Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 14

CHAPTER FOUR

“Sensei, watashi wa kore o kaudeshou, (Sensei, I want to buy this),” nakangising sabi ni Hiro habang hawak ang bago at makapal na diksyunaryo na inilabas ng University of the Philippines. Gusto daw iyong bilhin ni Hiro.

Nagpunta sila sa bookstore para humanap ng mga libro na pwede nitong basahin para mag-improve ang English at Filipino nito. May modules sila pero mas gusto niya kung magiging practikal ang ituturo niya sa binata.

Ngumiwi si Jemaikha nang makita na dalawang libo ang halaga niyon. Umiling siya at ibinalik ang dictionary sa rack. “Too expensive. Masyadong mahal.” Pumunta siya sa ibang rack at dinampot ang maliit na libro na may basic Filipino, English at Japanese translation. “Ito na muna ang basahin mo. Mas madaling matutunan. Naiintindihan mo ba ako?”

“Hai,” sagot nito at tumango. “Ito lang?”

"Now for your other training materials," aniya at hinila ang binata sa fiction section. Nagningning ang mga mata niya nang makita ang hilera ng Tagalog romance pocketbooks. "Pili ka na. Pumili ka ng gusto mong basahin."

Kumunot ang noo nito. "For you? You want to read these?"

Umiling siya. "Hindi para sa akin. Para sa iyo." At itinuro ito.

"P-para sa akin? Nande?" naguguluhang tanong nito na parang kakatwa na gagamitin niya ang romance novel para sa leksyon nito. "Will we talk about about love? Tuturuan mo ako kung paano magmahal?"

Napanganga siya. "Ha? Anong sinasabi mo?"

"Are you an expert on love, sensei?"

Dumampot siya ng isang pocketbook at binasa ang teaser. "This is a contemporary novel. If you want to learn how the usual Filipinos speak, how they express themselves, read this. This is a very cheap read. Mas mabilis kang makaka-pick up dito dahil sa dialogues. Mamili ka na ng gusto mo. Magkakaroon tayo ng reading session mamaya."

"Hai, sensei," usal nito at atubiling dumampot ng isa. Binasa nito ang back cover. "Inakit ni Jovita si Clarence para saktan ang kapatid nito..."

Inagaw niya bigla ang libro dito habang namumula ang pisngi. "Huwag iyan!" aniya at ibinalik agad ang libro sa rack. "Rated SPG. Hindi pambata."

"Hindi na ako bata," protesta ng lalaki at dinampot ulit ang libro. "What is inakit anyway?"

Napanganga siya at nablangko. "Ahhh... iyon na lang mas magaan-gaan na kwento. Wag heavy." Bumuga siya ng hangin. Di pa niya kakayanin ang ganoon ka-intense na usapan. Bata pa rin siya. "Ako na ang pipili para sa iyo. Rom-com is better. O kaya ‘yung teen fiction."

At nanginginig ang kamay niya na kumuha ng panibagong libro na may wholesome na cover at di mukhang dudugo ang ilong niya sa pagka-sensual. Bakit ba niya naisip iyon? Naalala niya ang isang senior sa kanya na nagsabi na Tagalog pocketbooks ang ipinapabasa nito sa mga estudyante at mabilis daw maka-pick up ang mga ito dahil ang dialogue na ginagamit ng karakter doon.

Siya naman ang tutor nito. Siya ang magga-guide dito kung anong parte ang babasahin nito at hindi kasama ang Rated SPG doon. Baka hindi rin iyon makasama sa Japanese vocabulary niya.

Matapos mamili ng limang maninipis na pocketbook na mukhang wholesome, idinala na niya iyon sa counter. Nagtaka siya nang makitang wala si Hiro sa likuran niya. Di nagtagal ay bumalik ito dala ang counter na dala ang makapal na dictionary.

"I am committed. I want to be a good student," sabi ng binata. “Di ka laging nandiyan para turuan ako.”

Tumango na lang siya at hinayaan ito. Pera naman nito ang ipambibili niyo. "Ang sarap siguro ng buhay ng nabibili mo ang lahat ng gusto mo," usal niya at huminga ng malalim.

"What do you want to buy, sensei?" tanong ng lalaki.

Gulat niya itong nilingon. "Ha?"

"I'll buy it for you to make you happy."

Umiling siya. "No. I don't think that is appropriate."

Alam niya na may mga galanteng estudyante o magulang ng estudyante pero di talaga komportable doon. Pareho lang silang estudyante ni Hiro. Di tama na gastusan siya nito. Wala namang espesyal na okasyon gaya ng birthday o Pasko kaya nakakaasiwa na tumanggap ng regalo. Mas gusto niya na ipunin na lang nito ang pera. Mag-isa lang itong naninirahan sa bansa nang walang patnubay ng magulang. Dapat matuto ito sa tamang pag-budget ng pera.

Nagkibit-balikat ito ay ginamit ang ATM debit card. Hindi niya alam na pwede pala iyong ipambayad. Palibhasa ay wala aging laman ang ATM account niya. Pagkadeposit ng tseke para sa allowance sa scholarship niya, wini-withdraw agad niya iyon sa dami ng gastusin niya.

“Doko… saan tayo kakain, sensei?” tanong ni Hiro.

“May alam ko ako na masarap na tapsihan. Mura lang doon.”

“Tapsi?” naguguluhang tanong ni Hiro. “Can I pay with this?” Inangat nito ang debit card. “Ito na lang ang pera ko.” At naglabas ito ng dalawang daang piso.

“Sobra-sobra pa iyan sa lugaw na kakainin natin. Let’s go.”

Atubili man ay walang nagawa ang lalaki nang pumara siya ng jeep. Di kalayuan sa condo building ng lalaki sila bumaba at pumasok sa isang maliit na kainan pero malinis naman.

Sinalubong agad sila ng bading na pamangkin ng may-ari. “Hi, pogi! Ako ba ang kailangan mo? I’m Tara at your service.” Pinapungay nito ang mga mata. “Ako lang ang single dito. Libre na ang kahit anong order-in mo.”

Tumikhim si Jemaikha at humawak sa braso ni Hiro. “Oorder kami. May pambayad naman kami,” mariin niyang sabi para tigilan na ng bading ang pag-flirt sa binata. Mukha ba silang nagpunta doon para magpalibre dito.

“He’s funny,” nakangiting sabi ni Hiro.

“O! Narinig mo iyon? Funny daw ako. Type niya ako,” kinikilig pa rin na sabi ng bading.

Parang gusto na niyang hilahin si Hiro palayo pero gutom na siya. “Isang tapsi na lang. Gusto ko ng malasadong itlog. Saka malamig na Sprite.”

“Ako rin,” sabi ni Hiro.

“Copy-paste?” tanong niya.

“Nani?” tanong ng binata kung ako iyon.

“Alam mo kung ano ang tapsi?”

“Kung ano ang gusto mo, magugustuhan ko rin.”

Ipinaliwanag niya dito na ang inorder nito ay tapsilog. Sunod niyang ipinaliwanag dito ang iba pang nasa menu ng kainan. Habang naghihintay ng order ay inilabas ng binata ang pocketbook at sinimulang basahin. Hindi niya mapalakas ang basa dito dahil nasa pampublikong lugar sila.

Di nagtagal ay dumating ang order nila. “Heto na ang order mo, pogi,” sabi ng serbidor. “May girlfriend ka na ba?”

“Meron na,” sagot ni Hiro sa gulat niya at hinawakan ang kamay ni Jemaikha. “Siya ang girlfriend ko.”

“A-Ako?” nakangangang tanong ni Hiro.

“Hindi ba maganda siya?” tanong ng lalaki at nakangiti siyang nilingon.

Ngumiwi si Tara. “Di naman kami nagkakalayo ng alindog.”

“What is alindog?” tanong ni Hiro.

Iniwan sila ni Tara nang may tumawag na customer dito. Pumiksi si Jemaikha nang di pa rin binitawan ni Hiro ang kamay niya. “Hoy!” Natigilan siya nang mapansing titig na titig ito sa kanya. “Bakit ganyan ka makatitig?”

“You are so beautiful, I can’t take my eyes off you.”

Muntik nang bumagsak ang panga ng dalaga. Gusto yata siyang baliwin ni Hiro. Hindi siya handa na masabihang maganda. “B-Bakit mo nasasabi iyan?”

Talaga bang ganoon siya kaganda? Diyosa level? Pakiramdam niya ay pagkahaba-haba ng buhok niya. Pwedeng padaanan sa Shinkansen bullet train.

“Nabasa ko dito,” sabi nito at dinampot ang pocketbook sa tabi ng plato nito. “Naniwala ba siya na girlfriend kita, sensei?”

Umungol si Jemaikha. Muntik na rin siyang naniwala sa pag-arte nito. Gandang-ganda na siya sa sarili niya. Ginagamit lang pala nito ang leksyon nila.

“Sige. Kain ka lang. Paasa,” usal niya.

“Paasa?” tanong nito.

“Papasa ng patis,” sabi niya at tinuro ang condiments malapit dito. Idadaan na lang niya sa pagkain ang pagkabigo.

“MAGANDANG umaga!” masiglang bati ni Jemaikha nang pagbuksan siya ni Hiro ng pinto sa condo nito.

“Ohayou, sensei,” bati ng binata na kinukusot pa ang mata. Pupungas-pungas pa ito at halatang bagong gising. “It is just six in the morning. Di ba mamaya pang pagka-lunch tayo magse-session?”

“Hindi naman ako ang maagang dumating bilang tutor mo. Nandito ako para maglinis ng bahay at maglaba,” sabi niya at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng condo.

“Chotto, sensei!” habol sa kanya ng binata at akmang pipigilan siya pero wala na itong nagawa. “My place is dirty.”

“Kaya nga ako nandito. Parang maglinis at maglaba.” Nang kumunot ang noo ng lalaki ay ipinaliwanag ulit niya dito sa Nihongo.

“Nande?” tanong nito kung bakit.

“Kasama sa pinirmahan nating kontrata,” sabi na at inilabas pa ang papel. Bumagsak ang balikat ng binata. “First thing first. Kumain ka na ba?”

Nalukot ang mukha ng lalaki. “Not yet. I’ll cook.”

“Ako na ang bahala,” aniya at itinaas ang isang kamay nito. “Stay in your room or go to the pool while I clean the house. I will do my job. Okay?” Tumango ito. “Magbabasa ka nang malakas mamaya.”

“Hai, sensei,” masunuring sabi nito at iniwan na siya.

Inuna niya na magluto ng agahan para sa binata. Hindi naman gaanong marumi ang bahay ng lalaki. Kaya nga siya nafu-frustrate dahil kapag dumadating siya ay wala na siya halos gagawin. Nalinis at nalabhan na lahat ng lalaki.

Independent si Hiro. Kaya na nitong gawin ang gawaing-bahay nang mag-isa dahil iyon daw ang training nito mula pagkabata. Pero siyempre kailangan pa rin niyang gawin ang trabaho niya gaya ng usapan nila. Buti nga hindi ipinaalala ng binata sa kanya ang sing and dance portion gaya ng pangako niya. Wala iyon sa kontrata pero baka mainip ito isang araw at siya ang mapag-trip-an.

Fried rice, steamed dimsum at instant ramen na may gulay ang ihinain niya sa binata. Pinasabay siya nitong kumain. Hindi agad siya sumubo habang hinihintay ang reaksyon nito sa luto niya.

Nakahinga siya nang maluwag nang sunud-sunod ang subo nito. “Galing, sensei! Pwede ka nang mag-asawa.”

“Di pa ako pwedeng mag-asawa. Bata pa ako. Marami pa akong pangarap.”

“Dream? What is your dream? To marry rich? Kapareho sa heroine pocketbooks?” magkasalubong ang kilay nitong tanong.

“Hoy! Di lahat ng babae ganoon. Pero gusto kong yumaman. Di necessarily na nakapag-asawa ako ng mayaman,” sabi niya. “Gusto kong mag-aral at makatulong sa pamilya ko. ‘Yung love life saka na. Wakarimashita?”

“Hai. I respect that. Makakapaghintay ako.”

“Ha?” nakanganga niyang tanong.

Ngumisi ang lalaki. “That’s what the guy on the novel did. Hinintay niya na mapansin siya ng babae. If the guy loves you, he will wait for you.”

Tinapik-tapik niya ang balikat nito. “Ang galing mo. Naintindihan mo iyon?”

“Diday saw the book and told me about the story. The guy is a martyr.”

“Ingat ka kay Diday. Type ka no’n. Baka mapikot ka,” sabi niya bigla.

“Ano ‘yung mapikot, sensei?” nakakunot ang noong tanong nito.

“Ipapaliwanag ko mamaya. Basta kumain ka muna. Maglilinis at maglalaba pa ako.”

“Sensei, I have a question. Do you know what senpai is?” tanong nito.

Tumango ang dalaga pagkakagat ng dimsum. “Oo. Upper classman, senior, mas matanda sa iyo o mas mataas ang posisyon sa iyo sa trabaho.”

Umiling ang lalaki. “Mali.”

“Paanong naging mali? Iyon naman talaga ibig sabihin ng senpai.”

“Senpai ang ginagawa mo pagkatapos mong maglaba. You hang your clothes. You senpai.”

Natulala siya sa binata. Joke ba iyon? Parang di si Hiro ang tipo na nagjo-joke.

Nadismaya ito nang makitang wala siyang reaksyon. “Baduy? Corny?”

Nasaktan naman ang pogi. Bigla siyang humagalpak ng tawa. “Ang kulit no’n. Goumen nasai. Slow lang talaga ako. Hahaha! Senpai.”

Muling ngumiti si Hiro. “Then I’ll do the senpai later.”

Tumango na lang siya dahil wala siyang laban sa ngiti nito. Mabilis talaga ang development ni Hiro. Nagagamit na rin sa jokes ang mga matutunan na salita.

Naglilinis siya sa kusina nang marinig niya na parang may bumagsak sa kuwarto ng lalaki. Natataranta tuloy na tumakbo si Jemaikha at iniwan ang walis na hawak.

“Hiro! Hiro-san!” aniya at binuksan na lang ang pinto nang walang sabi-sabi. Naabutan niyang nakasandal ito sa gilid ng kama habang sapo ang dibdib. Nilapitan niya ito at umuklo sa harap nito. “Hiro! Hiro, anong nangyari sa iyo?”

“M-Masakit ang puso ko. Parang pinipiga,” anang binata at bakas ang sakit na dinaranas sa anyo.

Nataranta si Jemaikha. Anong nangyari dito? May sakit ba ito? Sana noon pa niya nalaman para di na niya ito hinayaang gawin ang gawaing-bahay. “H-Hihingi lang ako ng tulong, Hiro. Hang in there.”

Huminga ito ng malalim. “W-Wala na akong panahon. H-Hindi na ako magtatagal.”

Ginagap niya ang kamay nito. “D-Don’t die on me. Masasakal kita, Hiro. Sayang ang lahi mo. Juskoh! D-Don’t talk. Hanashite wa ikenai.”

Lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. “B-Bago ako mawala, gusto kong malaman mo na mahal kita.”

“Ano?” bulalas niya.

“Mahal kita.” Naku! Nagdedeliryo na ito. Kung anu-ano na ang sinasabi. Hindi ito pwedeng mamatay sa mga kamay niya.

“Basta huwag kang mamamatay. Sayang ang lahi mo,” mangiyak-ngiyak na usal niya at tumakbo palabas ng kuwarto nito.

Nagulat na lang siya nang marinig ang halakhak nito. Nang lumingon siya ay mukhang wala na itong sakit sa puso dahil sa lakas ng tawa nito.

Bumalik siya at namaywang sa harap nito. “Arte mo lang iyon?”

“Pratice lang, sensei. Nabasa ko sa pocketbook. It is more dramatic than Japanese manga. Maybe I can try another one.”

Nagtagis ang bagang niya. Kung pwede lang sipain talaga si Hiro sa inis, ginawa na niya. Pinaglalaruan lang pala siya nito, muntik na siyang atakihin sa puso. Akala talaga niya ay matutuluyan na ito. “Huwag mo nang uulitin iyon.”

“Ano? Sabihin na mahal kita?”

“Hindi! Magpanggap na patay,” bulyaw niya dito at inambaan ito ng suntok. “Lagot ka sa akin sa susunod. Lalatayan talaga kita.” Wala siyang pakialam kung hindi nito maintindihan. Ipapatikim na lang niya dito.

“Mahal kita!” sigaw nito nang palabas na siya ng kuwarto. “Mahal kita.”

Mariin na lang siyang pumikit at naglakad palayo. Akala nito ay nakakatawa ang joke na iyon. Mali yata ang desisyon niya na hasain ito gamit ng romance novel pocketbook. Napag-practice-an tuloy pati ang puso niya.

Mabubuwang na ako sa iyo, Hiro Hinata.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.