hindi ka pa rin ba nadadala sa nangyari sa iyo?”

“Dagdag na problema lang ang bodyguard.”

“Kung iniintindi mo ang bayad, ako ang sasagot. Ilang bodyguard ba ang kailangan mo? Apat? Lima?”

She let out a slow breath. “Hindi ko kailangan ng bodyguard.”

“I insist!” Inilapit nito ang mukha sa kanya. He was visibly mad at the moment. “Isipin mo naman ang mga parents mo. Di nila alam ang nangyari sa iyo. Paano kung patay ka na? Maitatago pa ba namin sa kanila?”

“I will find other better ways to protect myself.”

“You are not in the position to protect your self at the moment.”

She rolled her eyes heavenward. “Katawan ko ito. Ako ang nakakaalam kung saan ako mas komportable. Ayoko ng guwardiya na bubuntot sa akin kahit na saan ako pumunta. Isa pa, di ako sigurado kung kaya akong protektahan ng bodyguard na kukunin ninyo. Hindi ako madaling magtiwala.”

“Mas mabuti nang may proteksiyon kaysa nasa vulnerable position ka. Kung wala kang bodyguard, parang inengganyo mo pa ang mga papatay sa iyo para gawin kang target. Abogado ka pero parang di ka nag-iisip.”

Matalim niya itong sinulyapan. “Rolf, I can’t stop death. Kung oras ko na, oras ko na. Kahit tambakan mo ako ng sanlibong bodyguard, mamatay ako kung mamamatay ako. And besides, I don’t miss much in my life. I don’t even have to worry about dying a virgin. Thanks to you, it’s not a problem anymore.”

Umawang ang labi nito. He was startled by her brave front. “Wala ka na bang ibang plano sa buhay? Mag-asawa? Magkaanak?”

“I am happy with my life the way it is.” Kung mag-aasawa siya at magkakaanak, parang isinuong rin niya ang buhay ng mga ito sa panganib. Sa klase ng trabaho niya, mahirap para sa kanya ang magkapamilya.

“Pero masaya ba ang mga tao sa paligid mo sa pambabalewala mo sa nararamdaman nila? Namin? Jenna Rose is right. Sarili mo lang ang iniisip mo.” Lumayo ito sa kanya. “Now I am starting to believe that you are not capable of loving anybody except your self. Now I learned my lesson. There is no use reasoning with you. Sarili mo lang naman ang pakikinggan mo.”

Maingat nitong isinara ang pinto nang lumabas. Pakiramdam niya ay isinara na rin nito ang pinto ng puso nito sa kanya.

Yes, he was right. She was selfish. Sa lahat ng pagkakataon ay sarili lang niya ang pinahahalagahan niya. That she also left him for selfish reasons. Mas mabuti nang iyon ang isipin nito sa kanya para di na ito masyadong masaktan.

JENEVIE felt heavenly. Kinikiliti ang pang-amoy niya ng mabangong scent ng lavender. It was her favorite scent. Lalo pa niyang isinubsob ang mukha sa unan. Malayo iyon sa nakasanayan niyang amoy sa ospital na ilang araw niyang pinaglagian. Amoy disinfectant kasi doon. Sa wakas ay wala na siya sa ospital at pwede na siyang makatulog nang mahimbing.

“Huh!” usal niya nang may maalala.

Di pa siya kini-clear ng ospital. Ngayon pa lang ang nakatakda niyang pag-alis sa ospital – ang araw ng kanyang kalayaan.

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Faint violet ang kulay ng unan niya. She rolled and got a vision of the room she was in. It was also designed with shade of violet. Nakaka-relax dahil sa mga flower arrangement na nakalagay sa mga crystal vases. It was different from her room. Simple lang kasi ang kuwarto niya sa condo niya. White and black lang ang combination ng kulay niyon. Very practical and very serious. Unlike this one. It was too feminine. Lalong imposible na nasa ospital pa siya ngayon.

Bumaba siya ng kama. Halos bumaon ang paa niya sa malambot na Persian carpet. Pinagmasdan niya ang painting na nakasabit sa dingding. It was a landscape painting. Mt. Fuji’s view from the train. Kahit di niya tingnan ang signature ng artist ay kilala niya kung kanino iyon. It was Illyze’s handwork.

Binuksan niya ang bintana. Bumuglaw sa kanya ang maberdeng tanawin. Maraming mga puno sa paligid. Beyond the trees were acres of cultured grasses. Tanaw din niya ang Taal Lake mula doon. May ideya na siya kung nasaan siya. She was sure that she was at the Stallion Riding Club.

Nakumpirma ang hinala niya nang bumukas ang pinto at pumasok si Rolf bitbit ang tray ng pagkain. “Good morning!” Inilapag nito ang tray sa bedside table at lumapit sa kanya. “I hope you have a nice sleep.”

Napaurong siya. “A-Anong ginagawa mo dito?”

“Dinadalhan ka ng breakfast. Breakfast in bed ba ang gusto mo o dito na lang sa terrace.” Binuksan nito ang sliding door patungo sa terrace. “We have a nice view of the lake and the forest from here. It is a nice day, isn’t it?”

Maganda nga ang araw na iyon at maganda ang tanawin kumpara sa ospital. But she didn’t have time to sit back and relax.

“Nasaan ako, Rolf?” tanong niya.

“Sa villa ko sa Stallion Riding Club,” kaswal nitong sagot at sumandig sa railing. “I hope you like the guestroom. Ako mismo ang nagpa-design niyan. You like violet, right? Dati si Illyze ang nag-o-occupy ng kuwarto. Pero nasa Davao sila ngayon ni Romanov. Kahit may boyfriend na siya, di pa rin siya mapirmi sa isang lugar. Habang nandito ka, ikaw muna ang gagamit.”

Umupo siya sa kama. “Anong ginagawa ko dito, Rolf? At paano ako napunta dito? Dapat nasa ospital pa ako ngayon. Idi-discharge nila ako ngayon.” She was at the edge of hysterics. “Anong ginawa mo sa akin?”

“Wala akong ginagawang masama,” depensa nito. “Nag-suggest lang ako kay Jenna na dito ka muna sa riding club. Ako muna ang mag-aalaga sa iyo.”

“Ha? At bakit naman siya papayag na pasamahin ako sa iyo?” Anong karapatan ng mga ito para magdesisyon para sa buhay niya. Mas matanda siya kay Jenna Rose kaya wala itong karapatan na pangunahan siya.

“Mas safe ka dito sa riding club,” anito at pumasok muli sa loob ng kuwarto. “We have a very tight security. Di rin basta-basta makakapasok ang kahit sino nang walang permiso mula sa member o approval ng mismong owner ng riding club.”

“Hiningi ko ba sa inyo na…”

“This is also ideal for recuperation,” putol nito sa pagpoprotesta niya. “Nakaka-relax ang view. Tahimik. Kaya nang idi-discharge ka na, kinausap namin ang doctor. So he had to sedate you and we brought you here. Don’t worry. We have competent doctors and nurses here. We have state of the art medical facilities as well. Maalagaan ka dito. Hindi ka rin masusundan ng mga gustong pumatay sa iyo.”

“You planned it all behind my back,” she uttered in suppressed anger.

Nawala ang pagiging malambot ng anyo nito. “Stop talking as if we did something grave. Walang masama sa pagdadala namin ni Jenna Rose sa iyo. We have to do this to stop you from killing your self.”

“Hindi ako nagpapakamatay.”

“Hindi nga ba? Kulang na lang lumabas ka sa kalsada at yayain mo ang mga mag-a-assassinate sa iyo para paulanan ka ng bala.”

Naipadyak niya ang paa. “Ayoko dito!”

The Stallion Riding Club was not her territory. It was Rolf’s haven. At pakiramdam niya ay napaka-vulnerable niya sa balwarte nito. Ayon kay Jenna Rose, pakiramdam ng mga members ng riding club ay ang mga ito ang hari ng mundo. At di siya papayag na pangunahan siya ni Rolf. This was her life after all.

“Bakit? Anong ayaw mo dito sa riding club?”

“Lahat! Wala akong planong magbakasyon. Marami akong trabaho. Maraming taong nangangailangan ng tulong ko.”

“Kung kailangan mong magtrabaho, ipapadala natin ang mga papers dito. May fax rin at internet connection dito. Kung kailangan mong kausapin ang mga kliyente mo, may webcam dito. Mag-video conference kayo.”

That was how Rolf works. Ginawa na nitong tahanan ang riding club. At kung may mga kailangan itong asikasuhin sa negosyo ay iyon ang ginagawa nito. Ano pa ba ang maikakatwiran niya dito para makalusot?

“Magvi-video conference din ako pag may hearing?”sarkastiko niyang tanong.

“Si Attorney Agustin ang hahawak sa kaso mo habang nagpapagaling ka. But if you insist, we have to provide security for you when you leave the riding club. Sasama din ako sa iyo kapag aalis ka.” Binuksan nito ang cabinet niya. “Nandito ang lahat ng damit at gamit mo.” Inilabas nito ang laptop computer niya. “Pwede ka nang magtrabaho kung gusto mo.” Binuksan nito ang pinto ng shower room. “At kung gusto mong mag-shower, tawagin mo lang ako.”

“At bakit kailangan pa kitang tawagin?” Babantayan ba pati paliligo niya? Wala naman siyang mag-a-assassinate sa kanya sa bathroom.

“Baka kailangan mo ng assistance.”

“I think I can do things on my own. Thank you,” she said in a formal tone.

“Mag-breakfast ka na. Gusto mo subuan kita?”

She looked at him tiredly. “Kaya ko nang mag-isa. Pwede bang iwan mo muna ako, Rolf? I just want to be alone for a while.”

Nagkibit-balikat ito. “Okay. Tawagan mo lang ako sa intercom kung may kailangan ka. Nasa office lang ako.”

Gusto niyang maglupasay sa inis nang mag-isa siya sa kuwarto. She was outwitted. Natalo siya nang walang kalaban-laban. She didn’t anticipate her sister and Rolf’s action. Masyado siyang kampante na di siya kokontrahin ng mga ito sa desisyon niyang protektahang mag-isa ang sarili niya.

And now, she was at the Stallion Riding Club. She was at the mercy of Rolf. Daig pa niya ang may bodyguard nito. And he would freak her out. Makukulong siya sa lugar na iyon nang gaano katagal?

Matalim niyang tiningnan ang pagkain. Nakadama siya ng gutom. Gusto sana niyang mag-hunger strike. But it won’t work. Di siya makakaalis doon kung magpapakagutom lang siya.

She started eating the maki bread ravenously. She had to replenish herself. Kailangan niya ng lakas para sa plano niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.