“Huh? Pardon?” anang si Khamya na parang nabingi sa sinabi ni Beiron. Di pa rin siya makapaniwala na kaharap niya ito. Kaya naman parang lumulutang pa ang utak niya at wala siyang maintindihan sa sinasabi nito.
Tumindi ang kaba niya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. She remembered the time he kissed her. Paano siya naka-survive sa panahong wala ito sa buhay niya? How could she still miss him so much?
“Darling, I said you are fired,” he said sweetly.
Maang siyang napatitig sa mukha nito. Mukhang di ito nagbibiro. Tinatanggalan siya nito ng trabaho. She had never seen him this serious. Gusto niyang magprotesta at sigawan ito pero di niya alam kung saan sisimulan. Sa nakikita niya ay mukhang mas matindi pa ang galit nito sa kanya. Di ba dapat ay siya nga ang magalit dito?
“W-Wait! Hindi mo siya pwedeng basta-basta na lang sesantehin sa trabaho,” protesta ni Tamara. “Dahil lang babae siya basta mo lang siya aalisan ng trabaho. That is so unfair!”
“This is not a gender issue,” mariing wika ni Beiron.
“Then what? Iyon lang naman ang problema ninyo dito. Ayaw ninyong maka-trabaho ang mga babae. Dr. Licerio is good. Tingnan mo muna ang credentials niya bago mo siya alisin sa trabaho,” pagtatanggol ni Tamara sa kanya.
“She worked for three years at the Philippine Biotechnology Institute. Naging research din siya sa Al Ishaq Biotechnology Research Center,” he recited. “Just tell me if I miss anything.”
“Alam mo naman pala na maganda ang record niya. Bakit basta-basta mo na lang siyang aalisin? Wala naman siyang masamang record. Ako mismo ang nag-interview sa mga referrals niya,” wika ni Tamarra.
“Hindi ko gusto na magtrabaho siya dito,” walang gatol na wika ni Beiron at itinuon ang tingin sa kanya. “At alam ni Dr. Licerio kung ano ang dahilan.”
That was not true. Di niya alam ang dahilan kung bakit gusto nitong mawalan siya ng trabaho. Kung ito ang Beiron na kilala niya dati, kayang-kaya niya itong sagut-sagutin. But she didn’t know how to handle this new Beiron. Nanghihina siya kapag kaharap ito. Di niya ito kayang labanan.
“I think Dr. Licerio is perfect for the project,” depensa ni Reid. “Maganda ang naging recent training niya sa Al Ishaq. Sayang at di niya natapos ang training niya. But I guess her knowledge is enough to start the project. I am actually dying to see her project proposal.”
“I just want her terminated,” mariing wika ni Beiron.
“She has a contract with us,” wika ni Reid. Kahit paano ay ipinagtatanggol naman siya ng boss niya. She should be thankful for that.
“I will buy that contract!” anang si Beiron.
“Hey! You just can’t buy me out!” protesta niya. Matapos ang bilihan ng kontrata ay ano? Ihahagis siya nito sa kangkungan?
Itinaas ni Reid ang kamay at natigil ang pagpoprotesta niya. “Malapit nang magsimula ang project. At di mo rin pwedeng basta-basta iutos na tanggalin siya. Ako lang ang may karapatan na tanggalin siya sa trabaho.”
Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Akala siguro ni Beiron ay kaya nitong pasunurin ang lahat. Well, definitely not Reid Alleje. May sarili itong isip. Isa pa ay ito ang may-ari ng riding club at hari doon. She felt so safe.
Naningkit ang mata ni Beiron. “Kung hindi mo siya tatanggalin, hindi na ako ang magpi-finance sa cloning project. Mapo-postpone ang project mo.”
Nagkibit-balikat si Reid. “She’s still the best person for the job. Naka-ready na rin ang proposal niya. I think she can handle it perfectly. Kung mawawala siya, mahihirapan akong humanap ng ipapalit sa kanya.”
“Ako ang hahanap ng kapalit niya. Ilan ba ang gusto mong kapalit niya? Kahit sampu kaya ko siyang palitan.”
Naalarma siya. Mukhang makukumbinsi ni Beiron si Reid na tanggalin siya. She felt so helpless. Kahit pa siguro anong protesta niya ay walang makikinig.
“Excuse me. Baka gusto ninyo kaming isama sa meeting ninyo,” pilit ang ngiting singit ni Tamara. Natahimik na kasi ang iba pang nasa kuwarto at nakikinig na lang sa transaksiyon nina Beiron at Reid. “Mamaya na kaya ninyo pag-usapan iyan. magdesisyon na lang kayo kapag tapos na ang presentation ni Dr. Licerio.”
“Are those people good enough?” patuloy na tanong ni Reid kay Beiron. Parang wala itong narinig sa sinabi ni Tamara. “Sigurado kang kaya mo siyang palitan ng sampung kasing galing niya? Dr. Licerio is very dedicated. Hindi siya madaling ma-distract. At kailan mo naman maidadala ang mga taong iyan.”
“Hoy!” bulyaw ni Tamara. Kasabay niyon ay lumipad ang sapatos nito at tumama sa braso ni Reid.
Dahan-dahan itong nilingon ni Reid. Mariin ang mga labi nito at matalim ang mata. Lahat yata sila sa silid na iyon ay natakot para kay Tamara. “Why the hell did you do that?” he asked in a calm yet deadly tone. Tahimik ang buong silid habang nagduwelo ang tingin nito at ni Tamara.
“Ah, I finally got your attention, Your Highness.” Namaywang si Tamara. “Kanina pa ako nagsasalita dito pero wala kayong pakialam.”
“And what is your problem?” iritadong tanong ni Reid.
Nalipat ang labanan. Mukhang si Reid at si Tamara na ngayon ang maghaharap. Kung maari lang sana ay tumakas na siya. Ayaw niyang maipit sa giyera ng dalawa. Ayaw din niyang tumagal pa sa kuwartong iyon kasama si Beiron. Di rin kasi niya maintindihan ang sarili kung bakit di niya ito kayang labanan. Sa halip na magalit siya dito ay parang gusto pa niya itong yakapin.
“Ikaw at ang pinsan mong insensitive tulad mo.”
“You called us insensitive?” Beiron asked with slitted eyes. Of course, his oh-I’m-so-perfect mind setting couldn’t take it.
“Totoo naman, ah! Hindi ba? You just fired Khamya. And you discuss her future infront of her as if she didn’t exist at all. Tama ba iyon?” palaban na tanong ni Khamya. Hanga siya dahil dalawang lalaki na ang kinakalaban nito. Matapang ito.
“Wala kang alam,” mariing wika ni Beiron.
Tamara sat comfortably at the swivel chair. “Then tell us about it. Magkwentuhan tayo. We have all day to listen to you.”
Mariing nagdikit ang mga labi ni Beiron. Halatang tinitimpi lang ang inis. Perhaps Tamara was the most infuriating woman he met in his life.
“Reid, can’t you handle your woman?” Beiron asked in an irritated tone.
Hinawakan ni Reid ang braso ni Tamara at pilit na pinatayo. “Halika. Mag-usap tayo sa opisina ko.”
“Teka. Magku-kwentuhan pa kami ni Beiron,” protesta nito at pumiksi.
“You don’t have all day to listen his stories. Akala mo ba natutuwa ako sa iyo? This is too much. Kailangan mo nang maparusahan.”
“Anong kasalanan ko?” inosenteng tanong ni Tamara.
“Binato mo ako ng sapatos,” galit na wika ni Reid.
Humalakhak si Tamara. “Serves you right. Kulang pa nga iyon sa iyo. Gusto mo pati isang sapatos ko ibato ko rin sa iyo para mabawasan ang kasungitan mo?”
Umangat ang gilid ng labi ni Reid. Sa isang iglap ay buhat na Reid si Tamara at isinampa sa balikat na parang sako ng bigas. Umalingawngaw ang kantiyawan mula sa mga miyembro ng riding club kasabay ng sigaw ni Tamara.
“You can’t manhandle me like this! Ibaba mo ako!” protesta nito.
“Di kita ibababa hangga’t di ka natututo ng leksiyon. Sa susunod kilalanin mo muna kung sino ang kinakalaban mo,” mariing wika ni Reid.
“T-Teka, ang sapatos ko!” wika ni Tamara habang pilit nagpupumiglas.
Inabot ng kamay ni Reid ang isang sapatos ni Tamara at ihinagis. “Mahirap na. Baka ibato mo pa ulit sa akin.”
“I hate you, Reid Alleje! I hate you!”
TULALA si Khamya nang makalabas ng conference room sina Reid at Tamara. Ngayon niya nakita kung gaano kalakas ang personalidad ng mga lalaki sa Stallion Riding Club. Kahit ang matapang na si Tamara ay walang nagawa. Ano naman kaya ang sasapitin niya kay Beiron?
“Dapat talaga na ipaghiganti tayo ni Kuya Reid. Akala ng mga babae na iyan kaya nila tayong sigaw-sigawan. Kaya lumalakas ang loob ng mga babae na iyan dahil hinahayaan sila. Akala nila magpapa-under tayo! Dapat itayo ang bandera nating mga kalalakihan. Right, men?” tanong ni Reichen, ang kapatid ni Reid.
Walang nakiayon dito. Ang ibang miyembro na naroon ay may nobya na.
“Amen,” mahinang wika ni Rolf. “Sana lang hindi ako marinig ng girlfriend ko. Tiyak na magugulpi ako ni Evie nito.
Pumalakpak si Beiron. “Okay. The meeting is over.”
Humikab si Eiji. “Mabuti naman. Dadalaw pa ako sa training arena. Wala naman akong reklamo kahit na anong project na iyan.”
Pasimple niyang nilapitan ang laptop computer niya. “Then I am leaving, Sir.”
Tumutok sa kanya ang mata ni Beiron. “Sila lang ang pwedeng umalis. You have to stay. Marami pa tayong pag-uusapan.”
Bumalik sa pagkakaupo si Reichen. “Mamaya na tayo lumabas. Masarap ang aircon dito sa conference room. Ang lamig-lamig.”
“Di pa ba kayo aalis?” pagalit na tanong ni Beiron. “May pag-uusapan kami.”
“Okay lang na dito kami, Kuya Beiron,” wika ni Reichen at prenteng sumandal sa upuan ni Reid sa head ng conference table. “Sige. Mag-usap lang kayo diyan. Hindi na ninyo kailangang mahiya sa amin.”
Mariin siyang pumikit. At makiki-tsismis pa pala ang mga ito. Lalong imposible na magkausap sila nang maayos ni Beiron.
Hinampas ni Beiron ang mesa sa tapat ni Reichen. “Aalis ka ba o kailangan pa kitang pilitin na umalis dito?”
Naumid si Reichen. “A-Aalis na kami, Kuya.”
“Alam ko na kung bakit ka nagngingitngit, Kuya Beiron. She’s pretty and she looks intelligent. Mukhang mahihirapan ka sa isang iyan,” pahabol ni Emrei na di agad lumabas ng conference room.
“I said get the hell out!” bulyaw ni Beiron.
Ilang sandaling di makapagsalita si Khamya nang sila na lang ni Beiron sa kuwarto. Maingat niyang iniligpit ang mga equipment sa presentation. Si Beiron naman ay nakasunod ang tingin sa bawat galaw niya. He was making her weak. Itinuon na lang niya ang atensiyon sa trabaho niya.
“Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan?”
“How dare you leave me just like that?” mariin nitong tanong. “Sana nagpaalam ka man lang sa akin nang maayos.”
“I was on a hurry. Busy ka noon. Pangit naman kung kay Kashmir ko sabihin dahil siya ang tumatanggap ng tawag mo.”
“Akala ko may emergency kaya basta ka na lang umalis. Nag-alala ako,” pagalit nitong sabi. “Tapos wala ka namang sinabing dahilan sa sulat. Basta ka na lang ding nag-resign sa institute nang walang kaabog-abog.”
“Napapagod lang ako. I want a new environment.”
Kailangan niyang magdesisyon agad. Dahil kapag nagkita sila ni Beiron ay baka magbago pa ang isip niya. Habang may pagpapahalaga pa siya sa sarili niya.
“Hindi mo ba kayang sabihin sa akin nang harapan?”
Bumuntong-hininga siya. “What’s the use of digging over an old issue? Ni wala kang pakialam sa akin, di ba? Ni hindi mo ako hinanap.”
“Dahil sinabi mo na ayaw mo nang magkaroon ng kahit anong kaugnayan sa akin.” Hinawakan nito ang braso niya at hinapit siya palapit. “But the case is different now. Ikaw mismo ang nagpakita sa akin.”
“Hindi ko alam na member ka dito o pinsan mo si Sir Reid o ikaw ang magiging financier ng project. Kung alam ko lang, di ako dito magtatrabaho.”
“Kung ganoon, magre-resign ka na.”
“Aalis ako kung si Sir Reid mismo ang magsasabi,” matapang na sabi niya.
“Reid will surely fire you. All he cares about is money. Kapag nag-backout ako sa project, matatagalan pa bago magawa ang project na gusto niya. I am afraid you really have to go.”
“I hate you!” Paano niya nagawang mahalin ang tulad nito?
“Oh, please don’t! Hindi ako kasing sama ng iniisip mo. Pwede ka rin namang hindi mag-resign kung gusto mo talaga dito.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “You can still have the job if you will come back to me.”
“No!” tutol niya at lumayo dito. She didn’t want to go back to that hell again.
“Think about it, Khamya,” anito at lumabas ng silid.
She was still trembling from his touch. How she missed him! At binibigyan siya nito ng pagkakataon na makasama itong muli.
Pero alam niya ang tama. At sinasabi ng isip niya na di na sila maaring magkasama pa. Subalit paano naman ang sinasabi ng puso niya?
“ANG KAPAL ng mukha niya! Babaero talaga at di siya titigil hangga’t di ka niya nabibiktima. Magpapakasal siya sa iba tapos gusto ka pa niyang gawing mistress. Ibang klase talaga ang lalaking iyon,” nanggagalaiting wika ni Tamara matapos ikwento ni Khamya ang lahat dito.
Nasa lodging house sila kung saan magka-share sila. Di niya ugaling magkwento ng buhay niya sa ibang tao. Pero dahil nasangkot na si Tamara sa gulo nila ni Beiron, napilitan siyang sabihin dito ang totoo.
“Hindi siguro siya sanay nang nare-reject. Basta na lang kasi akong umalis. Kaya siguro nagalit siya sa akin at napag-initan niya ang trabaho ko.”
“Sabi naman ni Reid pwede kang mag-stay dito hangga’t gusto mo. Kaso tiyak na ipe-pressure ka ni Beiron. Kilala ko ang ugali ng magpinsang iyon. Kung di ka aalis sa utos nila, gagawa sila ng paraan para mapilitan kang sumunod sa huli. Kaya kung ako sa iyo, magre-resign na lang ako.”
“Pero gusto ko ang trabaho ko dito.” Mate-test din kasi di lang ang mga napag-aralan at natuklasan niya kundi pati ang leadership skills niya. Magandang opportunity iyon para sa kanya.
“Gusto mo bang maging mistress?”
“Siyempre ayoko.”
“Pero ayaw mo pa ring umalis dahil mahal mo pa siya.”
Iniwas niya ang tingin dito. “Wala na akong pakialam sa kanya mula nang ma-engage siya. Gusto ko lang maging tahimik ang buhay ko.”
“Mahal mo pa nga siya,” anito at bumuntong-hininga. “If you know what is best for you, follow my advice. Iwasan mo na siya. Lumayo ka dito. Kung kailangang tumira ka buwan malayo lang sa kanya. Walang buting idudulot ang mga lalaki.”
Tumunog ang doorbell. “Ako na ang magbubukas.”
“Kapag si Reid, sabihin mo nasa buwan na ako. Ayoko siyang makita!”
Mainit ang ulo nito dahil kay Reid. Ang di lang niya maintindihan ay kung bakit di na lang ito umalis ng riding club para umiwas. Di kaya pareho lang sila ng problema? Di rin nito kayang kontrolin ang tibok ng puso nito?
Pagbukas ng pinto ay di si Reid ang bumungad sa kanya kundi si Beiron. Natigagal na lang siya. Di niya alam kung babagsakan niya ng pinto, sisigawan o yayakapin. Nakuyom niya ang palad para di niya magawa ang huli.
“Anong kailangan mo? Tatanggalin mo na ba ako sa trabaho?” tanong niya.
“Aba! At malakas talaga ang loob mo na pumunta dito matapos ang ginawa mo kay Khamya,” mataray na wika ni Tamara. “Ako ang makakalaban mo oras na pwersahin mo siyang umalis dito.”
“Gusto ko lang naman siyang makausap,” mahinahong wika ni Beiron. Wala na ang galit sa mga mata nito. Bigla itong naging maamong tupa.
Humarang si Tamara sa pinto. “Hindi pwede!”
“Kahit sandali lang. Please, Khamya!” kausapin mo naman ako.
Umalis sa pinto si Tamara at itinulak siya papunta kay Beiron. “Sumama ka sa kanya. Sayang naman. Nag-please na.”
“Teka. Akala ko ba dapat ko siyang iwasan?” paalala niya.
“Mag-uusap lang daw naman kayo. Enjoy!” anito at isinara ang pinto.