Tamara valued her independence so much. She was roaming the animal kingdom saving lives. Walang anumang nagtatali sa kanya. At malabo sa isipan niya ng magmahal. Convenient iyon para sa tulad niya na di naranasang mahalin.
Pero sa minsan niyang pagpunta sa Stallion Riding Club, inani niya ang galit ni Reid Alleje. Para makabawi dito ay veterinarian siya ng riding club. And once more, she was unwelcome. Wala siyang natanggap kundi hostility mula sa mga miyembro nito na galit sa kanya.
Reid Alleje made the matters worse with his sweet kisses.
Wait! It was not a part of their deal. Dahil wala siyang plano na isuko ang katinuan ng isipan niya o ang puso niya. Pero kaya ba niyang pigilan ang sarili?
“Are you sure about your plan, Tamara? Hindi biro-biro ang kasunduan na gusto mong pasukin, hija,” nag-aalalang wika ni Attorney Cabral, ang family lawyer ng pamilya Trinidad.
“Yes, Attorney Cabral,” aniya sa kalmanteng boses. Di siya kakikitaan ng kahit anong pag-aalinlangan o pagbabago ng isip.
Nasa hotel suite siya ng abogado sa Los Angeles. She was there to take up Veterinary Medicine. Mahilig kasi siya sa mga hayop. Pumunta ito doon para personal niyang makonsulta sa mga plano niya.
“You still have five years to keep the land at the lakeside. Marami pang pwedeng mangyari.”
“I have to do this for my mother’s memory.”
Kamamatay pa lang ng lolo niyang si Don Ponciano Trinidad. Sa dami ng kayamanan nito, ang tanging iniwan nito sa kanya ay ang trust fund niya na nagkakahalaga ng dalawang milyon at ang lupa nila sa Batangas na nasa tabi ng Taal Lake. Di productive ang lupain sa tabi ng lake. Di tulad ng mga real estate properties nito na ipinamana nito sa Auntie Ediza niya at sa pinsan niyang si Zyrene. Her grandfather only kept it for her mother’s memory. Iyon ang lugar na gustong puntahan ng namayapa niyang ina tuwing gusto nitong magpinta.
Di niya maaring ibenta ang lupain o I-develop maliban na lang kung makakapag-asawa na siya. At sa edad na dalawampu’t lima at wala pa siyang asawa ay mapupunta sa Auntie Ediza niya at sa pinsang Zyrene ang lupain niya.
“Hindi ko alam kung bakit kailangan pa itong gawin ng lolo mo. I told him it is ridiculous. Hindi ka niya kailangang pahirapan nang ganito.”
“We both know that my grandfather isn’t really fond of me.”
Anak siya sa pagkadalaga ng bunsong anak ni Don Ponciano. Namatay ang mommy niya sa panganganak sa kanya. Simula noon, di siya nakaramdam ng affection o pagmamahal mula dito. Oo nga’t binibigyan siya nito ng lahat ng pangangailangan niya. Pinag-aral siya sa magandang unibersidad at maari din niyang mabili ang mga bagay na gusto niya basta hilingin lang niya. Sa palagay niya ay ginagawa lang nito iyon dahil sa responsibilidad.
“Ayaw lang niyang matulad ka sa mommy mo.”
Mapait siyang ngumiti. “I am not my mother.” She won’t be stupid enough to fall in love. NI wala nga sa bokabularyo niya ang mag-asawa.
“Yes, you are wiser than her. Pero di rin ibig sabihin kailangan mong pakasalan si Reid Alleje. He might not agree with your plans. He is a proud man. And you are still young. Baka di ka niya seryosohin.”
Nagkibit-balikat siya. “I may be twenty but I can face him. I have everything he needs. He wants to buy my land so he has to agree with my terms. After all, wala rin naman akong choice. Nakatali rin ako sa testamento ni Lolo Ponciano.”
Reid Alleje was a young businessman who was interested with the lakeside property. Matagal na itong nakikipagnegosasyon sa lolo niya hanggang nakamatayan na ng matanda. Ngayon ay siya na ang kailangang makipag-usap dito.
“Gusto mo bang samahan kita sa pakikipag-usap sa kanya?”
Nakangiti siyang umiling. “Thank you, Attorney. I can handle him myself. Huwag kayong mag-alala. Kaya ko po siyang harapin. Wala namang masama kung magkaharap na kaming dalawa nang kami lang.”
Lagi na lang si Attorney Cabral ang nakikipag-usap kay Reid. Nakita na niya ang larawan ng lalaki sa isang magazine na dala ni Attorney Cabral kung saan nai-feature ang angkan ng mga Alleje. Pero di pa niya nakakaharap ang binata sa personal. Sa pagkakataong iyon, di niya kailangan ng pag-alalay ng iba. Kailangan niyang ipakita kay Reid Alleje na siya ang kumokontrol sa sitwasyon.
Tinanggal ni Attorney Cabral ang suot na salamin at isinuot muli. Di ito mapakali. “Kung may ibang paraan lang sana para di makuha ng Auntie Ediza mo ang lupa nang di mo kinakailangang magpakasal.” `
“Pag-iinteresan pa ba nila ang lupain ko, Attorney? Iyon na nga lang ang pamana sa akin ni Lolo. Ang mansion, ang hacienda, ang mga kotse pati ang iba pang lupain ni Lolo sa kanila na napunta. Alikabok lang ang nakuha ko.”
Sa pamilya, ang Auntie Ediza niya ang laging pinapaboran at ang pinsan niyang si Zyrene ang paborito ng lolo niya. While she was nothing. At habang namomoroblema siya at patuloy na nagluluksa, nasa world tour naman ang tiya niya at pinsan habang nilulustay ang kayamanan ng lolo niya.
“Alam ko na unfair sa iyo, hija.”
“Nagpapasalamat ako kay Lolo dahil iniwan niya sa akin ang alaala ni Mommy. And I will do everything to keep it.”
“But marrying someone you barely knew…”
Inilahad niya ang palad. “Nagawa na po ba ninyo ang kontrata?”
Napalunok ang abogado at tumango. “Yes, hija. Sinunod ko ang gusto mo.”
Gumuhit ang ngiti sa labi niya habang binabasa ang kontratang ipinagawa niya. Sa pamamagitan ng kontratang iyon, siya na ang magpapatakbo sa buhay niya. Wala nang sinuman ang maari pang kumontrol sa buhay niya.
DI MAKAALIS si Tamara sa lobby ng hotel. Its forest ambiance really got her. May mga halaman sa paligid at may mga buhay pang ibon na nakadapo sa puno. Iyon ang nagsilbing attraction ng hotel. As if she was in some exotic spa. Iyon ang nagsilbing attraction sa lugar na iyon. Dahil maaga pa naman para sa meeting niya kay Reid Alleje sa hotel ding iyon ay na-ikot-ikot muna siya.
Di niya maiwan ang kakaibang species ng macaw na galing pa sa Amazon jungle. She was really fascinated with those kinds of animals. Iyong mga hayop na di basta basta makikita. Pangarap nga niyang bumiyahe sa buong mundo at tumulong sa pagsagip sa iba’t ibang mga hayop. Matutupad kaya niya iyon?
“Miss Trinidad?” untag sa kanya ng boses ng isang lalaki.
Lumingon siya. “Yes?”
Natulala siya nang mapagmasdan ang tumawag sa kanya. He was a very rare and exotic male specie. He was tall just like every man around. Natural na sa Amerika na matatangkad ang mga tao. But this man stood out with his Spanish features. His face was chiseled which gave him a very strong aura. His unsmiling lips only made him more formidable. His eyes were coal black. They looked cold but it made her feel hot all over. Well, he was definitely hot with that bronzed skin. She could imagine him running all over the jungle without a stitch on.
Namula siya sa tinatakbo ng isip. Mas sanay siyang mga hayop ang dina-dissect sa isip. She never bothered with men before. But this man aroused primitive instinct within her. Ano ba ang nangyayari sa kanya?
Inilahad nito ang palad. “I am Reid Alleje.”
Reid Alleje? Reid Alleje?
Natigagal siya dito. “Uh! Mr. Alleje,” gulat niyang bulalas.
Ito na ba si Reid Alleje? Those pictures didn’t do him justice. She was not prepared for the onslaught of peculiar emotions that she felt when she saw him. Nakakawala pala ito sa sarili sa personal.
“You seemed surprise to see me.”
Tumikhim siya at hinamig ang sarili saka ito kinamayan. She felt that small pressure when he shook her hand. Nanlalambot ang tuhod niya. Anong nangyayari sa kanya? Di na siya umaakto ng normal. Sa pagkikita nilang iyon, dapat siya ang mas composed. Ipapakita niya na siya ang may hawak ng alas. Pero di pa sila nagsisimula ay nanlalambot na siya.
Get hold of yourself, Tamara. Lalaki lang iyan. Hahayaan mo bang masira ang mga plano at pangarap mo dahil sa lalaking iyan? sermon niya sa sarili. Napakabigat naman ng pagsubok niya sa buhay. Bakit ganito pa kaguwapong lalaki ang kailangan niyang harapin? Kaya ba niyang maging pormal dito mamaya?
Sinulyapan niya ang relong pambisig. “Am I late?”
Her future was at stake with that talk. Di siya pwedeng papatay-patay.
“No. It is still early. I just saw you on my way to La Plaza.” Ang La Plaza ang restaurant ng hotel kung saan sila magkikita. “Shall we go now?”
Tumango siya at nagpatiunang maglakad. Inalalayan siya nito sa siko. It was a very formal and restrained touch. But she felt a tingling sensation.
She stopped herself to cringe. Pinilit niyang gawing walang ekspresyon ang mukha niya gaya ni Reid. According to Attorney Cabral, Reid Alleje was a man with a very strong personality. When he was after something, he would surely get it no matter what. Even his colleagues cower in his presence. Di biro-biro para sa isang babae na humarap dito.
“I already took the liberty of ordering the food for us,” wika nito pag-upo nila.
“Huh! But…”
“I know that you are a vegetarian. So I asked them a very special meal for you. Don’t worry, the chef assured me that it is the house’s specialty.”
He was so domineering and it annoyed her a bit instead of impressing her. Ayaw kasi niya ng pinangungunahan siya. “Pina-imbestigahan mo ba ako?”
“No. I just don’t want to waste time. We have a serious business to discuss. Anyway, we can discuss it over dinner.”
“That’s my idea as well,” she said in a formal voice. Everything about him was business. Kung ibang lalaki siguro ay baka bola-bolahin pa siya. But not him. He wasn’t a bit interested to her as a woman.
The food was sumptuous. The thick sauce had just the right sweetness the way she liked it. It was made for meat. Nagsilbing meat ang gluten o veggie meat. Mukhang alam nga ni Reid ang gusto niya.
“I guess Attorney Cabral told you about my proposal,” panimula nito habang kumakain sila.
“Yes. The Stallion Riding is a very big project indeed. I am impressed.”
The Allejes had this very large farm. It served as a home for different excellent breed of horses from all over the world. Kaya naman naisip ni Reid na gumawa ng isang sanctuary para sa mga kabayo. A riding club. But it would be a home and a paradise for rich and popular men, where they could relax and do what they want. Twenty-one pa lang ito nang simulan nito ang pagde-develop sa Alleje Farm. He used his vast inheritance from his grandfather from Spain. Isinakripisyo nito para sa ambisyoso nitong project.
“It is almost complete. Except for the lakeside part.” He showed her some of the pictures of the developed parts. There were villas and excellent riding centers. Pati na rin state of the art horse facilities. With its lush greeneries, the riding club really looked like a paradise. “All we need is your land so we can complete the project. So perhaps we can discuss the terms now.”
“I am afraid I can’t sell the land to you, Mr. Alleje.”
Mukhang di naman ito nagulat sa sinabi niya. “Maybe the price is not high enough. I am willing to double the price. Or even triple it.”
“Hindi naman presyo ang problema natin. My grandfather left me a testament. Di ko pwedeng galawin, I-develop o ibenta ang lupa.”
Dumilim ang anyo nito. “No! No! He can’t do that! I need that parcel of land,” mariin nitong wika. “It will ruin my whole project.” Nakataas ang noo nito nang tumayo. Ano ba ang laban nila sa naiwang testamento ng matanda? It couldn’t be undone. “So this talk is talk is useless after all. Nice doing business with you, Miss Trinidad,” he said in a composed manner. He didn’t act like a sore loser.
“I can still help you, Mr. Alleje.”
Umupo ito. Bahagyang sumilay ang pag-asa sa mga mata nito. “How?”
“You will have the liberty to use my land as husband.”
A flicker of surprise shone in his eyes. Subalit saglit lang iyon. As if nothing could faze him. “So I have to marry you?”
Tumango siya. “Yes. Magkakaroon lang ako ng karapatan na kontrolin ang property kung mag-aasawa ako. Kung ako ang masusunod, wala akong planong mag-asawa. The land could stay at its state right now and I won’t care a bit. And it’s up to you if you don’t want to marry me.”
Gusto niyang iparamdam dito na ito ang may kailangan sa kanya. Na dapat pa nga itong magpasalamat sa suggestion niya.
“I am considering it.” Subalit nakikita niya na gusto nitong tanggapin ang option niya. Ang milyon-milyon nitong project ang masisira. Isang malaking attraction ang plano nitong pagde-develop sa tabi ng lake.
“While you are at it, you can also study our pre-nuptial agreement.”
Nakakunot ang noo nitong pinagmasdan ang kontratang ipinagawa niya. “We can’t get an annulment until you are twenty-six. Why?”
“Nakalagay sa testamento ni lolo na kapag wala akong asawa kapag nag-twenty-five ako, ibibigay niya sa Auntie Ediza ko ang pamana niya sa akin.” At di siya papayag na mapunta dito ang nag-iisang pamana ng lolo niya sa kanya. Mabuti nang hayaan niya iyon kay Reid Alleje dahil tiyak na mapapangalagaan nito.
Tumango-tango ito. “I get it.” Naningkit ang mata nito sa sumunod na clause ng kontrata. “Hindi tayo magsasama sa iisang bubong?”
“Why are you shocked, Mr. Alleje? You have your own life and I have mine.” Nasa Amerika pa siya at nag-aaral. “Our marriage doesn’t have to change anything. Di naman hinihingi na magsama tayo bilang mag-asawa. Ang hinihingi lang ng testamento ay makasal ako.”
“So it is just a marriage in papers only?”
“Exactly!” Nakangiti niya itong pinagmasdan habang ipinagpatuloy nito ang pagbabasa. Kung tutuusin nga ay pabor dito ang kontrata na iyon. Di nito kailangang intindihin ang asawang tulad niya.
“If I can’t buy your land, what will that make you?”
Napaisip siya. “A secret partner perhaps.”
Mariing nagdikit ang labi nito. “Lady, I will be the sole owner of the Stallion Riding Club. And there is no way in hell that I will have a lady business partner.”
“Wala naman akong alam sa business. Formalities lang naman ang pagiging partner ko. I will be a silent partner. Hahayaan kitang magdesisyon sa lahat. And besides, di ko rin pakikialaman ang kayamanan mo. What’s yours is yours and what’s mine is mine.”
“Then I will send your part in your account.” Bumuntong-hininga ito. “I will retain a specific part of the property.”
“May log cabin na paborito ng mommy ko. Nasa gilid naman iyon ng property. I want to preserve it for her memory.”
“Walang problema sa akin ito. I can make an adjustment.” Inilapag nito ang kontrata sa mesa. “This contract looks fine with me. However, you overlook some situations. Paano ang boyfriend mo?”
“Wala akong boyfriend. At wala akong planong magka-boyfriend. Kung talagang inalam mo ang lahat sa akin, dapat malaman mo na hindi ako interesado sa mga lalaki. All I care about is my studies.”
“For now, yes. What if you fall in love?”
“You have the right to get an annulment. Pero sa palagay ko malabo iyon. I will assure you that you won’t have a problem with other men. I am faithful wife.”
“Let’s set the wedding.”
Napanganga siya. “Magpapakasal na tayo?”
“Yes. The sooner, the better. Do you want a grand wedding?”
Natawa siya. “Bakit pa? Wala namang dapat makaalam na kasal tayo. Ours will be a secret marriage. So we can get a quiet annulment afterwards.” Di na kailangan pang madamay ang mga pami-pamilya nila o iba pang tao.
Naitapik nito ang kamay sa table. “Oh, yes! I forgot.”
She was totally in control. Wala na itong gagawin kundi sumunod na lang sa lahat ng gusto niya. Lahat ay umaayon sa plano niya.
“We can get my lawyer as our witness. And we can also fly to Las Vegas or to Mexico for a quick wedding.”
“Whatever you want,” anito sa matigas na boses. “You had this all thought out, right?” Di ata natutuwang sunud-sunuran sa kanya.
“Business is business after all.”
Inayos nito ang necktie. “I want to add another clause in the contract. I am responsible for keeping an eye on you.”
“You don’t have to. I am old enough.”
“I just want to make sure that you are safe. As your husband…”
“You have no hold on me.”
Di nito pinansin ang pagtutol niya. “If you will do anything to taint my name, I will make sure that you will pay for it. More than the money, the honor of my family is very important to me.”
She wasn’t able to breathe when his coal black eyes met hers. As if she could see hell. Sweet hell. She should be careful. She shouldn’t mess up with him.
“I agree with your terms.” Di naman siguro siya gagawa ng makakasira dito.
Tumayo ito. “I will take care of our trip to Vegas tomorrow. I will fetch you tomorrow at your condo, Mrs. Alleje.”
Mrs. Alleje. Mrs. Tamara Alleje. It seemed odd. Pero magandang pakinggan.
But it would be only in name. Kahit kailan ay di niya magiging totoong asawa si Reid Alleje.