Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 148

“Do you want to be an equestrian when you grow up, Trizia?” tanong ni Saskia sa pinakabata niyang estudyante. Sampung taon lang si Trizia at pinaka-promising sa mga batang tinuturuan niya.

“Yes. Gusto ko rin po magkaroon ng Stallion boy na boyfriend,” sagot nito at humagikgik. Nagimbal siya. Sampung taon pa lang ito ay boyfriend na ang iniisip nito. Halos lahat ng mga babae ay ang mga ito ang bukambibig kahit na bata.

She patted the kid’s head. “Matagal pa naman iyon.”

“Basta kayo po ang idol ko, Teacher Saskia. Kasi po magaling na kayong horse rider, may boyfriend pa kayong taga-Stallion Riding Club,” nakangising wika nito. “I want to grow up like you.”

Di niya alam kung paano ipapaliwanag sa bata na di iyon totoo. Damn the gossip. Pati mga estudyante niyang bata ay nadadamay. It was too much.

“Trizia, I will see you next week.” At kinintalan niya ito ng halik sa pisngi.

Nang dumating siya sa office ay naroon na rin ang tatlo niyang kaibigan. Maagang natapos ang klase ng mga ito. “This is bad. Malaking percentage ng mga estudyante natin ang ayaw nang mag-aral sa atin.”

“Hindi ba naglabas na ng official statement ang Stallion Riding Club na hindi totoo ang bali-balita na iba-ban nila ang estudyante natin?” tanong niya. “Hanggang ngayon ba di pa rin tapos ang isyu na iyan.”

“Ang totoo, natakot ang mga members ng riding club na makipag-date sa estudyante natin dito. They branded us as amazons. Tinuturuan daw natin na manggulpi ang mga lalaki,” paliwanag ni Chrisnelle.

“Of course it is not true,” kontra ni Jaerrelin. “We are so sweet.”

“Kaso dahil nga sa nangyari kay Saskia, natakot na sila. Pugad daw tayo ng mga feminist. You know how much those boys hate feminist groups. You know how chauvinistic they are. They want females who are docile and meek.”

“At dahil sa akin, nawala ang reputasyon ng pagiging docile at meek ng mga babae dito? Na feminist tayo at man-hater at kung anu-ano pa.”

Dahan-dahang tumango ang mga ito. “Parang ganoon na nga.”

“I don’t really care about other people’s opinion. Pero pinaghirapan ni Tita Artemis na itayo itong riding school. I promised to take care of it for her. It is not fair na masira ang reputasyon natin.”

“Sabi sa isang blog ng fanatic ng riding club, ginagamit lang daw natin ang Stallion Riding Club at si Reichen para maka-gain ng popularity.”

Mariin siyang pumikit. Lalong sumasakit ang ulo niya. She was a world class equestrian. She worked hard for it. Di siya papayag na maliitin lang mga taong makikitid ang utak at walang alam sa pagmamahal niya sa trabaho niya, sa equine sports, sa mga kabayo at sa mismong riding school. Dahil lang ba sa isang pagkakamali ay masisira ang lahat ng pinaghirapan niya?

She had a great vision not only for her riding school but for the future of horse sports in the country as well. Gusto niyang makapag-produce ng mga international equestrian champions. Gusto niyang magkaroon ng Filipino na gold medallist sa equestrian event. She couldn’t give up that dream.

“Hindi tayo pwedeng magpatalo,” mariin niyang wika.

“Anong gagawin natin? Susugurin ba natin sila? Gusto mo bang mag-protest din tayo sa harap ng riding club?” tanong ni Jazzie. “Pwede tayong makakuha ng simpatya sa mga feminist groups. Galit sila sa mga members ng riding club.”

Matalim niya itong tiningnan. “Bakit naman ako magra-rally? Lalo lang nilang sasabihin na amazona tayo at feminist.”

“Anong gagawin natin?” tanong ni Jaerrelin.

“We have to prove our worth. Kailangan nating ipakita sa kanila na magaling tayong horsewomen. Ipakita natin kung ano ang itinuturo natin sa mga estudyante natin. At kahit kailan, di natin gagamitin ang ibang tao para lang mag-gain ng popularity,” panggagalaiti niya.

“May plano ka na ba?” tanong ni Chrisnelle.

“Hindi ba may mga monthly competition sa riding club?”

Tumango si Jazzie. “Alam ko malapit na ang anniversary nila. May open tournament sila kapag iyon ang okasyon. Open sila sa ibang individual at riding clubs para sumali sa competition nila.”

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. “Get ready, girls. Sasali tayo sa open tournament nila. Ipapakita natin sa kanila na di tayo dapat minamaliit.”

NAGLA-LUNCH si Saskia kasama ang mga kaibigan sa Artemis’ Cafeteria na matatagpuan sa loob ng riding school. Dahil nabawasan ang estudyante nila, mas nakapag-focus na sila sa paghahanda sa nalalapit na open tournament. Sa group competition sila sumali.

She loved the feeling. Iba pa rin ang pakiramdam ng nakasakay sa kabayo at naghahanda para sa isang competition. It fires her up. Isang buwan pa bago ang open tournament. Sapat na ang panahong iyon para makapag-practice sila.

Mataas ang kompiyansa nila na aangat sa competition. All of them were professional horse riders. Makikita ng mga iyon na di sila pipitsuging mga babae na nagpapapansin lang. Ah! Gusto niyang makita na mapahiya ang lahat ng nang-aakusa na wala silang kahit katiting na talento.

“Hi, girls!” bati ni Paz Dominique pagpasok ng cafeteria.

“Paz Dominique!” Humalik siya sa pisngi nito. “What’s up?”

“Himala na bigla kang dumalaw,” sabi naman ni Jaerrelin.”

Malungkot ang mukha nito. “Girls, I have bad news for you.”

“Binasted ka nung guy na sinusundan-sundan mo sa riding club kaya ka napadalaw sa amin, no?” anang si Jazzie.

“Sabihin mo sa amin kung sino iyan. Malamang chauvinist naman iyang guy na gusto mo. Alam mo, sakit ng ulo naming ang mga lalaki sa riding club na iyan. Talagang ilalampaso naming sila sa open tournament,” wika naman ni Chrisnelle.

“Sorry. Pero na-decline ang application ninyo para sa tournament.”

“Ha?” Tumayo siya sa kinauupuan. “At bakit naman?”

“Kasi para sa mga lalaki lang ang open tournament.”

Napanganga siya. Noon lang siya nakakita ng open tournament na puro lalaki lang ang pwedeng sumali. Saan bang panahon galing ang mga chauvinistic na lalaking iyon? Akala niya ay ang Spanish Riding School na lang ang lugar sa mundo na di tumatanggap ng mga babae? Nag-open tournament pa ang mga ito kung hindi lang din naman pasasamahin ang mga babae sa competition.

“I won’t have this!” tinanguan niya ang mga kasama. “Girls, pupunta ako sa Stallion Riding Club. Makikipag-usap ako mismo sa mga organizer ng tournament nila. I deserve a better reason than that.”

“Saskia, calm down. Baka di nila kayo harapin,” anang si Paz Dominique na takot na takot. Kilala siya nito kapag galit. She won’t easily back down.

“Duwag sila kung ganoon. Kung natatakot ka na mag-eskandalo ako doon, huwag ka na lang sumama, Paz Dominique,” aniya at sumakay ng Ford Ranger.

Pakiramdam niya ay solo lang niya ang laban na iyon. It was her idea to join the open tournament. Siya din ang dahilan kaya napag-initan ang riding school niya ng mga Stallion boys at ng supporter ng mga ito. Siya ang dapat na humarap.

Pagdating sa gate ng Stallion Riding Club ay hinarang siya ng guwardiya. “Ma’am, di po kayo pwedeng pumasok kung wala po kayong pass mula sa isa sa mga members ng riding club.”

“I want to talk to one of the organizers of the open tournament. Kung hindi mo ako pwedeng papasukin, sabihin mo sa kanila na harapin nila ako dito sa labas.” Kung lalaki nga ang mga ito, di naman siguro natatakot ang mga ito na harapin siya.

“Ma’am, tumuloy po kayo sa Red House,” anang guwardiya at ibinigay sa kanya ang direksiyon. Iyon ang administrative office ng Stallion Riding Club. Katapat lang iyon ng Rider’s Verandah.

Pagbaba niya ng sasakyan ay siya namang paglabas ni Reichen ng café. He walked towards her unhurriedly. Palibhasa ay nasa teritoryo siya nito. “Ah, the goddess is here. I am honored to have you as our guest, Miss Kristofides.”

Di niya alam kung pinupuri siya nito o sarkastiko ito. Mainit ang ulo niya at baka dito pa mabuhos ang lahat ng inis niya kung di ito aalis sa harapan niya.

“This isn’t exactly a friendly visit, Mr. Alleje. Nandito ako para kausapin ang organizers ng open tournament ng riding club.”

Humalukipkip ito. “I am the head organizer.”

Tumaas ang kilay niya. “I see.” Itinaas niya ang application form nila na may naka-attach na letter of disapproval. “So you are responsible for this one?”

“Yes. Me and the whole group.”

What else could she expect from them. At ito pa ang pinuno ng mga impaktong ito. Coming from the Spanish Riding School, the legendary school of chauvinists, hanggang sa Stallion Riding Club ay dala pa rin nito ang attitude na iyon. That only men are superior. Makahanap pa ito ng kakampi.

“You did this to spite me, right?”

“To spite you? Why should I?”

“Galit ka sa akin. I hurt you. Napahiya ka sa mga tao dahil isang babae lang ang nakapagpabagsak sa iyo. Of course, you are not used to being hurt. Every woman in the world adores you. Di mo matanggap na na-reject kita.”

Ngumisi ito. “Sinasabi mo ba na loser ako?”

“Hindi nga ba?” She was so mad. Di na niya nakokontrol ang lumalabas sa bibig niya. Sa tingin kasi niya ay gusto siyang ipahiya nito.

Mariing nagdikit ang labi. Parang pinipigil ang galit. Sa huli ay ngumiti ito at lumapit sa kanya. “My lovely Saskia, hindi ako magagalit sa iyo kahit kailan. Everyone knows that our open tournament is strictly for men. Iyon na ang tradition namin. I don’t have anything against you personally. Wala lang talagang female category sa riding competition namin.”

Di siya nasisiyahan sa sagot nito. “Bakit hindi na lang ninyo kami isali sa competition?”

“Magkaiba nga ang rule of judging para sa male at female riders. You know that very well, Saskia. Maliban na lang kung sa horse race ka sasali. But we are into equine sports here. At show jumping at eventing pa ang gusto mong salihan.”

Namaywang siya. “Maybe you are scared that we’ll beat you to the pulp.”

“Of course not!” kaila ni Reichen.

“I guess it is true. Takot lang kayo na matalo ng mga babae. Nakakahiya naman kapag mismong dito pa kayo sa riding club ilampaso ng mga babae. It isn’t good for your ego, guys,” anang babae sa likuran ni Reichen. She was wearing a doctor’s uniform. Nabasa niya ang nameplate nito. Dr. Tamara Trinidad. She was the riding club’s veterinarian.

Katabi nito si Reid Alleje. Girlfriend yata nito si Tamara. However, Tamara was far from the meek and docile girls the club members obviously adored. Mukhang tulad din niya ito. May sariling isip at di basta-basta nagpapadikta. Ni hindi man lang ito nai-intimidate kay Reid Alleje, ang hari ng Stallion Riding Club.

“Tamara, the panel already decided everything.” Bumaling si Reid sa kanya. “I am sorry, Saskia. I know you are a good rider. Pero hindi naka-format ang tournament naming sa mga female riders.”

Reid Alleje looked so formidable. Di niya alam kung ano pa ang ikakatwiran niya. Isusuko na ba niya ang pagsali sa open tournament? Paano niya mababawi ang karangalan ng Artemis Equestrian Center?

“Bakit hindi ninyo sila bigyan ng special tournament? Usually, karamihan ng nasa third day exhibition na lang. Why not a match between the Artemis Equestrian Center and the Stallion Riding Club,” suhestiyon ni Tamara.

“I think that is a lovely idea,” usal niya at ngumiti dito.

Nagkibit-balikat si Reid. “I don’t mind.”

Napanganga si Reichen. “ Pumapayag ka? Pero Kuya…”

“Make sure that you will win this one, Reichen. Kundi isang taon kang di pwedeng magsama ng ka-date mo dito,” banta ni Reid.

LOUVIN jumped over the Liverpool with ease. Ito ang kabayong gagamitin niya sa open tournament. They were in sync. Iyon ang importante sa competition. Nagkakasundo sila ng kabayo niya. Walang duda na maganda ang magiging performance nila. Siya ang para sa solo eventing at ang mga kasama niya ay sa group competition para sa show jumping.

Di niya binabalewala ang kakayahan ng makakalaban niya. Reichen Alleje was a fearsome competitor. Isa rin itong world class equestrian. Kung tutuusin ay mas marami itong horse sports na alam sa kanya.

Nang matapos niya ang lahat ng obstacles ay may narinig siyang pumalakpak. It was Reichen. Nakasandal ito sa may puno di kalayuan sa eventing practice arena niya. “That’s a great exercise!”

“Spying on the enemy, Reichen Alleje?” she asked as she walked towards him. “O nandito ka para sabihan ako na umurong na sa competition. Well, you are wasting your breath. Hindi kami magba-back out. We are confident that we will perform well. Di ako papayag na mapahiya sa inyo.”

“Bakit naman kita hahayaang mag-back out? I haven’t seen you perform at a real arena. It is an honor to have a match with you.”

She smiled slyly. “You are here to support me? How touching!”

“No. I just want to add some spice to our match. What else can a winner get aside from glory and fame? It is boring. We already have it.”

Napaisip siya. Wala namang masama kung mas marami pa siyang makukuhang premyo kapag nanalo siya. “Okay. Kung kami ang mananalo, magiging dressage instructor ka namin dito sa equestrian center.”

“Ha?” bulalas nito.

“Iyon ang gusto ko. Ayaw mo?”

Inilapit nito ang mukha sa kanya. He was wearing a sinister smile that scared her. “If I win, you will be my slave. You will do anything I want. At ako rin ang magde-decide kung hanggang kailan ka magiging slave ko.”

Napatulala siya kasabay ng panunuyo ng lalamunan niya. He was so close she could almost taste his breath. What kind of slavery would he subject her to?

Ngayon pa lang ay may idea na siya. And it wasn’t really appealing on her part. Mauulit na naman ba ang pagiging mahina niya dito? Hindi siya papayag na matalo. She won’t just win back the glory of Artemis Equestrian Center. She also wanted to win her self-control. Dahil kung matatalo siya, tiyak na di na niya kaya pang labanan ito. She would be just Reichen’s slave forever.

She lifted her chin up. “Deal.”

His lips formed a smile. “I will see you at the arena.”

Malakas na malakas ang kabog ng dibdib niya nang iwan siya nito. She would never be like her mother who bowed down to a man. Never! And she definitely won’t bow down to Reichen Alleje.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.