Saskia’s heart was beating so fast as Reichen led her to the dance floor. Of course she knew how to dance. Kasama iyon sa pinag-aralan niya mula pagkabata. Pero bakit siya kinakabahan sa simpleng sayaw lang?
Di halos siya humihinga nang kumapit sa balikat nito. Di naman siya pasmado pero nagpapawis ang kamay niya. His hands on her waist were so warm. Kailangan niyang itaas ang depensa niya. Titiisin niya ang isang sayaw lang.
“Saskia, you are so stiff,” Reichen whispered. “Relax! Nagsasayaw nga tayo pero parang bibitayin ka naman.”
Iyon mismo ang pakiramdam niya. Parang inilagay niya ang sarili sa lethal injection chamber. Dancing with him was definitely a bad idea.
“What do you want me to do?”
He pulled her closer. “Breathe deeply and enjoy the dance.”
Dahan-dahan siyang huminga. Naramdaman niya ang paglapat ng katawan nito sa kanya. Nanlambot ang tuhod niya. That was her biggest mistake. To listen to his command. With a a breath, she lost her defenses.
Iniwas niya ang tingin at pilit na nilalabanan ang kahinaan. “Bakit hindi ka tumitingin sa akin?” tanong ni Reichen.
“Artista ba iyon?” sa halip ay sabi niya at nilingon ang katabing nagsasayaw.
Hinaplos nito ang pisngi niya. “Please look at me, Saskia.”
Humigpit ang kapit niya sa balikat nito. She was fighting the attraction she felt for him. Halos manigas na ang leeg niya huwag lang itong lingunin. “Sumasayaw na tayo. Kailangan ko pa bang tumingin sa iyo? Kanina ka pa.”
“Yes. I want to see your eyes. I want to see what’s inside your soul.
It was suppose to be a command but there was plea in his voice. She was enthralled by his voice. Animo’y nahipnotismo niyang inangat ang tingin niya at tumingin sa mga mata. Parang handa siyang sumunod sa anumang idikta nito. He was the puppet master and she was the puppet.
She was under his spell and she didn’t know how to break it. She didn’t want to. Parang malaya ang pakiramdam niya habang nasa bisig nito. Sumusunod ang katawan niya sa musika. And all she could do was look into his eyes.
“Let’s go someplace else,” he said in a soft voice.
Nang hilahin siya nito ay nagpatianod siya dito. The high heels were killing her feet and the cold air was constricting her lungs but she didn’t care. Palayo na sila ng palayo sa party hanggang makarating sila sa wooden bridge na may stream sa ilalim. May Japanese lamps na nagsisilbing ilaw at may cherry tree din sa tabi ng tulay. Sila lang ang tao doon.
Tumigil ito sa gitna ng tulay at hinawakan ang kamay niya. His eyes were so emotional as he stared at her. “Saskia, I don’t know what you are doing to me. I can’t get you out of my head.”
Me, too. Di rin ito maalis sa isip niya. She was having a hard time ignoring him. It wasn’t an easy fight and she was losing it.
He gently kneaded her face. “Why do you keep on running away from me?”
She bravely met his eyes. “I am not running away from you now, Reichen. Nandito na ako. Kasama mo.”
She should be somewhere safe, somewhere away from him. Bakit di na lang siya tumakbo? Di naman siya nito pinipilit na manatili sa tabi nito.
He smiled, a smile that was enough to make her bones melt. Hinaplos nito ang buhok niya. “Yes. I am glad that you are here with me.”
Mariin siyang pumikit. He was so gentle at her. As if his simple touch was telling her that he would take care of her. She was used to taking care of her self. Bur he was making her feel so good. Nararamdaman niya na pagod na siyang mag-isa. She wanted to be with him and feel his touch.
“What else do you want from me, Reichen?”
Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya. “I want just one kiss from you, Saskia. Can I kiss you?”
Ang lakas ng loob mong humalik sa akin! Dapat sa iyo sampalin at gulpihin para magtanda. Akala mo naman basta-basta ako bibigay sa iyo, bulong ng isip niya. Walang lalaki na pwedeng humalik sa kanya. Kailangan muna siya nitong pilitin.
“Yes,” sa halip ay awtomatikong lumabas sa bibig niya.
Before she could think and take back her word, his lips already claimed hers. He kissed her vehemently. Pakiramdam niya ay humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya. Parang hindi siya ang babaeng pumapayag na magpahalik dito. But it was heavenly. Something she’d never experienced before.
“I can’t get enough of you, Saskia,” Reichen uttered when he set her lips free.
Saka lang siya natauhan. Bumalik na ang katinuan niya. Her body was pressed against him as if they were making love. She allowed him to kiss her freely. Bumagsak ang depensa niya. Kaaway niya ito.
“No!” sigaw niya at itinulak ito palayo.
“Saskia, what’s wrong?” tanong nito at tangkang hahawakan siya.
“Stay away from me!”
Saka pa lang muling umangat ang depensa niya. She instinctively pushed the heel of her hand against his nose. Napasigaw ito sa sakit habang hawak ang nasaktang ilong. “Saskia, why did you do that?” pagalit nitong sigaw.
“H-Hinalikan mo ako,” aniya sa nanginginig na boses.
“Natural. I asked you and you said yes.”
Tama. Pumayag nga siya. “Oo nga. Pero di lang hanggang doon ang gusto mo.” He said that he couldn’t get enough of you. “Akala mo papayag ako?”
She was insane for a while. Pumayag siyang magpahalik dito. Thank God she was able to get her senses back on time. Kundi ay baka pumayag siya sa iba pang gusto nito. Malaki ang pagsisisihan niya kapag nagpadala siya sa kahinaan niya.
“Damn it!” singhal nito at kinuha ang panyo para ipampigil sa nagdudugong ilong. Gusto sana niyang itong daluhan subalit pinigilan niya ang sarili. She couldn’t trust her self with him. Baka ano na namang kapalpakan ang gawin niya.
Di niya ugaling manakit ng tao. Yes, she knew self-defense. Pero di pa niya nagagamit iyon. Maliban na lang kanina. Di naman niya sinasadyang saktan si Reichen. Siya ang nawalan ng kontrol. She couldn’t have handled it diplomatically. At kasalanan niya ngayon kung bakit di tumitigil sa pagdudugo ang ilong nito.
“S-Sandali. Dito ka lang, ha?” aniya at naglakad palayo ditto.
“Running away again, Saskia?” he asked angrily with his black eyes flashing. “You are heartless, Saskia Kristofides. Hindi pa tayo tapos. Akala ko matapang ka?”
“Shut up! Tatawag ako ng doctor!” aniya at nagtatakbo pabalik sa party.
Di niya alam kung saan o paano tatawag ng doctor. Di niya makita si Paz Dominique at di niya kilala ang mga taong nakikita niya.
Lumapit siya sa sound system at humingi ng microphone. Kasalanan niya kapag lumala ang kondisyon ni Reichen. “I help! I need a doctor!” she screamed at the top of her lungs. Natahimik ang lahat at nagtinginan sa kanya. Akala yata ng iba ay baliw na siya pero wala siyang pakialam.
Isang lalaki ang lumapit sa kanya. “I am Dr. Kester Mondragon, the resident doctor of the riding club.”
“Reichen needs help,” hinihingal niyang sabi. “Nasa wooden bridge siya. His nose is bleeding profusely.”
Dali-dali itong umalis dala ang medicine bag nito. Umugong ang bulung-bulungan sa paligid niya. “Reichen! Reichen is hurt!” sigaw ng ilang kababaihan at nagtatakbo kasunod ni Doctor Mondragon. Ang iba ay nag-iyakan pa.
Nanlalambot na lang siyang napaupo sa isa sa mga bakanteng mesa doon. She was sure that he was safe. Mabuti nang malayo siya dito. Tiyak na galit na galit si Reichen sa kanya at ayaw siyang makita.
Nilapitan siya ni Paz Dominique na alalang-alala. “Anong nangyari?”
“Huwag ka nang magtanong. Umalis na lang tayo,” aniya at hinila ito.
“Hindi mo ba iche-check si Reichen?”
“Marami namang mag-aalaga sa kanya. Andoon na si Doctor Mondragon. Saka gusto ko nang magpahinga. Pagod na ako,” aniya sa malamig na boses.
“S-Sige,” anang si Paz Dominique. Di na siya nito makontra kapag ganoon na ang tono ng boses niya.
Di niya maiwasang lingunin ang pinanggalingan bago sumakay ng kotse. Kumusta na kaya si Reichen? Sana ay wala siyang nagawang damage sa ilong nito.
Ayaw niya itong iwan kanina. Pero natatakot siyang harapin pa ito di dahil nasaktan niya ito. Kundi napatunayan niya kung gaano siya kahina pagdating dito. Nawawalan siya ng kontrol sa sarili niya sa isang titig lang. Sa isang halik lang.
Mariin siyang pumikit. She must be really out of her mind.
MATAAS NA ang sikat ng araw ay nakakulong pa rin sa kuwarto niya si Saskia. Wala naman siyang sakit. Tinatamad lang siyang lumabas ng kuwarto. O mas tamang sabihin na ayaw na niyang magpakita pa sa mga tao.
She had a bad night. Dalawang bagay ang di nagpatulog sa kanya. Una ay ang pag-aalala sa kay Reichen. Bagamat tumawag si Paz Dominique para sabihin na wala namang naging damage dito, di pa rin niya maiwasang mag-alala. Gusto niyang personal na matiyak na ligtas na nga ito.
Pero di siya pwedeng magpakita dito. Lalo lang niyang maiisip ang halik na pinagsaluhan nila. Marahil ay pagtatawanan siya nito dahil naging mahina siya. Iwas siya nang iwas pero isang tanong lang nito ay papayag na siyang pahalik.
“I must be cheap. So cheap!” bulalas niya at isinubsob ang mukha sa unan.
Inangat niya ang ulo nang may kumatok. “Ma’am Saskia, nandito po sila Ma’am Jaerellin,” anang si Manang Isay.
“Pakisabi po masakit ang ulo ko.”
“Saskia, you have to come out. Di na namin alam ang gagawin namin. Sa palagay namin ikaw lang ang makaka-solve sa problemang ito,” anang si Jaerrelin. “Labasin mo naman kami, o!”
Her friends handled the riding school while she was gone before. Wala namang naging problema. Kung kinakailangan na nito ang tulong niya, ibig sabihin ay malaki talaga ang problema.
Lumabas siya matapos ayusin ang sarili. “What’s the problem?”
“Ibino-boycott tayo ng mga estudyante natin,” wika ni Chrisnelle. “Baka daw di na sila um-attend ng klase. Ikaw ang sinisisi nila kung bakit nasaktan si Reichen kagabi. May nakakita daw nang paduguin mo ang ilong niya.”
“Ito pa. May mga nagkakalat ng balita na di iba-ban daw sa Stallion Riding Club ang mga estudyante natin,” namomoroblemang sabi ni Jaerrelin. “Kaya nga inabala ka na namin kahit na may sakit ka. Anong gagawin natin?”
Sinapo niya ang ulo niya. “Bakit naman ngayon pa?”
Kung kailan kung gulong-gulo na ang isip niya, dadagdag pa ang mga estudyante niya. Miyembro pala ng kulto ng Stallion boys ang mga karamihan sa mga ito.
“Bakit mo ba sinaktan si Reichen? Anong ginawa sa iyo?”
“Siya kasi! Hinalikan niya ako!” bulalas niya.
Nanlaki ang mata ng mga ito. It was too late to take it back. “You kissed? Anong pakiramdam?” kinikilig na tanong ni Jazzie.
Matalim niya itong tiningnan. “Kita mo ngang malaki na ang problema natin, naisipan mo pang kiligin diyan.”
“Sorry,” nakalabing sabi ni Jazzie. “Nagtatanong lang naman ako.”
“Black propaganda ang ginagawa sa kanila. Si Reichen ba ang nagpakalat niyon? Hindi. Maaring ang mga babaeng naghahabol dito. She knew how vicious women could be. Di lang niya alam kung paano pipigilan ang pagkalat ng masamang balita. Baka mamaya ay makarating pa iyon sa Tita Artemis niya. Ayaw niyang dagdagan pa ang alalahanin nito lalo na’t nagpapagamot ito.
Lumapit sa kanila si Aling Isay. “Ma’am, tumawag po ang security. May mga babae daw po sa labas. Galit na galit daw po at gusting sumugod dito.”
Napasugod sila sa gate ng riding school. Naroon ang may kung ilang daang kababaihan na may dalang plackards at panga-pangalan pa ng banners ng fan’s club. Lahat ng mga ito ay babaeng nahuhumaling sa Stallion Boys. Kahit si Reichen nga ay may sariling fan’s club. Nakakordon ang security kaya di sila malapitan.
“Amazona! Old maid! Wala kang karapatang saktan si Reichen!” sigaw ng isa.
“Lumabas ka diyan, bruha! Harapin mo kami! Ipaghihiganti namin ang pananakit mo kay Reichen. Di ka siguro niya pinapansin kaya galit na galit ka!”
“Hoy! Hindi totoo iyan! Ayaw niya kay Reichen!” di mapigilag sigaw ni Jazzie. “Di papansin si Saskia na tulad ninyo.”
Hinila niya ang braso nito. “Hayaan mo na sila. Di sila makikinig.”
“Totoo naman, ah! Ayaw mo sa kay Reichen,” depensa nito. Di niya masisisi ang mga ito kung magalit man sa kanya. Nasaktan naman niya si Reichen. Kahit nga ang sarili niya ay sinisisi rin niya.
“Magpatawag na kaya tayo ng pulis?” tanong ni Jaerrelin. “Pati ibang estudyante natin madadamay sa ginagawa nila. Nakakagulo na sila.”
Isang sasakyan ang humimpil sa di kalayuan. Sumikdo ang dibdib niya nang bumaba si Reichen. “Si Reichen!” tilian ng mga babae. “We love you, Reichen. Hindi kami papayag na saktan ka pa ng amazona na iyan.”
Humalukipkip siya. Ano ang ginagawa nito doon? Hindi kaya lalong magalit sa kanya ang mga fans nito sa pagpapakita nito? Mapapasama pa siya.
“Girls, thank you for the support,” anang si Reichen. “Pero walang kasalanan si Saskia. It was an accident.”
“Pero sinaktan ka pa rin niya,” katwiran ng isa.
“Ako pa rin ang may kasalanan.” Ngumiti si Reichen. “I am okay. My nose bleeded. Pero tiniyak ng doctor ko na walang na-damage sa akin. So all of you can ease your minds. Magsiuwi na tayong lahat.”
Nagsiuwian na ang iba pero ang iba ay nagpa-picture at nagpa-autograph pa kay Reichen. Mukha ngang di naman ito nasaktan. Bakit pa siya nag-aalala dito?
Lumapit si Reichen sa kanya nang makaalis na ang mga nagpoprotesta. “I am sorry for the bother. Di ko ine-expect na ganito ang mangyayari. Di ko naman gusto na kumalat ang balita. It was a word of mouth.”
“Hindi kita sinisisi. I hurt you. Natural na ang violent reaction.”
He smiled a little. “Di naman nila kailangang mag-alala. I am okay.”
Pinisil niya ang ilong nito at napaigik ito sa sakit. “Iyan ba ang okay?”
Hinawakan nito ang nasaktang ilong. “It will heal soon. Basta huwag mong hahawakan. M-Masakit pa nga iyan.”
“I am sorry,” aniya sa malungkot na boses. “I didn’t mean to hurt you. Nabigla lang talaga ako.”
“That’s okay.” Namulsa ito. “Dapat lang sa akin ang ginawa mo. I just realized that you don’t really like me. So I will stay away from you from now on. Hindi ka na mapapagod na tumakbo palayo sa akin.”
Nakatigagal siya habang pinagmamasdan ito palayo. Di na siya guguluhin ni Reichen. Di na ito lalapit pa sa kanya. Kung magkikita man sila marahil ay magiging civil na lang ito sa kanya. She should be happy. She wanted to get rid of him. She wanted to gain back the sanity that he took away from her.
Bakit di siya masaya? And why did she have a feeling that something so vital was walking away from her life?