“Reichen, saan tayo pupunta?” tanong ni Saskia nang maalimpungatan sa pagkakaidlip. Mukhang nasa highway na ang sasakyan nila.
“Matulog ka lang. Magsisimba lang tayo.”
Napagod siya sa shooting nila kaya naman di na niya napigilan ang antok niya. Umaga na natapos ang party kaya nagpahatid na siya.
Except for the embarrassing kiss, the whole experience was rewarding. Di lang dahil makakatulong siya sa pagpapaunlad ng riding school at ng future ng horse sports sa bansa. Mas nakilala rin siya ng maraming tao bilang tunay na Saskia. Na hindi siya isang amazona o isang man hater.
Muli niyang ipinikit ang mga mata. She was rewarded with so much in her life. Dapat lang siguro na magpasalamat siya. Isa pa may gusto rin siyang hilingin. It was crazy. She wanted to be with Reichen at all times. Kahit siguro di na matapos ang pagiging slave niya basta lagi silang magkasama.
Nang idilat niya ang mata ay nasa Ninoy Aquino International Airport na siya. “Reichen, anong ginagawa natin dito?”
“Magsisimba,” sagot ulit nito.
“Magsisimba sa airport?”
“Siyempre sa simbahan.”
Maya maya pa ay nakasakay na sila sa Lear Jet na pag-aari ng pamilya nito. Di nito sinabi kung saan sila pupunta. “Reichen, di naman siguro tayo magsisimba sa St. Peter’s Basilica. Pwede namang sa Baclaran na lang.”
Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa balikat nito. “Bakit ba marami kang tanong? Sa lahat ng slave, ikaw ang matanong. Matulog ka na lang.”
Dahil ilang araw na walang tulog ay buong flight siyang nahimbing. Nasa Vienna, Austria na sila ay di pa rin nito sinasabi kung ano ang pakay nila doon. Nagpahinga sila sa Astoria hotel. Makalipas ang ilang oras ay kinatok siya nito sa connecting door ng kuwarto niya.
“How’s your sleep? May jetlag ka ba?”
Umiling siya. “Saan ba tayo pupunta?”
“Magsisimba. You have an hour to prepare.”
May luggage siya at laman niyon ang mga damit niya. Mukhang kinasabwat nito ang mga kaibigan niya pero di niya alam kung para saan.
“Masyado namang malayo ang pagsisimbahan natin. Vienna, Austria pa. May milagro ba dito? Dito ka ba namamanata. Masyado ka namang magastos mamanata,” sabi niya nang nakasakay na sila sa rented car nila. “Hindi ko alam na palasimba ka pala.”
Pumasok sila sa Hofburg, ang Imperial Palace ng Vienna. Sa compound din na iyon matatagpuan ang Spanish Riding School. Maya maya pa ay humimpil sila sa Burgkapelle, ang medieval chapel ng palasyo.
Di sila nagkikibuan ni Reichen habang nagsisimba. She was surprised when she heard the angelic voice of the Vienna Boy’s Choir. Namasa ang luha sa mata niya. Hindi niya alam kung bakit siya naiiyak.
“It has the same effect on me,” bulong ni Reichen sa kanya. “Kapag pumupunta ako dito para magsimba, lagi na lang akong mag-isa. Alam mo ba na ayokong may kasamang ka-date kapag nagsisimba ako?”
“Because you want to be alone.”
Nilingon siya nito. “I don’t want to be tied down. What if the girl would take it as a sign? Na ako ang lalaking pakakasalan niya. That would mean trouble, Saskia. Baka pilitin pa ako ng babaeng iyon na pakasalan siya. I know how you girls are when it comes to sign. Gagawin ninyo ang lahat para maipilit lang ninyo ang nakikita ninyo sa bawat sign.”
Di siya makakibo. Bakit nito sinasabi sa kanya ang mga bagay na iyon? Para hindi na siya umasa? Bumitiw siya sa kamay nito. She guessed that her wish won’t come true after all. Masyado na ba siyang nagiging malapit kay Reichen at nate-threaten na niya ang bachelorhood nito?
She couldn’t say that she won’t be a threat. Heto nga at hinihiling na niya na lagi silang magkasama. Should she stay away from him from now on?
Matapos ang misa ay naglakad-lakad sila sa premises ng palasyo. Isa-isa nitong itinuturo ang mga lugar sa imperial palace pero parang wala siyang naririnig. Mabigat na mabigat ang pakiramdam niya.
Naging importante na sa kanya si Reichen. She tried to stop it. Alam niyang masasaktan siya. But how could she spare herself from pain?
“Reichen, hanggang kailan mo ba ako magiging slave?”
“Bakit? Napapagod ka na ba na kasama ako?” tanong nito.
“No. I enjoy being with you. Pero hindi ko lang alam kung ano ba ang gagawin ko para sa iyo. Wala ka namang hinihingi na kahit ano sa akin.”
Tumitigil ito sa paglalakad at hinawakan ang mga kamay niya. “Isa lang naman ang gusto ko, Saskia. I want you to love me.”
Kumurap siya habang nakatitig dito. “Pardon?”
Inilapit nito ang mukha sa kanya. “Please love me, Saskia.”
Pagak siyang tumawa. She wanted to slap his face. Hindi kasi iyon magandang biro para sa kanya. “Are you asking that as a master to a slave?”
“Do you think I ever treated you as a slave, Saskia?”
Umiling siya. “I don’t know.” Naguguluhan kasi siya sa ipinapakita nito. Wala itong kahit anong hiningi sa kanya. Hindi rin siya nito sinamantal sa kabila ng kasunduan nila. Kung nakakasama man niya ito, iyon ay dahil gusto niya. Subalit di niya alam kung sumasama ito sa kanya dahil alipin ang tingin nito sa kanya.
Ikinulong nito ang mukha niya sa palad nito. “Saskia, look at me. I do things for you because I want to. Gusto kong tumawa ka di dahil inutos ko kundi dahil masaya ka kapag kasama mo ako. And if you will love me, I want you to love me freely. Not because I asked you to but because that is how you feel.”
“Yes, I am happy when I am with you. Pero bakit kailangan mong hilingin sa akin na mahalin ka?”
“Lahat ng nakilala kong babae, sinasabi na mahal nila ako. Sa iyo lang ako nakaramdam ng urge na mahalin ako.”
“Reichen, you are asking too much!”
“Natatakot ka pa rin bang magmahal? O di ka pa rin nakakaramdam?”
Taas-noo niyang sinalubong ang naghahamon nitong mata. “What if I love you, Reichen? Will it do well for your ego?”
“Ego? Ang alam ko wala nang halaga sa akin ang ego ko mula nang makilala kita. Of all the woman I know, you are the only one who made me feel like a mortal. That I bleed. That I hurt. Sa ibang babae, ginagawa ko ang anumang magpapasaya sa kanila dahil sinasabi nila. But with you, it is different. With just one look at me, I do things for you without being asked. Kahit na di mo pa hingin. Kahit na naiinis ka dahil pakialamero ako. Kahit na ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa iyo. I gave up my pride. Kahit na sabihin pa nilang under ako ng amazona. I don’t really care even if they laugh at me for following you like a lovestruck puppy.”
Ano ba ang nangyayari dito? Di niya iyon nakikita noon. For her, he was just a nuisance. Dumating sa buhay niya para sirain ang araw niya. Nang makita na niya ang magagandang qualities nito, masyado na siyang nalunod sa sarili niyang emosyon para pag-isipan pa ang nararamdaman nito sa kanya.
“You are insane, Reichen!”
He pressed his lips against her forehead. “I think I love you, Saskia. And I want in this world is for you to love me, too.”
“Is that a command from the master to a slave?”
“No. Just from a man to a woman who wants to love him back.”
She stared at him for a long time. She could see the intense emotion in his eyes. He was begging. He didn’t even have to beg. Reichen Alleje was the man who could get whatever he wanted without asking. And he was asking for her to love him back? It must be so real.
Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Saskia, please don’t say no. Hindi ako nagbibiro nang sabihin kong mahal kita. Idinala na nga kita sa simbahan para patunayan na mahal kita. Di na ako natatakot kahit pikutin mo pa ako. Damn it! You are the only woman whom I want to be with me every single day of my life.”
“Reichen, you don’t have to swear! Kasisimba pa lang natin.”
Natutop nito ang bibig. “I am sorry.”
Gumuhit ang ngiti sa labi niya at yumakap sa leeg nito. “You don’t have to ask for it. You already have my heart. I love you.”
Sumigaw ito sa tuwa at hinapit ang baywang niya. He was so happy that he didn’t care that they were in a public park. When their lips met, she was so emotional. Naramdaman na lang niya na tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha niya. Wala na siyang kailangan pang itira para sa sarili niya. Isinuko na niya dito ang puso niya. She already crunched down her defenses to let him into her life.
“Saskia, bakit ka umiiyak?” tanon ni Reichen. “Tears of joy?”
“Anong tears of joy? Sino ang may sabi na natutuwa ako?”
“I love you and you love me. Di ba dapat matuwa ka nga?”
She pressed her cheek against his chest. “I surrendered my heart to you, Reichen. I gave up my last defense. Natatakot ako.”
Hinaplos nito ang buhok niya. “Don’t cry, Saskia. It is killing me.”
“This is so new to me, Reichen. Sabi ko, pwede mo akong maging slave sa kahit na ano. I don’t want to be a slave of love.”
“Your heart is safe with me.”
Tiningala niya ito. “Totoo?”
“Bakit ba lagi kang walang tiwala sa akin?”
Pinahid niya ang luha niya. “Siguro takot lang akong maniwala na may magmamahal nga sa akin. Na may magsusuko ng pride niya para sa akin. Na may lalaking handang alagaan ako.”
“Saskia, nagsimba na nga tayong dalawa. Nagdasal ako kanina. Sabihin mo lang sa akin na mahal kita, hinding-hindi kita sasaktan. Hinding-hindi ka rin iiyak sa akin. Kaso umiyak ka pa rin.”
“I just can’t control my emotions when you are around.”
She couldn’t believe that he loved her. Sa tingin kasi niya ay isang laro lamang ang lahat para dito. At tulad din ito ng papa niya. Na laruan lang ang mga babae. At mananatili lang ito sa tabi ng isang babae kapag iyon na lang ang natitirang nababaliw dito at alam nitong mag-aalaga dito sa pagtanda nito.
Reichen was different. He proved that he would willingly give up everything for her even his own pride. Para sa kanya kasi ay iyon ang pinakamatinding bagay na di basta-basta isusuko ng isang lalaki maliban kapag nagmahal ito.
“From here, we will visit my parents in Madrid. Hindi ko na hihintayin na ipakilala pa ni Kuya Reid ang pakakasalan niya. Baka uugod-ugod na tayo, wala pa rin siyang ipinakikilala sa parents ko.”
“I have to tell Tita Emie about us.”
“Siyempre dadalawin din natin siya. Matutuwa kaya siya kapag nalaman na ako ang boyfriend mo?”
“Yes. Ang importante sa kanya hindi mo ako lolokohin. And for biological reasons as well…”
Kumunot ang noo ni Reichen. “Anong biological reason?”
Lumabi siya. “Para sa amin na lang iyon.”
Niyakap siya nito. “Finally. My dreams will come true.”
“Teka, ano ba ang dream mo?”
“Ang maki-share sa dream mo.”
“Di ba dream mo na habulin ng maraming babae?”
Pinisil nito ang ilong niya. “Silly. I want to spend my lifetime with the woman who made me dream again.”
“I love you, Reichen.”
She couldn’t believe that she conquered his heart. Maaring magalit sa kanya ang fan’s club nito. Maaring tawagin pa rin siyang amazona. But she didn’t care. She felt complete when she was with him.
Isa lang ang ikinatatakot niya ngayon. Ang mabuhay nang wala si Reichen sa tabi niya. But she promised that he wouldn’t leave her ever.
DI MAGKAMAYAW ang sigawan sa dressage arena ng Artemis Equestrian Center matapos mag-perform ang mga estudyante ni Saskia. It was sponsored by Stallion Shampoo and Conditioner. Hangang-hanga ang mga manonood. Both the young girls and boys were praised.
Niyakap siya ng mga estudyante niya. “You did great!” aniya at isa-isang hinalikan ang mga ito.
Matapos lumabas ang commercial niya kasama si Reichen ay sunud-sunod ang naging interview niya. Di lang nai-promote ang riding school kundi maging ang dressage lessons niya. Nagkaroon din ng campaign para iangat ang equestrianism sa bansa. It got nationwide attention. Marami na ang nag-o-offer ng tulong sa boarding riding school niya. Soon, Artemis Equestrian Center would be the mecca of all the horse sports class.
“Thank you, Saskia,” wika ni Artemis nang lapitan niya. “Natupad mo na ang higit pa sa pangarap natin.”
“This is for you, Tita. And I will do my best. Marami pa akong plano para sa equestrian center. You’ll see.”
Maganda ang naging epekto ng treatment nito kaya naman nagawa na nitong makabalik sa Pilipinas. Dahil sa improvement na nakita sa riding club ay lalo pa itong lumakas. Hiling nga niya ay magtuloy-tuloy pa ang paggaling nito.
“Congratulations, Saskia!” bati sa kanya ni Neiji. “I will sponsor your students for the upcoming Asian championships as well.”
“Thank you, Sir Neiji.” Kung di dahil sa opportunity na ibinigay nito at ng Stallion Shampoo sa kanya ay mahihirapan siyang maabot ang pangarap niya.
“Pwede ba nating pag-usapan ang susunod na commercial?”
“Excuse me, Mr. Villaranza,” singit ni Reichen. “I think this is not the right time to discuss that. May importante pa kaming pag-uusapan ng girlfriend ko.”
Hinampas niya ang braso ni Reichen pagtalikod ni Neiji. “Importante ang sinasabi niya. Di naman ata importante ang sasabihin mo.”
Kinintalan siya nito ng halik sa labi. “I love you.”
Nagulat siya. “Iyon lang?”
“Hindi ba importante iyon?” tanong nito.
Natawa siya. “Yes, it is. Pero nasabi mo na sa akin iyan kanina.”
“Gusto mo bang magsimba ulit tayo?” tanong nito.
“Sa Vienna ulit?” Tumango siya. “Sige, kapag di na tayo busy.”
Tinitigan siya nito. “The next time I bring you to Vienna, it would be our wedding. And I will ask the Vienna Boys Choir to sing for us.”
Niyakap na lang niya ito. She was so stunned to say anything. Reichen intended to marry her. Stallion Riding Club’s most notorious playboy wanted to tie a knot with her. “M-Mahal ang wedding sa Vienna, Reichen. Mahal din kung Vienna Boys Choir pa ang kakanta para sa atin.”
He sealed her lips with a kiss. And she knew the answer right away. She was the most important thing in his life. And even if it would be a costly wedding, everything would be all worth it. Dahil siya lang ang babaeng mamahalin ni Reichen at ihaharap sa altar.