Tiniyak ni Jenevie na mahigpit ang pagkakatali ng bed sheet at ng kumot. It was an effort to do so. Nakabenda pa kasi ang braso niya. Maingat siyang lumabas sa terrace dala iyon at mahigpit na itinali sa railing.
Hinintay niyang kumagat ang dilim habang binubuo ang plano sa isip. Kailangan niyang makatakas. Di siya pwedeng dumaan sa mismong pinto dahil nasa malapit lang si Rolf. Maririnig siya nito. Kailangan lang niyang makababa sa terrace gamit ang pinagbuhol niyang bed sheet at kumot. Tapos ay tatakbo lang siya sa gate. Mula doon ay maari na marahil siyang makakuha ng sasakyan na magdadala sa kanya palabas ng Stallion Riding Club.
Nanlamig ang kamay niya nang makita ang lupang babagsakan niya kung sakaling malaglag siya. Baka hindi lang braso at balikat ang ibenda sa kanya kundi ang buo niyang katawan. Sana pala ay nagpaturo siya kay Jenna Rose. She was a straight girl. Di niya ugaling magtatakas ng bahay kapag gabi. Di tulad ni Jenna Rose na mahilig sa gimmick. Sana pala ay sinubukan niyang tumakas kahit minsan.
“Kaya ko ‘to!” She wanted to be free. Pagsisisihan ni Rolf na nakipagsabwatan sa kapatid niya para manatili siya sa riding club.
Sasampa na sana siya sa railing nang tumunog ang cellphone niya. It was Rolf. That was odd. Bakit di ito sa intercom tumawag? Lumabas ba ito ng villa nang hindi niya nalalaman? Ang alam niya ay nasa kabilang silid lang ito.
Napilitan siyang sagutin ang tawag nito. “Hello!”
Kapag di niya sagutin ay baka puntahan pa siya nito sa kuwarto niya. Mahuhuli siya nito at mabubulilyaso ang mga plano niya.
“What are you doing, Evie?” malambing nitong tanong.
“Nandito sa kuwarto ko. Nakikinig ng music. Nagpapaantok.” Iniwan niyang bukas ang CD player para di ito makahalata. She faked a yawn. “Magpahinga ka na rin, Rolf. I am really sleepy. Good night.”
Io-off na sana niya ang cellphone nang magsalita pa ito. “Do you know that you will look stupid if you try to escape through the terrace with that blanket and bed sheet? I know it is a classic but it won’t look cute on you.”
Namutla siya. “What?”
Nakikita ba siya nito? Luminga-linga siya sa paligid kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib niya. Alam ba nitong tatakas siya? Paano nangyari iyon? Wala namang ibang tao sa paligid. Paano nito nalaman?
“Kung tatakas ka at maglalambitin ka diyan, di ka makakababa nang maayos. I am pretty sure that you will fall. At kung pangit ang pagkakabagsak mo, baka buong katawan mo na ang ibenda. Hindi ka naman siguro suicidal, Evie,” anito sa nanunuyang boses. He was making fun of her.
“Nasaan ka?” pasigaw niyang tanong.
”Nandito sa TV room,” kaswal nitong sagot.
Parang susugod siya sa giyera nang puntahan ito sa TV room na katabi lang ng library. Malakas niyang kinatok ang pinto. “Rolf, open the door!”
Nakangiti nitong binuksan ang pinto. “Come in.”
“Paano mo nalaman na…” Nasagot ang tanong niya nang makita ang mga TV monitors. Isa doon ay nakatutok sa terrace ng kuwarto niya. “Kinukunan mo ako ng video? Nakikita mo ang lahat ng ginagawa ko?”
“Isa sa feature ng riding club na halos lahat ng parte dito may security camera para tiyakin na safe lahat ng guest dito.”
Wala siyang masyadong ideya sa paraan ng pamamalakad sa Stallion Riding Club. Hindi naman siya interesadong pumunta doon. Kahit na may boutique ang kapatid niyang si Jenna Rose doon ay di siya naglalagi nang matagal sa riding club. Hindi siya interasado sa mundo ni Rolf at ng mga babae nito.
“Pati dito sa villa mo?” Namula siya. “Pati sa kuwarto ko?”
Kung dragon lang siya, baga bumuga na siya ng apoy. Did he do it deliberately to humiliate her?
“No. Sa terrace lang, sa hallway, sa kitchen, dito sa library at pati sa lawn. Mga lugar na pwedeng daanan ng intruders. Your privacy is safe with me. Nagkataon lang na tatakas ka at sa terrace ka dadaan kaya nakita ko. I am sorry, Evie. If you are planning to escape from me, think of some other way. Kasi hindi mo naman ako basta-basta matatakasan dito.”
“Hindi sa lahat ng pagkakataon nandito ka sa villa mo. Hindi rin sa lahat ng pagkakataon dala mo ang TV room mo,” kampante niyang sabi.
Hinawakan nito ang baba niya. “Let’s say that you can pass through the gate of my house. Pero di ka naman makakalabas ng riding club nang di mo ako kasama at walang permiso ko dahil guest kita. At mahigpit din ang instruction ko pati sa ibang members na di ka nila pwedeng ilabas ng riding club nang di ko alam. Or else their membership will be forfeited for good if not suspended.”
Napatunganga siya. Ganoon ba katindi ang kapangyarihan ni Rolf bilang miyembro doon? Alam niyang malapit ito kay Reichen Alleje, ang kapatid ng may-ari. Pero possible bang I-detain siya nito doon hangga’t gusto nito?
“You can’t do this to me, Rolf. I have my own life to live. Alam mo ba kung anong pwedeng ikaso sa iyo oras na di mo ako hayaang makaalis dito?”
Nagkibit-balikat ito. “Hindi ko alam kung kailangang kasuhan ang isang taong concern sa iyo. Kapag ba pinoprotektahan mo ang isang tao, siya pa ba ang kinakasuhan? Hindi ba dapat iyong taong matigas ang ulo at walang pakialam sa mangyayari sa kanila ang pinaparusahan?
Naningkit ang mata niya. “You don’t have a hold on me anymore. Hindi na kita boyfriend. Wala ka nang karapatan na kontrolin ang buhay ko.”
Umiling ito. “Mukhang mali yata ang sinabi mo. Noong boyfriend mo ako, hinayaan kitang kontrolin ang relasyon natin. Wala akong ginawa kundi parang tutang susunud-sunod sa iyo. And when I suggest something regarding your welfare, you dumped me instead. But you can’t dump me anymore, Evie. Hindi mo na ako boyfriend. At kahit na magalit ka pa sa akin, wala nang mawawala sa akin dahil wala na tayong relasyon.”
Sinasabi ba nito na wala siyang kapangyarihan na utusan ito kahit na sarili niyang buhay ang pinag-uusapan? “You don’t even have to bother yourself with me. Wala na tayong relasyon. Iyong mga babae mo na lang ang asikasuhin mo. Kung mamatay man ako, di ko na problema iyon…”
Nagdilim ang mukha nito. She stopped talking when he pushed her to the wall then he trapped her with his arms braced on either side of her. “Ulitin mo ang sinabi mo? Hindi ko na problema iyon? Hindi ako kasing unfeeling mo na walang pakialam sa nararamdaman ng iba.”
“Unfeeling na ako kung unfeeling. So just let me go.”
She had never seen him this mad before. Sa kanilang dalawa ni Rolf, siya ang madalas na mang-intimidate. But with the intensity and fire she could see in his eyes, he was starting to scare her. Parang pinipigilan lang nito ang sarili para pilipitin ang leeg niya.
“Oras na magpilit ka pa ring umalis…”
Matapang niyang sinalubong ang mga mata nito. “Ano? Babantaan mo na naman ako? What? You will kiss me? Seduce me? Go ahead! Pero pagkatapos noon, pakawalan mo na ako. I have my own life to live away from your control.”
Matapang siya. Kahit sa kay Kamatayan ay di siya natatakot. This was just Rolf. Wala siyang oras para magpa-intimidate dito.
Mariing nagdikit ang labi nito. “Am I really that low, Evie? Sa palagay mo ba ise-seduce kita para manatili ka lang dito sa riding club? Sa ugali mo ngayon, wala naman akong pakialam kung lumabas ka at tadtarin ng bala ng mga assassins mo. Baka nga ipamigay pa kita sa kanila, gift wrapped along with the trimmings.”
“Ano?” bulalas niya. “Kung ayaw mo naman palang nandito ako, bakit pinipilit mo pa akong mag-stay dito? Just let me go and go on with your life.”
Sabi na nga ba’t sagabal lang siya sa buhay nito. Marahil ay naiinis ito sa kanya dahil di nito magawa ang mga nagagawa nito sa riding club. Di siguro ito makapagdala ng ka-date.
“Inaalala ko lang ang pamilya mo!”
Napipilan siya. Iyon ang dahilan kung bakit nagprisinta itong alagaan siya?
Umurong ito at parang hapong-hapo nang umupo sa swivel chair. “Masyadong matigas ang ulo mo. Di ka makumbinsi ni Jenna na sumama sa kanya o kaya kumuha ng bodyguard. May importante siyang fashion launch sa Milan kasama ang iba pang young designers na Filipino. Pero di siya makapag-concentrate dahil puro ikaw ang iniintindi niya. Kung aalis ka na naman, masisira na naman ang momentum niya sa pagde-design na ngayon pa lang niya nagagamit.”
Napayuko siya. Masyado ba siyang selfish at sarili na lang niya ang iniisip niya? “Hindi ko naman kayo gustong abalahin. Ayoko rin naman na mag-alala kayo sa akin. Hindi ako sanay nang inaalagaan ako. Ayoko sa sitwasyon ko ngayon. Ayokong tinatrato akong imbalido!” maluha-luha niyang sabi.
She never felt so helpless in her life. She worked so damn hard so that she had a grasp of her own life. Bata pa lang ay siya na ang nagdedesisyon sa sarili niya. Kahit nang mahalin niya si Rolf, puso lang nito ang nakontrol niya. Utak pa rin ang hinahayaan niyang magdesisyon para sa sarili niya.
Di niya matanggap na ngayon ay sunud-sunuran siya sa iba. Parang wala siyang karapatan na magdesisyon para sa sarili niya.
Niyakap siya nito habang umiiyak siya. “We only care for you. Gusto lang namin na pahalagahan mo ang pag-aalala namin. Huwag mong isipin na nakakaabala ka. Kung sa ibang tao mangyari iyon, ganoon din naman ang mararamdaman mo, di ba? You will also do something to keep them away from harm. Walang masama kung hahayaan mo ang ibang tao na alagaan ka.”
“I am sorry.” Pinunasan niya ang luha niya. “Ayokong umiyak kasi…”
“Kasi malakas ka,” dugtong nito. “Ni hindi ka rin umiyak nang mag-break tayo. This is not some sort of competition, Evie. Wala akong planong dominahan ka para ipakitang mas malakas ako sa iyo. All I care about is your welfare. I don’t want to go through that hell again. When I thought I will lose you for good.”
Tiningala niya ito. There was warmth in his eyes and it touched her heart. May pinagsamahan sila nito pero di niya alam kung gaano pa katindi ang nararamdaman nito para sa kanya. He was talking to her as if he still loved and he didn’t want to lose her.
No. She didn’t want to go through hell as well. Ayaw niyang makitang nasasaktan si Rolf dahil sa kanya.
“Rolf, I don’t really think it is wise if I stay here.”
Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Pag-isipan mong mabuti. I don’t want to force you to stay here against your will. Kailangan lang namin itong gawin dahil gusto naming tiyakin na di ka susundan ng mga papatay sa iyo. Gusto rin naming magkaroon ka ng panahon para magpagaling.”
Pumikit siya nang yakapin siya nito. She loved the feel of his arms around her. It was becoming more and more addictive. Parang ayaw na niyang umalis sa mga bisig nito. She felt safe.
Mabilis siyang lumayo dito. No! She shouldn’t feel that way. Hindi na niya ito nobyo. Mind over heart. Di na siya dapat magpadala sa emosyon niya.
“Rolf, babalik na ako sa kuwarto ko. Ibabalik ko pa ang bedsheet saka iyong kumot. Sorry nga pala. Baka nasira ko.”
Ngumiti ito at pinahid ang pisngi niya. “I don’t mind. Gusto mo ba tulungan kitang magkalas?”
Umiling siya. “No. You don’t have to.”
“Umaandar na naman ang pagiging independent mo.”
“I just want to fix my own mess. Just tonight. Let me do it on my own tonight,” aniya at nagmamadaling bumalik sa guestroom.
Malakas na malakas ang tibok ng puso niya. Pwede siyang mag-hibernate sa ibang lugar basta huwag lang kasama si Rolf. Tiyak na di papayag si Rolf kung lilipat siya sa ibang lugar. After all, Stallion Riding Club was still the safest place her.
Isa lang ang problema niya. Hindi ligtas ang puso niya. Dahil walang ligtas na sa lugar sa riding club para maiwasan niya si Rolf.
Even her own heart was in his hand.
“SORRY, sis. Hindi ko gustong sumama ang loob mo sa akin. Ginawa lang naman iyon ni Kuya Rolf kasi gusto ka naming protektahan,” hinging-paumanhin ni Jenna Rose nang tawagan ito ni Jenevie kinaumagahan. Nalaman niyang nasa Bohol na ito kasama ang nobyong si JED para makapag-concentrate sa pagde-design.
“Akala mo ba tinawagan kita para awayin?” aniya at bahagyang natawa. “Ako nga ang hihingi ng sorry. I didn’t mean to hurt you. Yes, I was insensitive and selfish. Pasensiya ka na kung may overconfident kang kapatid. Pakiramdam ko kasi hindi ako basta-basta tinatablan ng bala.”
Tumawa ito. “No. Matapang ka, Ate. Inggit nga ako sa iyo. Kung sa akin nangyari iyon, baka nagtago na ako sa lungga ng daga.”
“I have to be strong. Maraming umaasa sa akin.”
“Magpagaling ka, Ate. Para makabalik ka na sa trabaho mo. Alam ko nahihirapan ka dahil inalis ka namin sa buhay na nakasanayan mo. Temporary lang naman ito. Paggaling mo, magpahabol ka ulit sa bala,” pabirong sabi nito. “Basta tiyakin mo lang na hindi ka nila mapupuruhan.”
“Hindi talaga. Kasi ayokong ma-miss mo ako.” Gusto pa rin niyang makasama ang mga taong nagmamahal sa kanya.
“I love you, sis,” usal ni Jenna Rose.
“I love you, too.”
“Huwag mo nang masyadong aawayin si Kuya Rolf. Kung nakita mo lang sana ang itsura niya nang akala niya patay ka na. Gusto na yata niyang mag-amok para hamunin ng mano-mano ang mga papatay sa iyo. He cares for you.”
“I know.” At may kasalanan din siya kay Rolf. Minasama niya ang pagtulong nito. “Don’t worry. Magbe-behave ako.”
“Malay mo magkabalikan kayo,” tukso ni Jenna Rose.
“Hindi ako magtatagal dito,” paalala niya. “Wala akong plano na guluhin ulit si Rolf. Mas maganda ang buhay niya kung wala ako.”