Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 142

Hindi maipinta ang mukha ni Khamya habang kaharap si Beiron. Nakatuon lang ang tingin niya sa lake. The atmosphere looked romantic at the Lakeside Café’s cottage. Pero pilit niyang isinasaksak sa isip na walang romantic sa dinner nila. She was having a dinner with her enemy.

“Khamya, about what happened this morning…”

Pinutol niya ang anumang sasabihin nito. “Wala akong balak na mag-resign. Bahala ka kung sisirain mo ang anumang project mo para lang sa isang babae. Sabi ni Sir Reid, di niya ako pipiliting mag-resign. Bahala akong magdesisyon sa sarili ko. Kaya di ako natatakot. Di ako magre-resign.”

Malakas na ang loob niya ngayon dahil pinangibabaw na niya ang galit niya. Matapos ang ginawa nitong panlilinlang sa kanya, ito pa ang galit?

“Hindi ko rin naman gusto na mag-resign ka. Alam ko na mahal mo ang trabaho mo. Nabigla lang ako kaninang makita ka.”

“Wala rin naman akong balak na bumalik sa iyo.” Kahit na nahihirapan ang loob niya, di siya magba-backdown dito.

“I am sorry?” Yumuko ito. “I know you are mad at me.”

“Natural lang na magalit ako sa iyo. Ikaw pa ang malakas ang loob na takutin ako. I was caught off guard this morning. Pero di na ako uurong sa iyo ngayon.”

He stole her heart and her sanity. Wala nang natitira sa kanya kundi ang trabaho niya. Di siya papayag na pati iyon ay mawala sa kanya.

“You got it all wrong, Khamya. Gusto kitang protektahan. Oo, nagtatampo ako dahil umalis ka nang walang paalam. I was so worried. Baka mamaya may hindi nangyaring maganda sa iyo lalo na’t nag-resign ka pati sa trabaho mo. Pero mas nag-aalala ako ngayong nandito ka sa riding club. You might not be able to handle the men here. Maraming playboy dito at baka mabiktima ka.”

Maasim siyang ngumiti. “Your concern is so touching. At gusto mo na bumalik ako sa iyo para maprotektahan mo ako?” Di ba dapat nga siyang lumayo dito para higit na maprotektahan ang sarili niya? Ito lang ang threat sa buhay niya.

“Oo. Oras na malaman nilang girlfriend kita, di ka nila lalapitan.”

“Beiron, nandito nga ako dahil ayokong lumapit ka sa akin. At kung anuman ang offer mo, hindi ako interesado,” mariin niyang wika.

“Kung dito ka lang, di rin ako aalis dito.”

Nairita lalo siya. “Bumalik ka na lang sa Al Ishaq! Mas tahimik ang buhay ko kapag wala ka.” May sarili na rin itong buhay doon. Dapat ay mag-focus na lang ito sa magiging kasal nito. Pabayaan na sana siya nito.

Hinawakan nito ang baba niya at tinitigan ang mata niya. “Don’t hide it. You are in love with me. Di pa rin iyon nagbabago. I know that when I touch you, you’ll melt in my arms. And when I kiss you, you will ask for more.”

Pigil niya ang hininga habang magkasugpong ang mga mata nila. Napakadali para dito na basahin ang tunay niyang nararamdaman. Parang mas kilala pa siya nito kaysa sa sarili niya. Paano pa siya makakatakas dito?

“Why are you so persistent, Beiron?”

“And why do you keep on running away from me? Kahit saan ka magpunta, masusundan kita. At kahit ano pang sabihin mo, malalaman ko pa rin kung ano ang totoong nararamdaman mo para sa akin.”

“Tama na!” Ipinilig niya ang ulo at matalim itong tiningnan. “Kahit sinong babae tatakas sa iyo.”

“Bakit? Ano bang ginawa kong masama?”

“Nagtanong ka pa! Di mo sinabi sa akin ang tungkol sa engagement party.”

“Oh, that?” Tumawa ito. “I just want to surprise you.”

Parang nakakaloko ito. At nagagawa pa nitong tumawa. “It was a surprise indeed. At ine-expect mo pa na sasagutin kita matapos ang ginawa mo?”

Namutla ito. “Siguro nabigla ka lang dahil di ko agad sinabi. Akala ko maiintindihan mo rin kung bakit ko ginawa iyon.”

“Naiintindihan kita, Beiron.” May responsibilidad ito na dapat gampanan bilang isang maharlika ng Al Ishaq. May responsibilidad ito para sa pamilya nito at para sa Al Ishaq mismo. Pero may limitasyon ang pang-unawa niya.

“Kung naiintindihan mo ako, bakit ka lumayo?”

Huminga siya nang malalim. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya. Nasasaktan lamang siya habang patuloy silang nag-uusap. Parang napakadali kasi para dito ang hinihingi nito na pumangalawa sa asawa nito. Di ba nito alam na malaking sampal iyon sa pagkatao niya?

“Sana maintindihan mo rin ako kung bakit hindi ang sagot ko.” Tumayo siya. “Ayoko sa lahat pinapaikot ako at ginagawang tanga.”

Ginagap nito ang kamay niya. “I am sorry.”

“Wala nang magagawa ang sorry mo.”

Kuyom niya ang palad nang umalis. Akala ba nito ay ganoon lang kadali para sa kanya ang lahat? At gusto pa nitong bumalik siya sa buhay nito? Di niya alam kung mahal nga ba siya nito o sarili lang ang mahal nito.

She was sorry for him, too. Di ganoon katindi ang pagmamahal niya dito, kailangan din niyang lumugar sa alam niyang tama.

PARANG di nakita ni Khamya sa lobby ng genetic research center ng Stallion Riding Club si Beiron at tuloy-tuloy siyang lumabas ng building. Mula nang magkita sila muli, lagi na lang siya nitong inaabangan sa lobby at bumubuntot sa kanya.

“Khamya, wait!” anito at hinabol siya. “Nagpa-reserve ako ng dinner para sa atin sa Rider’s Verandah.”

“Sorry. Mas gusto kong mag-dinner sa bahay,” aniya sa malamig na boses.

“Pero mag-isa ka lang doon. May mga dinner engagement ang mga kasama mo. Gusto mo ipa-deliver na lang natin ang dinner natin sa lodge ninyo. Doon na lang tayo mag-dinner,” suhestiyon nito.

“Mas gusto kong mag-dinner nang mag-isa,” aniya at patuloy na naglakad.

“Bakit ba iniiwasan mo ako?” nagtatampong tanong nito.

“Bakit ka pa sumusunod sa akin?”

“Look! Siguro lumagpas ako sa linya nang di ko sabihin ang tungkol sa engagement party. I just want to make everything right. I want to win you back.”

Ngumisi siya. “Bakit hindi mo na lang asikasuhin ang kasal mo?” Alam ba ng prinsesa nito na hinahabol-habol lang siya nito. Kung siya si Fatimah, ikakadena niya si Beiron. Bakit ito pumayag na mahumaling ito sa ibang babae kahit pa sabihin na wala iyong problema sa tradisyon ng Al-Ishaq.

“Hindi na natuloy ang engagement party dahil bigla kang umalis.”

Naguluhan siya. “Ano ang kinalaman ko sa engagement party mo?”

“Natural. Di matutuloy ang engagement party at kasalan kung wala ka.”

Pambihira! Noon lang siya nakakita ng royal engagement party at royal wedding na kasama ang royal concubine. It was so absurd. Ganoon ba katindi ang pagkagusto sa kanya ni Beiron? Hiningi ba nitong kondisyon kay Fatimah na kailangang naroon siya para matuloy ang kasal?

Walang kangiti-ngiti niya itong tiningnan sa mga mata. “I am sorry, Beiron but I won’t be your mistress.”

Maang itong tumingin sa kanya. “Sino ang may sabi sa iyo na gagawin kitang mistress? Khamya, ikaw ang pakakasalan ko.”

Siya naman ang natigilan. “Para sa akin ang engagement party.”

“Natural. Para kanino pa ba iyon? Hindi naman kita yayayain sa engagement party kung hindi rin lang ikaw ang pakakasalan ko.” Naihilamos nito ang palad sa mukha. “God, Khamya! Kaya ka ba umalis dahil akala mo gagawin kitang mistress?”

Ngayon niya naintindihan ang galit ni Beiron. Nang tanggihan niya ito, di rin natuloy ang engagement party na pinaghandaan nito.

Hinawakan niya ang braso nito. “Sabi sa akin ni Fatimah, siya daw ang pakakasalan mo. Iyon daw kasi ang makakabuti sa political standing ng pamilya ninyo. At naroon ako bilang royal mistress mo.”

Huminga nang malalim si Beiron. “Yes. I must admit that the king asked me to marry the princess. Pero tumanggi ako. Kung hindi pasiguro kita nakikilala papayag ako. Hindi ko naisip na mai-in love ako noon. Pero nandito ka. Ikaw na ang pinili ko, Khamya. Ikaw lang ang importante sa akin.”

Naluluha siyang yumakap dito. “I am sorry. Nainsulto kasi ako nang sabihin ni Fatimah na gagawin mo lang akong royal concubine. K-Kahit na mahal kita, hindi ko iyon kaya. I couldn’t bear the idea of sharing you with another. At kahit iba ang kultura sa Al Ishaq, importante sa akin ang kasal.”

Pinahid nito ang luha niya. “Sa palagay mo ba ganoon kababa ang pagkatao ko para ilagay ka sa isang alanganing sitwasyon. Kung kailangan ko siyang pakasalan, di kita gagawing concubine o mistress. I have so much respect for you. You deserve more than that. Isa lang naman ang lugar na naiisip ko para sa iyo. I want you to become my wife.”

“Sorry kung hindi ko na itinanong sa iyo kung totoo. Natatakot kasi ako na marinig mismo sa bibig mo. Wala akong magagawa kung iyon ang kultura ninyo.”

“Oo. May ganoong kultura ang Al Ishaq. But we Rafiqs are monogamous. Sa simula pa lang, isang babae lang ang pinakasalan ng bawat miyembro ng pamilya namin. At di rin kami nagpapakasal para lang magkaroon ng kapangyarihan o kayamanan. We marry for love. Kahit na I-criticize pa ang pamilya namin na nag-aasawa ng outsider, di nila pwedeng I-criticize ang pagmamahal namin.”

Humilig siya dito. That was the sweetest thing she had ever heard in her life. “I am sorry if I was tactless to you then. Sinabi ko na imposibleng mag-asawa ka dahil mahal mo ang isang tao. I thought you weren’t capable of loving.”

“Tama ka naman. I thought I would never feel something as precious as love. Kahit naman siguro playboy pwedeng magbago. Pwedeng mangarap. Now all I want is your trust. Trust me that I will love you and I won’t hurt you.”

She clutched his hand and looked into his eyes. She could feel so much emotion flowing from her heart. “Do you know that asking for my trust is way too much? Mahirap para sa akin ang magmahal. Mahirap din na magtiwala.”

“Naiintindihan ko. Di ka kinilala ng ama mo at iniwan niya kayo ng nanay mo. Kaya nga ayaw mo sa akin, hindi ba?”

“Sa palagay ko hindi ka katulad ng tatay ko. Natatakot pa rin ako. But I am willing to take the chance. I will give you my trust this time.”

He drew her closer and rested the chin at the top of her head. “It is so weird. Kaya galit na galit ka sa akin dahil akala mo gagawin kitang mistress. Habang akala ko naman, nagalit ka dahil bibiglain kita sa pagpapakasal.”

Sumimangot siya. “Pa-secret-secret ka pa kasi.”

Tinanggal nito ang pagkakapusod ng buhok niya at sinuklay sa pamamagitan ng daliri nito. It was so sensual. “I am trying to be romantic.”

“Anong sabi ng mga tao nang I-cancel mo ang engagement party?”

“Kasalanan mo kung bakit usap-usapan ako ng lahat. Nabawasan yata ako ng admirer sa halip na dumami. They thought that there was something wrong with me. Siyempre, babae na mismo ang tumanggi sa akin.”

She touched his face. “Poor, Beiron. Nobody consoled you?”

“Sabi ni Fatimah, ituloy ko pa rin ang engagement party. She is willing to take your place. Matutuwa pa daw ang daddy niya.”

“And you turned her down flat?”

Tumango ito. “Hindi naman niya ako gusto dahil mahal niya ako. Gusto lang niya ang stability na maibibigay ko sa kanya. Fatimah is so eager to prove her worth as a daughter. Nakasentro kasi kay Prince Rostam ang atensiyon ng hari. Siya kasi ang susunod na trono bilang prinsipe at legal na anak.”

“She can be a worthy daughter without involving a man in her life.”

Mariin siya nitong kinintalan ng halik sa labi. “Huwag na nating pag-usapan iyan. Mas gusto ko pang magmukhang talunan sa mata ng mga tao kaysa naman maging miserable sa babaeng di ko mahal. Mas loser ako kapag ginawa ko iyon.”

“I won’t run away from you anymore. Promise!”

She clung to him tightly as they kiss. Handa na siyang harapin ang nararamdaman niya. At mas magaan ang pakiramdam niya kaysa noong tumatakas siya dito. Ngayon ay handa na rin niyang harapin ang mga pagsubok na darating sa kanila. Kay Beiron niya huhugutin ang lakas ng loob niya.

“GOOD morning!” bati ni Beiron kay Khamya nang maabutan siyang tinitingnan ang linya ng mga Arabian horses nito sa kuwadra.

“Good…” Naputol ang pagbati niya nang mariin siya nitong halikan. She was getting used to his affection. Basta may pagkakataon ay lagi siya nitong hinahalikan.

Humalakhak ito. “That’s what a good morning really means.”

Hinampas niya ito ng clipboard sa dibdib. “Nakakahiya sa mga tao.”

“May makakakita talaga sa atin puro camera dito. Let them watch.” Hinapit nito ang baywang niya. “Sasamahan mo ba akong mag-horseback riding?”

“No. I am just checking Nasir.” Iyon ang Arabian horse na pag-aari ni Beiron na gagamitin niya para sa cloning experiment niya.

“Ang aga naman ng trabaho mo.”

Kinuha nito ang clipboard sa kanya. “Beiron!”

“Sasama ka sa aking mag-horseback riding at mag-breakfast. Makukuha mo sa akin ang clipboard kapag oras na ng trabaho mo.”

“You are not a part of my itinerary, Mr. Rafiq.”

“To hell with the itinerary! Basta gusto kitang makasama! Iyan ngang si Reid ang abusado. Pinagtatrabaho ka kahit dapat nagpapahinga ka.”

“Alright! Sasama ako sa iyo!”

Dahil di pa rin siya sanay sumakay sa kabayo nang mag-isa ay inangkas siya nito sa Arabian horse nitong si Mustafa. Mula sa main stable ay idinala siya nito sa Lakeview Deck kung saan tanaw na tanaw ang lake. Malapit lang iyon sa villa nito.

She breathed in the cool air. “Wow! This place is really perfect. Kapag nandito ako, parang gusto ko na lang kalimutan ang trabaho ko. Dapat nga yata bumalik ka na sa Al Ishaq. Baka sabihin ni Sir Reid nag-I-slack off na ako sa trabaho. Hindi ka pa ba babalik sa Al Ishaq?”

Hinapit nito ang baywang niya mula sa likuran. “Ayoko. Wala akong tiwala sa mga lalaki dito. Baka agawin ka pa nila sa akin.”

“Wala ka bang tiwala sa akin?”

She nozzled her neck. “Mayroon. I just don’t want to take chances. Saka baka pagbalik ko dito bigla ka na lang umalis.”

Natawa siya at tiningala ito. “Saan naman ako pupunta?”

“Sabi ni Tamara, may offer daw sa iyo sa Australia.”

It was a project to revive an extinct animal. Gagamit ng cloning para buhayin ang Tasmanian tiger. It was a promising project. And it was an honor to be chosen as a part of the team. “Well, I turned it down.”

“If you will ask me, maganda ang project na iyon.”

“Yes, maybe we can revive the animal itself.” Simple lang ang proseso. Kailangan lang nila ng adult cell na iko-combine sa cell na walang nucleus. Once it divides normally, saka naman iyon ililipat sa surrogate mother. “Pero paano kapag ipinanganak na ang hayop na iyon? Anong magulang ang magtuturo sa kanya ng natural behavior? Makakakilos pa ba ng normal ang hayop na iyon kung wala siyang magulang? Importante din ang natural habitat nila. Kung hindi maipe-preserve ang lugar kung saan sila titira, mamamatay rin sila.”

“So it is not just about simple reproduction on your part?”

“Wala iyang ipinagkaiba sa tao. Kung ipapanganak ang isang bata tapos wala siyang magulang at maayos na tahanan, anong mangyayari sa kanya?”

“Napag-uusapan na ang anak. Bakit di na natin simulan ngayon?”

Akmang hahalikan siya nito nang iiwas niya ang mukha. “Huwag muna ngayon kasi magtatrabaho pa ako.”

“Ah!” ungol nito at minasahe ang batok. Di nito alam kung matatawa o maiinis sa kanya. “Akala ko naman pwede na.”

“Saka na natin iyan pag-usapan kapag natuloy na ang engagement party.”

“Sige. Mag-dinner tayo mamaya at pag-usapan natin iyan.”

Pagdating sa main stable ay naghihintay na sa kanila ni Emrei. Mukhang seryoso ito. “Kuya, naaksidente si Rostam sa kabayo,” balita nito. Si Rostam ang prinsipe ng Al Ishaq at tagapagmana sa trono. Malapit itong kaibigan ni Beiron. “He is critical. The king wants to see you.You have to go back to Al Ishaq now.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.