Di magkamayaw ang mga kaibigan ni Saskia matapos I-anunsyo ang score niya sa katatapos pa lang niyang cross-country performance.
“Almost perfect ang score na ibinigay sa iyo ng mga judges, Saskia,” anang si Jaerrelin. “AS expected from you.”
Kasunod naman niyang naglalakad si Chrisnelle pabalik ng dressing room kung saan siya magpapahinga. “Naiinis talaga kami noong una. There are some bitches who keeps on booing you during your entire performance. Gusto ko ngang awayin kanina. Napahiya sila I-announce ang score mo. They can’t boo you anymore. Inggit lang siguro dahil magaling ka.”
Iyon ang huling araw ng open tournament ng Stallion Riding Club. Tapos na ang individual at group performance face off sa show jumping. Sila ang nanalo sa group pero talo naman sila sa individual performance. Lumalabas na tie ang score nila sa mga members ng Stallion Riding Club.
“Pakiramdam ko nasa international competition ako. The judges are authorities at the equestrian world.” Ilang beses na niyang na-encounter ang mga ito noong lumalaban siya. The organizers were fair for hiring professional judges. “Saka mahihirap talaga ang mga obstacles.”
“You did great. Round one pa lang pero napahanga mo na sila. I am pretty sure that we will win this one,” kampanteng wika ni Jaerrelin.
“Round one pa lang tayo. May dalawa pang round na natitira. Hindi tayo pwedeng maging sobrang kampante. We are dealing with Reichen Alleje, remember? He is not someone we should take lightly.”
Si Reichen na ang nagpe-perform at umuulan ng palakpakan sa riding arena. Of course he got the crowd. It was his territory after all.
Pagpasok nila ng dressing room ay may mga flowers at basket ng bulaklak na naroon. “Kanino galing ang mga ito?” tanong niya.
“From our fans,” natatawang sagot ni Chrisnelle nang mabasa ang card. “They are girlfriends and wives of the members of the riding club.”
“Itayo daw natin ang bandera ng mga kababaihan,” dagdag ni Jaerrelin. “See? Nare-recognize na rin tayo.”
“Pero hindi pa tapos ang labanan natin.”
Di na niya masyadong marinig ang announcement ng scores ni Reichen dahil umuugong na ang tainga niya sa sobrang kaba. Ano ang score nito?
She was taking the matches so seriously. Pakiramdam kasi niya ay ang kinabukasan niya at ng Artemis Equestrian Center ang nakasalalay doon. Sana lang ay seryosohin din ni Reichen ang pakikipaglaban sa kanya bilang respeto na lang sa kanya bilang kalaban nito.
Yes, she wanted to win. Pero gusto naman niyang malaman na deserving nga siyang manalo sa isang malupit na kalaban. Reichen was a worthy opponent. Gustong-gusto niyang magpatumba ng magagaling na players.
Humihingal na pumasok ng dressing room si Jazzie. Kasabay niyon ang di matapos-tapos na hiyawan mula sa riding arena. “Tie ang score. Muntik na akong himatayin doon. Mabuti na ang tie kaysa nalamangan tayo, di ba?”
“Ilampaso mo na sa susunod na round, girl,” bilin ni Jaerrelin.
“Get ready for the second round, Miss Saskia,” bilin ng staff na facilitator ng competition. “It will start in a few minutes time.”
She grabbed her cellphone when the staff member left. “Sandali lang, girls. I need to make a call,” aniya at lumapit sa bintana ng dressing room.
She dialed her Aunt Emie’s number. Ang alam niya ay nasa ospital ito ngayon. They were planning to subject her under chemotherapy. Iyon ang pinili na medication ng pamilya niya dahil delikado para dito kung ooperahan at tatanggalin ang uterus nito dahil na rin sa edad nito.
She just wanted to hear her aunt’s voice. Dito siya humuhugot ng lakas. Di man nito alam ang mga pagsubok na hinaharap niya, lumalaban naman siya para sa pangarap nilang dalawa. Alam niyang sa kanya din ito humuhugot ng lakas nito.
“Hello, Saskia,” anang boses ng babae na sumagot sa phone.
“Mama! Tulog pa po ba si Tita Emie?” tanong niya.
Ang mama at papa niya ang umaalalay sa tita niya sa pagpapagamot. Naka-confine ang tita niya sa isang ospital sa Boston na espesyalista sa sakit nito. Kailangan nang ma-monitor ang kondisyon nito dahil pabilis daw nang pabilis ang pagkalat ng cancer cells. Kailangan nang alagaan.
Humagulgol ito ng iyak. “Puntahan mo siya dito, anak. Kailangan ka niya.”
Matinding pag-aalala ang naramdaman niya. Alam niyang emosyonal ang mama niya. Pero di ito iiyak nang walang dahilan. “Ano pong nangyari kay Tita?”
“She insisted on having the operation instead.”
“What? Akala ko po pumayag na siya sa chemotherapy.”
“Kami lang daw ang may gusto niyon. She wanted to take the risk. Ayaw daw niyang umasa sa chemotherapy dahil manghihina siya,” paliwanag nito.
“Pero delikado po ang operasyon niya,” mangiyak-ngiyak niyang wika. Di niya kaya na mawala sa kanya ang tita niya. “Bakit di po ninyo sinabi sa akin?”
“Ayaw daw kasi niya na mag-alala ka. Bukas ng gabi ang operasyon niya. Ngayon pa lang ihinahanda na siya sa operasyon.”
“Pupunta ako ngayon diyan, Mama. Sabihin po ninyo kay Tita pipilitin kong humabol para nariyan ako kapag inoperahan siya. Tell her I love her.”
“Tama. Pumunta ka dito, anak. Natatakot na ako.”
Matapos magpaalam ay pumasok siya sa dressing room. “Saskia, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” tanong ni Jazzie.
Niyakap niya ito. “I am sorry. I am so sorry.”
“Saskia, huwag kang ganyan. Di kami sanay nang umiiyak ka,” wika ni Chrisnelle. “Ano ba ang problema?”
“I know how much this match means to us. Pero kailangan kong puntahan ngayon si Tita Emie. Pinili niyang magpa-opera kahit na delikado sa kanya. Gusto ko nandoon ako sa tabi niya. Importante din ito para sa akin,” paliwanag niya.
Niyakap siya ng mga ito. “Lagi ka naman naming sinusuportahan,” sabi ni Jaerrelin. “Huwag mo nang intindihin ang match. Kami na ang bahalang makipag-usap sa mga organizers tungkol dito.”
“Thank you!” aniya at dali-daling tumakbo sa labas bitbit ang gamit. Nilagpasan lang niya si Reichen nang makasalubong niya sa hallway.
“Saskia, where are you going?” tanong nito at hinabol siya.
Bahagya niya itong nilingon habang patuloy sa pagtakbo. “You and you precious fans can rejoice now. I am forfeiting the match.”
Hinarang nito ang dadaanan niya. “What? I don’t understand. Natatakot ka ba na matalo kita? Malayo na ang narating mo. Ngayon ka pa ba susuko? Or do you think that I am not good enough to be your opponent.”
Nagkibit-balikat siya. “Bahala kang mag-isip ng kahit anong gusto mo tungkol sa akin. Call me a loser if you want. Di na iyon importante sa akin.”
Nagpatuloy siya sa pagtakbo. This time, there was no turning back. Walang mas importante sa kanya ngayon kundi makita ang Tita Emie niya.
MABILIS ang bawat kilos ni Saskia habang nag-eempake. Wala siyang oras na sinasayang. Kung alam lang niya noong una pa lang ang plano ng Tita Emie niya, di na sana niya itinuloy ang pagsali sa special match noong una pa lang.
“Ma’am, naka-ready na po ang sasakyan,” anang si Aling Isay.
“Maraming salamat po. Kayo po muna ang bahala dito sa bahay,” bilin niya.
Niyakap siya ni Aling Isay. “Iyakap mo na lang kami kay Ma’am Emie. Sabihin mo bumalik na siya dito at magpagaling siya,” umiiyak nitong sabi.
Tumango siya at lumabas na ng kuwarto matapos ang pag-eempake. Nagulat siya nang makita sa sala na naghihintay si Reichen. He was still wearing his riding habit. “I don’t have time for you, Reichen. Kung nandito ka para sumbatan ako, you are just wasting your breath. I don’t have the luxury to listen to you. I just want to apologize for bothering you. Alam ko na mas gusto mo akong talunin at ilampaso sa arena pero mas importante ang gagawin ko ngayon.”
“Hindi ako nagpunta dito para sumbatan ka.”
“Then what?” she asked.
Hinila nito ang kamay niya. “Come with me.”
“Reichen, where are you taking me?” tanong niya nang isakay siya nito sa kotse. “I don’t have time for games.”
“Dadalhin kita sa airport. We’ll take the chopper.”
Narinig niya ang malakas na ugong helicopter nang bumaba sa clearing ground ng riding school. Tinutulungan siya nito? “Pero…”
“Kailangan mong makarating agad sa airport, hindi ba?” tanong nito at inilahad ang kamay sa kanya. “Let’s go.”
Tinanggap niya ang nakalahad nitong palad. Inisip na lang niya ang Tita Emie niya. Kailangan siya nito. Mas madali siyang makakarating dito kung tatanggapin niya ang tulong ni Reichen.Saka na siya magtatanong kung tama ang ginagawa niya.
Halos di sila nag-uusap ni Reichen habang nakasakay ng chopper. Mas iniisip niya ang kalagayan ng Tita Emie niya. Makalipas ang isang oras ay bumaba ang chopper sa hangar ng mga Alleje. May naghihintay nang sasakyan doon para dalhin sila sa Ninoy Aquino International Airport.
“Tatawagan ko lang si Paz Dominique,” sabi niya habang papunta sila sa airport. “Wala pa sa akin ang confirmation ng flight ko.”
“Don’t bother. They are ready whenever we want to leave.”
Nagsalubong ang kilay niya. “We? Who we?”
Sinulyapan siya ni Reichen. “We will take my cousin’s Lear Jet.”
Halos bumagsak ang panga niya sa pagkabigla. “Iyong sa pinsan mo na oil sheikh?”
Tumango ito. “We will take a chartered flight to Boston.”
“Teka…” He used the word ‘we’ again. “Sasama ka sa akin sa Boston?”
“Oo. Hindi naman kita pwedeng pabayaan na bumiyaheng mag-isa. I want to make sure that you can get there safely.”
Nalula siya nang makapasok sa Lear Jet. It wasn’t an ordinary plane. Parang isa iyong luxury hotel na may mini-bar pa. “Sobra-sobra na ang pagtulong mo sa akin, Reichen. This jet and you…”
Pinaupo siya nito at umupo ito sa tabi niya. “You need me, right? Saka si Teacher Emie naman ang pupuntahan mo.”
“But it is still too much.”
Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa dibdib nito. “Tama na. I don’t want to hear it anymore. Take a rest, Saskia. You need all the rest you can get. Kailangan mong magpalakas para kay Teacher Emie.”
He really cared for her. Halos ito na ang kumikilos para sa kanya. Ni hindi na niya kailangan pang mag-isip. He was her enemy. Pero nang mga oras na iyon, parang ito lang ang matibay na pader na masasandigan niya. She didn’t mind if her defenses were down. She felt at ease with her cheeks pressed against his chest. Parang wala na siyang kailangan pang alalahanin.
“Thank you, Reichen.”
Di na nito narinig pa ang pasasalamat niya. He was already sleeping like a baby. Ipinikit na rin niya ang mata at hinayaang igupo ng antok.
MATAPOS ang ilang araw na pag-aalala ay nakahinga na nang maluwag si Saskia. Nasa recovery room na si Artemis. Maganda ang naging respond nito sa operasyon at parang naging normal ang kondisyon nito sa dapat ay maselang operasyon.
“It must be a miracle. For a minute, akala ko babawiin na siya sa atin. I was so scared. Sabi na nga ba at lalakas siya oras na malaman niyang nandito si Saskia. Mabuti na lang nasabi ko sa kanya,” kwento ng mama niyang si Agnes sa papa niyang si Theos.
“Mabait ang kapatid ko. She deserves to live longer,” anang si Theos at hinaplos ang buhok ng natutulog na si Artemis. “She’s still silly. Mahal na mahal niya ang buhok niya. Iri-risk daw niyang mamatay sa operasyon kaysa naman daw mabuhay siya nang lagas na ang buhok niya.”
“She’s one strong woman. Sakit niya ang matatakot sa kanya,” aniya at hinaplos ang kamay ni Artemis. “Hindi na rin ako magtataka kung babawiin niya sa akin ang management sa equestrian center. She’s a survivor.”
“Agnes, gusto mong ipagluto kita crab soup pag-uwi natin mamaya?” malambing na tanong ng papa niya. “Then I will make some stuffed squid.”
“Thank you, Theos,” wika ni Agnes at yumakap dito.
“Why don’t you take Mama home, Pa? Kami na po ni Reichen ang magbabantay dito. Halos wala na kayong tulog ni Mama,” prisinta niya.
“Bahala ka na sa tita mo, hija,” anang si Theos.
Pumunta muna sila sa cafeteria nang dumating ang nurse at doctor para I-monitor si Artemis. Limitado lang din ang oras nila para dalawin ito.
“Your parents look so sweet. Parang nasa honeymoon stage pa lang sila,” komento ni Reichen habang nagkakape sila.
“You can say that again. Siguro ngayon pa lang ang honeymoon stage nila. Noong bata pa ako, walang ginawa si Mama kundi ilayo si Papa sa mga babae niya. Lagi kong nakikita na umiiyak si Mama.”
“You are not close to your father.”
Mariing nagdikit ang labi niya. “Parang di kasi ako nag-e-exist sa buhay niya. Nagrerebelde si Papa dahil nabuntis si Mama sa akin at napiltan silang magpakasal. Si Mama naman umikot ang buhay kay Papa. Mabuti na lang nandoon si Tita Emie. She took care of me. Parang siya na ang nanay ko.”
“Don’t you believe that your father loves your mother?”
“Bakit? Dahil magkasama pa rin sila dahil matanda na sila.” Umiling siya. “I don’t think it is love. Bumalik lang si Papa kay Mama dahil alam niyang si Mama lang ang tatanggap sa kanya kahit na matanda na siya. And my mother is stupid!”
Ngumiti ito. “Naniniwala ako sa love. I can see it in my parent’s eyes everytime they look at each other. Maiinggit ka talaga.”
For a womanizer, she never thought that he would believe in love. Baka ang pag-ibig dito ay dapat na isine-share. Not the monogamous type.
“What is love for Reichen Alleje?”
“When you do something for a person without being asked. O kaya nagbibigay ka at di ka humihingi ng kapalit. Kapag nagiging irrational ka na sabi ng isip mo pero masaya pa rin ang puso mo. When you are starting to look stupid but you don’t give a damn. Basta sinusunod mo lang ang nararamdaman mo.”
Nangalumbaba siya. “How romantic! Who would have thought that Reichen Alleje has that insight on love.”
“Sa iyo ko lang sinabi iyon. Huwag mong ipagkakalat.”
“You are lucky. Alam mo kung ano ang pagmamahal. Mas tao ka pa yata kaysa sa akin.” At kung magmamahal ito nang totoo, maswerte ang babaeng iyon. He may be a playboy but he knew how to take care of his woman.
“Once you find the right person and you feel it, you’ll know what I mean. Anumang pangit na tingin mo sa mundo mababago.”
“I will never be a slave of love.” She owned her self. Di niya hahayaang maging pag-aari ng iba ang puso niya.